Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inireklamo sa Ombudsman ng isang abogadong ilang local official sa Visayas dahil sa pagbiyahe nila pa Europe kahit paparating na ang bagyo.
00:09Ipinimbisigahan na rin po ng Department of the Interior and Local Government ang mga opisyal na wala sa bansa sa kasagsagan ng bagyo.
00:16Balitang hatid ni Marise Umani.
00:20Next on pa sa Visayas Ombudsman, ang abogadong si Atty. Julito Anyora Jr.
00:24Ang isinampalaban sa kanila paglabag sa RA-1319 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
00:54RA-6713, a Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,
00:59RA-7160, a Local Government Code,
01:03at RA-10121, a Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
01:08I'm not in any manner connected to any politicians.
01:14I filed this on my own judgments because I've seen the incompetence of these public officials.
01:20And it is like, you know, I mourn with those all of the victims of these typhoons.
01:29If these local chief executives are just present during the typhoon, I would not have filed this case.
01:36There is dereliction of duty here.
01:38Sa pahayag naman ni Congressman Frasco, ang reklamo raw ay batay sa erroneous assumptions o mali-maling paniniwala.
01:45Authorized official mission daw ang kanyang pagbiyahe sa London bilang bahagi ng delegasyon ng World Travel Market
01:51at aprobado ng House Speaker sa pamamagitan ng Secretary General.
01:54Nang malaman daw niya ang matinding pagbaha sa Cebu, ay agad din daw siyang gumawa ng hakbang para makabalik agad sa Pilipinas.
02:01Ayon kay Frasco, aprobado ng Cebu Governor and Travel Authority ng iba pang opisyal.
02:06Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ng iba pang inerereklamo.
02:11Ang Department of the Interior and Local Government o DILG,
02:15pinayayimbestigahan ng mga lokal na opisyal na lumabas ng bansa
02:17noong kasagsagan ng pananalasan ng Bagyong Pino at Uwan.
02:21Ayon naman kay Palace Press Officer Claire Castro,
02:24hindi nagustuhan ng Pangulo na wala ang mga opisyal sa panahon ng kalamidad.
02:28Muna-muna sa Pangulo, hindi po niya gusto to.
02:29Hindi niya po gusto na ang mga liderato ay chill-chill lang.
02:37So dapat, ang trabaho ay para sa taong bayan.
02:41Kasi ang taong bayan umaasa po sa gobyerno, lalo na sa mga gintong klaseng sitwasyon.
02:46Hindi pwedeng sabihin lang na chill-chill lang palagi dahil dapat trabaho, trabaho, hindi bakasyon.
02:52Kinumpirma naman ni Cebu Governor Pamela Baricuatro na inaprubahan niya ang pagbiyahe ng ilang alkalde ng Cebu.
02:58Pero Ania, prerogative na mga opisyal kung itutuloy nila ang biyahe o hindi.
03:03Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:08Sila nabura sa mapa ang barangay Baldok sa Pandan, Catanduanes,
03:13matapos sa lantahin ng nagdaang bagyong uwan.
03:15Tanging debris at mga guho ang iniwan ng mapaminsalang storm surge sa komunidad.
03:21Hilig na mga residente roon na mabigyan sila ng mga materyales para maayos ang kanilang mga nasinang bahay,
03:28pati na rin magkaroon ng pagkain at damit.
03:31Nasaan na nga ba si Senador Bato de la Rosa?
03:34Absent po siya sa sesyoan ng Senado kahapon kasunod ng sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia
03:41na may unofficial copy siya ng ICC arrest warrant laban sa Senador.
03:46Ang liderato ng Senado kumukonsulta na raw sa mga eksperto sa batas.
03:50Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
03:52Nitong weekend, umugong ang usapang may warrant of arrest na ang International Criminal Court o ICC
04:00laban kay Senador Bato de la Rosa.
04:03Si Ombudsman Jesus Crispin Remulia ang nagsabi niyan sa isang panayam.
04:07Kung tatanungin niyo ako kung may warrant mayroon, nasa telepon ako.
04:12I have a copy. Pero hindi pa yan, hindi siya official copy.
04:17Sa sesyon ng Senado, absent si de la Rosa.
04:20Ayon sa kanyang staff, walang pasabi ang Senador kung bakit hindi pumasok.
04:25Hindi pa rin daw siya nakakausap ni Senate President Tito Soto na kumonsulta na sa mga legal expert ng Senado.
04:30Hindi ko natatanggap kung ano yung mga opinion nila.
04:33Ang mga nabanggit ko lang was yung opinion ko last time.
04:37During the time, Sen. De Lima, Sen. Trillanes, yun lang yung mga nabanggit ko ng mga positioning namin.
04:46Pero iginiit ni Soto na hindi pwedeng arestuhin sa loob ng Senate Building ang sino mang Senador.
04:51Lalo na pag nagsesesyon, yun ang pinakabawal sa lahat.
04:55Di ba?
04:56Habang nagsesesyon, may darating arestuhin yung Senador.
04:58Hindi ko yung papaya.
05:00Pero sa yun, ano, hindi na...
05:01Kung pipiliin daw ni De La Rosa magpakanlong sa Senado,
05:05ayon kay Senate President Pro Tempore Ping Laxon,
05:08alin sunod sa konstitusyon ay limitado lang ito.
05:11Limited kasi yung konstitusyon is very clear on the matter.
05:16May immunity from arrest when Congress is in session.
05:19Tinawagan daw ni Laxon si De La Rosa na kapwa niya naging PNP chief.
05:23He was not picking up.
05:25And the following morning, I noticed na meron siyang misscall sa akin.
05:28So I hope we can talk just to give him some advice.
05:32Hindi para magtago, kundi para how to go about facing criminal charges.
05:38Sabi naman ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano,
05:42sana hindi na umabot pa sa pagtatago.
05:44Let him file what he has to file, the bail, kung habeas corpus, kung ano man.
05:48Then let him have his day in court.
05:51Kasi pag dito magkakatensyon pa tayo eh.
05:53Diba, yung hindi lang natin pinag-uusapan dito yung institusyon ng Senate.
05:58Mas importante pa sa Senate is our democracy.
06:00Dagdag di Cayetano, dapat korte ang magdesisyon
06:03kung pwede bang ipaaresto sa visa ng ICC warrant si De La Rosa.
06:07Hindi naman pwede-pwede kung sinong admin siya na lang.
06:11Kasi hindi na tayo rule of law nun.
06:14There has to be a final arbiter.
06:15And if you look at the Philippine Constitution,
06:17iisa lang yan, yung korte.
06:19Paglilinaw ng Department of Justice,
06:21wala pa silang natatanggap na kopya ng sinasabing arrest warrant.
06:24We have not seen nor received any copy of this ICC warrant of arrest.
06:31Sakaling meron the warrant, ay susunodan nila ang Justice Department.
06:35We will have to comply.
06:36One of the possible situations would be just determining the length of time
06:40when it would actually be implemented.
06:42Ayon sa DOJ, sa ilalim ng batas, dalawa ang opsyon nila para ipatupad ito.
06:47Ang surrender o pagsuko sa individual na inisyuhan ng warrant ng ICC
06:51at ang ekstradisyon.
06:54Ang ekstradisyon, hindi raw agad-agad maipatutupad at dumadaan sa korte.
06:58Kabilang sa mga argumento kontra rito,
07:00ay hindi naman bansa ang ICC para humiling ng ekstradisyon.
07:04Ayon sa DOJ, mas madali at mas maigsira o kung surrender ang gagawin.
07:09Pero ang hakbang na ito, kino-question sa Supreme Court.
07:12Kasunod yan ang pag-escort ng mga tauhan ng gobyerno
07:15at pagsakay sa eroplano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para dalhin sa The Hague.
07:20Isa si De La Rosa sa mga humiling sa Korte Suprema
07:22na ideklarang unconstitutional ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa ICC,
07:27lalo't hindi na aniya miyembro ng ICC ang Pilipinas.
07:31Hihintayin daw ng DOJ ang desisyon ng korte.
07:33We want to be more circumspect in any action that we will be taking.
07:37Even if we may not be part of the ICC anymore,
07:41there is still that principle of reciprocity
07:44that governs between relations among nations
07:47and in fact, reciprocity and comity.
07:50Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:55Ito ang GMA Regional TV News.
07:59May init na balita sa Visayas at Mindanao,
08:04hatid ng GMA Regional TV.
08:06Nagkaroon po ng malaking landslide sa Garcia Hernandez Buhol.
08:10Cecil, gaano baka lawak yung naging pagguho?
08:12Tony, umabot sa limang ektarya ang dawak ng gumuhong lupa.
08:19Ayon sa Buhol PDRRMO, sakop ang lupang yan ng itong barangay.
08:24Hindi bababa sa labing dalawang bahay ang napinsala.
08:28May ilang tuluyan ang gumuho at natabunan ng mga debris.
08:32Noong nakaraang linggo pa raw, nagsimulang lumambot ang lupa roon
08:35sa pagdaan ng mga bagyong tino at bagyong uwan.
08:38Nangangamba ang residente dahil patuloy raw na gumagalaw ang lupa.
08:43Inirekomenda ng Buhol PDRRMO na gawing danger zone ang lugat.
08:48Limang bahay naman ang natabunan sa rockfall o pagbagsak ng mga bato sa Nagas City dito sa Cebu.
08:55Apat na residente ang isinugod sa ospital dahil sa mga tinamong sugat.
09:01Labing pitong pamilya o mahigit limampung tao ang direktang apektado ng pagguho.
09:06Lumikas na sila sa evacuation centers.
09:09Gayun din ang mahigit anim na raang residente na nakatira sa paligid ng pagguho.
09:14Ayon sa Nagas City LGU, posibleng nagkarockfall dahil sa mga pagulan na durot din ng dalawang nagdaang bagyong.
09:21Nagpapatulong na sila sa Mines and Geosciences Bureau ng DENR para suriin ang lugar.
09:27Arestado ang magkasintahang sangkot umano sa pagbibenta ng iligal na droga sa Dipolog, Zamboanga del Norte.
09:36Sa Baybas operasyon, nasabat sa mga sospek ang isang kilo ng hindi hinalang siyabu na nagkakahalaga ng 6.8 million pesos.
09:45Ayon sa mga polis, hindi lang sa Dipolog nagbibenta ang mga sospek, kundi sa buong Zamboanga Peninsula.
09:52Kasamang narecover sa kanila ang inartilang sisakyan na ginagamit umano sa pagbuhan ng iligal na droga.
09:58Hindi nagbigay ng pahayag ang mga sospek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
10:08Tila parte na ng dagat ang kalsadang yan habang lubog sa baha ang maraming bahay.
10:13Diyan po yan sa makabebe pampanga dahil sa epekto pa rin po ang nambagyong uwan.
10:18Maraming kabuhayan ang apektado kabilang ang mga pampasaherong sasakyan.
10:23Nagsisilbi na rin tagahatid ng mga residente ang ilang rescue truck para makarating sa pupuntahan.
10:31Sa Dipakulaw Aurora naman, maraming kalsada rin po ang nawasap dahil sa matinding alon.
10:37Apektado rin po ang maraming kabuhayan kabilang ang ilang kainan at transient house.
10:42Mga kapuso, nagmahal ang presyo ng ilang gulay matapos nga po ang sunod-sunod na bagyo.
10:55Alamin ko magkano na ba sa balitang hatir ni EJ Gomez.
10:58Ilang linggo na raw nahihirapan sa pagkuhan ng mga supply ng gulay na kanilang ititinda si Reyalin.
11:07Nabawasan daw kasi ang supply mula sa mga probinsya kasunod na mga nangyaring lindol at bagyo.
11:13Kaya ang mga presyo, dumoble o higit pa kada kilo.
11:18Yung pinakaming reason talaga po is yung bagyo natin na nauna yung lindol tapos dumaan yung bagyong tino, sumunod po yung bagyong uwan.
11:27Kaya doon po talaga pumalo na sunod-sunod ang pagtaas ng gulay.
11:31Dito sa Tandang Sora Market sa Quezon City, ang kada kilo ng bell pepper nasa P450 ngayon na dating P250.
11:39Ang ceiling green mahigit doble ang itinaas sa presyong P400 mula sa P180 lang.
11:46Ang ceiling labuyo, P500 na ang kada kilo.
11:50Ang luya at bagyo beans, aabot naman sa P250 na dating P180 hanggang P200 lang.
11:59Tumaas naman ng P100 ang kada kilong lettuce na nasa P300 ngayon.
12:05Ibinibenta ang repolyo na ngaabot sa P160.
12:08Ang kamatis, P160 din ang kada kilo.
12:12At ang sibuyas, mas mahal ngayon ng P70 na mabibili sa P250.
12:17Tumaas din ang kada taling ng mga dahong gulay, gaya ng dahon ng sili at ang palaya, pati na ang talbos ng kamote.
12:26Ang dating presyo na T10 lang, nasa P15 na hanggang P25.
12:32Samantala, wala naman nagbago sa presyo ng patatas, bawang, broccoli, sayote at kalabasa.
12:40Bumaba naman ang presyo ng carrots na nasa P200 ngayon.
12:43Gayun din ang talong na P160 hanggang P180.
12:49Silyani, todo tipid daw sa pamimili.
12:51Pechay, yun lang. Tapos isda na tilapia, kasi mahanong ngayon eh.
12:56Sakto lang din yung budget.
12:57Mahal ang gulay ngayon. Tapos nang mahal din yung mga kare na yung mga isda.
13:01Lalo kasi bumagyo.
13:02Wala muna yung sa cravings.
13:04Sa tabi muna.
13:05Kasi on the budget na tayo.
13:08EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:13Silipin na po natin ang presyo ng gulay sa mga pamilihan dito sa Metro Manila.
13:17Base po sa latest monitoring ng Department of Agriculture, nasa P180 hanggang P400 ang kada kilo ng bell pepper.
13:25P200 hanggang P500 per kilo ang siling labuyo.
13:29P120 hanggang P260 ang kada kilo naman ng luya.
13:33P115 hanggang P200 ang bagyo beans.
13:37P100 hanggang P250 ang lettuce.
13:41P50 hanggang P110 ang repolyo.
13:44P70 hanggang P150 ang kamatis.
13:49At P65 hanggang P200 ang sibuyas.
13:52Mabibili naman ng P100 hanggang P170 per kilo ang patatas.
13:58Ang imported na bawang nasa P110 hanggang P190.
14:03Ang broccoli nasa P100 hanggang P330 ang kada kilo.
14:09P25 hanggang P80 naman ang sayote.
14:11P40 hanggang P100 ang kalabasa.
14:15P120 hanggang P190 ang carrots.
14:18At nasa P80 hanggang P110 ang per kilo ng talong.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended