00:00Iginiit ng Department of Agriculture ang kahalagahan ng bawat butil ng bigas
00:04sabay sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month.
00:07Nagbabalik si Vel Custodio sa detalye.
00:11Be Rice Ponsible.
00:14Yan ang isinusulong ng Department of Agriculture
00:16kasunod ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month.
00:20Ipinapaalala nito ang kahalagahan ng bawat butil ng bigas sa ating buhay at kultura.
00:25Sa kampanyang Be Rice Ponsible ay nagbibigay paalala na maging masensitibo sa pagkonsumo ng bigas,
00:32irespeto ang pagod ng ating mga magsasaka at suportahan ng lokal na produksyon.
00:38Kasama rito ang abakada ng responsabeng pagkain ng bigas.
00:42A. Para sa paghalo ng adlay, mais at sabah sa pagkain.
00:47B. Na nangangahulugang pagkain ng mas masustansyang brown rice.
00:51Ka. Na nangangahulugang huwag magsayang ng kanin.
00:55At da. Na dapat piliin ang bigas na gawa ng Pilipinas.
01:00Iba't ibang aktibidad ang ginanap sa mga rehyon mula sa samang-samang tanghalian gamit ang local varieties ng bigas
01:07hanggang sa mga rice planting activities, cooking demos at paglulunsad na mga programa para tulungan ang mga magsasaka.
01:15Bukod sa local activities, bumibida na rin ang ating bigas worldwide.
01:20Sa katunayan, nasungkit ang rice variety ng NSICRC 218 o mas kilalang dinorado rice variety ng Pilipinas
01:29ang ikalawang pwesto sa World Best Rice Awards sa Cambodia.
01:34Isinumite ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement o PRISM
01:38ang rice entry na dinevelop ng Philippine Rice Research Institute.
01:42Nakakatuwa po na sa ganitong paraan din na yung ating Philippine Rice ang kanilang tawag doon eh.
01:51Yung entry ng Philippines na bigas at saka naging niluto yun ng mga judges in a double-blind system ay nakapanalo po.
02:03Dinaig ng kalidad ng dinorado rice ang halos 30 rice entries mula sa iba't ibang bansa.
02:10Patunay lamang ito na nananatiling world class ang bigas ng Pilipinas na mula sa ani na ating mga lokal na magsasaka.
02:16Kaya ngayong National Rice Awareness Month, dapat pangalagaan ang bawat butil at pataasin na suporta para sa lokal na agrikultura.
02:25Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.