00:00Piniyak ng Commission on Elections na tuloy pa rin ang BARM elections sa Oktubre.
00:04Kahit hindi pa sinisimulahan ng National Printing Office ang pag-imprinta ng mga balotang gagamitin.
00:10Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:13Itinigil muna ng Commission on Elections ang pag-iimprinta ng mga opisyal na balota na gagamitin
00:19sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
00:26Ngayong araw dapat ito sisimulan ng National Printing Office pero na-unsyami dahil sa panukalang batas
00:33ng Bangsamoro Transition Authority na pagbabago sa mga parliamentary districts sa rehyon.
00:39Kaya pinag-aaralan din ang COMELEC kung kakailanganin din bang baguhin ang balot phases.
00:45Mukhang mako-complicate lang sapagkat mukhang babaguhin namin yung balot phases
00:49and at the same time mukhang magkakaroon kami ng pagbabago doon sa pagko-consolidate ng results.
00:56Panukala namang mabago ang mga parliamentary districts ay dahil nga sa kailangang ibahagi
01:00ang pitong seats na dapat ay nakalaan sa Sulu.
01:04Hindi pa pirmado ng interim chief ng BTA ang panukala.
01:08Pero giit ng COMELEC, baka mas malaki ang maging epekto kung hindi nila ito susundin.
01:14Pipili din naman nilang agad ding makapag-imprinta ng 2.3 milyon na balota.
01:18Ang binigay ko talagang timeline, timetable ay dapat hanggang bukas magtuloy na
01:23sapagkat alam nyo kasi habang tumatagal, lalo sa moro, kita nyo po,
01:27nung in-announce namin kagabi lang na hindi muna tayo magtutuloy ng printing
01:31at talaga namang aking in-announce na yan ay ang pag-suspend na yan ng printing
01:37ay sandali-sandali lang kung tutuusin nga hanggang bukas lang
01:40pero nag-create ka agad yan ng uncertainty.
01:42Hindi naman anya gaano mahihirapan ng COMELEC dahil hindi naman magbubukas muli ng filing ng COC sa regyon.
01:49Ang mga kandidato mananatili din sa orihinal nilang distrito
01:53at ang pitong seats na napunta sa mga bagong distrito ay mag-a-appoint ang Pangulo.
01:59Mabusisi lang ang reconfiguration upang sasaayos ng datos para sa pagkukonsolidate ng mga boto.
02:05Pero ni Lino ng COMELEC, hindi sapat na dahilan ito para maon siya may rin ang halalan.
02:11Sa October 13, sinisiguro nilang tuloy pa rin ang botohan.
02:15Isang araw lang ang ating hiningay upang mapag-aralan,
02:18yung panukalang batas na yan na maaaring maging batas anytime ay nagkaroon na ng uncertainty.
02:24So hindi pa pwedeng tumagal at humagam, pumaba.
02:27Yung uncertainty na yan, lalong-lalo na yung printing ng balota ng Bangsamoro.
02:31Samantala, katuwang naman ng COMELEC ang Philippine Army sa pagsisiguro na magiging maayos at payapa ang eleksyon sa rehyon.
02:39Bumisita pa mismo si Army Chief Lt. Gen. Antonio Nafarete sa 6th Infantry Division para magbiling siguraduhin maayos ang halalan.
02:49Makakatuwang naman ang 6ID ang 1st at 11th Infantry Division.
02:54At hindi lang sila sa October 13 magpapatrolya, kundi sa buong election period sa BARM hanggang sa October 28.
03:01Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.