Skip to playerSkip to main content
Aired (November 15, 2025): Sa edad niyang 18, ang binatang si Emilio Baja ay nagbibigay na ng pag-asa sa mga kababayan nating OFW sa Hong Kong. Noong 2023, inilunsad niya ang Full Phils, isang non-government organization na layuning tulungan ang Pinoy domestic helpers na makapagtapos ng kolehiyo. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails sa mga paaralan, nakahanap siya ng mga tutulong para maisakatuparan ang maganda niyang layunin para sa mga OFW. Ngayon, nasa halos 30 na ang scholars ng Full Phils. Panoorin ang video. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Isang alaga may handog sa kanyang long-time yaya.
00:04Isang librong siya mismo ang sumulat.
00:07At ang malilikom na pera mula rito,
00:09ipantutulong niya sa mga kababayan nating kumakayod sa ibang bansa.
00:17Hindi na bago sa atin ang mga kwento ng paghihirap at sakripisyo
00:22ng mga overseas Filipino worker.
00:25Pero paano kung makatanggap naman sila ng good news?
00:28Isang oportunidad na makapagtapos sila ng pag-aaral kahit malayo sa sariling bayan?
00:37Sinong mag-aakalang ang isang labing walong taong gulang na binata na gaya ni Emilio Baja
00:43e magsusulat ng isang children's book at magiging daan para makatapos ng pag-aaral ang mga OFW?
00:51Noong August 30, inilunsad ni Emilio ang librong A Heart in Two Places,
01:00isang children's book na umiikot ang kwento sa buhay ng isang Filipina domestic helper sa Hong Kong.
01:07Ang kikitain ng librong ito, mapupunta sa funding ng scholars ng Fulfills,
01:13isang non-government organization na may layuning tulungan ang mga Filipino domestic helper sa Hong Kong na makatapos sa kolehyo.
01:22Personal akong dumalo sa book launch,
01:25kasamang ilang personalidad para suportahan ang advokasya ni na Emilio.
01:30Sa murang edad, namulat na ang mga mata ni Emilio sa hirap na dinaranas ng mga OFW sa Hong Kong.
01:38Tuwing mapupunta ng Hong Kong, madalas niyang makita ang mga OFW sa Central District,
01:44naglalatag ng karton habang nagkikwentuhan,
01:48nagkakantahan,
01:50at doon ay ginugugol ang iisang araw nilang day off sa mismong gilid ng kalye.
01:55This contrast and this duality between rich and the poor with Hong Kong and the Philippines,
02:00who thus generalize us Filipinos for being loud, for being noisy,
02:05when in reality, we're just having fun.
02:07Dahil dito, unti-unting nabuo sa kanya ang mas malalim na malasakit
02:12para sa mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa.
02:16Lalo pa at lumaki raw kasi si Emilio sa pag-aaruga ng kanyang Yaya Narlene
02:22na mahigit dalawang dekada ng kasama sa bahay ng Pamilya Baha.
02:26So growing up, I've always had a very close and personal relationship with our Yaya.
02:31We're very grateful for her and this relationship that we have with her.
02:34Alam ni Emilio na maraming domestic helpers sa Hong Kong
02:38na mahirap ang buhay at hindi nabigyan ang pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.
02:44Mula rito, nag-isip siya kung paano may hahatid ang edukasyon sa mga domestic helpers sa Hong Kong.
02:50At nang maitatag niya ang Fulfills noong 2023, sinimulan niya ang pagpapadala ng mga email
02:57sa iba't-ibang paaralan na posibleng magbigay ng scholarship.
03:01Eventually, after sending hundreds of emails to potential donors, sponsors, and partner universities,
03:08some of them eventually said yes and I'm very, very grateful.
03:11So Fulfills currently has three partner schools to provide online college education to our overseas Filipino workers.
03:18Dito na unti-unting dumami ang kanilang mga volunteer mula sa iba't-ibang parte ng mundo.
03:24We have around 50 volunteers, mainly based in Manila and Hong Kong, but also around several countries around the world.
03:32Dito ko lumaki, so malapit sa puso ko ang patulungan ng mga kababayan natin sa ibang bansa, lalo na dito sa Hong Kong.
03:38Kung ako may privilege na makapag-aaral, bakit hindi ang mga kababayan natin?
03:44Samahan niyo kami, mga kapuso sa Hong Kong, para kapustahin ang mga OFW scholar ni Emilio.
03:50Dito namin nakilala ang 44-year-old na si Bel, na halos tatlong taon nang natutulungan ng organisasyon.
03:58Sa akong single mom sa Pilipinas, kaya napilitan akong mag-trabaho dito sa Hong Kong.
04:03Sa Pilipinas, nakatapos ako ng two-year course, vocational, and then sinubukan ko siyang ituloy ng engineering,
04:11pero first time, parang, palang nahihirapan na, nakikita ko na yung hirap ng parents ko to provide.
04:16So, I just decided to stop and sige, mag-work na lang ako, and then the rest is history.
04:22Nagbakasakali lang daw si Bel noong makita online ang tungkol sa scholarship.
04:27He was 15 noong na-meet ko siya, so parang lalo akong na-inspire na,
04:30sige, etong bata na to nagbibigay ng chance sa amin.
04:34Araw-araw, gumigising ng alas 4 ng madaling araw si Bel para dito maisingit ang pag-aaral,
04:41bago magtrabaho ng alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
04:45Ang course ko ay business administration, major in management information system.
04:51Mahirap mang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral,
04:55nagsisikap daw si Bel, hindi lang daw para sa kanyang anak, kundi pati na sa kanyang nanay.
05:01Pero it's more like of achieving dream for my mom.
05:05Alam ko na pangarap ng nanay ko na makita niya ako talaga going up, alam mo yun, sa stage and then receiving my own diploma.
05:16Hindi na nga raw malayong makamit ang pangarap ni Bel, dahil dalawang taon na lang magtatapos na siya sa pag-aaral.
05:23Pagkatapos ng Fulfills, so I'll be going back home for good.
05:27Since magkakadiploma ako, siguro magtatry ako to work in a corporate world.
05:33Maliban sa libring edukasyon, nagbibigay rin sila ng mga seminar at workshop tulad ng financial literacy na mababaon nila sa pag-abot ng pangarap.
05:43Binigyan kami ng chance ng Fulfills na mangarap, mangarap ulit na hindi nagtatapos ang buhay namin as domestic helper dito sa Hong Kong.
05:53Ang unang batch mula sa halos 30 OFW na tinutulungan ng organisasyon, magtatapos na ngayong buwan.
06:02Let's give them a round.
06:02At ngayong day off ng mga skolar, naghanda muli sila ng isang get-together para makapag-bonding ang mga skolar at volunteer.
06:13Guys, and I'm like, oh my God, I can do it, I can do it.
06:17Ito po'y nagbigay sa amin ng pag-asa para makamit namin yung pangarap namin na diploma.
06:23Si Fulfills yung nagparealize sa akin na walang edad, walang hirap, hanggat mayroong mga tumutulong sa'yo, hanggat mayroong maniniwala sa'yo, makakaya mo.
06:34But I also wanted to congratulate all of you for all your hard work and your studies.
06:39Pero hindi raw dito nagtatapos ang pangarap ng mga tulad din na Emilio at Fulfills.
06:44Dahil magpapatuloy raw sila sa pagtulong pa sa mas maraming kababayan.
06:49Hindi lang sa Hong Kong ha, kundi maging sa buong mundo.
06:53Education should be a right that is given to not just a very select few, but also given to everyone.
07:01Ang sakripisyo ng mga OFW, hindi matatawaran.
07:06Kaya deserve naman nila ang makatanggap ng kabutihan.
07:10Mula sa mga taong katulad ni Emilio, dahil kahit sa anumang paraan,
07:14pwede tayong makapagbigay ng magandang kinabukasan.
07:23Kayaeseram
07:31Ha!
07:32Tak hima Sepra!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended