00:00Muli ang binigandiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na una sa kanya ang pagsaservisyo sa bayan at pagtugon sa problema ng ating mga kababayan.
00:10Kaya naman agad umunin niyang inaksyonal ang mga natanggap na reklamo sa servisyo ng isang kumpanya na pagmamayari ng Pamilya Villar.
00:20Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita.
00:22Trabaho lang walang personalan. Yan ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng matanong kung may hinanakit ba siya sa Pamilya Villar sa harap ng isyo ng prime water.
00:35Sabi ng Pangulo, bagaman kaibigan niya ang mga Villar, mas dapat pa rin masiguro na naipapahatid ang tamang servisyo sa mga Pilipino, lalo na ang tubig.
00:44Ako naman, we have to fix the problem. People have to have electricity. People have to have water.
00:50So whatever the reason is, let's fix it. Let's fix it. Let's just fix it. Help me. Help me fix it. I cannot fix it on my own. You need to help me.
01:00Sa usapin ng supply ng kuryente sa Siquihor, sinabi ng Pangulo na hindi na maaari ang papetiks-petiks.
01:05Kaya agad niyang ipinagutos na gobyerno na ang magpatakbo kapalit ng SIPCOR.
01:10Mahalaga sa akin, magkaroon ng kuryente. So gagawin ko kung anong kailangan kong gawin para magkaroon ng kuryente.
01:15Binigyang diin naman ng Pangulo na sustainable o kayang ituloy-tuloy ang zero balance billing na programa ng pamahalaan.
01:22Giit pa ni President Marcos Jr. Hindi magpapatupad ng programa ang gobyerno na babawiin din kalaunan.
01:28Pinag-aralan din anya itong mabuti. Kasabay ang pagbibigay diin na kaya namang maisakatuparan ang mga programa,
01:34basta't maayos na nagagamit ang pondo ng bayan.
01:37Yes, it's expensive. Healthcare is expensive. But what's that money for?
01:43It's not to be kept in the bank. It's there to spend so that people can have healthcare for free or cheap.
01:53That's the whole point of your health.
01:55Alam mo, lahat itong aming ginagawa, the subsidy for the 20 pesos per kilo rice, the zero billing program, all of the programs,
02:06but people have asked me, sustainable ba yan?
02:10Basta't yung pera pumunta sa tama, lahat yan kaya nating bayaran.
02:16Ganun lang kasimple yan.
02:17Samantala ma rin namang itinanggi ng Pangulo ang sinasabing plano umano na ipipilit maging susunod na ombudsman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
02:26para maipakulong si Vice President Sara Duterte at iba pang kaalyado nito.
02:31Giit ng Pangulo, nakabase pa rin ang kanyang magiging desisyon sa rekomendasyon ng Judicial and Bar Council.
02:37Justice Martires.
02:38We're not at that point yet. Wala pa tayo doon. Antayin natin yung proseso at as I said, hindi pa tapos yung mga interview.
02:50Pagkatapos ng mga interview, tignan natin kausapin natin ng Judicial Board and see what they have to say.
02:55Muli namang ipinagmalaki ng Pangulo ang mga overseas Filipino worker na kwento niya ay laging pinupuri sa mga bansang kanyang binibisita.
03:02Kaya sisikapin anya ng kanyang administrasyon na mapataas ang tingin ng ibang bansa sa mga Pilipino.
03:08Para naman sa kanyang nalalapit na kaarawan sa September 13, isa sa mga wish ng Pangulo, matapos ang mga proyekto ng kanyang administrasyon.
03:17Simple lang naman ang aking mga hangari, lalo na dito para sa administrasyon na ito.
03:25Matapos namin lahat ng aming ginagawa.
03:27Or, siyempre marami dyan, hindi talagang matatapos sa 6 na taon.
03:31Kaya sana masimulaan lang para kahit pa paano sa susunod na administrasyon ay matutuloy.
03:38Dahil sayang naman at maganda naman ang nagiging resulta, ang magandang takbo ng ekonomiya.
03:45Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.