PBBM, pinakikilos na ang grupong masusing hihimay sa panukalang 2026 National Budget; Malacañang, sinabing sinisiguro ng pangulo na walang makalulusot na ‘insertions’ | ulat ni Kenneth Paciente
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Magamat sa susunod na linggo pa, inaasahang matatanggap na malakanyang ang enrolled version ng General Appropriations Bill,
00:07pinakikilos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang grupo na hihimay sa 2026 proposed national budget.
00:14Ang detalye sa report ni Kenneth Paciente.
00:20Para matiyak ang malinis at maayos na budget para sa susunod na taon,
00:24pinakikilos na ngayon pa lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang team na masusinghihimay sa 2026 proposed national budget.
00:32Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez,
00:35gugugol ng panahon sa pagtatrabaho kahit sa panahon ng bakasyon ang Pangulo para matutukan ang budget.
00:41Katunayan ngayon pa lang, inatasan na ng Pangulo na ihanda ang mga kinaukulang individual para agad nasuriin ang lahat ng halagang na pagkasunduan
00:49at ang mga kaukulang probisyon sa Bicameral Conference Committee,
00:53gayon din ang mga pagbabagong ginawa kumpara sa orihinal ay sinumiting National Expenditure Program o NEP.
00:59Sabi ng kalihim na ang paghimay na ito sa proposed budget ay magsisilbing katiyakan na ang pera ng taong bayan
01:05ay magagamit ng wasto at efektibo at makatutulong sa pagtupad ng mga layuning panlipunan na mararamdaman ng lahat ng Pilipino,
01:13alinsulod na rin anya sa pahayag ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address.
01:17Bagaman din na nabanggit ng PCO kung sino ang kabilang sa grupo para sa gagawing review,
01:23unan ang sinabi ng palasyo na magiging katuwang ng Pangulo ang Department of Budget and Management sa pagbusisi sa panukalang budget.
01:30Kung may kinakilangan pong tawagin ang Pangulo na mga cabinet secretaries para po mas malinaw,
01:39ipapatawag po sino man po ang kinakilangan na namumuno sa isang related agencies.
01:44Sa December 29 pa, inaasahan ang ratifikasyon at transmittal ng enrolled version ng General Appropriations Bill.
01:51Ibig sabihin, may dalawang araw lang ang Pangulo para busisiin ang panukalang pundo para mapirmahan bago matapos ang taon.
01:58Pero una ng tiniyak ng palasyo na sisiguruhin ng Pangulo na walang makalulusot na anumang questionabling insertion sa pambansang budget
02:05at naaayon ito sa pangangailangan ng mga Pilipino.
02:08Limitado man po ang panahon, ang sinisiguro po ng Pangulo ay aaralin mabuti ito.
02:14Kung may dapat i-vito, i-vito po ng Pangulo.
02:17Pinalawig na rin ang sesyon ng Senado hanggang December 29, 2025
02:21upang magkaroon ng sapat na panahon para sa ratifikasyon ng panukalang pambansang budget para sa 2026.
02:27Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng oras ang mga senador na maingat na suriin ang ulat ng Bicameral Conference Committee
02:33at tiyaking ito ay tapat na sumasalamin sa mga napagkasunduan ng Senado at ng House of Representatives sa kanilang Bicameral Deliberations.
02:42Matatanda ang itinuring ng Pangulo na Christmas Wish ang pagkakaroon ng good budget sa susunod na taon.
Be the first to comment