Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6 days ago
DSWD, patuloy sa pagtitiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng mga naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at habagat | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng DSWD sa mga apektadong residente
00:04ng pananalasan ng Bagyong Crising, Bagyong Dante, Bagyong Emong at habagat sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:11Tinitiyak ng kagawaran na naabutan ng tulong ang lahat ng apektado,
00:17lalo na ang mga nasa evacuation centers ngayon.
00:19Yan ang ulat ni Louisa Erispe.
00:23Alinsuno sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:27na walang magugutong sa gitna ng kalamidad mula pa noong Bagyong Crising, Dante,
00:33at ngayon ay Emong at habagat.
00:34Wala ng patidang tulong na ibinibigay ng DSWD sa mga apektadong individual,
00:39lalo na sa mga nanunuluyan sa evacuation centers.
00:42Sa tala ng ahensya, 431,875 na ang ibinigay na food packs
00:48sa iba't ibang rehyon ng bansa na lubos na naapektuhan.
00:52Hindi lang ito sa NCR, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon,
00:56nakarating din ang tulong sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
01:00Tulad sa Western Visayas, nakapagbigay ng kahon-kahong family food packs ang ahensya.
01:05Sa Ilocos Region naman, 788 na pamilyang residente
01:09ang nakatanggap din ang food packs sa barangay Salapingao sa Dagupan City.
01:13Kahit sa Cordillera Region, nakarating din ang tulong ng DSWD,
01:17particular sa mga residente ng Besay at Paracelis Mountain Province.
01:21At nakatanggap din ang tulong ang mga taga-Mimaropa sa Lubang Occidental Mindoro.
01:27555 na food packs ang ipinamahagi ng ahensya.
01:30Sabi ng DSWD, sa ngayon, kahit daan-daang libo na ang food packs na ipinamahagi,
01:36nasa 2.7 million pa ang nakastandby na handang ipamahagi sa buong bansa.
01:42Nakikipag-partner tayo sa mga local government units kasi sila'y nagdi-distribute sa kanilang mga constituent.
01:46At sinisigurado natin yung mga nasa evacuation centers ay napangangalagaan
01:51kasi meron pa tayong around 45,000 na pamilya sa mga evacuation center.
01:56Habang binabayo naman ngayon ang Bagyong Emong,
01:58ang hilagang bahagi ng bansa,
02:00tiniyak ng DSWD walang na perwisyo o naantalang relief operations.
02:05Tuloy-tuloy lang ang dating ng tulong sa mga apektadong residente.
02:09At bukod pa sa mga nasa lantanang bagyo, namigay din ang DSWD ng food packs sa mga manging isda, magsasaka at jeepney driver
02:17na naantala ang hanap buhay dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon.
02:21Mula lunes, bahana at hindi siya sila nakakalabas.
02:24So pag ikaw ay driver na nagba-boundary at hindi ka nag-boundary, wala ka talagang iuwi sa iyong pamilya.
02:30Buto mang aabutin.
02:31Kaya ayaw ng Pangulo natin na may nagugutom na mga jeepney driver, in-instruct niya kami na targetin itong mga jeepney driver at kanina nagsimula na.
02:39Sa Bicol Region nga, 3,574 na kahon ng food packs ang ibinigay sa mga manging isda sa Pilar Sorsogon.
02:46Nasa 3,500 din na food packs ang ibinigay sa mga jeepney driver sa Metro Manila.
02:52Samantala, tuloy-tuloy naman ang walang gutom program ng DSWD sa panguna ni First Lady Liza Araneta Marcos.
02:59May ilang benepisyaryo ang personal na nabahagian ng 3,000 piso ang pambili ng masustansyang pagkain.
03:07Si Nanay Francisca, gatuhod pa ang baha sa loob ng kanilang bahay.
03:12Kaya nang makadaupang palad at mayakap pa mismo ang unang ginang, lubos ang pasasalamat niya sa tulong ng pamahalaan.
03:19Hindi na po kami ganong nahihirapan sa pagkain kasi ito may supporta kami.
03:26Nung nakakatanggap kami ng pagkain sa walang gutom, nababawasan po.
03:36Pagbabadget po ngayon ito, kapag nakatanggap ako ngayon,
03:41para alay na namin hanggang isang buwan, isang buwan pong namin patayin.
03:49Si Nanay Anita, malaking ginhawa din umano sa kanya bilang solo parent na mula Pebrero,
03:55tuloy-tuloy ang benepisyon ng programa.
03:56Nakaluwag po talaga yung walang gutom program.
04:01Kasi dati, inagaagilang pa ako ng pamili ng pagkain para ng pakarao sa araw-araw.
04:10Kapasalamat ako ng malaki dahil sa walang gutom program.
04:17May data na pinapakita na bumaba ang kagutuman sa kanilang hanay.
04:22Ibig sabihin, yung programa na walang gutom actually works or works and continues to work.
04:28So nakakakita tayo ngayon ng napakagandang intervention na pag lumawak pa,
04:33mawawakasan na natin ang kagutuman sa ating bansa.
04:36Isinasagawa din ngayon ang National Cook-Off Challenge ng Walang Gutom Program.
04:41Lahat ng kalahok sa bawat rehyon, pinagkalaoba ng tig-iisang daang libong piso
04:45ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
04:47Mismong ang unang ginang naman ang tumikim sa mga putahe at nagbigay ng parangal sa mga nagwagi.
04:55Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended