00:00Ngayon 2025, inilatag ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05ang mga hakbang para pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
00:08Samantala, pinating din ang pamahalaan ng paglaban at pagpapanagot sa mga sangkot sa korupsyon.
00:14Ang detalye sa report ni Kenneth Paciente.
00:19Isang taong puno ng mahahalagang hakbang sa diplomasya,
00:23reporma at paglaban sa katiwalian.
00:25Diyan sumentro ang buong taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:29Isa sa mga pangunahing advokasiyan ng administrasyon ang pagsusulong ng malinis at transparent na pamahalaan,
00:35particular sa pagtugis sa mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.
00:40Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong July 28,
00:44maring kinundina ng Pangulo ang katiwalian at nanawagan ng pananagutan.
00:48Sinundan ito ng personal na inspeksyon sa mga proyekto,
00:52paglulunsad ng sumbong sa Pangulo at DPWH Transparency Portal
00:56at ang pagpirma noong September 11 sa Executive No. 94
01:00na lumikha sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
01:04Inuutos din ang Pangulo ang pagri-realign ng flood control budget
01:08para sa mga prioridad na programa.
01:11Aktibo rin ang Pangulo sa pamumuno sa disaster response
01:14matapos ang sunod-sunod na kalamidad,
01:16kabilang ang mga bagyong nando,
01:18opong, tino at super typhoon U1,
01:20pati ang malalakas na lindul sa Cebu at Davao Oriental.
01:24Personal niyang binisita ang mga apektadong lugar.
01:26At noong November 6 ay nagdeklara ng isang taong State of National Calamity.
01:31Inilunsad din ang Oplan kontrabaha sa Metro Manila, Cebu at Bacolod.
01:37Sa sektor ng kalusugan,
01:38higit isang milyong Pilipino ang nakinabang sa Zero Balance Billing Policy
01:42at pinalawak na benepisyo ng PhilHealth,
01:45katuwang ang Yakap Health Caravans at Bukas Centers.
01:47Sa edukasyon naman,
01:50isinulong ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program bilang batas,
01:56reforma sa K-12,
01:57Early Childhood Care and Development System Act,
02:00dagdag na teaching posts,
02:01at pinalawak na Unifast Assistance,
02:04kasama ang transport discounts para sa mga mag-aarala.
02:08Pinagtibay din ang Social Protection at Food Security
02:11sa pamamagitan ng pinalawak na 4Ps,
02:13SSS Pension Reforms,
02:15Action Fund para sa OFWs,
02:17at mga programang tumutulong sa mga magsasaka tulad ng fertilizer distribution,
02:22makinarya at benteng bigas meron na.
02:25Pinabilis din ang digital transformation sa pamamagitan ng eGov PH Super App
02:30at servisyo hub sa San Juan,
02:32free Wi-Fi for all,
02:34at mas pinaiting na cyber security.
02:36Sa imprastruktura at transportasyon naman,
02:40ipinakilos ang Dalyan Trains para sa MRT-3,
02:43isinagawa ang airport upgrades at San Juanico Bridge Rehabilitation,
02:47at isinulong ang 100% electrification ng mga kabahayan.
02:50Dinala rin ang Pangulo at ng unang ginang ang servisyo ng pamahalaan sa mga OFW
02:56sa pamamagitan ng OFW Servisyo Caravan sa iba't ibang lugar sa ibang bansa.
03:02Sa usapin ng kapayapaan at kaayusan,
03:04pinalakas ang AFP at PNP,
03:06pinaigting ang kampanya laban sa iligal na droga sa mas makataong paraan,
03:10at inapurbahan ang dagdag sahod at subsistence allowance
03:13ng military at uniformed personnel simula 2026.
03:18Sa larangan ng diplomasya,
03:20pinalakas ang Pangulo ang ugnayan ng Pilipinas
03:22sa pamamagitan ng mga state visit,
03:24ASEAN at APEC engagements.
03:26Opesyal ding inilunsad ang ASEAN 2026 chairship ng bansa
03:30na may temang Navigating Our Future Together
03:33na nakatuon sa kapayapaan at siguridad,
03:35kaunlaran at kapangyarihan ng mamamayan.
03:38Sa kabuuan, ipinakita ng kasalukuyang administrasyon ngayong taon
03:42ang pamumunong na kabatay sa pananagutan,
03:44katatagan at malinaw na layuning pagandahin
03:47ang araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
03:50Kenneth, pasyente.
03:52Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.