Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa flood control projects, ipinag-utos ni PBBM; DPWH, uunahin ayon sa Malacañang | ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, hindi na lamang flood control projects ang pinasusuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:08Dahil ayon sa Malacanang, pinasisilip na din ng Pangulo ang lifestyle o pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno.
00:17Si Kenneth Paciente sa Sentro ng Balita Live.
00:22Yes Angelique, ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno.
00:30Sa harap yan ng isyo ng flood control projects.
00:36Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:41hakbang ito ng Pangulo para masilip ang posibleng korupsyon sa mga taong maaaring sangkot sa maanumalyang proyekto.
00:48Sakop daw nito ang mga ahensyang may kinalaman sa mga flood control projects.
00:52Uunahin na nga raw silipin ang mga opisyal ng DPWH.
00:56Sa bawat ahensya, mayroon naman po na pwedeng magkaroon ng lifestyle check.
01:02Ang ombudsman pwede mag-initiate.
01:05Ang BIR pwede mag-inspect, magkaroon ng lifestyle check.
01:11Sa bawat ahensya na may sakop sa kanya, DPWH pwede rin po.
01:15So yun po, kung sino po yung may ahensya na dapat magkaroon ng pag-lifestyle check, gawin po nila.
01:19Binigyan naman ang kalayaan ng bawat ahensya na gawin sa kanilang sariling mga institusyon ng lifestyle check.
01:27Pero dapat siguruhin daw na magiging transparent at non-partisan ang gagawing pag-iimbestiga.
01:33Nagsalita na po kasi ang Pangulong.
01:37So dapat ang bawat ahensya ay tumupad sa kanilang tungkulin.
01:41Asahan po natin dapat at bigyan po din natin sila ng kalampatang tiwala.
01:46At kapag pinakita din tayong anomalya sa kanilang pag-iimbestiga,
01:50magiging pasyonable rin po ang kanilang pagtatrabaho at malamang masama rin sila sa pag-iimbestiga.
01:54Inumpirma naman ng palasyo na natanggap na ni Pangulong Marcos Jr.
01:59ang mga dokumento mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
02:02Patungkol pa rin yan sa mga diumanoy palpak na mga flood control project.
02:07Bagaman hindi na idinitalya pa ng palasyo kung ano-ano ang nilalaman ng dokumento,
02:11bukas naman daw ang Pangulo na makausap si Mayor Magalong.
02:16Kahit naman po sino ay open ang Pangulo,
02:19kung ito naman po ay patungkol sa mga anomalyang flood control project.
02:22So kahit sino po, lalong-lalong po si Mayor Magalong,
02:27welcome po ang Mayor para makausap ang Pangulo.
02:31Patungkol po dyan.
02:32Muli namang tiniyak ng palasyo Angelique na magpapatuloy ang masusing investigasyon sa mga proyekto
02:38at walang sasantuhin dito, kaalyado man o hindi ng gobyerno.
02:42Sinagot din ang Malacanang ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson
02:46na one big criminal syndicate umano ang DPWH,
02:49punsod ng mga issue sa flood control.
02:52Kaya nga po hindi nagbabanggit agad ng Pangulo kung sino man agad
02:59ang involved dito dahil ayaw niya pong makasagasa ng mga inosenteng tao
03:03na hindi naman involved.
03:06Kung yan po ang pananaw ni Sen. Lacson,
03:08tandaan po natin hindi naman po lahat ng tao sa DPWH
03:11ay maaaring involved.
03:13At katulad ng ginagawa po ng Pangulo Marcos Jr.,
03:15pinapaimbestigahan niya po lahat
03:17para po malinis at maiayos kung anong po ang naging pagkakamali
03:22sa mga maanumalyang flood control projects.
03:27Angelique, sa pinakahuling bilang,
03:29umabot na sa 9,020 yung mga report na naisumbong
03:32dito nga sa sumbong sa pangulo.ph website.
03:35Patungkol pa rin yan doon sa mga maanumalyang flood control project.
03:39Ayon sa palasyo, malaking bagay nga raw itong mga sumbong ng publiko
03:43dahil naisisiwalat yung mga palpak na mga proyekto.
03:47Kaya patuloy yung pangihikayat ng palasyo na makiisa
03:49ang mga Pilipino sa pagsusumbong na mga maanumalyang proyekto
03:53sa kanika nilang lugar.
03:54At yan na muna ang latest.
03:55Balik sa iyo, Angelique.
03:56Alright, maraming salamat, Kenneth Pasyente.

Recommended