PBBM, iginiit na tutuldukan ang sistematikong korapsyon sa bansa; paghahain ng kaso vs. malalaking personalidad, asahan ayon sa Malacañang | ulat ni Kenneth Paciente
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Nanindigan naman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigilan ng kanyang administrasyon ang pagsubpo sa katiwalian sa bansa.
00:08Sa kabila ng iba't ibang kontrobersiyang kinakaharap ng gobyerno, may report si Kenneth Paciente.
00:16Hindi madali pero kailangang gawin.
00:19Iyan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anya'y walang patid na pagtugon ng pamahalaan sa sistematikong korupsyon sa bansa.
00:27Iginiit ng Pangulo, malinaw ang direksyon ng gobyerno, ang matuldukan ng katiwalian na inilarawan pa niya na nakagugulantang.
00:35Dagdag paanyar yan ang pagpuksa sa tila pang-aabuso ng ilan sa kapangyarihan.
00:57Punto pa ng punong ehekutibo. Mahabahabang laban ito pero hindi dapat ipagkibit balikat.
01:10Dahil kung hindi anya itututugunan, patuloy lang na mamamayagpag ang pang-aabuso.
01:15Humingi rin ang paumanhin ng presidente sa mga mamamayang Pilipino na nagdusa at naapektuhan bunsod ng malawakang korupsyon.
01:22So we have to go through that pain, go through the difficulty, go through the anguish that the country is going through now.
01:36But we're Filipinos. We may be bleeding now, but we will also heal very, very quickly.
01:43Punto niya, hindi itututulugan ng pamahalaan.
01:45There's very little time to do it in, but I really think, I mean, if we work 24-7 like we always have, I think we can do it.
01:55Nitong mga nakaraan, mismong ang Pangulo ang nagpapabatid sa publiko patungkol sa itinatakbo ng investigasyon sa flood control projects.
02:03Kabilang na riyan ang pagkakaroon ng arrest warrant kay Resigned Congressman Zaldico,
02:07na itinuturing na nasa likod umano ng mga insertions sa 2025 national budget.
02:11Ang Pangulo rin ang nagsiwalat sa umano'y pang ba-blackmail ng kampo ni Ko sa pamahalaan na huwag ikansela ang kanyang pasaporte,
02:18kapalit ang pagtigil naman nito ng pagri-release ng mga video.
02:22Bagaman may ilang puna, binigyang diin ang Presidential Communications Office o PCO na tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan
02:28sa pag-iimbestiga sa maanumalyang flood control projects.
02:32Sa isang panayam, sinabi ni PCO Secretary Dave Gomez na pinatututukan ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno
02:38ang pagkakaroon ng resulta sa investigasyon at hindi ang drama.
02:42Mas tutuka niya ang gobyerno sa pagpapanagot sa mga nasa likod ng katiwalian,
02:46pagpapabalik ng mga ninakaw sa kaban ng bayan at pagtutuwid sa baluktot na sistema.
02:52Sinabi rin niya na asahan ang paghahain pa ng mga karagdagang kaso sa mga susunod na araw,
02:57kasama na ang mga laban sa malalaking personalidad.
02:59Nitong November 18 ay nasampahan na ng kaso si COO at labinlimang iba pa,
03:03kaugnay ng substandard na flood control project sa Oriental Mindoro,
03:07at na-issue na rin ang arrest warrant laban sa mga ito.
03:10Sa ngayon, siyam sa mga akusado ay na-aresto na at dinala sa Sandigan Bayan,
03:15habang si COO at anim pang akusado ay nananatiling at large at tinutugis ng otoridad.
03:21Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang papel ng media sa pagpaparating at pagpapaliwanag sa isyo ng korupsyon sa publiko.
03:29It's not an easy thing to explain to the average citizen
03:33because they're not concerned about structural change and ideological ideas.
03:40They're just concerned with their everyday lives.
03:43But you have been there to help us to explain and to make people understand what we are trying to do.
03:50We need to continue to do that because we owe it to everyone.
03:56Kenneth, Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment