00:00Bayan agarang aksyon ang iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan para tiyaking makakarating ang tulong sa mga sinananta ng Bagyong Tino.
00:13Git ng Malacanang, walang titignan kulay ng politika sa pamamahagi ng tulong sa mga lugar na apektado ng Bagyo.
00:21Dagdag na direktiba ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno, gawing simple at makabuluhan ang selebrasyon ng Pasko at New Year bilang pakikiisa sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
00:33Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:37Walang patid ang pagtulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:44Ayos sa palasyo, agad na namahagi ang DOH ng mga hygiene kit, inuming tubig at mga gamot sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyo.
00:52Nakabantay din ang ahensya para tugunan ang pangangailangan medikal ng mga residente sa mga apektadong rehyon sa bansa.
01:01Nakamonitor din ang DOH sa panganib ng lahar mula sa bulkang Kanlaon at sa sunod-sunod na pagulan, dala ng Bagyong Tino.
01:09Tuloy-tuloy din ang pamahagi ng DSWD ng mga family food pack at ready-to-eat food items sa mga nasa lanta.
01:16Dagdag pa riyan ang tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya ng biktima ng Bagyong Tino.
01:21Sa ulat ng DSWD, umabot sa 121,988 family food packs at 1,628 ready-to-eat food items
01:32ang kanilang na ipamahagi sa mga apektadong residente sa Calabar Zone, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas at Caragang.
01:43Hindi rin daw tinitignan ng Pangulo at ng gobyerno ang kulay politika sa ganitong panahon ng sakuna.
01:49Kahit naman po hindi kaalyado ng Pangulo kung ahit anong kulay po niya na Pangulo po ay handam tumulong kahit po kanino.
01:56Basta po kinakailangan ng tulong ng gobyerno kahit ano po ang kanilang saan sila, kaalyado, tutulong ang Pangulo.
02:04Kaugnay ng bahang naranasan sa Cebu, sinabi ng Malacanang na dapat masilip ang mga flood control projects sa probinsya kung gumagana ba ang mga ito.
02:12Sa datos kasi na nakuhan ng palasyo mula sa DPWH, nasa 343 flood control projects ang nagawa noong 2016 hanggang 2022 sa Cebu.
02:21Kaya ang tanong, bakit binaha kung binuhusan naman ng pondo ang mga proyekto?
02:26Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po, si Governor para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno para mapanagot.
02:39Ang dapat mapanagot niyan po ay welcome.
02:42So dapat din po itong makita dahil kung meron po 343 flood control projects noon pa man, dapat po sana ay gumagana ito.
02:49So pagtulong-tulungan po natin mahanap, ang dapat na mapanagot sa mga maanumal yung flood control projects.
02:55Ipinagutos na rin ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na gawing simple at makabuluhan ang Christmas at Year End Celebrations.
03:03Ito ay bilang pakikiisa ng administrasyon sa taong bayan na nakaranas ng maraming pagsubok dulot ng sunod-sunod na sakuna sa bansa.
03:10Mula sa lindol na yumanig sa Visayas at Mindanao at sa mga bagyong tumama sa ilang bahagi ng bansa.
03:16Paalala sa mga kawani ng gobyerno, mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko na may pag-aalala sa kapwa nating patuloy na bumabangon at nagsisimulang muli mula sa maraming kalamidad na tumama sa bansa.
03:29Bagaman wala pang tiyak na petsa, sinabi ng palasyo na nakatakda raw bumisita sa Cebu si Pangulong Marcos Jr.
03:36Kenneth Pasyente
03:37Para sa Pambansang TV
03:39Sa Bago, Pilipinas
03:42Sa Bago, Pilipinas