00:00Mas mabilis na ang pagproseso sa bawat pasahero sa mga paliparan
00:04dahil simula na ngayong araw ang suspension ng QR code system
00:08sa pagdideklara ng taxable goods sa mga pasahero.
00:11Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:15Nakaranas ka na ba ng matagal at mahabang pila sa mga paliparan kapag pabalik sa Pilipinas?
00:21O kaya ay paulit-ulit na pagsaskan ang QR code sa airport?
00:26Ngayon, mababawasan na ang prosesong ito
00:29dahil sinuspindi na ng Bureau of Customs ang QR code system
00:33para sa pagdideklara ng taxable goods ng mga inbound passengers.
00:3790 plus percent ng mga bumabiyahin naman, walang dinedeklara yun.
00:42So hindi na natin kailangan pahirapan.
00:44Sa halos lahat ng bansa, tayo lang yung merong ganun.
00:49So makikita nyo, naghumahaba yung pila doon,
00:53nakakahiyado sa ating mga bisita at nakakahiyado sa ating mga kababae na dumarating.
00:58Ang siste, kung dati, kinakailangan pang dalawang beses na mag-scan
01:02ng lahat ng pasahero ng QR code para sa customs counter.
01:06Ngayon, kung wala namang bitbit na taxable goods,
01:10ay diretso na lang sa green lane at maaari ng agad na makakuha ng kanilang bagahe.
01:15Makakatipid ito ng 15 hanggang 20 minuto na pagpoproseso sa bawat pasahero.
01:20Merong idideklara na meron silang hawak na dapat masingil ng pamahalaan natin.
01:29Meron diyang something to declare, nothing to declare.
01:33Yung mga nothing to declare, dire-diretso na sila dapat.
01:37Yung merong mga dapat ideklara na kailangan natin makuha na ng buwis,
01:41yun yung mag-QR code sila.
01:44Tiniyak naman ang customs, hindi ito pagluluwag ng border control sa mga paliparan.
01:50Hindi rin ito magagamit para magpuslit ang mga kontrabando.
01:54Dahil dadaan pa rin naman sa x-ray machines ang lahat ng bagahe.
01:58At alam din nila kung may misdeclared, undeclared,
02:01o kahit iligal na ipinupuslit ang isang pasahero.
02:04Yan ay kaya natin gawin sa pamamagitan ng profiling, intelligence sa work,
02:11plus meron tayong mga x-rays naman na nandun sa pagpasok, pagbaba na aeroplano,
02:17yung mga kargamento na idadaan yan sa x-ray at magaganda ang ating x-ray machines.
02:24Agad namang ipinatupad ng customs ang suspensyon ngayong araw.
02:29Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
02:34Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.