Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Balikan ang isang linggong aktibidad na pinangunahan ni PBBM | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puno ng aktividad na naglinggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:03Kabilang narito ang pangungunan niya sa pagubukas ng Tunnel No. 5
00:07ng Anggat Water Transmission Improvement Projects sa Bulacan.
00:11May report si Kenneth Pasyente.
00:16Nagsimula ang linggo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:19sa pagbabahagi ng updates sa issue ng flood control projects
00:22kung saan sinabi niya na noong lunes lang,
00:25pito na sa mga itinuturong sangkot umano sa katiwalian
00:28ang hawak na ng otoridad.
00:30Nagkaroon din ang presko ng Pangulo kung saan inanunsyo niya
00:33ang pagbuo ng Transparency Portal at sumagot sa ilang issue.
00:37Martes, pinangunahan ng Pangulo ang inspeksyon ng Ningning 6.55MW
00:42Big Solar Rooft of Power Facility sa Pasinaya Homes Prime Central sa Naik, Cavite.
00:47Bawat bahay sa Pasinaya Homes sa may solar panels
00:50na lumilikha ng kuryente para sa grid.
00:53Mahalaga sa proyekto ang benefit-sharing model nito.
00:56Bahagi ng kita mula sa bentahan ng kuryente
00:58ay ibinabalik sa mga residente
01:00at ginagamit para pondohan ang mga pagkukumpuni ng bubong,
01:04paglalagay ng ilaw sa kalsada,
01:06pamamahalan ng basura,
01:07mga shared solar facility,
01:09at mga programang pangkomunidad.
01:12Binigyang diin naman ng Pangulo na panahon na
01:14para gamitin ang nuclear technology
01:15sa pagtugon sa polusyon sa kanyang pagdalo
01:18sa opening ceremony
01:19ng International Atomic Energy Agency
01:22International High Level Forum on Nuclear Technology
01:25for Controlling Plastic Pollution.
01:27Binanggit niya ang matibay na paninindigan ng bansa
01:30na isulong ang mga solusyong nakabatay sa siyensya
01:33at pinapagana ng teknolohiya
01:35para tugunan ang pagkasira ng kalikasan.
01:38Tinanggap ng chief executive ang letters of credence
01:40ng mga bagong talagang ambasador sa bansa.
01:43Hudyat ito ng opisyal na pagsisimula
01:44ng kanilang diplomatic tenure
01:46bilang kinatawan ng kanika nilang pamahalaan sa Pilipinas
01:49na nagpapatunay sa malasakit na palakasin
01:52ang bilateral relations
01:53at itaguyod ang mas malawak na international cooperation.
01:58Malugod ding tinanggap ng punong ehekutibo
01:59sa isang courtesy call si Director General Rafael Mariano Grossi
02:03ng International Atomic Energy Agency.
02:05Nasa Pilipinas si Grossi sa kauna-unahang pagkakataon para dumalo
02:10sa International High Level Forum on Nuclear Technology
02:13for Controlling Plastic Pollution na ginanap sa bansa.
02:16Iprinisinta naman sa Pangulo
02:18ang ASEAN 2026 10 Peso Commemorative Circulation Coin
02:22sa isang seremonya.
02:23Ilulunsad ng Banko Sentral ng Pilipinas
02:25ang 10 Peso ASEAN coin sa Enero 2026
02:28bilang paggunita sa papel ng Pilipinas bilang ASEAN chair
02:32at bilang pagpapatibay ng pamumuno nito.
02:34Sa pagpatnubay sa ASEAN region.
02:37Kinilala naman ng Pangulo
02:39ang mga natatanging local government units
02:41sa Subay Bayani Awards 2025.
02:43Ibinigay ang parangal sa siyam na LGU
02:45bilang top overall performers.
02:48126 bilang exemplars
02:50at 3 DILG regional offices
02:52bilang pagkilala sa kanilang matatag na kolaborasyon,
02:55tapat na proseso,
02:56at maagap na pagtugon
02:57sa pangangailangan ng kanilang bayan.
02:59Personal ding binisita ng Pangulo
03:02ang President Corazon C. Aquino General Hospital
03:04sa barangay 649 Baseco Port Area sa Maynila.
03:08Pinangunahan niya ang pamamahagi ng school bag
03:10na donasyon ng Office of the President
03:12para sa mahigit 1,500 kindergarten
03:14at grade 1 students
03:16sa Senator Benigno S. Aquino Jr. Elementary School.
03:20Pinangunahan niya rin ang inauguration
03:21ng San Lazaro Residences,
03:23isang 382 unit residential project
03:26na parte ng in-city vertical housing program
03:28ng siyudad ng Maynila.
03:30Malugod namang tinanggap ng Pangulo
03:32sa isang courtesy call
03:33si ASEAN Secretary General Dr. Kao Kim Horn.
03:36Sa pulong,
03:37tinalakay ang mga pangunahing prioridad
03:38at mga target na maipatupad ng Pilipinas
03:41sa ilalim ng tema ng ASEAN chairship
03:43na Navigating Our Future Together.
03:46Pinalawig din ang kooperasyon
03:48ng Pilipinas at Ukraine
03:49matapos ang pakikipag-usap ng Pangulo
03:51kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
03:54Natalakay ng dalawang leader
03:55ang pagpapalalim ng relasyon
03:57ng dalawang bansa na sumentro
03:58sa kooperasyon sa siguridad
04:00sa pagkain,
04:01agrikultura
04:02at digitalisasyon.
04:04Pinasinayaan din sa pangungunan
04:06ng Pangulo
04:06ang Tunnel No. 5
04:07ng Anggat Water Transmission
04:09Improvement Project
04:10sa Norizagaray sa Bulacan.
04:12Ayon sa kanya,
04:13isang malaking tagumpayang proyekto
04:15dahil pinalakas nito
04:16ang Umiray-Anggat-Ipo-Lamesa System
04:19na tumatayo bilang backbone
04:20sa pagsusuply ng tubig
04:22mula sa Anggat-Damp
04:23patungong Metro at Mega Manila.
04:25Kenneth Pasyente
04:27para sa Pambansang TV
04:29sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended