00:00Inimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal na isiwalat ang mga nalalaman na posibleng anomalya sa mga proyekto ng pamahalaan.
00:10Giit pa ng Pangulong, ang pera ng taong bayan ay hindi para sa sariling interes.
00:15Si Kenneth Pasyente sa Sandro ng Balita.
00:19Ang pera ng sambayanan ay pera ng bayan, hindi sa para sa sariling interes.
00:25Iyan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng mga bagong halal na opisyal ng League of Provinces of the Philippines o LPP.
00:34Sa harap pa rin niya ng mga kontrobersiya ng flood control projects na nauna ng pinatutukan ng Pangulo.
00:40Binigyang diin niya na malaki ang papel ng mga gobernador para matiyak ang transparency at accountability lalo na sa mga pambansang proyekto na ibinababa sa mga probinsya.
00:49Ngayon, higit kailanman kailangan ng bansang Pilipinas ang inyong pamumunong upang wakasan ang mga maling nakagisnan.
01:00Nagsimula pa lang ang laban at mahaba pa ang ating tatahakin.
01:04Umaasa ako na kasama namin kayo sa bawat hakbang sa pagsusuri sa mga proyekto, sa pagsasaliwanag sa mga nakakukubli na kadliliman.
01:15Hinimok din ng Pangulo ang mga bagong opisyal ng grupo na maglingkod ng tapat, magsilbi bilang gabay, boses at konsensya ng kanilang mga nasasakupan.
01:23Kaya't hinihikayat ko kayo, paglingkuran natin ng buong katapatan ng sambayanan.
01:30Tiyakin natin nasa wasto ang mga proyekto na ipinapatupad ng pambansang pamahalaan at ng lalawigan.
01:38At isiwalat natin kung may makikitang taliwas.
01:42Mga kapwang likod bayang, naririto tayo dahil pinagkakatiwalaan tayo ng taong bayang.
01:50Huwag po natin silang bibiguin.
01:51Hinikayat din ng Pangulo ang mga opisyal na ipatupad ang mga proyekto ng gobyerno gaya ng zero balance billing.
01:58Kabilang sa mga nahalala ay sina Gov. Reynaldo Tamayo Jr. na re-elected bilang national president.
02:04Kirino Gov. Dakila Kua na na re-elect bilang national chairman.
02:07At Executive Vice President naman si Pampanga Gov. Lilia Pineda.
02:11Kabilang sa mga pangunahing adhikain ng LPP, sa susunod na tatlong taon,
02:15bilang pagsuporta sa prioridad ng agenda ni Pangulong Marcos Jr.
02:19ay ang pagsusulong ng konsultasyon kasama ang mga LGU
02:22sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaang nasyonal
02:25upang matiyak ang accountability, transparency at pagiging makatarungan.
02:30Kenneth Pasyente.
02:32Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.