00:00Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-unita sa National Heroes Day ngayong araw.
00:06Dito, kinilala ng Pangulo ang mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa bansa.
00:10Bagi ang mga Pilipino sa kasalukuyang generasyon.
00:13Alang ulatin Kenneth Prasciente.
00:22Sa pagdiriwang ng araw ng mga bayani,
00:25kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay
00:30para matamasa ng bansa ang kasaringlan.
00:33Hindi rin anya dapat makaligtaan ang mga bayaning hindi naisulat sa pahina ng kasaysayan
00:37pero naging mitya ng paglaban para sa kalayaan.
00:41Karapat dapat din daw kilalanin ang mga Pilipino sa kasalukuyang generasyon
00:45na patuloy na naglilingkod sa kabila ng mga hamon sa buhay
00:48na patunay anyang nagpapakita ng diwa ng kabayanihan.
00:51Kinikilala rin natin ang mga Pilipinong tapat na naglilingkod,
00:56nagmamalasakit at nagmamahal sa ating bansa.
01:00Sila ang nagsisilbing paalala sa ating lahat
01:04na ang kabayanihan ay nananalaytay pa rin sa ugat ng bawat sa atin.
01:11Likas na sa Pilipino ang pagiging tapat,
01:14ang paglilingkod at pakikipagkapwa.
01:17Nakikita natin ito sa ating mga magsasaka,
01:20mga mangingisda, mga guro, healthcare worker,
01:23ating mga manggagawa.
01:25Ang kanilang araw-araw na paglilingkod sa kabila ng mga hamon
01:29ay patunay na buhay pa rin ang diwa ng kabayanihan.
01:33Naging laman din ang mensahe ni Pangulong Marcos Jr.
01:36ang usapin ng korupsyon at katiwalian.
01:38Kasunod yan ang isyo ng mga palpak na flood control projects.
01:41Sabi ng Pangulo, hindi dapat ito ipagkibitbalikat
01:45dahil giit niya ang korupsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan
01:49ay kalaban ng kalayaan.
01:51Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa
01:53ang kailangan natin tutukan upang maalagaan ating kalayaan.
01:58Kailangan din natin labanan ang banta
02:00ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan.
02:05Dahil hindi lamang salapi ang kanilang ninanaka
02:09kundi pati ang kalusugan, pangarap at kinabukasan
02:13ng mga susunod na henerasyon na Pilipino.
02:17Kaya't hindi natin dapat ipagwalang bahala
02:20ang maliliit na panlilinlang
02:22sapagkat kundi paulit-ulit,
02:25kung paulit-ulit, ito'y pinapalampas natin.
02:29Unti-unti nitong sinisira ang ating lipunan
02:32ng hindi natin namamalayan.
02:33Paniniguro ng Pangulo,
02:36may mananagot sa lahat ng lumutang na irregularidad.
02:39Pananagot din namin ang lahat ng sangkot
02:42sa anomaliyan at katiwalian.
02:45Ilalabas natin ang buo at pawang katotohanan
02:49at titiyakin natin hindi na maulit
02:52ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
02:56Kaya't magtulong-tulong tayo upang labanan ng korupsyon,
03:00labanan ng pag-aabuso sa tungkulin,
03:02labanan ang pag-iurak sa ating karapatan.
03:05Hinimok din ang presidente ang mga kabataan
03:07na maging gising ang kamalayan
03:09at ipinunto na dapat silang magabayan
03:11upang mas maging mapanuri sa suliranin ng lipunan.
03:15Kenneth, pasyente.
03:17Para sa Pambansang TV,
03:19sa Bagong Pilipinas.