00:00Nagbabala ang Commission on Elections na posibleng kasuhan ang mga kandidatong nagsinungaling sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
00:10Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:14Papanagutin ang Commission on Elections ang mga kandidato noong 2025 elections na nagsinungaling sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
00:25Ayon mismo kay Chairman George Erwin Garcia, sinisimulan na ng Political and Finance Affairs Department nila ang pagbusisi at pag-isa-isa sa mga isinumiting SOSE ng mga kandidato nitong nagdaang eleksyon.
00:39After po yung aming investigasyon na ginawa doon sa contractors, at noong 2022 at 2025, mas maganda po sabihin na tinitingnan na namin individually yung mga SOSE patungkol sa deklarasyon, tamang deklarasyon na isama ba o hindi na isama.
00:58Bukod sa ginawa na nilang pagsilip noon sa mga donasyon na mga government contractors, binubusisi na rin nila kung mayroon bang undeclared campaign donations na posibleng galing sa umano'y anonymous donors.
01:12Para naman magawa ito, pinag-aaralan na ng COMELEC kung saan hihingi ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Network o SALEN ng mga kandidato.
01:22Pinag-aaralan na po namin kung paano yung request na gagawin, ito po ba ay gagawin sa ating, sa mismo ahensya kung saan kabilang yung mismong personalidad na naturing o kung ito ba ay dapat i-request namin sa ating, sa ating office of the ombudsman.
01:40Ito ang sabi po talaga doon ay dapat i-detalye ang lahat-lahat ng nagbigay, i-detalye ang lahat-lahat na tinanggap at i-detalye din yung lahat-lahat na pinagkagastusan ng pera na tinanggap o yung perang galing sa personal na pondo.
01:57Kung mapatunayan namang nagsinungaling ang isang kandidato sa kanilang sose, bagamat hindi nila mapapatanggal sa posisyon, lalo na ang mga senador at kongresista, pupuntiriyahin naman ang COMELEC na makapagsampa ng kasong kriminal sa kanila.
02:12Ito ay election offense na may parusang pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.
02:17Wala pong pinagkaiba sa doon sa election offense na 1 to 6 years imprisonment at syempre kung mali po yung informasyon, yan nga po ay perjury din at the same time kung sakasakali, pwede rin po yan mag-classify as falsification of public document.
02:33Nagpaalala naman ang COMELEC sa mga kandidato, maging maingat at siguraduhin totoo at tama ang inilalagay sa sose, lalo na sa mga susunod pang eleksyon.
02:43Pakireview yung mabuti, patingnan sa ating mga accountants, sa ating mga abogado kung tama yung ating deklarasyon, lalo na yung mga prohibited na hindi pwede magbigay ng donasyon, at the same time yung mga excess na donasyon, at the same time yung mga pangalan na dapat ay nakasulat, entities man, corporation, individual na nakasulat doon sa statement of contributions and expenditures.
03:07Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.