Skip to playerSkip to main content
Aired (February 14, 2026): Mala-kwek-kwek ang hitsura pero gawa sa kamote at matamis ang lasa—iyan ang buchi-buchi ni Nanay Melinda ng Lipa City, Batangas. Dahil dito, libo-libo ang kanyang kinikita kada araw at nakapagpatayo na siya ng bahay. Panoorin ang video! #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Itsura pa lang, alam na alam na, bilog-bilog, nakabalot sa kulay kahel na harina, at ipiniprito sa kumukulong mantika.
00:12Pero kung iniisip niyong kwek-kwek ito, magkakamali kayo.
00:16Sige na nga, pataste test na nga!
00:30Masapin siya, parang narasahan ko yung alam niyang kamote. Yung labas niya, mayroon siyang parang nilagay siya ng parang crispy
00:37siya.
00:37Sirip na kung ano?
00:39Ang bilog-bilog na kulay kahel na ito, hindi kwek-kwek. Ang tawag dito ng mga batang genyo, buchi-buchi.
00:48O diba, gulong-gulong na rin kayo?
00:50Dahil hindi tulad ng nakasanayan nating buchi na manilaw-nilaw, gawa sa malagkit, may palaman na matamis na munggo, at
00:59binudbura ng sesame seeds.
01:00Sa Lipa Batangas, ang tinatawag nilang buchi-buchi, gawa sa kamoting kahoy.
01:09Dito sa Candido López Memorial Public Market, hindi nangangamote ang tinipilahang buchi-buchi gawa ni Nanay Melinda.
01:18Ang walong pirasong buchi, mabibili lang sa halagang 25 pesos.
01:25Habang ang labing-anim na piraso naman, e 50 pesos lang.
01:33Alas tres ng hapon, sinisimulan na ni Nanay Melinda ang paggawa ng buchi-buchi.
01:40Dahil na rin sa edad ni Nanay Melinda,
01:42ang madalas na nakatoka sa paghahanda ng mga kamote, ang panganay niyang anak na si Louie.
01:49Matagal lang, yung bata pa ako, alam ko na rin.
01:51Disodtsyo ako, nagumpisa na rin.
01:55Nawala ang tatay, disodtsyo eh.
01:56Binalatan at nilinis muna ang biniling kamoting kahoy.
02:01Saka ito pinakuloan ng 20 minuto.
02:04Kapag malamig na, pinipi ang kamoting kahoy.
02:08Hanggang sa maging dough ito.
02:11Inirolyo ito ng pahaba sa kahiniwa ng maliliit.
02:17Ang bunsong anak naman na si Norman ang nakatutok sa pagmamasa ng harina at pagbabalot ng buchi-buchi.
02:26Alas tres ng madaling araw, sinanay Melinda pumupunta na sa pwesto niya sa palengke.
02:32Kapag mainit na ang mantika sa kawali,
02:36ipiniprito na ang mga buchi-buchi at makalipas ng ilang minuto,
02:41hinangon na niya ito at inilagay sa malaking bilao.
02:48Kumikita sila ng tatlo hanggang limang libong piso kada araw.
02:53At dahil sa buchi-buchi, sinanay Melinda nakapagpatayo na ng sariling bahay.
03:00Importante sa buhay namin dahil nakakatulong sa pagkain,
03:04pambayad sa tubig, pambayad sa mga bayaring.
03:11Mahigit limang dekada nang gumagawa at nagtitinda ng buchi-buchi si nanay Melinda.
03:17Sanyang gayo ng kulay niya, talagang orange.
03:20Ibang lugar meron ba yulit?
03:22Parting Batanga City, sa Taal.
03:25Nag-aaral pa lamang sa kolehyo si nanay Melinda
03:28nang mamasukan siya bilang tindera ng buchi-buchi.
03:31Pero ang di niya inaasahan na love at first buchi raw siya sa anak ng amo niya.
03:38Nakilala una niyang napang-asawa.
03:40Tindera ko ng kanyang ina.
03:42Ako'y work is student sa LCC.
03:45Yun, doon ko siya nakilala. Dito rin sa palengke.
03:48Nang mamatay ang Binan, sila na ng kanyang mister ang nagtaguyod ng kanilang buchi-buchi business.
03:55Eh di ano, katulog din sa paggagawa.
03:58Asama ko pa rito.
04:00Katulog ko sa pagluluto nung nagsayang nabubuhay pa.
04:03Pero nang pumanaw ang asawa taong 2000 dahil sa sakit,
04:08ang mga anak na ni nanay Melinda ang katuwang niya sa pagawa ng buchi-buchi.
04:13Ay, hindi ako masyadong nairapan sa amin.
04:17Tindala ako talaga.
04:18Hanggat kaya, hindi raw titigil si nanay Melinda sa pagtitinda ng buchi-buchi.
04:25Lalo na't siya na lang ang natitirang nagtitinda nito sa kanilang lugar.
04:30Kaya tanging hiling niya, ipagpatuloy ng mga anak ang kanyang negosyo.
04:36Oo naman, pag hindi na kaya, kahit kanino, pwede.
04:40Kasi yun ang may gusto.
04:42Sa ilalim ng kahil na langit, ang sipag ay nagiging biyayap.
Comments

Recommended