- 2 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Balik po tayo sa mga balita sa bansa sa lunes na itutuloy ng Komite sa Kamara ang pagdinig sa Ethics Complaint
00:06laban kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
00:10Inireklamo naman ng PNPC-IDG ng inciting to sedition si Barzaga kaugnay po sa riot noong September 21.
00:19Balitang hatid ni Marisol Abduraman.
00:21Kaugnay ng karahasang sumiklab noong mga kilos protes sa kontra katiwalian noong September 21.
00:33Reklamong inciting to sedition ang isinampa ng PNPC-IDG laban kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
00:40It is in relation to the September 21 rally, violent incident in Manila.
00:48Nang tanungin kung ano ang naging partisipasyon ng kongresista sa marahas na rally sa Mindjola noong September 21.
00:54We do not want to preempt the investigation that is also being conducted by the prosecution service.
01:04For every kind, there is a story behind the story.
01:09Hindi lang po yung real party na nagkukumit.
01:12There are also people behind it.
01:13And we will, you know, it is the mandate of the CIDG to look into yung mga ano.
01:22Not only those that are present doon sa area, but also those that are behind these incidents.
01:34Bago pa ang anunsyo ng PNPC-IDG, ipinost online ni Barzaga ang sabpinang ito mula sa Quezon City Prosecutor para paharapin siya sa preliminary investigation.
01:44Sa mga kaso, kaugnay ng paglabag sa Article 138 and 142 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa inciting to rebellion at inciting to sedition.
01:55Inciting to rebellion ang paghihimok na mag-armas para pabagsakin ang gobyerno o kumalas dito.
02:01Inciting to sedition naman ang pag-uudyok ng marahas na paggilos laban sa pamahalaan.
02:05Kinumpirma rin ang CIDG na meron pang ibang reklamong kinakaharap si Barzaga.
02:11Kaugnay naman ito sa naging protesta sa labas ng isang subdivision sa Makati.
02:15Pero hindi nagbigay ng detalya ang CIDG tungkol dito.
02:18Actually, we have another one. It's also the one in Makati.
02:25Forbes.
02:27Forbes.
02:28So, another one for Barzaga?
02:31Yes, but I will not comment on that as yet because we do not want to preempt the investigation,
02:38the preliminary investigation being conducted by the prosecution service.
02:45Matatanda ang kasama si Barzaga sa rally na ito sa Makati.
02:49Meow!
02:50Meow!
02:51Meow!
02:52Meow!
02:53Hindi, hindi. Bati tayo.
02:56Meow, meow. Start listening to the people or maybe you won't have the opportunity anymore if it's too late.
03:04Para kay Deputy Speaker Ronaldo Puno, magandang kinasuan si Barzaga para madala.
03:09Buti na rin dinamanda siya ng CIDG kasi makakala niya nakakatawa yun.
03:13Di ba?
03:13So, para madala naman siya.
03:17Sa ethics complaint naman nilalaban kay Barzaga, nitong lunes dapat ang hearing ulit sa kaso laban sa kongresista,
03:23pero nakansela dahil sa bagyo. Itutuloy ito sa lunes.
03:27Marisol Abduraman.
03:29Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:32Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Barzaga na natakot na si Marcos.
03:39Kaya raw siya sinampahan ng mga reklamo ng CIDG.
03:43Apat na putisang araw na lang, Pasko na.
03:51Kumukutik-kutitap na ang bawat gabi sa Makati City ngayong holiday season.
03:55Puno na ng dekorasyon ng Ayala Avenue, Ayala Triangle Garden, maging ang Makati Avenue at Paseo de Rojas.
04:17Ang mga parol at Christmas tree may touch ng anahaw at may disenyo at kulay ng sarimanok na sumisimbolo ng pag-ahon at kasaganahan.
04:26Ayon sa mga organizer, ang tema sa taong ito ay sumasalanin sa pagiging malikhain at pagbabago.
04:32Aliw naman sa display sa unang gabi ang mga namasyal, maging ang mga dayuhang turista.
04:37May nagpipiknik din.
04:39Pwedeng pasyalan at masilayan ang Christmas tree displays hanggang January 11.
04:43Wow na wow!
04:47Mga kapuso, may kumakalat na post online na nagsasabing tatanggalin na daw ang senior high school simula sa susunod na school year.
04:57Ang sagot po ng Department of Education, di yan totoo.
05:01Kaya paalala po ng DepEd, mag-iingat tayo at maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa online.
05:07Huwag ifollow ang mga social media page na nagbabahagi ng maling impormasyon at agad iyong i-report.
05:14Para sa mga verified na announcement, ifollow lamang po ang official social media accounts ng DepEd.
05:20Ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos ang ASEAN Extradition Treaty o AET sa 13 ASEAN Law Ministers Meeting sa Taguig.
05:32Sa pahumagitan ng AET, hindi na raw basta-basta makakatakas ang sino mang individual na may kriminal na kaso sa border ng ASEAN.
05:39Makatutulong din daw ang AET para mas palakasin pa ang iba't ibang legal principles gaya ng usapin ng pagpapatupad ng extradition, provisional arrest at settlements.
05:50Binigyang din din ang Pangulo ang paglaban sa mga transnational crime, cybercrime at ipinunto ang ethical at legal implications ng paggamit ng artificial intelligence.
06:00Ayon sa Pangulo, dapat matiyak na kayang pamahalaan ng batas ang detail space ng patas at ligtas.
06:07Pinaghahandaan na ng Department of Justice at Philippine National Police ang gagawing three-day rally ng Iglesia ni Cristo.
06:17Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadulion, magtatalaga ang DOJ ng mga tauhan sa iba't ibang lugar sa Maynila at Quezon City
06:25kung saan gagawin ang mga aktibidad simula po sa linggo hanggang Martes.
06:31Maghahanda raw yan sakaling magkaroon ulit ng mga gulo gaya noong September 21 sa Maynila.
06:37Sabi naman sa NCR Police Office, mahigit 16,000 na polis ang magbabantay sa tatlong araw na kilus protesta ng INC.
06:46Kalahati mula mismo sa NCRPO at ang iba paya galing sa iba pang lugar.
06:53Patay ang isang binatilyo matapos na makuryente sa kanilang bahay sa barangay Salapingaw dito sa Dagupan, Pangasinan.
07:08Pwerte ng tiyahin ng biktima nagpapahinga noon ang kanyang pamangkin ng napasandal sa yero na grounded pala ng kuryente.
07:15Sa pagsusuri ng Dagupan Electric Corporation, may sumayad na live wire sa nasabing yero na nagsisilbing dingding ng bahay ng binatilyo.
07:25Nagsasagawa na rin ang hiwalay na investigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.
07:29Patay ang isang lalaki at kanyang pamangkin matapos malunod sa Midsalip Zamboang Ganelsur.
07:37Ayon sa investigasyon, pauwi ang lalaki at dalawa niyang pamangkin galing sa eskwelahan ng madisgrasya.
07:44Naitulak daw ng lalaki ang isa niyang pamangkin kaya nakaligtas.
07:48Nasa maayos na kalagayan na ang bata.
07:50Naanod naman ang lalaki at isa pa niyang pamangkin na pitong taong gulang.
07:54Sa search and rescue operation, unang natagpuan ang bangkay ng bata.
07:59I-diniklara namang dead-on arrival sa ospital ang tiyuhin.
08:03Walang pahayag ang pamilya ng mga biktima.
08:11Sa punto pong ito ay makakausap naman natin si Pag-asa Weather Specialist, Benison Estreja.
08:16Magandang tanghali po.
08:18Magandang tanghali, Mang Connie.
08:19Kabusta po ang lagay ng panahon ngayong weekend, sir?
08:22Well, ngayong araw po hanggang sa weekend, we're experiencing itong ITCC pa rin or Inter-Tropical Convergence Zone.
08:29Magdadala pa rin po ito ng mataas sa chance ng ulan over Visayas, Mindanao, and then halos buong Bicol Region and Mimaropa.
08:36So kung nalabas po ng bahay, make sure na meron baong payong or kapote.
08:40Habang dito naman sa may northern zone, nandiyan ang northeast monsoon or hanging amihan,
08:45na siya magdadala ng bahagyang pagbaba ng temperatura.
08:47At meron mga may hina hanggang katampamang ulan sa may Cagayan Valley and isolated light rains over the rest of northern zone.
08:53And for Metro Manila at mga nearby areas naman po, isolated rain showers and thunderstorms.
08:57Halos ka tulad ng weather conditions.
08:59Wala naman po tayong inaasang-sama ng panahon, sir?
09:01Yes, wala pa naman so far.
09:03And in the next five days, yung ITCC lang at yung amihan yung nakikita natin na weather disturbance,
09:08na weather system plus yung pag-ulan dulot ng shear line early next week.
09:12Opo, at nabanggit nyo nga itong amihan, kailan ho ba talagang mararamdaman yung malamig-lamig na hangin natin?
09:20Kung dito sa Metro Manila, not anytime po, pero possibly by the end of November hanggang sa December,
09:26magsisimula ng maramdaman yun dito sa Metro Manila at mga nearby areas, lalo na sa madaling araw.
09:31At ilang bagyo pa po ang aasahan natin bago matapos ang taon?
09:34Bago matapos ang November, possible pa yung isa, and for December, 1 to 2.
09:40So, before the end of the year, 2 to 3 po.
09:44Sana po, huwag na.
09:45Sana po, talaga.
09:46At yan ho, ano ba yung mga karaniwang direksyon pagka ganito hong mga panahon?
09:52Mababa po ang track ng ating mga bagyo kapag November and December, kagaya na lamang nitong kay Bagyong Tino.
09:57So, we're hoping na wala na talaga kasi madalas talaga Bicol Region, Eastern Visayas,
10:04or Caraga yung unang naglalanpol tapos tatawid po ng Visayas and Southern Luson.
10:07I see. Alright. Marami pong salamat, sir, sa inyo pong update na yan sa amin.
10:11Thank you, Ma'am Connie.
10:12Yan po naman si pag-asa weather specialist, Benison Estareja.
10:22May binibenta na rin pong 20 pesos kada kilo ng bigas sa Sulu.
10:26Inilunsad ng mga opisyal na Department of Agriculture at local officials,
10:31ang 20 bigas meron na sa hulo.
10:34Mula po sa labing tatlong nga probinsya doong nagpilot ang programa,
10:38ngayong taon, e nasa walumput isa ng probinsya ang mayroon ng nasabing food program ng pamahalaan.
10:45Hindi lamang daw ito tulong sa bawat pamilyang nais makabili ng murang bigas,
10:50kundi tulong din sa mga magsasaka.
10:53Target pang palawakin ang pamahagi ng murang 20 pesos na bigas hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
11:01K-League overload ang eksena sa Disney Plus Originals Preview 2025 sa Hong Kong Disneyland Hotel.
11:18Opa after opa ng iba't-ibang international series ang naghatid ng saya sa fans.
11:24Present si Hyun Bin kasama ang co-stars na si Jang Woo-sung at Woo Do-won.
11:30Dumalo rin si na Ji Chang-huk at ang leading lady niya sa isang series,
11:35ang Japanese actress na si Mio Imada.
11:38Nagbalik din si Chang-huk na bibida sa isa pang palabas kasama si Doh Kyung-soo,
11:43aka D-O, ng Korean group na EXO.
11:46Sinalubong din ang tili ang Korean drama actor na si Lee Dong-huk together with Kim Hye-jun.
11:56Raising the event din si na Park Bo-yong, Kim Sung-chol at Lee Eun-huk.
12:02Pati ang top K-star sa sina Shin Min-ha, Joo Ji-hun at Lee Se-young.
12:06Nagkaroon din ang panel discussion ng award-winning Japanese actor na si Hiroyuki Sanada.
12:13Nakisaya rin sa event si na Kenta Matsuda at Kaito Nakamura,
12:18members ng J-pop group na Travis Japan.
12:21Dinaluhan ang Desti Plus showcase ng mahigit 300 media and content creators
12:26mula sa USA, Latin America at Asia Pacific.
12:30Kasama ang inyong mare.
12:33Obri Carampeo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:45Pagbati po sa mga pumasa sa nagdaang professional licensure examinations.
12:50Sabi na ngunan Rizal, patok ang isang fur baby na nakisaya sa victory ng among board passer.
12:56Ayan, ayan, ayan. Ito ha.
12:57For the shock, si Regine Angeli Pama nang malaman na isa na siyang registered nutritionist dietitian.
13:06Dagdag pa sa ikinagulat niya ang alagang si Choco na agaw eksena o ang celebration.
13:12Sa sobrang excitement nila, nasasapak pa ng aso ang kanyang fur mom.
13:18Dirituloy na ilang netizens ay para bang si Choco raw ang nagpa-aral sa kanyang amo.
13:23Sabi ni Regine, deserve din ang alaga na magdiwang dahil nakasama niya bilang emotional support sa pag-review.
13:301.5 million views na ang video.
13:33Congratulations Regine at syempre kay Choco na certified trending.
13:41Ay, nakakatuwa talaga.
13:44Alam mo, ano eh, malalambing. I think pudal ata itong aso na ito.
13:48Ramdam niya siguro kasi yung excitement itong kanyang fur mom.
13:51Oo naman.
13:52Naging masayang-masaya din.
13:54At napakalambing talaga at clingy ng mga klase ng aso na yan, partner.
13:59Kaya damam-daman niya.
14:00Oo nga, di ba?
14:01Ang saya, di ba?
14:03And why not?
14:05At congratulations talaga sa lahat po ng mga board passers natin.
14:08I'm sure kung wala man kayong mga asong tulad ni Choco,
14:12ay kahit na sinong mga nasa tabi niya, usaman niya.
14:15Pwede maging emotional support.
14:17Yes.
14:18Ang galing.
14:21Samantala pan samantalang umalis ang mag-asawang Sarah, Charla at Curly Diskaya
14:25sa pagdinig ng Senate-Luribund Committee.
14:28Pinayagang umalis ang mag-asawa para kunin ang ledger
14:30na may listahan ng mga kongresista at iba pang opisyal
14:33na nakatanggap umano ng kickback sa flood control projects
14:36na nakuha ng mga diskaya.
14:39Ngayong araw din sila pinababalik sa Senado.
14:41Inusisa rin sa pagdinig ang malawakang pagbaha sa Cebu nung Bagyong Tinio.
14:47Pwede maging digana hirin sa
14:57ho friends ng mga.
14:57O kongreizoi ba, ga mo isti put ande a hawna niya.
Recommended
14:14
1:04
16:05
21:39
4:42
13:50
14:03
13:45
22:04
11:50
22:00
19:23
11:56
21:07
14:30
11:42
20:16
9:25
21:18
25:51
27:52
19:56
18:02
Be the first to comment