Aired (November 15, 2025): Ang Morning Sun Eatery, abot-kayang pagkain ang tinda pero pang-world class ang lasa! Ang Some Thai naman, ilang taon pa lang na naghahain ng Thai dishes pero gumagawa na ng ingay! Ang mga kainang ito, kapwa kinilala ng Michelin Guide, isang prestihiyosong food guide o restaurant rating system sa buong mundo! Parehong matatagpuan ang mga ito sa Quezon City, at para tikman ang kanilang mga dish, pupuntahan 'yan ni Sparkle star Cheska Fausto. Panoorin ang video. #GoodNews
00:00Noong nakaraang buwan, nagbunyi ang buong bansa dahil 108 na mga kainan sa Pilipinas ang kinilala ng Michelin Guide,
00:10isa sa pinaka-prestiyosong food guide o restaurant rating system sa buong mundong.
00:17Sari-sari ang mga nagwagi, mula sa mga high-end na kainan hanggang sa mga karinderyang takbuhan ng budgetaryan,
00:26ang husay ng mga Pinoy sa kusina, world class.
00:30Kung ang Michelin Guide may mga Michelin Inspector na siyang tumitikim ng mga putahin ng bawat restaurant,
00:38dito sa Good News, meron din tayong makakasamang food investigator,
00:43ang ating kapuso at sparkle artist na si Cheska Fausto.
00:48Hello mga kapuso, it's me Cheska Fausto.
00:51At syempre ngayon, nandito ako sa Good News, ayan ang ating Morning Sun Eater din.
00:57Kaya excited na excited na ako matikman ito.
00:59Kita nyo naman, ang dami ng pumipila.
01:02Ayan naman, let's go, baka maubusan tayo ng pagkain.
01:06First up, ang pinipilahan sa Quezon City,
01:10ang Morning Sun Eatery na kilala sa kanilang mga Ilocano dish,
01:15karinderia, bat, Michelin yan ha?
01:18Doon pa pala yung pila.
01:21Ang halos tatlong dekadang kainan,
01:23nagugat lang daw sa simpleng pagkahilig sa pagkain ng mag-asawang Tubong Bangar, La Union.
01:30Nagsimula po ito, November 15, 1996.
01:34Bali po ang ano po nito, yung mother ko po kasi galing po ng Dubai,
01:39nag-OFW po siya.
01:41And then pagka-uwi po niya dito, yun na po yung nag-start dito na mag-open ang Morning Sun.
01:46Bago pa man daw mamasukang domestic helper abroad,
01:50e may talent na sa pagluluto ang kanilang ina.
01:53Sa katunayan, nagba-barbecue na nga raw silang mag-asawa noon.
01:57Kaya naman pala, nangunguna sa listahan ng pinipilahan dito,
02:01ang kanilang ihaw-ihaw sa pangunguna nitong juicy pork barbecue na 35 pesos ang isa.
02:08Unang-una talaga yung mga barbecue na po talaga, yung mga Ilocano dishes po talaga.
02:13OG minuraw nila itong ensaladang talong at dinagdakan.
02:18Nakalaunan, dinagdagan pa nila ng ibang mga putahe,
02:22gaya ng kambing dishes na papaitan at kaldereta.
02:26Abot kayang kainan man, hindi naman daw tinipid sa lasa at sangkap ang kanilang mga inihahain.
02:31Ngayon po kasi, ang per order po namin sa mga meat is 90 pesos po.
02:37Pwede po silang mag-half 50 pesos.
02:39Eto't nasa bungad na ng tila ang ating good news investigator na si Cheska.
02:44And it's time to taste and review.
02:47So dinagdakan.
02:52Tikman ko muna to ng solo.
02:57Cheers!
02:57Masarap, Kuya Loy! Masarap!
03:06Grabe yung namnam niya, tapos lasa mo yung pagka-grill sa pork din before nila ginisa.
03:14Hindi nila tinipid sa rekados.
03:16Siyempre, hindi rin mawawala na matikman ang kanilang ipinagmamanaking ihaw-ihaw.
03:23Next naman, tikman natin ang kanilang liyanko.
03:25So, kung si Cheska ay satisfied, paano naman ang mga katabing customer ni Cheska?
03:41Panood namin kagabi sa YouTube.
03:43Wow, worth it naman. Ano po yung pinaka-favorite po ninyo na putahin na natikman nyo for today?
03:55Parang almost all.
03:56Sa dami ng mga customer nila, tulong-tulong daw ang buong pamilya sa pagpapaandar ng negosyo.
04:04Family business po, so kami, ako rin po cook, one of the cook, pati po yung kapatid ko at yung mother ko.
04:10Matapos gawara ng Michelin Guide ng Bib Gourmand, e lalo raw dinumog ang munting kainan nila.
04:16Hindi po talaga namin alam. Nabigla po talaga kami. Sobrang saya, sobrang blessed po kami, tsaka sobrang nasopresa talaga.
04:27Ang tunay na tagumpay raw ng kainan ay ang pagkakataong babago ang buhay ng kanilang pamilya habang naghahain ang masarap na lutuin sa madla.
04:36Dito po ako napag-aral ni nanay. Kasi since 1996 po, nakapagpatayo na po kami ng bahay sa lawan nyo.
04:44Nakabili na rin po si nanay at tatay ng mga lupa. Kahit pa paano po may sasakyan na kami nabili kahit second hand lang.
04:51And there's more to our world-class food trip. Ang aming good news investigator, dumayo na rin sa Tomas Morato sa Quezon City.
05:00Sawadi ka mga kapuso, pero hindi-hindi ka magsasawa dito sa Samtai.
05:08Presenting another Michelin Bib Gourmand, Samtai.
05:13At ang pasimuno raw sa masarap na mga putahe rito, e walang iba kundi ang ama ni PBB Collab Edition 2.0 housemate, Caprice Cayetano na si Chef George Mendez.
05:25May nag-open talaga si Samtai. It's March 8th. Mag-to-two years pa lang siya.
05:30Ito yung tinayong restaurant ni Chef George kasi ito po yung naging isa sa mga nag-paborito pagkain nilang family niya.
05:37Sa sobrang pagkahilig ng araw sa Thai food, naisipin ni Chef George na sumugal sa sarili niyang Thai resto na developed from scratch ha.
05:47From the scratch po namin din na-aral yung bawat dish. Nagtitraining na po kami.
05:51Sa loob lang ng dalawang taon sa food industry, e gumagawa na ng ingay ang Samtai.
05:58Bukod sa mga classic Thai dish nila tulad ng Tomyam, isa raw sa paborito rito ang tinatawag nilang sun and raw egg na challenging daw gawin.
06:08Very crucial siya. Ang hirap po talaga niyang i-handle kung paano natin siya mape-perfect.
06:14Pero at least ngayon po is perfect na natin yung tuloy-tuloy na na po.
06:17Nakakuha na natin yung perfect procedure, perfect timing, then perfect temperature po ng pagkain na ginagamit natin kay Samtai.
06:25Eh ano pang hinihintay natin? It's time to taste test! Good News Investigator, Cheska!
06:33Oh my God!
06:34Eto mga kapuso, it's just deep-fried egg white and raw egg yolk with like tamarind sauce.
06:42So kakaiba lang talaga siya, no?
06:43Cheers!
06:44Wow!
06:56Gets ko na kung bakit ni-recognize ito. Sobrang sarap. I'm not lying guys.
07:03Super duper. Ang sarap ng ano, ng combination.
07:09Actually, si Bichilin is a huge impact. Naging consistent yung dagsa ng customers namin.
07:27Monday to Sunday, consistently talaga. Rain or shine, nandyan sila sa amin, nagpumipila.
07:35Aba, bukang satisfied siya.
07:36Definitely worth trying and naiintindihan na natin ngayon kung bakit sila trendy.
07:42Ang mga paborito nating kainan, wala sa liit o laki.
07:47Kung hindi nasa kalidad ng pagkain.
07:50Lasang Pinoy na Pinoy na hindi masakit sa bulsa.
07:53Congratulations po sa mga kinilala ng Michelin Guide.
Be the first to comment