Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01On going po ngayon ang Senate Blue Ribbon Committee hearing sa questionable flood control projects.
00:08Noong September 25 panghuling hearing, bago nagbitiw bilang Blue Ribbon Committee Chairman si Sen. Ping Lakson itong Oktubre.
00:15Nagbalik sa pagdinig ngayon si Sen. Ping Lakson bilang Chairman ng Kumite.
00:19Naroon na lang dating DPWH engineers na sina Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza,
00:25pati ang mag-asawang kontratistang Sarah at Curly Biskaya.
00:30Gayun din si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:34Sinabi ni Lakson na inimbitahan niya si dating Congressman Zaldico pero hindi raw makakadalo dahil nagpapagamot pa abroad.
00:42Wala rin pumunta sa mga inimbitahang kasalukuyan at dating kongresista.
00:47Paliwanag daw ni House Speaker Bojidi kay Lakson.
00:50Ito raw ay para hindi maapektuhan ang embesigasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
00:56Ang iba pang detalye sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ihahatib namin maya-maya.
01:12Naka-half-staff ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.
01:19Nakapaba ito simula po kahapon.
01:21Ayon sa anak ni Enrile na si Katrina, 4.21pm pumanaw ang kanyang ama.
01:27Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang dedikasyon ni Enrile sa trabaho.
01:30Hindi raw malilimutan ang markang iniwan ni Enrile sa abugas siya, pamumuno sa bansa at sa mga taong kanyang pinagsilbihan.
01:39Si Enrile ay Chief Presidential Legal Counsel muna ng maupong Pangulo si Marcos Jr. hanggang sa kanyang pagpanaw.
01:45Nakiramay rin si na Defense Secretary Gibo Chidoro at Education Secretary Sonny Angara.
01:51Kinilala rin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang naging ambag ni Enrile sa national security ng bansa.
01:57Si Enrile ay nagsilbing Defense Minister noong panahon ni na dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Cory Aquino.
02:05Inalala rin ni Enrile ng mga dati niyang kasamahan sa Senado tulad ni na Senate President Tito Soto,
02:10Senador Chis Escudero, Kiko Pangilinan, Lito Lapid at Migs Zubiri.
02:16Gayun din si na Senador Joel Villanueva at Winn Gatchalian.
02:20Pansamantalang sinuspindi ang sesyon ng Senado kahapon para alalahanin si Enrile.
02:27We will remember him for his formidable intellect and compassion to the people.
02:34As we mourn his passing, we find comfort in knowing that the legacy of Mangunjani will always live on,
02:42etched within the walls of this institution that he loved.
02:48Pinasalamatan ni Katrina Ponce Enrile ang mga nag-alaga at nagdasal sa kanyang amang si Juan Ponce Enrile bago pumanaw kahapon.
02:59Inalala rin po niya ang mga huling sandali ng kanyang ama at ang mga iniwan itong aral sa kanila.
03:06Balitang hatid ni Jamie Santos, Exclusive.
03:09It is going to protect the president.
03:13Ayon sa kanaki yumaong Juan Ponce Enrile na si Katrina nabigyan sila ng pagkakataon na makasama ang ama
03:21at maipahayag ang kanilang mga saluobin bago siya pumanaw.
03:25Masaya raw silang mapagbigyan ng huling kahilingan ng ama na makauwi sa kanilang tahanan at makasama ang kanilang buong pamilya.
03:33Iba raw ang persona ni Manong Johnny bilang ama at leader pero kilalaan nila si Enrile sa pagiging maalalahanin at maawain.
03:43The Juan Ponce Enrile that the public knows is very different from the Juan Ponce Enrile that we know.
03:51He's a very generous person, madaling umiyak, maawa.
04:03Talagang iyakan nyo lang yan ng konti eh, talagang maawa yan.
04:09Talagang tutulungan niya po lahat ng pwede niyang tulungan.
04:13Anya, isa sa mga pinakamahalagang araw ng kanyang ama ay ang pagiging mabuting tao at ang pagtrato ng maayos sa kapwa.
04:21Sa akin po, ang parati niyang sinestress po sa akin, bata pa po ako, is to remain humble, to treat people correctly.
04:29Because the people that you meet when you are rising may be the same people you will meet when you are going down.
04:41Sa huling mga araw, nanatiling matalas ang isip ni Enrile kahit pa nagkaroon siya ng problema sa kidney.
04:47Yes, it just deteriorated a little bit already. Parang nag-start na yung mag-fail yung kidneys po niya.
04:54Nagpapasalamat si Katrina sa lahat na nag-alaga at nagdasal para sa kanyang ama.
04:59I would really like to thank all the attending physicians from telemetry to the ICU and lahat po ng mga doktor.
05:10Alam nyo po kung sino po kayo. Maraming, maraming, maraming salamat.
05:15Sa huli, iniwan ni Enrile ang mensahe ng pagmamahal, respeto at pananagutan.
05:20History will judge my dad. He did what he always thought was best for the country.
05:29And my dad is always a forward thinker. He always tells me na always think of the end game.
05:40Kaya bahala na po ang history na humusga po kay Juan Ponce Enrile.
05:48Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
05:57Beep, beep, beep sa mga motorista. May inaasahan na namang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
06:05Ayon sa Department of Energy, Oil Industry Management Bureau, batay sa 4-day trading,
06:09may posibleng 75 centavos kada litrong dagdag sa kada litro ng diesel.
06:13Humigit kumulang 60 centavos naman ang inaasa ang taas presyo sa kada litro ng gasolin,
06:19habang 1 peso kada litro ang pusileng dagdag sa kerosene.
06:23Kung matutuloy nga, ikapitong linggong magkakasunod na taas presyo na yan para sa gasolina,
06:28habang ikaapat na linggo naman para sa diesel.
06:31Ayon sa DOE, hindi pa dapat ipatupad ang price high sa kerosene hanggang November 21.
06:36Kasunod ang deklarasyon ng State of Calamity sa buong bansa.
06:42Ito ang GMA Regional TV News.
06:47Oras na para sa maiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
06:52Ininspeksyon ng mga tauhan ng Independent Commission for Infrastructure
06:55ang apat na flood control projects dyan po sa Ilocos Norte.
07:00Chris, ano-ano yung mga flood control projects ang inikutan doon?
07:04Pony, kasama sa kanilang ininspeksyon ang nasirang flood control projects sa barangay Alsem sa bayan ng Bintar.
07:15Ayon kay ICI Special Advisor Rodolfo Azurin,
07:18naayos na ang naturang proyekto na sinalantanang nagdaang bagyong uwan.
07:22Pero sa ibang lugar, may mga hindi pa naayos na nagawang proyekto,
07:27gaya na lamang sa bayan ng Nueva Era.
07:30Nadatna ng ICI ang mga nakausling bakal sa ibabaw ng dike
07:33at mga simentong naging buhangi na lang.
07:36Sabi ni Azurin, may may iwan na inhenyero doon para masuri kung nasunod ang plano
07:41at specifications sa flood control projects.
07:45Karamihan din sa kanilang mga ininspeksyon ay gawa ng isa sa mga kumpanya
07:49ng mag-asawang kontratista na sina Pasifiko at Sara Diskaya.
07:53Isang makeshift bodega naman ang sinunog umano ng isang menor de edad sa Sanasinto dito sa Pangasinan.
08:01Sa kuha ng CCTV, makikita ang biglang pagtakbo ng mga tao matapos may makitang usok.
08:07Nasusunog na pala ang makeshift bodega roon na may lamang staff toys.
08:12Agad na po lang ng mga bumbero ang sunog.
08:15Nang panuori ng may-ari ng bodega ang CCTV,
08:18doon nila nakita ang 16-anyos nilang kaanak na nasa loob umano ng bakuran habang nasusunog ito.
08:25Tatlong araw bago ang sunog, nilooban din umano ng menor de edad ang kanilang bahay.
08:31Nasa Kosodiana ng Municipal Social Welfare Department Office ang binatilyo.
08:36Wala siyang pahayag.
08:37Ayon sa pulisya, umamin ang binatilyo sa panununog.
08:41Hindi niya sinabi kung bakit.
08:45Tatlong senador pa ang ire-recommend ng kasuhan ng Independent Commission for Infrastructure
08:54kaugnay sa mga manumalyang flood control projects.
08:57Binanggit yan ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. sa isang press con.
09:01Hindi pa tinukoy ni Reyes kung sino-sino sila.
09:04Sa susunod na linggo, nakatakdang ihain ng ICI ang rekomendasyon nito.
09:07Iba pa raw ito sa naunang rekomendasyong plunder at graft complaint
09:11laban kinang Senador Jingo Estrada at Senador Joel Villanueva.
09:15Isinumitin rin kahapon ng ICI ang ikalaman nitong rekomendasyon sa ombudsman
09:19kung saan pinakakasuhan ang ilang dating opisyal ng DPWH at ilang contractor.
09:24Sabi po ang Commission on Elections, may isang Senador na umaming tumanggap siya
09:31ng campaign contribution mula sa isang contractor noong eleksyon 2022.
09:36Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
09:38Nang sagutin nila ang show cause order ng COMELEC,
09:44hindi na itinanggi ng isang senador at isang contractor
09:47ang pagtanggap ng mambabatas ng campaign contribution
09:50mula sa contractor nitong 2022 elections.
09:53Tinanong pero tumanggi si COMELEC Chairman George Irwin Garcia na pangalanan sila.
09:58Pero nauna nang inisuhan ng COMELEC ng show cause order
10:01si Senador Chisa Scudero nitong Oktubre,
10:04kaugnay ng campaign donation ng Presidente ng Center Waste Construction and Development
10:08para sa 2022 elections.
10:11Sabi ni Garcia, iniintay nila ang rekomendasyon ng Political Finance and Affairs Department
10:16na kailangan pang-aprubahan ng NBank.
10:18Hindi tiyak kung kailan ito ilalabas.
10:20Kung ang recommendation is to file the case,
10:24then immediately i-authorize ng Commission NBank
10:27ang filing ng kaso sa ating Law Department
10:30para magkaroon ng formal na preliminary investigation.
10:33Ang importante po ay tapos naman yung ating tinatawag na
10:37evidence gathering yung ating investigation
10:40at upang makapunta na sa tinatawag na PI kung kakailanganin
10:44o dismissal naman kung hindi naman talaga minamarapat.
10:49Sa November 21 naman ang deadline para sumagot sa show cause order
10:53na inisuhan ng COMELEC sa 27 contractor na nakitaan ng kontribusyon
10:57sa mga kandidato noong 2022 elections.
11:00Matapos nito, mga kandidatong binigyan naman ang kontribusyon
11:03noong 2022 elections ang i-issuhan ng show cause order
11:07para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng paglabag
11:10sa Section 95C ng Omnibus Election Code.
11:14Pinagbabawal niya ng pagsolisit o pagtanggap ng kontribusyon
11:17mula sa public contractors o mga may kontrata sa gobyerno.
11:20Iniimbisigahan din ang COMELEC kung kumpleto ang deklarasyon
11:24ng mga kandidato sa kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOSE.
11:28Kung hindi, ayon sa COMELEC, pwede iyang ituring na paglabag
11:31sa Omnibus Election Code, Perjury o Falsification of Public Documents.
11:35Buti available na ngayon yung SAL-N.
11:40Pero syempre po, kaya ang COMELEC hindi makapag-motopropyo dati.
11:45Tatandaan po ng lahat na yung po kasing hawak-hawak lang ni COMELEC
11:51ay yung mismong SOSE.
11:53Wala naman po kaming kopya ng mga SAL-N o iba pang mga dokumento
11:56kahit income tax return.
11:57Bukod sa pag-aaral ng COMELEC sa mga SOSE,
11:59makakatulong kung merong maghain ng reklamo laban sa kanila sa COMELEC.
12:03Kung may formal na magpapayal ng petisyon,
12:05i-issue ang kaagad namin ng corresponding notices
12:09yung mga involved na parties.
12:11Pwede sa period kasi na inoobserve sa rules
12:15kapag kami nag-file ng petisyon,
12:17kung ilan lang ang araw upang mag-issue kaagad ng tinatawag ng summons
12:22at pagkatapos may araw din kung kailang kinakailangang sumago.
12:26Dan at Ingkongko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:33Sa mga may plano ngayong weekend,
12:35wala pong sama ng panahon na binabantayan sa loob o labas
12:38ng Philippine Area of Responsibility.
12:40Ayon sa pag-asa, hanging-amihan ang umiiral sa Batanes at Babuyan Islands,
12:45Intertropical Convergence Zone o ITCZ naman sa Palawan, Visayas at Mindanao.
12:51Mas maka-aasa sa maayos na panahon tayo dito sa Metro Manila
12:54at ilan pang bahagi ng Luzon,
12:56pero posibli pa rin ang mga local thunderstorm.
13:00Base sa rainfall forecast ng Metro Weather,
13:02posibli ang light to moderate rains bukas ng umaga
13:04sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region, Aurora,
13:07Quezon Province, Mimaropa Region,
13:09Visayas at Caraga.
13:12Posibli rin ulaniin ang mga nasabing lugar
13:14at ilan pang bahagi ng Mindanao sa linggo ng umaga.
13:17Tataas ang tsansa ng ulan sa iba pang bahagi ng bansa
13:20sa bandang hapon at gabi sa Sabado at sa linggo.
13:24Maging alerto sa heavy to intense rains
13:25na maaaring magdulot ng baha o landslide.
13:28Ang Metro Manila may maliit na tsansa ng ulan
13:31ngayon pong weekend.
13:32Pinapayuhan ang mga may maliit na sasakyang pandagat
13:34na huwag munang pumalaot sa mga dagat
13:36sakop ng Batanes at Babuyan Islands
13:39dahil sa matataas na alon dulot ng amiha.
13:48Nasunog ang isang kotse matapos makabangga
13:50ng isang SUV sa flyover ng CM Recto Avenue
13:53sa Cagayan de Oro City.
13:55Base sa inisyal na imbisigasyon,
13:56nagkabanggaan ang kotse at SUV
13:58sa paakyat na bahagi ng flyover.
14:02Sa lakas ng impact,
14:03tumama ang kotse sa mga railing
14:04at kalaunan ay lumiyab.
14:07Ligtas sa mga sakay ng kotse
14:08na agad nakalabas.
14:10Dinala naman sa ospital
14:11ang isang pasero ng SUV
14:13na nagtamo ng minor injuries.
14:15Sinusubukan pang makuna ng pahayag
14:17ang dalawang driver.
14:19Ayon sa mga otoridad,
14:20mag-uusap pa sa mga susunod na araw
14:22ang dalawang panig.
14:27Samantala,
14:28bilang pag-iingat matapos magpositibo
14:30sa ASF
14:31o African Swine Fever
14:32ang ilang kakatayeng baboy,
14:34labing apat na lechunan
14:36sa Laloma,
14:37Quezon City
14:37ang pansamantalang ipinasara
14:39ng LGU.
14:40Ang mainit na balita
14:41hatid ni Bea Pinlak.
14:45Palapit na ng palapit
14:47ang Pasko
14:48at isa sa mga hindi
14:50nawawala sa Noche Buena
14:51ng maraming pamilyang Pilipino
14:53ang lechun.
14:54Pero tahimik ngayon
14:56sa Laloma sa Quezon City
14:57na kilalang lechun capital
14:58of the Philippines.
15:01Yan ay matapos
15:01pansamantalang ipasara
15:03ang labing apat na lechunan dito
15:04matapos lumabas
15:06na may ASF
15:07o African Swine Fever
15:08ang mga baboy
15:09na kakatayin ng mga ito
15:11nang inspeksyonin ng lungsod
15:13at Bureau of Animal Industry.
15:15Nagsimula na ang disinfeksyon
15:17sa mga apektadong lugar.
15:18Pinatay na rin
15:19ang mga may sakit na baboy.
15:21Naglagay na ng checkpoints
15:22ang lokal na pamahalaan
15:24para kontrolado
15:25ang paggalaw ng mga baboy
15:26mula at papasok ng Laloma.
15:29Samantala ang ilang nakausap natin,
15:31nag-iisip na ng alternatibo
15:32sa lechong baboy.
15:34Baka absent daw kasi muna ito
15:36sa handaan nila
15:36ngayong holiday season.
15:38Talaga na tradisyon yan,
15:40lagi may lechun.
15:41Pwede namang ibi eh.
15:43Gusto mag-lechun,
15:44di mag-lechun ka ng manok.
15:45Okay lang yun yung mga lapo-lapo
15:47na isda, ganun.
15:48Okay lang yun.
15:49Hindi na kami maano sa lechun talaga.
15:51Matutuloy naman ang nocho buena
15:53kahit na walang lechun.
15:54Andiyan naman ang lechung manok,
15:56di ba?
15:56Marami naman may handa dyan.
15:59May iba naman,
16:00natiwala pa rin
16:01sa mga sikat na lechunan sa Laloma.
16:03Oras na muli itong magbukas
16:05kapag nag-comply na sila
16:06sa requirements ng lokal na pamahalaan
16:08at ng BAI.
16:09Sa totoo lang,
16:11magaganda naman mga lechun dyan,
16:12mga baboy.
16:13Kung magbubukas nga yung December,
16:15tiwalaan naman kami sa kanila
16:16kasi taga rito kami.
16:19Okay naman yung mga lechun nila eh.
16:21Kapag may budget,
16:22bibili kami.
16:22Bea Pinlak,
16:24nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:29Ito ang GMA Regional TV News.
16:34Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao
16:37hatid ng GMA Regional TV.
16:39Nasa week,
16:40ang alas Pilipinas Valable Player
16:41na si Ike Andrew Barella
16:42matapos maaksidente
16:43sa Cadiz Negros Occidental.
16:46Sara, ano yung nangyari?
16:48Rafi nabangga na isang bus
16:52ang minamaneho niyang motorsiklo.
16:54Ayon sa pulisya,
16:55tinamaan ng bus
16:56ang likurang bahagi ng motorsiklo
16:58ng biktima.
16:59Nagtamu siya naman lubhang sugat
17:01sa likod at nibdib
17:02na dahilan ng kanyang pagkamatay.
17:05Nagdadalamhati ngayon
17:07ang mga kaanak at kaibigan ni Ike.
17:09Ayon sa pulisya,
17:10pinalaya ang driver
17:11matapos mag-expire
17:13ang regulatory period
17:15o ang panahon pwedeng i-detain
17:16ang isang tao
17:17kahit walang isinampang reklamo
17:19laban sa kanya.
17:20Pinoproseso na
17:21ng mga kaanak ng biktima
17:23ang pagsasampan ng reklamong
17:24reckless imprudence
17:26resulting in homicide
17:27laban sa kanya.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended