00:00Pinagtibay ng Korte Suprema ang legalidad ng batas na mag-uurong sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa susunod na taon.
00:09Ikinalugod naman ito ng Commission on Elections dahil magiging malinaw na ang kanilang timeline sa paghahanda.
00:16Si Luisa Erispes sa Sentro ng Balita.
00:22Pinagtibay na ng Korte Suprema ang pag-urong ng Barangay at Eski Elections sa November 2026.
00:28Matatandaan na ngayong December 2025 ang orihinal na ischedule ng BSKE.
00:34Pero dahil pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang Republic Act No. 1232 noong Agosto o pagpapahaba ng termino ng Barangay at Eski Officials na unsyami ang eleksyon ngayong taon.
00:46Sa kabila ng apat na petisyon na kumwestiyon nito sa Korte Suprema, naniniwala ang mataas na hukuman na walang nilabag na batas ang pag-urong ng eleksyon.
00:56Sa pahayag ng Eski, may kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng termino ng mga halal na opisyal.
01:05Ang pag-urong ng eleksyon sa susunod na taon ay pawang incidental o hindi talaga maiiwasan.
01:11Bagamat walang nakalagay sa batas na kanselahin ang BSKE sa Desyembre,
01:15kailangan umanong sundin ang batas na magpapalawig sa termino ng mga nakaupong barangay officials.
01:22Nilinaw rin ang Eski na hindi nito nilalabag ang karapatang makaboto ng mga Pilipino
01:27dahil hindi naman sinuspindi ang eleksyon ng walang kasiguraduhan kung kailan matutuloy.
01:33Bagus na iba lang ang ikot nito na kung dati isinasagawa kada tatlong taon, ngayon ay kada apat na taon na.
01:41Gate din ang mataas na hukuman, hindi diskriminasyon ang isang batas
01:45dahil lang sa pabor na pagtrato sa mga barangay at Eski officials,
01:50lalo na kung ito ay angkop sa saligang batas.
01:53Ayon naman sa Commission on Elections, ito na ang tatapos sa mga haka-haka hinggil sa BSKE.
02:00Sa ngayon, tututukan na nila ang paghahanda para sa botohan na isasagawa sa susunod na taon.
02:06Samantala, nagsimula na nga ang COMELEC sa voter registration nito pang October 20 para sa BSKE.
02:13Sa huling tala ng komisyon, umabot na sa 356,421 ang nagparehistro.
02:20Ang target nila ay makapagparehistro ng 1.4 milyon hanggang sa May 2026.
02:26Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.