Skip to playerSkip to main content
Aired (October 18, 2025): Noong Undas 2023, isang trahedya ang yumanig sa buhay ng noo'y 9-anyos na si Ayesha mula Calamba, Laguna. Sa aksidenteng kinasangkutan nila, nasawi ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid. Si Ayesha lang ang nakaligtas.



Ngayon, makalipas ang dalawang taon, kumusta na siya? Kasama si Josh Ford na tulad niya ay survivor din ng isang aksidente, bibisitahin natin si Ayesha para bigyan ng ngiti, inspirasyon at bagong pag-asa. #GoodNews

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa bilis ng pag-ikot ng mundo, kung saan ang lahat ng bagay na dadaan sa mabilisan at ang bawat segundo ay parang karera sa daan,
00:11taano kung sa isang iglang, biglang huminto, at ang lahat magbago, ano ang gagawin mo?
00:24Guapo, matalino, at leading man material.
00:30Well, well, well, Miss Zeph Molina, ka in classes already? Who would have thought?
00:38Ilan lang yan sa mga salitang naglalarawan sa 20-year-old sparkle artist na si Josh Ford.
00:44Siguradong nakikilala nyo ang heartthrob housemate na ito mula sa bahay ni kuya.
00:49Pero sa likod ng mga matatamis niya ngiti, merong pait na hindi niya malilimutan.
00:56Bumanaw sa isang disgrasya ang sparkle teen artist na si Andre Sison na nagsisimula palang gumawa ng pangalan sa showbiz.
01:04Dalawa pa niyang kasama ang patay at isa ang sugata.
01:08Nang maaksidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, ang sinasakyang kotse ni na Josh noong 2023.
01:15We were just in the car. I was at the front. We were enjoying ourselves. Tapos bigla na lang po talaga na out of control yung car.
01:23Si Josh, ang kaisa-isang survivor sa aksidente.
01:27I just woke up na lang po sa hospital. Nandun na po din na binigay sa akin yung balita.
01:32Hindi talaga ako makapaniwala na nawala sila.
01:37Hindi lang sila kaibigan talaga sa akin. They're like brothers to me.
01:40Sila yung tumutulong sa akin sa bahay and whenever I'm down or feeling stressed, sila yung nandun para mapasaya ako.
01:48I miss them so much. Super, super, super. As in, you know, I just want to say thank you.
01:55Siyempre, I know sila yung mga guardian angels ko ngayon.
01:59Hindi man naging madali ang kanyang road to recovery.
02:03Nagpatuloy siya sa tulong ng pamilya at mga taong nagmamahal sa kanya.
02:09My whole body here was, hindi mo paralyzed but, you know, scars ko dyan.
02:13My left ear, you know, may butas pa rin ang eardrum ko.
02:18Nag-desisyon din siyang bumalik ng United Kingdom para ipagpatuloy ang pagpapagaling kasama ang kanyang pamilya.
02:25I needed that one month break. Sila talaga yung naka-tour sa akin, you know, my family, my ibang friends ko.
02:31They really helped me to just stay positive, you know, keep looking forward.
02:36Nag-iwan daw ng bubog kay Josh ang aksidente.
02:41Yeah, sometimes I remember yung mga nangyayari, mga flashbacks.
02:44Madilim man ang naging nakaraan, nag-desisyon si Josh na hindi ito ang magdidikta ng landas na kanyang tatahakin.
02:51At sa pagpapatuloy ni Josh, patuloy siyang magpapasalamat sa ipinagkaloob na ikalawang buhay.
03:12But I'm very, very thankful, grateful and blessed talaga.
03:18Parang after lahat na mga nangyayari ito na, nagsisumula na, malayo na pero malayo pa.
03:23Grabe, grabe yung supporta sa akin ng mga tao.
03:26Lahat na mga nagbamahal sa akin. After everything, ngayon nakikilala na ako.
03:30At dalawang taon matapos ang aksidente, handa na si Josh na maging inspirasyon sa iba na dumaan din sa parehong pagsubok.
03:40I think now, I just want to be like a positive vehicle talaga for people.
03:46Gaya ni Josh, may madilim ding nakaraan ang labing isang taong gulang na batang si Ayesha mula Kalamba, Laguna.
03:53Kita sa kuha ng CCTV na inararo na isang pickup truck ang dalawang magkasunod na tricycle.
04:00Undas noong 2023, nang maaksidente ang sinasakyang tricycle ng kanilang pamilya.
04:06Tulog po kasi kaming lahat noon, bago po umalis.
04:09Dapat po hindi po talaga kami aalis, kasi po nagluluto si Papa ng suma.
04:14Ang minamaneho raw na tricycle ng amang si Gilbert sumalpok sa isang malaking pickup truck
04:20na kumitil ng buhay niya at kanyang asawang si Aileen,
04:24pati na ng tatlong mga kapatid ni Ayesha na sina Alisa, Akisha at ang bunsong si Alicia.
04:30Kwento ng chai ni Ayesha, sa bilis ng pangyayari,
04:33tanging si Ayesha lang ang nakaligtas sa aksidente.
04:39Nangyari ang aksidente, 3.30 ng umaga, paglampas ng riles.
04:44Mabilis ang pangyayari eh, bumangga talaga yung sasakyan sa tricycle.
04:48Tapos nakita namin, may lumipad si Ayesha at saka yung pangalawa.
04:52Sa murang edad ni Ayesha, naiwan siyang nangulila sa pamilya.
04:57Nung nasa ICU, tanong na siya ng tanong.
04:59Hinahalap na niya yung mama niya, yung isang kapatid niya, yung dalawa.
05:03Hindi ko masabi sa kanya na wala na ang papa mo.
05:08Sa 40th na araw ng pagkalibing ng kanyang pamilya,
05:13saka pa lamang nalaman ni Ayesha ang katotohanan.
05:16Isay ko, Yeng.
05:18Di ba lagi mong hinahanap sila mama mo, sila papa mo?
05:22Sabi ko, wala na sila.
05:24Tumitig lang siya sa akin.
05:26Kasi nakita niyang naiyak na ako eh.
05:28Mabigat na balita man ang natanggap.
05:30Ang batang si Ayesha pinilit magpakatatag.
05:33Tapos sabi niya, hindi ko man lang sila nakita.
05:37Sabi niya, pag uwi ko bukas, gusto ko, punta tayo sa simulteryo.
05:41Ano nakita ko ng tanong?
05:43Ba't po umalis po kami noon?
05:46Sana po din ano po kami umalis.
05:49At sa tuwing nahihirapan, ang paalala ng ama ang kanyang kinakapitan.
05:54Puminsan po kasi, nagkakintuan kami na yung gabi po noon na,
05:59sabi niya po na, kaya ko po na mag-isak po, lagi daw po akong magpalakas.
06:04Maagamang na ulila, ang mga alaala ng pamilya ang naiwan kay Ayesha.
06:11Si mama po, spoiled po sa amin.
06:14Lahat po nang gusto namin binibili niya.
06:17Si papa po, malambing po siya mayakap po.
06:21Lagi niya po kami nilulutuan kapag napasok po kami.
06:25Malambing po sila lahat.
06:26Tapos po, naglaro po kami lagi.
06:29At sa muling pagbango ni Ayesha, dito na umalalay ang kanyang pamilya.
06:35Nag-usap-usap kaming magkakapatid.
06:37Ako na lang, tatayong guardian.
06:39Katulong nila, tsaka ng nanay po.
06:41Nandito lang kami para supportahan ka.
06:44Ipaglalaban ka namin kahit saan.
06:47Kahit kanino.
06:49Sa ngayon, si Ayesha, bumalik na rin sa eskwelahan.
06:52Two years siyang nag-homeschooling.
06:55Kasi nga, hindi pa siya pwede kasi naka-wheelchair.
06:57With honor yan, hanggang ngayon, kasali siya sa TAP.
07:01Yung nag-award po kami nun, perfect attendance po ako nun.
07:05Tapos po, kasali po ako sa TAP.
07:07Gusto ko pong maging teacher para po maturoan ko po yung mga bata.
07:14Nagpapatuloy man sa buhay, mananatili ang puwang sa kanyang puso na naiwan ang kanyang pamilya.
07:20Na-nalungkot pa rin po ako.
07:22Kasi po, minsan, masasabi ko po sa isip ko na sana po hindi na lang po ganito yung nangyari.
07:32Sana po, narinig po nila ako ngayon kahit wala na po sila.
07:36Kasi po, tsaka nila lang po akong naging malakas tapos mabait.
07:42Miss ko na po kayo.
07:43Sana po makikita ko kayo kahit sa panag-iinip.
07:46Bukod sa bagong pamilya, ang hindi alam ni Ayesha, may naghihintay pa sa kanyang biyaya mula sa isa nating kapuso na tulad niya ay pinagpapasalamat din ang ikalawang buhay.
08:06Nang marinig ang kwento ni Ayesha, ang sparkle artist na si Josh, hindi nag-atubiling bisitahin ang kapwa niya survivor.
08:14Hello mga kapuso, it's Josh Ford at nandito tayo ngayon sa Calamba, Laguna para bisitahin si Ayesha.
08:21Hi Ayesha! How are you? You kuya Josh? Kamusta ka na?
08:25Okay lang po.
08:25Parang nahihiya ka, Ayesha. Okay ka naman?
08:28Opo.
08:28Doing well? Okay lang mo sumahan kita dito?
08:30Opo.
08:30Tara-tara.
08:31Dahil sa parehong sinapit sa parehong taon, si Josh nakarelate sa pinagdaraanan ni Ayesha.
08:38Parang parehas rin tayo dyan. We're both survivors.
08:40And aking ganun, 2023 din, nangyari sa akin.
08:45It was with my friends.
08:46First of all, you're with your family, right?
08:49Pero nakaitawa naman parang sobrang positive naman ang family mo.
08:52Kaya I think it's good na kasama mo yung mga tita mo.
08:57Love mo naman tita mo.
08:58Apo.
08:58I'm sure they love you. At least nandito pa tayo.
09:02And we're still living.
09:05I heard what happened to your leg. Kamusta naman, like?
09:09Naapag-laad ka pa rin? Naapagtakbo? Naapagsayaw?
09:13Lakad lang po at saka sayaw.
09:14Ah, nakasayaw ka? Balikaw, mili ka daw sa mayaw eh.
09:16Wow naman! Dancerist era kayo riyan, ha?
09:26Keep it up!
09:31At para tuloy-tuloy na ang bonding,
09:34sasamahan din ni Kuya Josh si Ayesha sa pagbisita sa kanyang pamilya.
09:38So yun na nga po mga kapuso, we just met the sweetest girl na si Ayesha.
09:43And hindi po doon nagtatapos sa kanyang kwento.
09:45Makita po natin siya mamaya kasama si Miss Vicky Morales.
09:48Kaya abangan po natin yan.
09:51Ito ang mini picnic under the stars kasama ng iyong pamilya.
09:55Bye, Vicky!
09:59Kainan tay!
10:12Thankful ako na nandito ka pa rin sa amin ngayon kasi at least may naiwang ala-ala sa amin si Vicky.
10:19Thankful ako na naandito ka kasi nagkaroon ako ng unikain.
10:24Thankful ako kasi nandyan kayo palagi hindi niya ko pinagodin.
10:27Thank you!
10:33Siyempre, hindi kumpleto ang bonding kung walang picture-taking.
10:38Kaya naman dinala ng Good News Team si Nayesha sa isang photo studio para sa kanilang official family portrait.
10:50Mommy Grace, welcome po dito sa Good News.
10:54Naku, parang dalawang taon na ang nakalilipas no, wala niyong nangyari.
10:58Yon, amusta na kayo?
10:59Pinipilit po namin pala kasi yung loob, lalo na po meron kong naiwan na isang para po sa kanya.
11:07Tamas na po si Ayesha.
11:08Okay naman po, masipag, mabait, sweet na bata.
11:12Parang niya po pinupuno yung pagmamahal.
11:15Alam ko po na kulang, na hindi sapat kasi iba po yung tunay na magulang kesa sa amin.
11:22Pero, make sure, nina-make sure po namin na may bigay yung tulad ng mayigit pa sa magulang niya.
11:30Aka, ano gusto niyo po sabihin sa kanya? Ano gusto niyo ipangapo po kay Ayesha?
11:34Um, Ayesha, huwag mo, huwag tatanim sa isip na, mababayaan ka namin.
11:48Lagi mong tatandaan, kami, mga tita, si nanay, mga pinsan, lagi lang naandito para sa'yo.
11:56Ganyan ka namin kamahal.
11:58Alam mo naman yan, ganyan mo namang kamahal si Mami Chris.
12:01Ito, doon na natin ng sorpresa.
12:07At dahil patapos ka na sa elementarya,
12:11masayang inihahandog sa'yo ng good news.
12:14This certificate is proudly presented to Ayesha Paluhi
12:18as a recipient of full scholarship for complete junior high school
12:23from the Maranatha Christian Academy of Galamba.
12:27Ay, naku, diba? Gusto mo yan kasi malapit daw sa inyo.
12:30At bilang pasasalamat sa pagmamahal kay Ayesha,
12:36ito naman ang ilang mga produkto na maaari mong gawing panimulang business, Mary Grace.
12:42Pero ang pinakaimportante na regalo sa lahat,
12:45ang biyaya ng pamilya.
12:47Ito, yung bago mong family.
12:51Kasama rin syempre yung family mo, yung tunay mong family dito.
12:55Naway palagi mong tingnan ang mga larawan na ito
12:57para magsilbing lakas at inspirasyon mo para lumaban sa buhay.
13:03Merong nagbabantay sa'yo mula sa heaven
13:05at meron din nagbabantay sa'yo na nandito,
13:08na nagmamahal sa'yo at hindi ka iiwan.
13:10Maiksi nga lang daw ang buhay natin sa mundo,
13:20pero wag sana ito maging rason para hindi natin lubusin
13:24ang bawat segundo na makasama natin ang ating mga mahal sa buhay.
13:29Naway ang kwento ng katatagan ni na Josh at Ayesha
13:33ay magsilbing inspirasyon sa atin
13:36para lumaban at magpatuloy sa buhay.
14:06Naway ang kwento ng katatagan ni na mga mahal sa buhay.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended