00:00Tuloy-tuloy na pagtulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Uwan
00:03at ang inutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensya po ng gobyerno
00:09habang aprobado na rin ang Budget Department
00:11ang maygit-isa at kalahating bilyong pisong dagdag na Quick Response Fund
00:16ang detali sa report ni Clazel Fordelia.
00:20Mga kalsadang nagmistulang ilog, daan-daang bahay na nasira,
00:26mga posteng na tumba at mga bangkay na narecover matapos ang matinding pagbaha.
00:33Yan ang pinsalang iniwan ng Super Bagyong Uwan
00:36na itinuturig na isa sa pinakamalaking bagyong pumagupit sa bansa.
00:42Agad na nagpatawag ng Situation Briefing si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:47at ang direktiba ng Presidente.
00:49Pinagutos ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:55sa pangungunan ng Sekretary Rex Gatchelian
00:57ang tuloy-tuloy na pagbibigay tulong sa lahat ng mga sinalanta ng bagyo.
01:02Ipinagutos din ang Pangulo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan
01:05ang walang humpay na pagbabantay sa lagay ng panahon
01:09mula ngayong araw hanggang bukas.
01:11Pinasimula na rin ni Pangulong Marcos ang rehabilitasyon ng mga kalsada
01:15para agad na makapaghatid ng tulong.
01:18Inatasan niya ang Health Department na mag-deploy ng mga medical team
01:22at mamahagi ng gamot sa mga biktima ng kalamidad.
01:26Alingsunod kay Pangulong Marcos,
01:28inaprobahan ng Department of Budget and Management
01:30ang 1.684 billion pesos na karagdagang quick response fund
01:36para sa Department of Agriculture,
01:39Department of Social Welfare and Development,
01:41at Philippine Coast Guard.
01:43Pwede na po siyang i-release pag na-approve po.
01:45Ibig sabihin, ito po ay dumaan sa pag-aaral at kailangan i-release,
01:48lano-lano pa sa mabilisang pagtulong sa ating mga kababayan.
01:52Nakatakdaring mag-abot ng humanitarian assistance
01:54at disaster response ang Amerika, Japan, Singapore, India at Timor-Leste.
02:01Sa ulat ng Office of Civil Defense kay Pangulong Marcos,
02:05halos kalahating milyong pamilyang inilikas dahil sa Superbagyong Uwan.
02:09Apat ang naitalang nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan
02:13pero dalawa dito ang binabalidate pa ng ahensya.
02:17Wala namang naitalang missing persons
02:19pero nilinaw ng OCD na nagpapatuloy pa rin ang rescue operations sa Pangasinan.
02:23Una nang i-dineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:27ang State of National Calamity,
02:29bunsod ang matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Tino sa ilang rehyon.
02:34Sabisa niyan,
02:35mas bibilis ang paglalabas ng pondo ng gobyerno at aksyon ng pamahalaan
02:40at pribadong sektor sa rescue, recovery, relief at rehabilitation ng mga apektadong lugar.
02:47Epektibo rin ang price freeze na nagpapakos sa pagalaw ng mga pangunahing bilihin.
02:52Pinapaalalahanan din ang Pangulo ang lahat ng concerned agencies
02:55na ipagpatuloy ang rehabilitation efforts sa mga lugar na sinananta ng Bagyong Tino
03:00at sa mga lugar na napinsala ng Super Typhoon Uwan.
03:03Kaleiza Pordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!