Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00PULIKA, MANG PAGLITAW NANG SAWANAYAN
00:30Naghain ang reklamong may kaugnayan sa bid rigging
00:40ang Department of Public Works and Highways sa Philippine Competition Commission
00:44laban sa ilang construction company.
00:46Kaugnay po yan sa questionabling flood control projects.
00:49Sa gitna ng imbesigasyon, may panawagan naman ang pinuno ng ICI.
00:54Balitang hatid ni Joseph Morong.
01:00Bit-bit ni Justice Andres Reyes Jr. ang placard na ito.
01:03Pag-ibig daw at hindi kasakiman ang kailangan ngayon.
01:09We need to love our country.
01:11We need to love our countrymen.
01:14Hindi yung suapang ka, natang pera tinatago mo.
01:18Ipinananawagan niya ni Reyes sa gitna ng mga anumalyang iniimbestigahan
01:22ng pinamumunuan niyang Independent Commission for Infrastructure o ICI
01:27kaugnay ng mga flood control projects.
01:30Tulad na lamang nang nakita ng Commission on Audito COA
01:32sa Bukawi, Bulacan na nagkakahalagang 95 milyon pesos.
01:38Idineklarang natapos itong Enero 2025 lamang,
01:41kompleto ang bayad.
01:42Pero ayon sa COA, wala namang naitayong istruktura
01:45sa sinabing lokasyon sa barangay Bambang.
01:48Kaya ay narekomenda ng ICI sa ombudsman na kasuhan ng graft, malversation of public funds at iba pa
01:54ang mga opisyal ng DPWH Bulacan First District Engineering Office
01:58sa pangunguna ni dating District Engineer Henry Alcantara
02:01at kinatawa ng kontraktor na Top-Notch Catalyst Builders Incorporated,
02:06Beam Team Developer Specialist Incorporated na si Alan Payawal
02:10na nameke umano ng mga dokumento ng proyekto.
02:13Hinihinga namin sila ng pahayag.
02:15Para sa ghost project na yan, sa Bukawi, Bulacan,
02:18wala mga mambabatas o mga proponent na nagpondo sa proyektong yan
02:22ang inerekomendang kasuhan ng ICI sa ombudsman,
02:26puro mga engineer at kontraktor pa lamang.
02:30Paliwanag ni Reyes, wala pa silang nakitang koneksyon
02:33ng mga mambabatas sa proyektong ito.
02:36There is definitely a connection, but we still have to establish the connection.
02:41Hindi naman pwede may gawin yung DPWS na walang nagbigay ng kontrata o project, referral.
02:51Hindi po nila sinabi sa ICI kung sino yung nagputos sa kanila?
02:55Hindi, nagbigay sila mga pangalan, but hindi lahat siguro.
03:01O baka yun lang alam nila.
03:02I don't know if they're withholding or what.
03:05Tungkol naman sa ipinangakong live streaming ng ICI sa Senado,
03:09kasalukuyan pa rin sila nagbabalangkas ng rules.
03:12Hindi naman kami korte.
03:14So it's better talaga na investigate without other people present.
03:20Kasi yung testigo o yung akusado,
03:23pag mara yung tao, iba yung kilos.
03:28People screaming for live streaming should understand na,
03:32hindi kami, ano na kami, polis na kami.
03:35Nag-hae naman ang reklamo ng bid rigging si DPWH Secretary Vince Dyson
03:40sa Philippine Competition Commission laban sa mga kontraktor na St. Timothy Construction Corporation
03:46at Silver Wolves Construction Corporation at ilang opisyal ng DPWH, Davao Occidental at La Union
03:52kaugnay sa labing limang kontrata ng mga maanumalyang flood control projects doon.
03:57Ayon kay Dyson, 3.13 billion pesos ang maaaring imulta sa mga sangkot kung mapapatunayang pineke nila ang bidding.
04:06Hinihinga namin ng pahayag ang mga nasabing kumpanya.
04:09Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:12Hindi raw pipigilan ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglalabas sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN.
04:21Yan ang sagot ng malakanyang matapos hingin ng ilang civil society groups sa Office of the Ombudsman
04:26ang kopya ng SAL-EN ng Pangulo.
04:28Gayun din ang kay Vice President Sara Duterte, dating Ombudsman Samuel Martires,
04:33at iba pang opisyal ng gobyerno.
04:35Sa ilalim ng bagong guidelines ng Ombudsman, pwede nang humingi ng kopya ng SAL-EN kahit walang letter of authority mula sa opisyal na namamayari nito.
04:44Epektibo ang bagong guidelines sa November 15.
04:47Naonda nang sinabi ng Pangulo na handa siyang isa publiko ang kanyang SAL-EN.
04:55Mainit na balita, 4% ang gross domestic product o GDP growth ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2025.
05:04Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ang pinakamabagal na GDP growth mula noong first quarter ng 2021 na panahon pa ng COVID-19 pandemic.
05:14Sabi ng PSA, kabilang sa mga nagpalago sa GDP nitong third quarter, ang wholesale at retail finance at professional services.
05:23Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DepDev,
05:28Mas mababa ang GDP growth nitong third quarter kaysa sa target ng gobyerno na 5.5 hanggang 6.5% para sa 2025.
05:37Ito na ang mabibilis na balita.
05:43Tumagilid ang SUV na yan matapos sumalpok sa Center Island sa bahagin ng ADB Avenue sa Pasig.
05:49Sa lakas ng impact, napinsala ang Center Island.
05:52Ligtas ang driver na nagtamo ng pasa sa muka at dinala na sa ospital.
05:56Nayalis din sa kalsada ang SUV at hindi nagdulot ng traffic sa lugar.
06:01Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.
06:04Arestado ang isa pang akusado sa panuloob sa apartment ng mga masahista
06:10at pangahalay umano sa dalawa sa kanila sa Pasay City noong August 29.
06:15Sabisa ng Warat of Arrest, nahuli ng mga otoridad ang lalaki sa Malate, Maynila.
06:20Nahaharap sa reklamong robbery with rape ang mga akusado.
06:23Una ng sumuko sa mga otoridad ang kasabot niya.
06:26Pareho nilang itinanggi ang mga parata.
06:28Planong magtakda ng Department of Agriculture ng maximum suggested retail price sa pulang sibuyas at kandang baboy.
06:40Kung magkano yan, alamin natin sa Balitang Hatid ni Bea Pinlak.
06:43Hindi pa man nahihiwa ang mga panindang sibuyas na ito, mapapaiyak ka na sa presyo.
06:52Nasa P130 to P180 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas dito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
07:00Masakit. Actually, di lang naman talaga sibuyas ang mahal.
07:03Halos lahat ng gulay nagmamahal.
07:05Talagang napakahirap.
07:07Napakahirap sa pagbabudget.
07:08Pero ayun na nga, sinasabi ko wala tayong choice kundi talagang gagawan at gagawan mo ng paraan.
07:13Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot ng 200 pesos kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
07:22Marami naman daw ang supply ng imported sibuyas.
07:25Kaya pinag-aaralan ng DA na magtakda ng 120 pesos maximum suggested retail price para rito sa susunod na linggo.
07:33Magandang balita para sa mga mamimili ang pagtatakda ng MSRP.
07:36Malaking may tutulong sa amin yun. Pero sana, sana talaga. Mahirap din kasi umasa. Antay na lang talaga natin at gagawa na lang talaga tayo ng paraan.
07:44Ang mga nagtitinda ng gulay, tiyak daw na aaray.
07:48Hindi pwede. Hindi na kami magtitinda nyan pagka yung presyo nila ang masusunod. Kasi ampuhuna namin o ang 50 na eh.
07:59Pati presyo ng karning baboy, posibleng lagyan ng MSRP. Palaisipan daw kasi sa DA kung bakit mataas ang presyo ng baboy, lalo na ng liyempo, dahil mababa naman ang farm gate rates.
08:11Ang liyempo talaga mataas. Kasi alam mo naman, mataas talaga kahit noon pa.
08:18Nangangamba naman ang ilang nagtitinda ng baboy sa posibleng efekto ng mababang MSRP sa kita nila.
08:23Sa Mega Q Mart, umaabot ng 450 pesos ang kada kilo ng liyempo at 360 pesos naman sa Casim.
08:42Sa monitoring ng DA, nabibili ng hanggang 480 pesos ang kada kilo ng liyempo sa mga pamilihan sa Metro Manila.
08:50Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:57Beep, beep, beep! Sa mga motorista, may posibleng dagdagbawa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
09:04Ayon po sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay sa 4-day trading,
09:09tinatayang humigit-kumulang 35 centavos ang rollback sa kada litro ng gasolina.
09:13Matapos ang libang sunod-sunod na linggong price hike.
09:16Inaasahan namang magpapatuloy sa ikatlong linggo ang taas presyo sa diesel na nasa 30 centavos kada litro.
09:23Pati sa kerosene na 35 centavos kada litro.
09:27Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero,
09:31tanging sa LPG at kerosene lamang magkakaroon ng price free sa mga lugar na nasa state of calamity.
09:37Música
Be the first to comment
Add your comment

Recommended