00:00Hindi apektado ng ingay sa politika si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05Ayon po yan sa mga kanyang.
00:07Nakahanda rin naman na yun nitong harapin ang anumang problema ng bansa.
00:10May report si Kenneth Paciente.
00:14Sa harap ng ingay politika at isyong ipinupukol sa kanya,
00:18tuloy lang sa trabaho si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:22Yan ang binigyang diin ng palasyo kasunod ng panawagan ng ilang mga grupo
00:25na magbitiw dahil sa ilang isyo gaya ng korupsyon
00:29at ang pinakahuling mga paratang ng nakatatandang kapatid ng Pangulo
00:32na si Sen. Aimee Marcos.
00:35Gayet ng palasyo, hindi ang tipo ng Pangulo ang tinatakbuhan ng problema.
00:40Kailangan pa po bang i-memorize ito?
00:43Lahat naman yata ng supporter ng vicepresidente
00:45ang nais ay paalisin sa pwesto ang Pangulo.
00:49Bakit? Para pumalit ang vicepresidente?
00:53So, option ba ito?
00:56The president is still working.
00:59And keeps on working for the country.
01:02So, hindi po option sa administrasyon, sa Pangulo,
01:05ang pagbibitew.
01:07Ang Pangulo ay matapang,
01:08nahaharapin kung ano man ang suliranin ng bansa.
01:12At sila, mga nag-iingay, sila ay ingay lamang.
01:15Nang tanongin ng palasyo kung ang ginawa ba ng Senadora ay banat o pagmamahal ng isang kapatid,
01:21tugon ng palasyo, matatawag bang pagmamahal ang paninira?
01:25Sinagot din ang malakanyang ang alegasyon ng Senadora na bata pa lamang ang Pangulo
01:29ay issue na umano ang hinggil sa iligal na droga.
01:32Parang may nabasa ako sa isang news na ang ating Pangulo ay nag-donate ng kanyang kidney sa kanyang ama.
01:42Paano po kayo makakapag-donate ng kidney ang isang tao na hindi healthy?
01:47So, banat o pagmamahal, pagmamahal ba ang paninira sa sariling kapatid?
01:57Paninirang walang basihan.
02:00So, alam naman natin, muli uulitin ko,
02:03mas pinoprotektahan niya ang mga taong may issue about corruption,
02:08mas pinoprotektahan niya ang mga taong umamin na murderer
02:11kesa sa kapatid niya na nagsasagawa lamang ng pagpapaimbestiga
02:15para mawala, masag po ang corruption sa bansa.
02:19Sa hamon naman ng Senadora, nakakasa siya sa DNA test
02:22kung papayag ang Pangulo para sa isang hair follicle test,
02:26sagot ng Palasyo.
02:28Uulit-ulitin ko, paulit-ulit,
02:32ang Pangulo po ay malinis
02:33at ang Pangulo po ay hindi magpapadala
02:37sa anumang pag-uudyok.
02:39Pag-uudyok ng mga destabilizers,
02:42pag-uudyok ng mga obstructionists
02:44na walang gagawin kundi magbigay ng mga kondisyon,
02:49magbigay ng pag-uuto sa Pangulo,
02:52kahit hindi na po ito naaayon sa kanyang pagtatrabaho.
02:55Binigyang diin pa ng Malacanang na hindi makakaapekto
02:58sa pamamahala ng Pangulo ang issue.
03:00Sa halip, babalik lang ito sa mga nagpapakalat
03:03ng kasinungalingan.
03:05So, hindi po ito makakasira sa Pangulo
03:08dahil alam ng taong bayan,
03:10mas maraming taong bayan ang naniniwala
03:12sa ginagawa ng Pangulo
03:14para sugpuin ang korupsyon.
03:17Nananatili naman daw ang tiwala ng AFP sa Pangulo.
03:20Hindi mabigat ang aligasyon ni Sen. Aimee.
03:24Walang basihan.
03:26Kwentong walang kwenta.
03:27Kwentong kutsero.
03:28So, bakit magkakaroon ng pag-aalala
03:31ang mga miyembro ng AFP?
03:34Wala, hindi dapat siresohin
03:36ang mga aligasyon ni Sen. Aimee.
03:38Isa lamang itong ingay.
03:41Sa ngayon, giit ng palasyo,
03:43wala pang plano na magsagawa
03:44ng anumang legal actions
03:46laban kay Sen. Aimee.
03:48Kenneth, pasyente.
03:50Para sa Pambansang TV,
03:52sa Bago, Pilipinas.