00:00Mahigpit ang pagbusisi ng mga senador sa budget ng Department of Public Works and Highways para sa susunod na taon.
00:06Target nilang matiyak na malinis at hindi na masisingita ng mga maanumalyang proyekto ang pondo para sa 2026.
00:13Si Luis Erispe sa report.
00:17Sinimulan ng himayin ang plenaryo ng Senado ang 6.793 trillion pesos na panukalang budget para sa 2026.
00:25Isa naman sa pinanggigilan mga senador ay ang budget pa rin para sa Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:33Pero ayon naman kay Sen. Wien Gatchalian, chairman ng Committee on Finance at sponsor ng panukalang budget,
00:40masisiguro nilang malinis ang bersyon ng budget ng DPWH sa Senado.
00:45Katunayan, tinapyasan na nga ito ng 4 billion pesos mula sa mga proyektong na doble.
00:50We also removed yung mga doble, yung mga duplicate projects, projects that appeared let's say in 2024 GA-A, 2025 GA-A, then reappeared in 2026.
01:04We removed all of those and that amounted to about 4 billion pesos, Mr. President.
01:09So in other words, this list of DPWH projects are vetted properly.
01:15Dahil din wala ng flood control projects, malinis na ang alokasyon para sa iba pang infrastructure projects.
01:22Since nawala na po yung flood control projects, nawala na rin po yung issue of not being shovel ready.
01:32Because yung flood control, that's the component or that's the group that is actually problematic.
01:44Pero ang tanong naman ni Sen. Loren Legarda, kung natapyas ang budget sa DPWH dahil sa flood control,
01:51saan napunta ang 255 billion pesos na dapat nakalaan dito?
01:55Sabi lang ni Gatchalian na ibahagi na ito sa iba pang ahensya ng gobyerno.
02:00The NEP was cut by 250 billion, 255 billion to be exact, by the House of Representatives and it was reflected in the General Appropriations Bill.
02:15And the 255 was distributed in various departments.
02:21Sa 255 billion, 28 billion napunta sa Department of Agriculture, 29 billion sa Department of Education, 31 billion sa Department of Health, 13 billion sa Labor Department at 36 billion sa DSWD.
02:35Pinakamalaki naman ay napunta sa PhilHealth na nasa 60 billion pesos.
02:39Pero may hirit pa rin si Sen. Jingoy Estrada hinggil sa flood control project.
02:45Sana raw, sa susunod na budget season, bago pa man mailagay sa National Expenditure Program,
02:51ang mga proyekto ng DPWH, dumaan muna ito sa mga LGU.
02:55Buelta pa niya ang mga mastermind naman umano ng mga ghost projects ay ang mga engineers ng DPWH.
03:02Kung magkakaroon ba ng partisipasyon ang Regional Development Council dito sa mga flood control projects.
03:09Maraming mga amendments sa mga kongresista, mga senador ng mga flood control projects.
03:15Dapat pala nagkaroon ng partisipasyon ang Regional Development Councils para hindi na tayo nagkakaroon ng ganito klaseng problema.
03:22Dahil sino ba ang mga mastermind ng mga ghost projects?
03:25Eh di ba yung mga engineers dyan sa mga DPWH?
03:27Hindi naman mga senador, hindi naman mga congressman eh.
03:29Sang-ayo naman si Gatchalian sa pagdaan muna ng proyekto sa mga LGU.
03:34Mas maganda ho talaga dumadaan sa Regional Development Council.
03:38Alam nyo naman bilang dating mayor, meron tayong mga City Development Council, Provincial Development Council,
03:45kahit man lang dumaan doon para at least vetted and coordinated yung project.
03:50Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.