00:00At sa ibang balita, pinalaga ng Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity
00:05ang aligasyon ng MILF na unstable ang peace process ng gobyerno.
00:11Kinaulat ni Bian Manalo.
00:14Siniguro ng Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU
00:20na patuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang sa pagtataguyod ng kapayapaan
00:25sa Bangsamoro Autonomous Region in Moslem, Mindanao, Obama.
00:28Ito'y sa kabila ng aligasyon ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na unstable umano ang peace process ng gobyerno.
00:36Sabi ng OPAPRU, nananatili ang kanilang adhikain na ipagpatuloy ang magandang nasimulan
00:42at hindi mabaliwala ang dekadikadang pakikibaka sa pagkamit ng tunay na kapayapaan.
00:48Isinusulong din nila ang pagkakaroon ng Joint Roadmap Development na magiging basihan sa pagsasayos ng peace process.
00:55Hintayin natin na mag-usap ulit ang dalawang panels because while we can listen to individual statements,
01:03ang proseso po ng pangkapayapaan na ito ay nakaugat sa Joint Test.
01:08So pag isa lang nagsasalita po, ibig sabihin hindi po yung pinag-agrihan ng gobyerno at ng email.
01:15Samantala, sanib pwersa naman ang mga mambabatas, peacebuilding practitioners, civil society leaders,
01:21akadema, media at international partners sa ikinasang international conference ng Institute for Autonomy and Governance
01:29na after the peace agreements, dabang sa Moro and beyond.
01:32Katuwang ng IEG dito ang OPAPRU, BARM Government at Southeast Asian Women Peace Mediators.
01:38Ilan sa tinalakay sa conference ang institutional reform, participatory governance at mahalagang papel ng marginalized communities
01:46sa pagtataguyod ng kaayusan at kapayapaan.
01:49Gayun din ang pagpapaiting ng implementasyon ng peace process sa BARM.
01:53Kasabay nito ang paglilunsad ng OPAPRU ng kanilang coffee table buka na Metamorphoses a Decades Journey to Peace.
01:59Tampok sa naturang libro ang makasaysayang tagpo at ilang taong pakikipaglaban sa pagtataguyod ng kapayapaan sa Rehiyon ng Mindanao
02:08sa ilalim yan ng Comprehensive Agreement on the Bangsa Moro.
02:12Itong metamorphosis na libro is accumulation of stories over the past 10 years.
02:18Kumbaga ito po ay isang malalim na itong kapital.
02:20Pwede po nilang gamitin ang mga aralin ng Bangsa Moro peace process na i-apply sa kanilang mga kani-kanilang peace processes mo.
02:27Bahagi ng peace process ang pagsaklolo sa mga dating rebelding nagbabalikloob sa pamahalaan.
02:34Sa huling tala ng National Amnesty Commission, umabot na sa mahigit 4,000 mga rebelde sa buong Pilipinas
02:40ang nagsumiti na ng kanilang aplikasyon para sa amnestiya o ang pagbabalikloob sa gobyerno.
02:46Pinakamarami ay mula sa Katbalogan sa Samar at Pagadian sa Zamboanga del Sura.
02:51Ayon sa OPAPRU, ilang lugar na lang ang kanilang binabantayan na may presensya pa rin ng makakaliwang grupo
02:57na karamihan ay nasa regyon ng Bicola.
03:00BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.