- 4 months ago
- #goodnews
Aired (October 18, 2025): Ang batang si Ayesha, nawalan ng mga magulang at mga kapatid dahil sa isang aksidente noong 2023. Sa tulong ng kanyang mga kaanak, unti-unti siyang bumangon mula sa trahedya. At para bigyan siyang muli ng mga ngiti at pag-asa, may ilang mga sorpresa tayong ibibigay sa kanya kasama ang Sparkle artist at former PBB Collab housemate na si Josh Ford!
Ang ginang naman na si Mommy Sam, dumidiskarte sa buhay sa pamamagitan ng pagluluto ng mga ulam. Sa hilig niyang mamalagi sa kusina, nakaimbento na nga siya ng hotdog na gawa sa malunggay at tilapia. Dahil pangarap ni Mommy Sam na gawin itong negosyo at ipakilala sa iba, may inihanda tayong tulong para sa kanya. Sasamahan pa tayo ng celebrity chef na si Chef JR Royol ng 'Farm to Table' para tikman ang hotdog na gawa sa malunggay at tilapia!
Panoorin ang buong episode! #GoodNews
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Ang ginang naman na si Mommy Sam, dumidiskarte sa buhay sa pamamagitan ng pagluluto ng mga ulam. Sa hilig niyang mamalagi sa kusina, nakaimbento na nga siya ng hotdog na gawa sa malunggay at tilapia. Dahil pangarap ni Mommy Sam na gawin itong negosyo at ipakilala sa iba, may inihanda tayong tulong para sa kanya. Sasamahan pa tayo ng celebrity chef na si Chef JR Royol ng 'Farm to Table' para tikman ang hotdog na gawa sa malunggay at tilapia!
Panoorin ang buong episode! #GoodNews
Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews
Category
😹
FunTranscript
00:0014 years ago, we've had a story full of heart, inspiration and good vibes.
00:13Happy 14th anniversary, mga kapuso!
00:16This is the story of my good news
00:20Kaysa-isang survivor in an accident.
00:24Hi, Ayesha!
00:25Are you here?
00:26Are you here?
00:27How are you?
00:28Did you miss it?
00:29Ang sparkle artist na si Josh Ford, na minsan din naging car accident survivor.
00:37May dalang inspirasyon para sa bata.
00:43Homemade hotdog, gawa sa tilapia at dahon ng malunggay.
00:48Nakagawa na tayo ng six pieces.
00:51Healthy na? Yummy pa!
00:53Baka sakaling maging negosyo.
00:55Grabe naman.
00:57Grabe naman yung bango na yan.
00:59Kasama si Chef J.R. Royole.
01:01Lalo pa nating pasasarapin yan para maibenta sa madla.
01:05Cheers!
01:06Cheers!
01:07Sorry!
01:08Ang sarap!
01:10Ang sarap!
01:12Murang hotdog siya.
01:14Hotdog na hotdog siya!
01:15Happy na kami!
01:16Seryoso!
01:19Mmm!
01:20Ang sarap!
01:21Sa sunod-sunod na mga masasamang balita at mga sakunang nangyayari sa ating bansa, deserve naman natin ang magandang balita.
01:33Maganda gabi!
01:34Ako po si Vicky Morales.
01:41Isang batang paslit na ulila matapos masaway sa aksidente ang buong pamilya.
01:48Makatagpo pa kaya siya ng bagong kakalinga sa kanya?
01:51Sa bilis ng pag-ikot ng mundo kung saan ang lahat ng bagay nadadaan sa mabilisan at ang bawat segundo ay parang karera sa daan,
02:03taano kung sa isang iglang, biglang huminto at ang lahat magbago, ano ang gagawin mo?
02:13Gwapo, matalino, at leading man material.
02:24Well, well, well, Miss Zeph Molina. Cutting classes already? Who would have thought?
02:30Ilan lang yan sa mga salitang naglalarawan sa 20-year-old sparkle artist na si Josh Ford.
02:37Siguradong nakikilala niyo ang heartthrob housemate na ito mula sa bahay ni kuya.
02:41Pero sa likod ng mga matatamis niya ngiti, merong pait na hindi niya malilimutan.
02:48Pumanaw sa isang disgrasya ang sparkle teen artist na si Andre Sison na nagsisimula palang gumawa ng pangalan sa showbiz.
02:56Dalawa pa niyang kasama ang patay at isa ang sugata.
03:00Nang maaksidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City ang sinasakyang kotse ni na Josh noong 2023.
03:07We were just in the car. I was at the front. We were enjoying ourselves. Tapos bigla na lang po talaga na out of control yung car.
03:15Si Josh ang kaisa-isang survivor sa aksidente.
03:20I just woke up na lang po sa hospital. Nandun na po din na binigay sa akin yung balita.
03:24Hindi talaga ako makapaniwala na nawala sila.
03:27Hindi lang sila kaibigan talaga sa akin. They're like brothers to me.
03:33Sila yung tumutulong sa akin sa bahay and whenever I'm down or feeling stressed, sila yung nandun para mapasaya ako.
03:40You know, I miss them so much. Super, super, super. As in, you know, I actually say thank you.
03:48Siyempre, I know sila yung mga guardian angels ko ngayon.
03:52Hindi man naging madali ang kanyang road to recovery,
03:55nagpatuloy siya sa tulong ng pamilya at mga taong nagmamahal sa kanya.
04:02My whole body here was, hindi mo paralyzed but,
04:05I mean, scars ko dyan. My left ear, you know, may butas pa rin ang eardrum ko.
04:11Nag-decision din siyang bumalik ng United Kingdom para ipagpatuloy ang pagpapagalin kasama ang kanyang pamilya.
04:18I needed that one month break. Sila talaga yung naka-attour sa akin, you know, my family.
04:22My ibang friends ko, they really helped me to just stay positive, you know, keep looking forward.
04:28Nag-iwan daw ng bubog kay Josh ang aksidente.
04:34Yeah, sometimes I remember yung mga nangyayari, mga flashbacks.
04:38Madili man ang naging nakaraan, nag-decision si Josh na hindi ito ang magdidikta ng landas na kanyang tatahakin.
04:45When I got back, I had to move out of the house.
04:47Sa dami po namin memories doon, eh.
04:49Work, it has kept me busy.
04:52Slowly, mas naintindi ako kung bakit, you know, why I need to talk about it.
04:58At sa pagpapatuloy ni Josh, patuloy siyang magpapasalamak sa ipinagkaloob na ikalawang buhay.
05:05But I'm very, very thankful, grateful and blessed talaga.
05:10Parang, after a lot na mga nangyayari ito na, nagsisumula na, malayo na, pero malayo pa.
05:16Grabe, grabe yung support sa akin ng mga tao.
05:19Lahat ng mga nagbamahal sa akin.
05:20After everything, ngayon nakikilala na ako.
05:23At dalawang taon matapos ang aksidente,
05:26Handa na si Josh na maging inspirasyon sa iba na dumaan din sa parehong pagsubok.
05:33I think now, I just wanna be like a positive vehicle talaga for people.
05:39Gaya ni Josh, may madilim ding nakaraan ang labing isang taong gulang na batang si Ayesha mula Kalamba, Laguna.
05:47Kita sa kuha ng CCTV na inararo na isang pickup truck ang dalawang magkasunod na tricycle.
05:53Undas noong 2023, nang maaksidente ang sinasakyang tricycle ng kanilang pamilya.
05:59Tulog po kasi kami lahat noon, bago po umalis.
06:02Lapat po hindi po talaga kami aalis kasi po nagluluto si Papa ng suma.
06:06Ang minamaneho raw na tricycle ng amang si Gilbert sumalpok sa isang malaking pickup truck
06:13na kumitil ng buhay niya at kanyang asawang si Aileen,
06:16pati na ng tatlong mga kapatid ni Ayesha na sina Alisa, Akisha at ang bunsong si Alicia.
06:23Kwento ng chai ni Ayesha, sa bilis ng pangyayari, tanging si Ayesha lang ang nakaligtas sa aksidente.
06:31Nangyari ang aksidente, 3.30 ng umaga.
06:34Paglampas ng riles, mabilis ang pangyayari. Bumanga talaga yung sasakyan sa tricycle.
06:41Tapos nakita namin may lumipad si Ayesha at saka yung pangalawa.
06:45Sa murang edad ni Ayesha, naiwan siyang nangulila sa pamilya.
06:49Nung nasa ICU, tanong na siya ng tanong, hinahat na niya yung mama niya, yung isang kapatid niya, yung dalawa.
06:56Hindi ko masabi sa kanya na wala na ang papa mo.
06:59Sa 40th na araw ng pagkalibing ng kanyang pamilya, saka pa lamang nalaman ni Ayesha ang katotohanan.
07:09Isay ko, Yeng. Di ba lagi mong hinahanap sila mama mo, sila papa mo?
07:15Sabi ko, wala na sila. Tumitig lang siya sa akin. Kasi nakita niyang naiyak na ako eh.
07:21Mabigat na balita man ang natanggap. Ang batang si Ayesha pinilit magpakatatag.
07:26Tapos sabi niya, hindi ko man lang sila nakita. Sabi niya, pag uwi ko bukas, gusto ko, punta tayo sa simenteryo.
07:34Ano na sa isa ko ng tanong? Ba't po umalis pa kami noon? Sana po din ano po kami umalis.
07:41At sa tuwing nahihirapan, ang paalala ng ama ang kanyang kinakapitan.
07:46Puminsan po kasi, nagkakintuhan kami na yung gabi po noon na sabi niya po na kaya ko po na mag-isa po lagi daw po akong magpalakas.
07:59Maagamang naulila ang mga alaala ng pamilya ang naiwan kay Ayesha.
08:04Si mama po, spoiled po sa amin. Lahat po nang gusto namin binibili niya.
08:09Si papa po, malambing po siya mayakap po. Lagi niya po kami nilulutuan kapag napasok po kami.
08:17Malambing po sila lahat. Tapos po, naglalaro po kami lagi.
08:22At sa muling pagbango ni Ayesha, dito na umalalay ang kanyang pamilya.
08:27Nag-usap-usap kaming magkakapatid. Ako na lang, tatayong guardian. Katulong nila, tsaka ng nanay po.
08:33Naandito lang kami para suportahan ka. Ipaglalaban ka namin kahit saan. Kahit kanino.
08:41Sa ngayon, si Ayesha bumalik na rin sa eskwalahan.
08:45Two years siyang nag-homeschooling. Kasi nga, hindi pa siya pwede kasi naka-wheelchair.
08:50With honor yan. Hanggang ngayon, kasali siya sa TAP.
08:54Yung nag-award po kami noon, perfect attendance po ako noon.
08:57Kasali po ako sa TAP. Gusto ako po maging teacher para po maturoan ko po yung mga bata.
09:06Nagpapatuloy man sa buhay, mananatili ang puwang sa kanyang puso na naiwan ang kanyang pamilya.
09:13Naralungkot pa rin po ako. Kasi po minsan, masasabi ko po sa isip ko na sana po hindi na lang po ganito yung nangyari.
09:25Sana po narinig po nila ako ngayon kahit wala na po sila.
09:29Kasi po, tsaka nila lang po akong naging malakas tapos mabait.
09:33Miss ko na po kayo. Sana po makikita ko kayo kahit sa panaginip.
09:40Bukod sa bagong pamilya, ang hindi alam ni Ayesha, may naghihintay pa sa kanyang biyaya mula sa isa nating kapuso na tulad niya ay pinagpapasalamat din ang ikalawang buhay.
09:56Nang marinig ang kwento ni Ayesha, ang sparkle artist na si Josh, hindi nag-atubiling bisitahin ang kapwa niya survivor.
10:07Hello mga kapuso, it's Josh Ford at nandito tayo ngayon sa Calamba, Laguna para bisitahin si Ayesha.
10:13Hi Ayesha! How are you? You're Kuya Josh. Kamusta ka na?
10:17Okay lang ako.
10:18Parang nahihiya ka Ayesha. Okay ka naman?
10:20Apo.
10:21Doing well? Okay lang ba sumahan kita dito?
10:22Apo.
10:23Tara tara.
10:24Dahil sa parehong sinapit sa parehong taon, si Josh naka-relate sa pinagdaraanan ni Ayesha.
10:30Parang parehas rin tayo dyan.
10:32We're both survivors.
10:34Ayun akang ganun, 2023 din.
10:36Nangyari sa akin.
10:37It was with my friends.
10:39First of you with your family, right?
10:41Pero nakita ko naman parang sobrang positive naman ang family mo.
10:45Kaya I think it's good na kasama ko yung mga tita mo.
10:49Love mo naman tita mo.
10:51Apo.
10:52I love you.
10:53At least nandito pa tayo.
10:54And we're still living.
10:58I heard what happened to your leg.
11:01Kamusta naman, like?
11:02Naapag...
11:03Lakad ka pa rin?
11:04Nakapagtakbo?
11:05Nakapagsayaw?
11:06Lakad lang po tsaka sayaw.
11:07Ah, nakasayaw ka?
11:08Balik ka, umili ka daw sa mayaw eh.
11:10Oh!
11:11Wow naman!
11:12Dancerist era kayo riyan, ha?
11:13Keep it up!
11:14At para tuloy-tuloy na ang bonding, sasamahan din ni Kuya Josh si Ayesha sa pagbisita sa kanyang pamilya.
11:30So yun na nga po mga kapuso, we just met the sweetest girl na si Ayesha.
11:35And di po doon nagtatapos na kanyang kwento.
11:37Makita po natin siya mamaya kasama si Miss Vicky Morales.
11:40Kaya abangan po natin yan.
11:43Eto ang mini picnic under the stars kasamang iyong pamilya.
11:48Kainan tayo!
12:05Thankful ako na nandito ka pa rin sa amin ngayon.
12:08Kasi at least may naiwang ala-ala sa amin si Vicky.
12:12Thankful ako na naandito ka kasi nagkaroon ako ng unikain.
12:16Thankful ako kasi nandiyan kayo palagi hindi niya ko pinagabihin.
12:20Thank you!
12:25Siyempre, hindi kumpleto ang bonding kung walang picture-taking.
12:30Kaya naman dinala ng Good News Team si Ayesha sa isang photo studio para sa kanilang official family portrait.
12:39Mami Grace, welcome po dito sa Good News.
12:45Nako, parang dalawang taon na ang nakalilipas no, mula niyong nangyari.
12:50Yol?
12:51Kamusta na kayo?
12:52Pinipilit po namin pala kasi yung loob.
12:56Lalo na po meron kong naiwan na isang.
12:58Para po sa kanya eh.
13:00Kamusta po si Ayesha?
13:01Okay naman po, masipag, mabait, sweet na bata.
13:05Parang niyo ko pinupuno yung pagmamahal?
13:08Alam ko po na kulang na hindi sapat kasi iba po yung tunay na magulang kesa sa amin.
13:14Pero, make sure, nina-make sure po namin na may bigay yung tulad ng mahigit pa sa magulang niya.
13:23Pak, ano gusto niyo pong sabihin sa kanya? Ano gusto niyo ipangatop po si Ayesha?
13:27Ayesha, huwag mo... huwag tatanim sa isip na...
13:38Mababayaan ka namin.
13:40Lagi mong tatandaan.
13:42Kami, mga tita, si nanay, mga pinsan.
13:46Lagi lang naandito para sa'yo.
13:48Ganyan ka namin kamahal.
13:50Ano mo naman yan?
13:52Ganyan mo naman kamahal si Mami Chris?
13:54Itodo na natin ng sorpresa!
13:59At dahil patapos ka na sa elementarya,
14:02masaya't inihahandog sa'yo ng good news!
14:07This certificate is proudly presented to Ayesha Paluhi as a recipient of full scholarship for complete junior high school from the Maranatha Christian Academy of Calamba.
14:19Uy, nako, diba gusto mo yan kasi malapit daw sa inyo?
14:23Ganyan ka?
14:24At bilang pasasalamat sa pagmamahal kay Ayesha,
14:28eto naman ang ilang mga produkto na maaari mong gawing panimulang business, Mary Grace.
14:35Pero ang pinakaimportante na regalo sa lahat, ang biyaya ng pamilya.
14:39Ito, yung bago mong family.
14:43Kasama rin siyempre yung family mo, yung tunay mong family dito.
14:47Naway palagi mong tingnan ang mga larawan na ito
14:50para magsilbing lakas at inspirasyon mo para lumaban sa buhay.
14:55Merong nagbabantay sa'yo mula sa heaven
14:57at meron din nagbabantay sa'yo na nandito,
15:00na nagmamahal sa'yo at hindi ka iiwan.
15:03Maiksi nga lang daw ang buhay natin sa mundo.
15:13Pero wag sana ito maging rason
15:15para hindi natin lubusin ang bawat segundo
15:18na makasama natin ang ating mga mahal sa buhay.
15:22Naway ang kwento ng katatagan ni na Josh at Ayesha
15:26ay magsilbing inspirasyon sa atin
15:28para lumaban at magpatuloy sa buhay.
15:33Hotdog na gawa sa tilapia at dahon ng malunggay.
15:41Yung daw ang pakulo ng isa nating kapuso sa isla ng talim.
15:45Pero ang problema, hindi niya lang ito maibenta
15:48dahil sa katulangan ng pera at karanasan.
15:52Sa pinakamalaking lawang isla sa gitna ng Laguna Depay,
16:05kung saan karamihan ikinabubuhay ang panging isla,
16:09iisipin mong ang pangunahing inihahain sa mesa rito, isda o iba pang lamang dagat.
16:15Pero ibahin niyo raw ang isa nating kapuso dahil ang specialty niya,
16:23hotdog na gawa sa tilapia.
16:26With matching, malunggay pa, ha?
16:29Pangarap niyang ipakilala ang healthy hotdog sa labas ng isla
16:34at maging ganap itong negosyo.
16:36Matupad naman kaya?
16:38Sama-sama nating alamin sa ikalabing apat na anibersaryo ng Good News.
16:45Para marating ang talim island,
16:48kailangang sumakay ng bangka mula sa binangon ng port
16:51at bumiyahin ng dalawang oras patawid sa Laguna Depay.
16:57Dito namin nakilala ang mag-aapat na dekada ng residente rito sa isla
17:01na si Evangeline o mas kilala bilang Mommy Sam sa kanyang mga kabarangay.
17:07Dahil laking isla si Mommy Sam,
17:10maaga siyang namulat sa hirap ng buhay.
17:13Pangwalo sa siyang na magkakapatid si Sam.
17:16Tekne siya ng ama habang mananahi ang ina.
17:20Anong bata ako, ayan.
17:21Nakikita ko na parang ang hirap ng sitwasyon.
17:24Ngayon, sinabi ko sa sarili ko na
17:27pag ako nagka-pamilya, nagsisipag ako.
17:30Pero sa kabila ng kahirapan,
17:32kailanman hindi raw niya iiwan ang ganda ng talim.
17:36Katunayan na nga, dito na rin siya nakapag-asawa at bumuo ng pamilya.
17:41Minsan hindi sumagi sa isip ko na umalis kami dito
17:44kasi kahit sabihin mong ganun yung naging sitwasyon namin,
17:48mas masarap din naman mamuhay sa isla.
17:51Ang isla ng talim, likas na binigayaan ng yamang dagat,
17:55gaya ng mga islang mamali, ayungin at dilapya.
18:02Kaya ang asawa ni Mommy Sam,
18:04taga-deliver ng isla sa iba't ibang parte ng isla.
18:10Habang siya naman, naiiwan sa kusina.
18:13Nagluluto para sa kanyang maliit na karinderiya.
18:16Pero hindi lang yan, ang talento niya sa pagluluto,
18:20dinala na rin siya sa pagvavlog para sa dagdag nakita.
18:24Ito nga sa Hamunado.
18:26Napakalasa nung pinya, tigit sa lahat ay may asukal na.
18:30Wala naman po nagturo sa akin.
18:32Dahil mahilig akong kumain,
18:34mahilig din ako magluto mag-isa.
18:37Hanggang sa mabigyan ko siya ng lasa,
18:40ng sarap, hanggang sa mahanap ko yung kulang sa timpla,
18:44hanggang sa matuto na ako.
18:46Pero kahit gaano raw kasarap ang kanyang mga luto,
18:49ang mga anak ni Mommy Sam,
18:51hiling pa rin daw talaga ang processed food gaya ng hotdog.
18:56Masarap na, mabilis pang lutuin.
18:59Pero nang minsan magka-food allergy ang bunsong anak na si Marvin.
19:04Dito na siya nagdesisyon na gawing healthy
19:07ang mga inilulutong pagkain para sa kanila.
19:11Yung anak ko, nadala namin yan sa doktor
19:14na hindi namin alam kung kontaminado ba yung pinain niya.
19:19Basta na-allergy siya sa pagkain.
19:21Kaya naman ang paboritong hotdog ng mga anak,
19:24inisipan niya kung paano gagawin healthy.
19:27E ano pa nga bang isasangkap niya,
19:29kundi tilapia na sagana sa kanilang isla.
19:33Papalaot lang kami.
19:35Bibili ka lang doon.
19:36May tilapia ka na.
19:37At dito sa amin sa Talim Island,
19:38mura lang naman talaga ang kilo ng tilapia.
19:41Pero kung na-amaze na kayo sa fishdog,
19:43there's more.
19:45Dahil ang tilapia hotdog niya,
19:47mas lalo parang pinasarap
19:49at pinasustansya ng malunggay.
19:53Dito lamang din yan sa Talim Island.
19:55Sa kapitbahay, pwede kang manghingi.
19:57Ayan, pwede kang magtanim.
19:59Nang in-upload niya nga
20:00ang kanyang healthy hotdog recipe online,
20:03inulan lang naman ito ng million views.
20:06At ngayon naman ay atin itong i-steam sa tubig.
20:10Kagaya nga na sinasabi ko sa inyo,
20:12ayan, hindi natin pakukuluan ng hotdog.
20:14Paiinitan lamang natin niya ng 10 minutes.
20:17Noong una kasi enjoy-enjoy lang yan.
20:19Hindi ko akalain na may nag-trending na video.
20:22Mami Sam, paano nga ba ginagawa
20:25ang tilapia malunggay hotdog mo?
20:27Ngayon ipakikita ko po sa inyo
20:29kung paano gumawa ng fish hotdog.
20:32Dito po natin sila ilalagay lahat.
20:34Ito yung tilapia hotdog na kinat natin
20:37ng ganitong kalalaki.
20:39White pepper, garlic powder, onion powder.
20:43Inihalo na rin ang itlog
20:45at pangsipan ng konting anghang na Spanish paprika.
20:50Tapos ito yung cornstarch.
20:53At para mas gawing healthy ang hotdog,
20:56idagdag na ang malunggay.
20:59Tubig na malamig.
21:02Pwede nang gilingin.
21:04Aba!
21:06At hindi lang palabas na hotdog ha?
21:11Cheese dog pa!
21:13Yung reason ko, baka sakaling maging negosyo
21:16at makatulong din sa mga nanay na katulad ko
21:19na yung mga anak na takot pakainin
21:22ng mga processed food.
21:23Ayan, pwede silang gumawa ng sarili nilang hotdog.
21:26Eto na, loto na yung ating fish dog.
21:31Ang pinapangarap na negosyo,
21:33maisa ka ito para na kaya?
21:35To the rescue dyan ang isang celebrity chef.
21:38May level up na kaya ang healthy hotdog recipe ni Sam?
21:42Yung mga gulay.
21:46Magano po ito?
21:50Ready na tayo?
21:52Magtano tayo sa Talim Island.
21:54Dahil si Chef, dadayo ng Talim Island
21:57para tulungan si Mami Sam
21:59sa inaasam niyang negosyo.
22:01Siyempre, ang welcome committee ng isla si Mami Sam.
22:06Magandang umaga po.
22:08Si Chef, nag-tour pa ala lokal.
22:11Dito, makikihingi po ng malunggay.
22:14Ako na po kukuha.
22:16Siksik talaga sa vitamins and minerals.
22:19Speaking of malunggay,
22:21paglulutuan ka na raw ni Mami Sam
22:23ng kanyang tilapia malunggay hotdog chef.
22:27Grabe naman.
22:29Grabe naman yung bango na yan.
22:31Grabe ah.
22:32Visually, check na check.
22:35Ah, mamango ah.
22:36Sa lasa naman.
22:38Ay, titikman na ni Chef.
22:41Check na check siya.
22:43Pagkakagat mo sa kanya,
22:45yung parang sumasabog na umami,
22:48yung linamnam na nalalasahan ko,
22:51gusto ko yung touch ng peppery.
22:54Nak na lahat.
22:56Di lahat.
22:57Di lahat.
22:58Approved.
22:59Sumakses ka, Mami Sam.
23:01Pero teka,
23:02hindi pwedeng kayo lang ang mag-e-enjoy dyan ha?
23:05Dapat ako rin.
23:06Patikim na nga.
23:08Wow.
23:09Excited na excited na ako.
23:10I-try itong bagong style ng hotdog.
23:13No?
23:14Tikman na nga natin ito.
23:15Tama-tama kasi super favorite ko ang fish.
23:19Tapos ito may cheese pa oh.
23:21So talagang for sure malasay.
23:23Tikman na natin ito.
23:26Mmm.
23:27Yung sarap.
23:28Yung super sarap talaga.
23:30Bibiliin ko talaga siya.
23:32Actually maubos ko ito.
23:33Masarap siya.
23:34Yan o.
23:35Nakikita nyo may malunggay.
23:36Then may cheese.
23:37Yung mga puti-puti.
23:39Masarap niya.
23:40Super healthy hotdog.
23:43Siyempre,
23:44hindi pwedeng si Mami Sam lang
23:45ang may version ng tilapia hotdog.
23:48Dahil si Chef,
23:49magbibigay rin ang recipe idea
23:51para sa ating bida.
23:53Ang role ko for today's video
23:55is maybe help
23:58siguro enhance lang yung product.
24:00Ang bida pa rin siyempre
24:02ang tilapia ng talim.
24:05Mga 350 grams
24:08yung ating tilapia fillet.
24:11And then
24:12we're gonna season this
24:16with some salt.
24:18Imbes na paprika yung gagamitin natin.
24:21Ito.
24:22Siling labuyo.
24:23Pangkiliti lang.
24:26And then yung ating pepper.
24:27Lagay lang din tayo.
24:29Ideally, you'd wanna use
24:30white pepper.
24:32And then,
24:33some sugar.
24:35Yung ating garlic powder.
24:39Yung ating onion powder naman.
24:44This is something na
24:46very abundant din dito sa talim island.
24:48Yung kanilang kangkong.
24:50So yung kangkong leaves natin,
24:52ilalagay lang din natin siya.
24:55And ito po yung isang importante din na aspeto.
24:58Malamig na tubig.
25:00Ang purpose po nyan
25:02is because of the grinding action
25:05na nangyayari dun sa ating food processor.
25:07Nag-create po ito ng heat.
25:08Maya-maya pa.
25:23Ito na yung ating version ng labuyo kang kong fish dog.
25:26Fish dog.
25:27Aba?
25:28Chef JR?
25:30Mukhang masarap yan ha.
25:32Moment of truth.
25:33Wow.
25:34Cheers.
25:35Cheers.
25:39Sorry.
25:41Ang sarap!
25:43Grabe!
25:45Ano,
25:47binawasan niya yung ingredients
25:50tapos nilagyan niya ng sili yung kangkong.
25:52Ang sarap, Chef!
25:54Ang isa pang huhusgar yan,
25:56siyempre,
25:57ang mga anak ni Mami Sam.
25:59Ito na yung mga expert.
26:02Ayan.
26:04Ikaw yan.
26:05Sarap.
26:06Parehas lang po yung consistency nyo.
26:08Anak approved!
26:09E mukhang ready ng maging negosyante si Mami Sam.
26:12Siguro mga 1% lang sa amin ang makakagawa ng sarili niyang signature dish.
26:18Ang hindi alam ni Mami Sam,
26:20si Chef JR may munting regalo pang simula ng negosyo.
26:25Since gusto natin maupisahan nyo na yung inyong negosyo,
26:28as soon as possible,
26:30kami po sa good news,
26:31e may dala po sa inyong pang umpisa ng mga ingredients.
26:34Unang-una na rito si Chef.
26:36Maraming maraming salamat po, Chef.
26:38My pleasure.
26:39At sa good news,
26:40kay Ma'am Vicky Morales.
26:42Ang unang batch ng packed hotdogs,
26:44handa nang lumabas ng isla para magpakilala.
26:48Brown din ako.
26:49Siyempre ako rin ito.
26:52Maraming hotdog siya.
26:53Yes, hotdog na hotdog siya.
26:54Ang galing.
26:55Pero hindi siya over-processed na hotdog.
26:57Hindi sabihin hindi siya yung sobrang manipis na texture.
27:00Meron siyang may bite siya ng konti.
27:02Pero promise na gahanap ako ng kanin.
27:04Ngayon lang uli ako bahay ng hotdog.
27:05At kung binibente ito, bibili ako.
27:07At eto pa ang good news.
27:09Bilang patikim sa future business,
27:11may mga kinontrata na ang good news team sa palengke
27:14ng binangonan para maging reseller
27:17ng Mommy Sam's hotdog.
27:19Medyo bago po kasi sa paningin sa panlasa ng Pilipino.
27:24Okay. O nga naman ano.
27:26Talaga yun yung bentahin natin, Mommy Sam eh.
27:28Sa isda.
27:29Oo, diba?
27:30Sir Ardel, mga ilang kilo kagad yung kukunin natin kay Mommy Sam.
27:34Kung kaya mga na 50 eh.
27:36Wow!
27:3750!
27:38Ang presyo raw ng kada pack, 30 pesos lang.
27:44Maraming maraming salamat po.
27:46Maraming salamat din sa'yo, Mommy Sam,
27:48for being an inspiration sa mga kapuso natin na
27:51nag-iisip mag-umpisa.
27:53Kung ano man yung pwede nilang maging sideline sa umpisa,
27:56na hopefully, eventually, eh maging main source of income natin.
28:00Walang madaling paraan para magsimula ng negosyo.
28:04Pero kung may talento at sariling iyo ang produkto,
28:08tiyak aasensong.
28:11Samahan lang ng tsaga at dedikasyon.
28:14Kahit ilang isna pa ang tatawirin,
28:16magtatagumpay ang pinapangarap ng negosyo.
28:22Operation Kabutihan pa rin tayo sa ating Good News Movement.
28:26Ready na ba ang mga camera nyo?
28:28Abangan ang mga mabubuting gawa sa paligid.
28:32Kapag may nangailangan, tulungan.
28:35Kapag may nasaksiyang kabutihan, kuhanan.
28:38I-video ang nasaksiyang yung Good Deeds
28:40at isend sa aming Facebook page
28:42o itag ang aming account.
28:44At baka kayo na ang aming mapasalamatan
28:47at ma-feature sa Good News.
28:49At baka ang video ninyo ang aming ipalabas
28:52sa susunod na Sabado.
28:54Dahil basta pagtulong sa kapwa,
28:56hashtag pang Good News yan.
28:59Hindi pa tapos ang 14th anniversary special ng Good News.
29:03Dahil sa susunod na Sabado,
29:05hatid namin ang mga kwentong siguradong aantig sa inyong mga puso.
29:09Ako po si Vicky Morales,
29:11sa loob ng 14 taon,
29:13tadaan,
29:14basta puso,
29:15inspirasyon,
29:16at good vibes,
29:17siguradong Good News yan!
Comments