Skip to playerSkip to main content
Aired (November 15, 2025): Halina’t bisitahin natin ang ilan sa mga kainan sa Pilipinas na nakatanggap ng pagkilala mula sa Michelin Guide, isang prestihiyosong food guide o restaurant rating system sa buong mundo! Samantala, kilalanin natin ang 15-anyos na binatang sumagip sa 50 katao sa Cebu sa kasagsagan ng Bagyong Tino. Panoorin ang buong episode! #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Iwan muna ang problema at nam-namin ang Good Vibes
00:03na hatid ng aming mga kwento dito sa Good News.
00:16Lutang na lutang pa rin.
00:19Ang kabayanihan ng 15-anyos na si J-Boy,
00:22hindi mabibilang sa kamay ang dami ng iniligtas na buhay.
00:27Hindi naawa ako kasi madami ang nagingin ng tuloy.
00:33Ang husay ng mga Pinoy sa kusina, world class.
00:37Dahil 108 na mga kainan sa Pilipinas ang kinilala ng Michelin Guide.
00:45Gets ko na kung bakit ni-recognize ito. Sobrang sarap.
00:52Ang sakripisyo ng mga OFW, hindi matatawaran.
00:57Pero paano kung makatanggap naman sila ng isang oportunidad na makapagtapos sila ng pag-aaral?
01:03Mangarap ulit na hindi nagtatapos ang buhay namin as domestic helper dito sa Hong Kong.
01:09Viral ang post na ito.
01:11Ang mga kaso ng misgendering na tulad ng kay Yamina,
01:15ang hugot ng eksperimento natin ngayong Sabado.
01:17Ma'am nga po, pao tuloy.
01:21Kami nang bahala sa Good Vibes ngayong Sabado.
01:26Bagad na gabi. Ako po si Vicky Morales.
01:28Noong nakaraang buwan, nagbunyi ang buong bansa dahil 108 na mga kainan sa Pilipinas ang kinilala ng Michelin Guide.
01:45Isa sa pinaka-prestiyosong food guide o restaurant rating system sa buong mundo.
01:52Sari-sari ang mga nagwagi.
01:54Mula sa mga high-end na kainan, hanggang sa mga karinderyang takbuhan ng budgetaryan,
02:01ang husay ng mga Pinoy sa kusina, world class.
02:05Kung ang Michelin Guide may mga Michelin Inspector na siyang tumitikim ng mga putahin ng bawat restaurant,
02:12dito sa Good News, meron din tayong makakasamang food investigator,
02:18ang ating kapuso at sparkle artist na si Cheska Fausto.
02:23Hello mga kapuso, it's me, Cheska Fausto.
02:26At syempre ngayon, nandito ako sa Good News.
02:28Ayan, ang ating morning sun ether din.
02:32Kaya excited na excited na ako matikman ito.
02:34Kita nyo naman, ang dami ng pumipila.
02:36Kaya naman, let's go. Baka maubusan tayo ng pagkain.
02:41First up, ang pinipilahan sa Quezon City.
02:45Ang morning sun eatery na kilala sa kanilang mga Ilocano dish,
02:50karinderia, bat, Michelin yan, ha?
02:53Doon pa pala yung pila.
02:56Ang halos tatlong dekadang kainan,
02:58nag-ugat lang daw sa simpleng pagkahilig sa pagkain ng mag-asawang Tubong Bangar, La Union.
03:04Nagsimula po ito, November 15, 1996.
03:09Bali po ang ano po nito, yung mother ko po kasi galing po ng Dubai.
03:14Nag-OFW po siya.
03:16And then pagka-uwi po niya dito, yun na po yung nag-start dito na mag-open ang morning sun.
03:21Bago pa man daw mamasukang domestic helper abroad,
03:24e may talent na sa pagluluto ang kanilang ina.
03:27Sa katunayan, nagba-barbecue ng araw silang mag-asawa noon.
03:32Kaya naman pala, nangunguna sa listahan ng pinipilahan dito,
03:36ang kanilang ihaw-ihaw sa pangunguna nitong juicy pork barbecue na 35 pesos ang isa.
03:44Unang-una talaga yung mga barbecue na po talaga.
03:46Yung mga Ilocano dishes po talaga.
03:48O.G. minuraw nila itong ensaladang talong at dinagdakan.
03:53Nakalaunan, dinagdagan pa nila ng ibang mga putahe.
03:56Gaya ng kambing dishes, napapaitan at kaldereta.
04:00Abot kayang kainan man, hindi naman daw tinipid sa lasa at sangkap ang kanilang mga inihahain.
04:06Ngayon po kasi, ang per order po namin sa mga meat is 90 pesos po.
04:12Pwede po silang mag-half 50 pesos.
04:14Eto't nasa bungad na ng pila ang ating good news investigator na si Cheska.
04:19And it's time to taste and review.
04:21So, dinagdakan.
04:27Tikman ko muna ito ng solo.
04:31Cheers!
04:36Masarap! Kuya Lloyd!
04:39Masarap!
04:40Grabe yung namnam niya.
04:43Tapos, lasa mo yung pagka-grill sa pork din before nila ginisa.
04:48Hindi nila tinipid sa rekados.
04:51Siyempre, hindi nila mawawala na matikman ang kanilang ipinagmamanaking ihaw-ihaw.
04:58Next naman, tikman natin ang kanilang liento.
05:00Ang lambot!
05:10Kung si Cheska ay satisfied, paano naman ang mga katabing customer ni Cheska?
05:14Sa panood namin kagabi sa YouTube.
05:22Wow! Worth it naman!
05:23Ano po yung pinaka-favorite po ninyo na putahin na natikman nyo for today?
05:30Parang almost all!
05:31Sa dami ng mga customer nila, tulong-tulong daw ang buong pamilya sa pagpapaandar ng negosyo.
05:39Family business po. So kami, ako rin po cook. One of the cook. Pati po yung kapatid ko at yung mother ko.
05:45Matapos gawara ng Michelin Guide ng Bib Gourmand, ilalo raw dinumog ang munting kainan nila.
05:51Hindi po talaga namin alam. Nabigla po talaga kami. Sobrang saya. Sobrang blessed po kami. Tsaka sobrang nasopresa talaga.
06:02Ang tunay na tagumpay raw ng kainan ay ang pagkakataong babago ang buhay ng kanilang pamilya habang naghahain ng masarap na lutuin sa madla.
06:11Dito pa ako napag-aral ni nanay. Kasi since 1996 po, nakapagpatayo na po kami ng bahay sa lawan nyo.
06:19Nakabili na rin po si nanay at saka sa datay ng mga lupa. Kahit pa paano po may sasakyan na kami nabili kahit second hand lang.
06:26And there's more to our world-class food trip. Ang aming good news investigator, dumayo na rin sa Tomas Morato sa Quezon City.
06:35Sawadi ka mga kapuso, pero hindi hindi ka magsasawa dito sa Samtay.
06:43Presenting another Michelin Bib Gourmand, Samtay.
06:47At ang pasimuno raw sa masarap na mga putahe rito, e walang iba kundi ang ama ni PBB Collab Edition 2.0 housemate, Caprice Cayetano na si Chef George Mendez.
07:01May nag-open talaga si Santa. It's March 8th. Mag-to-two years pa lang siya.
07:05Ito yung tinayong restaurant ni Chef George kasi ito po yung naging, sa mga naging paboritong pagkain nilang family niya.
07:11Sa sobrang pagkahilig ng araw sa Thai food, naisipin ni Chef George na sumugal sa sarili niyang Thai resto na developed from scratch ha.
07:22From the scratch po namin din na-aral yung bawat dish.
07:25Nag-ti-training na po kami.
07:26Sa loob lang ng dalawang taon sa food industry, e gumagawa na ng ingay ang Samtay.
07:32Bukod sa mga classic Thai dish nila tulad ng Tomyam, isa raw sa paborito rito ang tinatawag nilang sun and raw egg na challenging daw gawin.
07:43Very crucial siya. Ang hirap po talaga niyang i-handle kung paano natin siya mape-perfect.
07:49Pero at least ngayon po is perfect na natin yung tuloy-tuloy na na po.
07:52Nakakuha na natin yung perfect procedure, perfect timing, then perfect temperature po ng pagkain na ginagamit natin kay Sananggawa.
08:00E ano pang hinihintay natin? It's time to taste test!
08:05Good News Investigator, Cheska!
08:07Oh my God!
08:08Eto mga kapuso, it's just deep-fried egg white and raw egg yolk with like tamarind sauce.
08:16So kakaiba lang talaga siya, no?
08:19Cheers!
08:29Wow!
08:30Gets ko na kung bakit ni-recognize ito.
08:35Sobrang sarap.
08:36I'm not lying guys.
08:38Super duper.
08:41Ang sarap ng ano, ng combination.
08:44Actually, si Bichilin is a huge impact.
08:58Naging consistent yung dagsa ng customers namin.
09:02Monday to Sunday, consistently talaga.
09:06Rain or shine, nandyan sila sa amin, nagpumipila.
09:09Aba, bukang satisfied siya.
09:12Definitely worth trying and naiintindihan na natin ngayon kung bakit sila trendy.
09:17Ang mga paborito nating kainan, wala sa liit o laki.
09:21Kung hindi nasa kalidad ng pagkain.
09:24Lasang Pinoy na Pinoy na hindi masakit sa bulsa.
09:27Congratulations po sa mga kinilala ng Bichelin Guide.
09:32Proud kami sa inyo.
09:39Nito lang nagdaang mga araw.
09:46Humagupit sa bansa ang hindi lang isa.
09:50Kundi dalawang magkasunod na bagyo.
09:53Na isa sa pinuruhan ang Cebu City.
10:14Marami ang hindi agad nakalikas.
10:17At tiniis na lang ang matinding buhus ng ula.
10:20Kaya nang humupa ang baha.
10:27Lumantad ang kalunos-lunos na sinapit ng siyudad.
10:31Ang pinsala sa kabuhayan.
10:35Sira-sira at patong-patong na mga sasakyang inanod.
10:41At mga taong nasawi sa trahedya.
10:44Pero sa kabila ng matinding pananalasan ng mga kalamidad.
10:55Lutang na lutang pa rin ang mga kwento ng malasakit at pagtutulungan.
11:00Pagpapatunay na ang diwan ng bayanihan.
11:03Nasa puso't isip pa rin ng bawat Pilipino.
11:08Nariyan ang mga kababayan nating.
11:11Agad naghatid ng pagkain sa mga nasalanta ng bagyo.
11:14At ang sama-samang pagkilos ng komunidad para sa agarang paghatid ng relief packs.
11:21Pero ang isa sa pumukaw sa atensyon at pinusuan ng mga netizen,
11:29ang kabayanihan ng 15-anyos na si J-Boy.
11:32Nang Liloan, Cebu City.
11:35Nasa murang edad, hindi mabibilang sa kamay ang dami ng iniligtas na buhay.
11:41Yung kasagsagan ng bagyong pin, yung baha, nandun na namin sa second floor.
11:47Nila pa, one-one, nagkuhan minag, sakisam.
11:51Marami na napapanig, maraming patay.
11:54Mabilis daw ang pag-angat ng tubig baha noon sa lugar.
11:57Kaya sinakluluhan sila ng kanyang tsuhin para dalhin sa ligtas na lugar.
12:04Sa kagustuhang tumulong, nagtahaguraw si J-Boy para hindi madala sa evacuation center.
12:09Si J-Boy, buong tapang na sinagupa ang ragasan ng baha.
12:30Sa murang edad na labing lima, tinatayang limampung buhay ang sinagip niya.
12:39Gusto ko makatulong.
12:42Mula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon,
12:46on to his mission si J-Boy sa pagdamay sa kanyang mga kababayan.
12:50Masaya sila sa ginawa ko kasi madami akong taong nasalbat.
12:54Yung mga natulungan ko, pasasalamat sila sa akin.
13:00Binigyan ng ula na pera, hindi ko tinanggap.
13:02Sabi na Diyos ng bahala.
13:04Labis man daw nag-alala ang pamilya ni J-Boy para sa kanyang kaligtasan,
13:09masaya raw silang malaman ang ginawa nitong kabutihan.
13:13Ang kapitbahay niyang si Rain, nagbigay pugay sa ginawang kabayanihan ni J-Boy.
13:19At pinow sa social media ang kwento nitong makabagong bayani.
13:23He rescued more than 50 residents in Villa Laras.
13:27Upon hearing those stories of J-Boy,
13:30I decided this should be posted so that J-Boy will be recognized as well.
13:36Proud din daw ang mga kaibigan niya sa kanya.
13:39Isang karangalan at isang saludo.
13:41Dahil tumutulong siya sa kapwa-tao.
13:43Hindi lahat ng batang 15 anos ay makagawa nun.
13:47Hindi naman daw magsasawang tumulong sa kapwa si J-Boy.
13:50Bilang kabataan, mas mabuting tumulong kahit walang kapalit.
13:55Kung sakaling may babalik na may darating na kalamidad,
13:59gagawin ko ulit ang pagtulong.
14:03Ang good news para sa ating bida,
14:06dahil sa kapayanihang ipinamalas niya,
14:09isang full scholarship at 3,000 pesos na monthly allowance
14:13ang kanyang pabuya mula sa kanilang barangay.
14:17Congratulations!
14:17Tunay kang bayan ni J-Boy!
14:25Tulad ni J-Boy, ang kabundukan ng Sierra Madre,
14:29nag-viral din ito lang mga nakaraang araw.
14:32Matibay ring nakatindig sa gitna ng pananalasan ng Super Typhoon 1.
14:37Dahilan para ang malakas na hangin ng bagyo,
14:40e bahagyang bumagan at humina para mabawasan ang posibleng pinsana.
14:45Walang unos na hindi malalampasan.
14:50Lalo pat may pagdadamayan at pagtutulungan?
14:55Yan ang good news!
14:57Isang alaga may handog sa kanyang long time yaya.
15:04Isang librong siya mismo ang sumulat at ang malilikom na pera mula rito,
15:10ipantutulong niya sa mga kababayan nating kumakayod sa ibang bansa.
15:14Hindi na bago sa atin ang mga kwento ng paghihirap at sakripasyo ng mga overseas Filipino worker.
15:25Pero paano kung makatanggap naman sila ng good news?
15:29Isang oportunidad na makapagtapos sila ng pag-aaral kahit malayo sa sariling bayan?
15:35Sinong mag-aakalang ang isang labing walong taong gulang na binata na gaya ni Emilio Baja
15:44e magsusulat ng isang children's book at magiging daan para makatapos ng pag-aaral ang mga OFW?
15:52Today is about recognizing the hard work.
15:55Noong August 30, inilunsad ni Emilio ang librong A Heart in Two Places,
16:01isang children's book na umiikot ang kwento sa buhay ng isang Filipina domestic helper sa Hong Kong.
16:08Ang kikitain ng librong ito mapupunta sa funding ng Scholars ng Fulfills,
16:14isang non-government organization na may layuning tulungan
16:18ang mga Filipino domestic helper sa Hong Kong na makatapos sa kolehyo.
16:22Personal akong dumalo sa buklon.
16:25Kasamang ilang personalidad para suportahan ang adbukasya ni na Emilio.
16:31Sa murang edad, namulat na ang mga mata ni Emilio sa hirap na dinaranas ng mga OFW sa Hong Kong.
16:39Tuwing mapupunta ng Hong Kong, madalas niyang makita ang mga OFW sa Central District
16:45naglalatag ng karton habang nagkikwentuhan,
16:48nagkakantahan at doon ay ginugugol ang iisang araw nilang day off sa mismong gilid ng kalye.
16:55This contrast and this duality between rich and the poor with Hong Kong and the Philippines,
17:00who thus generalize us Filipinos for being loud, for being noisy,
17:06when in reality we're just having fun.
17:07Dahil dito, unti-unting nabuo sa kanya ang mas malalim na malasakit para sa mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa.
17:17Lalo pa at lumaki raw kasi si Emilio sa pag-aaruga ng kanyang yaya Narlene
17:22na mahigit dalawang dekada ng kasama sa bahay ng pamilya-baha.
17:26So growing up, I've always had a very close and personal relationship with our yaya.
17:31We're very grateful for her and this relationship that we have with her.
17:35Alam ni Emilio na maraming domestic helpers sa Hong Kong
17:38na mahirap ang buhay at hindi nabigyan ang pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.
17:45Mula rito, nag-isip siya kung paano may hahatid ang edukasyon sa mga domestic helpers sa Hong Kong.
17:51At nang maitatag niya ang Fulfills noong 2023, sinimulan niya ang pagpapadala ng mga email
17:58sa iba't-ibang paaralan na posibleng magbigay ng scholarship.
18:03Eventually, after sending hundreds of emails to potential donors, sponsors, and partner universities,
18:09some of them eventually said yes and I'm very, very grateful.
18:12So Fulfills currently has three partner schools to provide online college education to our overseas Filipino workers.
18:18Dito na unti-unting dumami ang kanilang mga volunteer mula sa iba't-ibang parte ng mundo.
18:25We have around 50 volunteers, mainly based in Manila and Hong Kong,
18:29but also around several countries around the world.
18:33Dito ko lumaki, so malapit sa puso ko ang patulungan ng mga kababayan natin sa ibang bansa,
18:37lalo nandito sa Hong Kong.
18:39Kung ako may privilege na makapag-aaral, bakit hindi ang mga kababayan natin?
18:43Samahan nyo kami, mga kapuso sa Hong Kong, para kapustahin ang mga OFW scholar ni na Emilio.
18:51Dito namin nakilala ang 44-year-old si Bel, na halos tatlong taon nang natutulungan ng organisasyon.
18:59Sa akong single mom sa Pilipinas, kaya napilitan akong mag-trabaho dito sa Hong Kong.
19:04Sa Pilipinas, nakatapos ako ng two-year course, a vocational, and then sinubukan ko siyang ituloy ng engineering,
19:11pero first time, parang, palang nahihirapan na, nakikita ko na yung hirap ng parents ko to provide.
19:17So I just decided to stop and sige, mag-work na lang ako, and then the rest is history.
19:23Nagbakasakali lang daw si Bel noong makita online ang tungkol sa scholarship.
19:27He was 15 noong na-meet ko siya, so parang lalo akong na-inspire na,
19:30Sige, etong bata na ito nagbibigay ng chance sa amin.
19:34Araw-araw, gumigising ng alas 4 ng madaling araw si Bel para dito maisingit ang pag-aaral.
19:41Bago magtrabaho ng alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
19:46Ang course ko ay Business Administration, Major in Management Information System.
19:52Mahirap mang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral.
19:54Pag-aaral, nagsisikap daw si Bel, hindi lang daw para sa kanyang anak, kundi pati na sa kanyang nanay.
20:01Pero it's more like of achieving dream for my mom.
20:05Alam ko na pangarap ng nanay ko na makita niya ako talaga going up, alam mo yun, sa stage and then receiving my own diploma.
20:16Hindi na nga raw malayong makamit ang pangarap ni Bel. Dahil dalawang taon na lang, magtatapos na siya sa pag-aaral.
20:24Pagkatapos ng Fulfills, so I'll be going back home for good.
20:27Since magkakadiploma ako, siguro magtatry ako to work in a corporate world.
20:34Maliban sa libring edukasyon, nagbibigay rin sila ng mga seminar at workshop tulad ng financial literacy na mababaon nila sa pag-abot ng pangarap.
20:43Binigyan kami ng chance ng Fulfills na mangarap, mangarap ulit na hindi nagtatapos ang buhay namin as domestic helper dito sa Hong Kong.
20:53Ang unang batch mula sa halos 30 OFW na tinutulungan ang organisasyon, magtatapos na ngayong buwan.
21:02Let's give them a round.
21:03At ngayong day off ng mga skolar, naghanda muli sila ng isang get-together para makapag-bonding ang mga skolar at volunteer.
21:14Guys, and I'm like, oh my God, I can do it, I can do it.
21:16Ito po'y nagbigay sa amin ng pag-asa para makamit namin yung pangarap namin na diploma.
21:24Si Fulfills yung nagparealize sakin na walang edad, walang hirap hanggat mayroong mga tumutulong sa'yo, hanggat mayroong maniniwala sa'yo, makakaya mo.
21:34But I also wanted to congratulate all of you for all your hard work and your studies.
21:39Pero hindi raw dito nagtatapos ang pangarap ng mga tulad din na Emilio at Fulfills.
21:45Dahil magpapatuloy raw sila sa pagtulong pa sa mas maraming kababayan.
21:50Hindi lang sa Hong Kong ha, kundi maging sa buong mundo.
21:54Education should be a right that is given to not just a very select few, but also given to everyone.
22:02Ang sakripisyo ng mga OFW, hindi matatawaran.
22:06Kaya deserve naman nila ang makatanggap ng kabutihan mula sa mga taong katulad ni Emilio.
22:13Dahil kahit sa anumang paraan, pwede tayong makapagbigay ng magandang kinabukasan.
22:23Viral ang post na ito sa social media kung saan ang aktres at komedyante na si Iyamina
22:29nagbahagi ng saluubin tungkol sa kanyang karanasan sa isang drive-thru cafe kamakailan.
22:36Kwento niya, isang barista raw ang tumawag sa kanya ng sir sa kabila ng kanyang pambabaing ayos at forma.
22:44Hi sir.
22:46Sir talaga?
22:47Ano ba gusto ko itawag sa inyo?
22:48Tawagin mo ko ng ma'am or kaya miss. Kung hindi ka-comportable, tawagin mo ko sa pangalan ko.
22:53Palalampasin nang araw sana niya ito, pero laking gulat daw niya nang ang isanagot pa rin ng crew,
22:58Yes sir!
23:00Hindi lang daw isang beses, kundi pa ulit-ulit na pakiwari niya ay tila nang iimis pa.
23:06Ano po adyo niya sir?
23:07Sir na naman.
23:09Anyway, isang ice coffee.
23:13Sa kanyang post, sinabing iya na wala namang masama kung nag-aalangan kung anong itatawag
23:19at kung nahiya, hindi naman masamang magtanong.
23:23Inalam ng good news ang pulso ng ating mga kapuso,
23:27kabilang na yung mga madalas na nakakausap ng mga customer sa trabaho.
23:31Kung nakasuot na pang babae po, kung lalaki naman po yung ikura,
23:35wala naman po ang problema, pwede naman po tawagin na madam or sir.
23:39Nasa kanya na lang po kung mamasamay niya yung pagtawag po ng sir, ganun po.
23:42As we respect naman para sa guest namin,
23:45tinatanong din naman namin sila kung paano namin sila i-a-address kung ma'am or sir.
23:49May chance po na nalilito kami dahil marami pong ginagawa.
23:52Ito, napag-uusapan lang naman natin na...
23:55Hindi naman daw ito ang unang beses na nakaranas ng misgendering si Iya.
24:01Pero paano kung ikaw ang makasaksi sa eksena nito?
24:05Ano ang magiging reaksyon mo?
24:09Ang mga kaso ng misgendering na tulad ng kay Iyamina,
24:13ang hugot ng eksperimento natin ngayong Sabado.
24:17Ang eksena, magkukunwa rin bibili ng bulaklak
24:21ang kasabot nating transgender na si Mitch.
24:24Habang ang kasabot na customer na si Anita,
24:26itatama ang tindera sa pagtawag nitong Miss kay Mitch
24:31at tatawagin nitong Sir.
24:34Ano kaya ang magiging reaksyon ng tindera?
24:36Kaya niyo po sa ganitang bulaklak?
24:40Ato, P50.
24:46Parang kanini yan, Sir.
24:49Ha?
24:51Ano po?
24:52Kanini yan, Sir.
24:54Kanini yan, Sir.
24:56Mukha po ba akong Sir?
24:57Mukha po ba akong Sir?
24:58Pwede po ma'am na lang po, o kaya Miss na lang.
25:01Ilalabas na natin ang isang pangkasabot na customer na si Kenneth
25:05para makisali sa diskusyon.
25:08Tinawag niya po ako nun, Sir.
25:10Sir, ka naman talaga.
25:13Ma'am nga po, paot ulit.
25:16Sir, ka pa naman talaga.
25:17Ma'am nga, paot ulit po kayo.
25:20Malaki ka. Malaki.
25:24Paano ako naging baliw nun, ate?
25:28Tinanong ko na kung para kanino yan.
25:29Eh bakit ka, Sir, nang Sir?
25:31Hanggang sa ang tindera sa kabilang tindahan,
25:34lakiusyoso na rin.
25:36Inaanong po ba kita?
25:38Ikaw, mga anong!
25:40Di ba, ate, wala naman akong ginagawa sa kanya?
25:42Bukang nakuha nyo na ang mga audience, ha?
25:45Ano kaya ang gagawin ng tindera?
25:47Malaki pa rin po yan, ma'am.
25:48Oo, alam natin.
25:49Pero galangin nyo, Nate.
25:51Di ba? Galangin nyo, Nate.
25:53Galangin nyo.
25:55Time to reveal na!
25:57Ang target na tindera, may hugot pala.
26:06Kasi kami, ma'am, pagalimbawa, ganyan po ang kanyang kasutan.
26:09Ginagalan namin, ginagawa namin siyang ma'am.
26:11Kasi may anak din po akong bakla.
26:13Yan po.
26:14Sa unang eksena pa lang, mission accomplished na.
26:18Ibahin naman natin ang eksena.
26:20Sa pangalawang senaryo,
26:22mamimili ng sapato sa ukayan
26:24ang kasabot nating transgender.
26:27Pero ang kasabot natin na si Anita,
26:30kukontrahin ang pagbili nito
26:31ng pambabaing gamit.
26:34Roll! Good news, camera!
26:36Saan may tindera dito?
26:43Alam mo, kalina ka pa?
26:45Bakit po?
26:47Natalang natindang po din po.
26:49Masama po ba?
26:52Namimili po ako.
26:54Oo. Bakit?
26:56Ay, namimili po ako eh.
26:57Iba lalaki ka?
26:59Bawal ba bumili lalaki?
27:00Ano dito?
27:01Bakla dito?
27:02At napatulala na lang daw
27:04ang tindera sa dalawa.
27:06Ano yun?
27:08Ang makaasa?
27:09Laman ka lang nang dapod din po.
27:10Dinunguha niya.
27:12May ginagawa po ba ako sa kanya?
27:14Ang tindera,
27:15wala pa rin imit.
27:16Katingin niyo po ba?
27:17Mukha po ba akong lalaki?
27:18Oo, lalaki ka.
27:19Mukha man lalaki.
27:21Mukha po ba akong lalaki, ate?
27:23Masyado kang diskriminasyon.
27:27Bago pa kayo tuluyang mag-away,
27:29i-reveal na natin yan.
27:31Tama na.
27:31Tama na.
27:34Alam ko namin nag-aamit na lang.
27:38Wala naman po ata sa gender
27:40yung pamimili na dami
27:42kung anong gusto mong isuot.
27:43Basta,
27:44comfortable ka
27:46tsaka confident ka
27:47kung ano yung meron ka.
27:49Mabuhay po kayo,
27:50mga kapuso.
27:52Ayon sa eksperto,
27:54may behavioral explanation
27:55ang misgendering
27:56ng mga tao.
27:57Pag ito sa mga transgender,
28:00kinakailangan talaga
28:01kung ano yung preferred nila.
28:02Pag nakita naman natin
28:03na fully make-up,
28:04nakadress,
28:06wala namang masama
28:06kung tatawagin natin silang miss
28:08as a sign of respect
28:09sa kanila.
28:10May mga tao lang talaga
28:12na kailangang irespeto
28:14yung pagkakaiba-iba
28:15dahil may tendency yung iba.
28:17Mang asar,
28:18mang wiset,
28:19huwag nilang patulan.
28:21Kung magkakamali man sila,
28:22i-correct
28:23or at times,
28:24hayaan na
28:24para wala ng diskusyon.
28:27Hiningan namin ng panig
28:28ang naturang kafe
28:29kung saan
28:29di umano nakaranas
28:31ng misgendering si Ia.
28:32Pero tumanggi na silang
28:33magpa-interview.
28:35Nakipagugnayan na rin daw
28:36ang manager ng kafe
28:37kay Ia
28:38para humingi ng tawad
28:39at makipag-areglo
28:40na ay
28:41maging aral ito
28:42para sa iba.
28:46Masyado kang diskriminasyon.
28:49Ang respeto sa kapwa,
28:51walang pinipiling estado
28:52o kasarian.
28:54Dahil lahat tayo
28:55Galaanin niya, Dave!
28:57Iba, galaanin niya, Dave!
28:59Deserved yan.
29:02Operation Kabutihan pa rin tayo
29:04sa ating Good News Movement.
29:06Ready na ba
29:07ang mga kamera nyo?
29:08Abangan
29:09ang mga mabubuting gawa
29:10sa paligid.
29:12Kapag may nangailangan,
29:13tulungan.
29:14Kapag may nasaksiang kabutihan,
29:16kuhanan.
29:17I-video ang masasaksihan
29:19yung Good Deeds
29:20at isend sa aming
29:20Facebook page
29:21o itag ang aming account.
29:24At baka kayo na
29:25ang aming mapasalamatan
29:26at ma-feature
29:27sa Good News.
29:29Siyempre,
29:30gusto rin namin kilalanin
29:31ang mga gumagawa
29:32ng kabutihan
29:33sa araw-araw.
29:34At baka ang video ninyo
29:35ang aming ipalabas
29:36sa susunod na Sabado.
29:38Dahil basta pagtulong
29:39sa kapwa,
29:40hashtag
29:41panggoodnewsyan.
29:42Naway na po kaupo
29:43ng aming mga kwento
29:45ang inyong mga puso.
29:47Hanggang sa susunod na Sabado,
29:48ako po si Vicky Morales
29:49at tandaan.
29:51Basta puso,
29:52inspirasyon
29:53at good vibes
29:54siguradong
29:55Good News yan!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended