00:00Tuloy na ang Barangay at SK Elections sa November 2026.
00:05Ikinalo ko nito ng Kobelec dahil magiging malinaw na ang timeline sa kanilang paghahanda.
00:11Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:15Pinagtibay na ng Korte Suprema ang pag-urong ng Barangay at SK Elections sa November 2026.
00:22Matatandaan na ngayong December 2025 ang orihinal na ischedule ng BSKE.
00:27Pero dahil pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:31ang Republic Act No. 12232 noong Agosto o pagpapahaba ng termino ng Barangay at SK Officials na unsyami ang eleksyon ngayong taon.
00:41Sa kabila ng apat na petisyon na kumwestiyon nito sa Korte Suprema,
00:45naniniwala ang mataas na hukuman na walang nilabag na batas ang pag-urong ng eleksyon.
00:51Sa pahayag ng SC, may kapangyarihan ang Kongreso na magtakda ng termino ng mga halal na opisyal.
00:58Ang pag-urong ng eleksyon sa susunod na taon ay pawang insidental o hindi talaga maiiwasan.
01:05Bagamat walang nakalagay sa batas na kanselahin ang BSKE sa Desyembre,
01:09kailangan umanong sundin ang batas na magpapalawig sa termino ng mga nakaupong Barangay Officials.
01:16Nilinaw rin ang SC na hindi nito nilalabag ang karapatang makaboto ng mga Pilipino
01:21dahil hindi naman sinuspindi ang eleksyon ng walang kasiguraduhan kung kailan matutuloy.
01:27Bagus na iba lang ang ikot nito na kung dati isinasagawa kada tatlong taon,
01:32ngayon ay kada apat na taon na.
01:35Gate din ang mataas na hukuman, hindi diskriminasyon ang isang batas
01:39dahil lang sa pabor na pagtrato sa mga Barangay at SK Officials,
01:43lalo na kung ito ay ang kop sa saligang batas.
01:47Ayon naman sa Commission on Elections, ito na ang tatapos sa mga haka-haka hinggil sa BSKE.
01:54Sa ngayon, tututukan na nila ang paghahanda para sa botohan na isasagawa sa susunod na taon.
02:00Samantala, nagsimula na nga ang COMELEC sa voter registration.
02:04Nito pang October 20 para sa BSKE.
02:07Sa huling tala ng komisyon, umabot na sa 356,421 ang nagparehistro.
02:12Ang target nila ay makapagparehistro ng 1.4 milyon hanggang sa May 2026.
02:19Luisa Erispe para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.