- 7 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00Isa pang mainit na balita, sinampahan ng reklamong tax evasion ng mga dating DPWH engineer na sine Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
00:11E sinampayan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice matapos madiskubre ang 1.6 billion pesos na income tax deficiency ng tatlo.
00:19Nang mag-lifestyle check daw ang BIR sa kanila, hindi raw nagtutugma ang kanilang pamumuhay sa kanilang statement of assets, liabilities at net worth to sell-in at tax returns.
00:30Ang ibang detalye, ihatid namin maya-maya lang.
00:40Hindi magamit ng ilang evacuees sa Talisay, Cebu ang mga ibinigay sa kanilang tent.
00:46Maputik at basapo kasi ang sahig ng gymnasium kung saan sila pansamantalang nanunuluyan.
00:52Ang mainit na balita, hatid ni Susan and Riques.
00:55Mga kapuso, nandito po tayo sa barangay Dumlog sa Talisay City.
01:00Ang Talisay City po ay isa sa grabe na apekto ha ng Bagyong Tino.
01:05At sa katunayan, karamihan po sa kanila, lalong-lalo na yung mga nakatira po sa ilalim ng Dumlog Bridge,
01:11sila po yung nawala ng tirahan talaga pong tinangay ng baha yung kanila mga bahay.
01:16Wala po silang naisalba, karamihan sa kanila.
01:18At ngayon ay pansamantala silang tumutuloy dito sa kanilang health center, sa kanilang barangay hall,
01:23at maging dito sa mismong gymnasium.
01:26At kitang-kita ho natin dito kung gaano ang inaabot ngayon na hirap at pagdurusan ng mga kababayan natin
01:33matapos na manalasa itong Bagyong Tino.
01:36So, dito sa gymnasium, bagamat nasa mahigit isang daong pamilya lang yung naroon,
01:42eh hindi na rin naman ho sila halos makakatulog.
01:44Dahil kita nyo naman ho, putik na putik.
01:46Ayan, papaano ho sila makakatulog dyan.
01:49So, yung iba ho, naglagay na lamang ng kanila mga mahihigan doon sa mga pinaka-bleacher
01:53para kahit papaano kung inabot na ho ng antok, lalo-lalo na ho yung mga bata,
01:57eh meron naman ho silang matutulugan.
01:59Dahil yung ibinigay ho sa kanilang mga tent para sana sa kanilang pansamantalang tutuluyan,
02:04hindi na rin naman ho nila naggamit dahil yung mga lugar na paglalagyan sana ng tent,
02:08eh binaha na rin po yun.
02:10So, ngayon ay dito sila muna nag-sasama-sama at patuloy na naghihintay ng tulong, ayuda
02:16doon sa mga taong gustong tumulong dahil karamihan nga ho sa kanila ay walang naisalba.
02:21Yung mga binaha, yung mga bahay, hindi naman ho tuloy ang nawasak o nasira,
02:27ay nangangailangan din ho ng tulong.
02:29So, kaya pagka ho may mga duwanating na ayuda, ay kasama pa rin ho sila sa mga pumupunta rito
02:35para makatanggap ho ng tulong mula sa ating mga kababayan.
02:38So, ito yung sitwasyon nila ngayon, kung kailan sila makakabalik,
02:42makakabag simula ng normal na buhay, yung po ang isang malaking katanungan pa rin para sa kanila
02:47dahil nga po sa napakatindimpinsalang idinulot ng Bagyong Tino dito po sa ating mga kababayan
02:54dito sa Talisay City sa Cebu.
02:57Mula po rito sa Talisay City, Cebu, Susan Enriquez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:08Mainit na balita, aprobado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ng NDRRMC
03:14na magdeklara ng State of National Calamity.
03:17Kasunod yan ang matinding pinsala ng Bagyong Tino at inaasahang pagtama sa bansa
03:21ng Bagyong tatawaging Uwan.
03:24Detali tayo sa ulat on the spot si Ivan Mayrina.
03:27Ivan?
03:28Balikan natin ang mainit na balita kaunay sa pag-aproba ni Pangulong Bongbong Marcos
03:33ng rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng State of National Calamity.
03:38May ulat on the spot si Ivan Mayrina.
03:40Ivan?
03:41Yes, Raffi, isa sa ilalim nga sa State of National Calamity ang buong bansa
03:46kasunod ng pananalasan ng Bagyong Tino at ang inaasahang pagtama ng Bagyong Uwan
03:50sa Hilaga at Gitang Luzon ngayong weekend.
03:53Ito nag-rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRMC
03:57sa katatapos lang na Situation Briefing na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos na yung umaga.
04:03Dahil daw kasi sa lawak at dami ng mga regyon sa bansa na lubhang naapektuhan ng bagyo
04:11sa Visayas at sa inaasahang pinsalang idudulot ng paparating ng bagyo sa Hilagang Luzon
04:15ay kailangan na ideklara ang State of Calamity.
04:18Ang sabi ng Pangulo, inaprobahan niya ang rekomendasyon,
04:21inihintay na lamang natin yung opisyal na papel at ang deklarasyon.
04:24Sa ilalim ng State of Calamity, mapapabilis po ang access sa emergency funds
04:28at procurement process na makapagpapabilis naman sa responde ng gobyerno
04:32sa pagtugon sa pangailangan ng mga nasa lanta.
04:35Habang ipinagutos ang Pangulo ang pagbibigay ng relief efforts
04:38sa mga tinamaan ng Bagyong Tino particular sa Cebu,
04:40pinagahanda rin niya ang mga ahensya para sa Bagyong Uwan
04:43na inaasahang tatama sa lalawigan ng Kagayan pero apektado rin ang Hilaga at Gitang Luzon.
04:49Pero hindi raw iiwan ang Cebu kung saan marami ang nawala ng tirahan
04:52at may napakataas na death toll.
04:54Sabi ng Pangulo, ayaw muna niya magbigay ng bilang
04:56dahil nagpapatuloy pa ang paghahanap sa mga nawawala.
05:00Rafi, tutulok ang Pangulo bukas sa Visayas
05:02para personal na pagkasiwaan ang nagpapatuloy na relief operations ng pamahalaan.
05:07Rafi.
05:07Maraming salamat, Ivan Mayrina.
05:12Pumalo na sa 81 ang naiulat na patay sa hagupit ng Bagyong Tino sa bansa.
05:17Ayon po niya sa pinakuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
05:21o NDRMC, isang kumpirmado habang patuloy na biniberipika ang 80 iba pa.
05:27Biniberipika rin ang maotoridad ang naiulat na 81 sugatan at 72 nawawala.
05:32Halos 2 milyong tao at mahigit 500,000 pamilya ang apektado ng masamang panahon.
05:39Mahigit 400,000 sa kanila ang nananatili sa mga evacuation center.
05:44Base naman sa datos ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
05:48111 na ang naitalang nasawi sa Cebu Province.
05:58Nakalabas na po ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Tino.
06:02Huli itong namataan ng Pag-asa 320 kilometers northwest ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan.
06:09Samantala, bukas po ng gabi o madaling araw ng Sabado,
06:12posibleng nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong tatawagin nating Uwan.
06:18Lalo pang lumakas ang nasabing bagyo.
06:20Isa na itong tropical storm na may international name na Fung Wong.
06:24Taglay ng bagyo ang lakas ng hangi na hanggang 75 kilometers per hour.
06:28Dahil napakalayo pa ng bagyo, matuloy po itong lumalakas hanggang sa maging super typhoon sa darating na Sabado.
06:37Pagpasok po sa PAR,
06:38posibleng tumbukin ang bagyong Uwan ang northern o central zone.
06:43Kinaalerto ang mga kapuso nating nasa mga nasabing lugar
06:46dahil base po sa initial forecast ng Pag-asa,
06:49maaaring mag-landfall at humagupit ang bagyo madaling araw ng lunes.
06:54Manatiling tumutok sa mga weather update dahil may posibilidad pa rin magbago
06:58ang magiging galaw ng bagyo sa mga susunod na araw.
07:01Naglabas ng samanang loob ang gobernadora ng Cebu kasunod ng malawakang pagbaharoon.
07:14Sabi niya, binahapa rin sila sa kamila ng 26 billion pesos na pondo sa flood control projects sa probinsya.
07:21Ang Malacanang, kinikayat ang gobernadora na magbigay ng impormasyon para matukoy ang mga dapat managot.
07:28Balitang hatid ni Ian Cruz.
07:31Sa Facebook dinala ni Cebu Governor Pambaricuatro
07:37ang samanang loob sa dinanas nilang kalamidad,
07:40dulot ng bagyong sitino.
07:4226 billion pesos daw ang pondo para sa flood control projects sa buong lalawigan.
07:47Pero flooded to the max daw ang inabot ng maraming LGU sa lalawigan nila.
07:53Nabasa raw ng Pangulo ang shout-out ni Governor.
07:57Yan po ang dahilan kung bakit nagpapaimbisiga ang Pangulo Marcos Jr.
08:01Dahil nakita niya po yung epekto, may mga budget na inilaan para dito pero parang hindi gumagana.
08:08Kaya mas maganda po na kung siya man po ay nagagalit, yan din po ang nararamdaman ng Pangulo Marcos Jr.
08:15Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po,
08:22si Governor para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno para mapanagot,
08:29ang dapat mapanagot, yan po ay welcome.
08:31Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research mula sa isumbong mo sa Pangulo website,
08:38may 414 flood control projects sa Cebu Province mula taong 2022 hanggang 2025 na nagkakahalaga ng 26.7 billion pesos.
08:48Pangalawa ang Cebu sa Bulacan sa dami ng flood control projects at sa contract costs.
08:56Kahit wala ang Cebu Province sa top 10 flood prone provinces base sa National Adaptation Plan.
09:03Apat sa pinangalanan ng Pangulo na top 15 contractor sa bansa,
09:08nakakuha ng 117 flood control projects sa Cebu na may kabuang halagang halos 9.6 billion pesos.
09:15Sa bayan ng Liloan, may limang flood control projects na may halagang halos 398 million pesos
09:22at lahat base sa isumbong website ay tapos na.
09:28Ang dalawa sa pinakamahal na proyekto dito ay co-contractor ang dalawang kumpanya na mga diskaya
09:34na Alpha and Omega at St. Matthew General Contractor.
09:38Sa bayan ng Compostela, may tatlong flood control projects na may halagang halos 137 million pesos.
09:44Iisa ang kontraktor sa tatlong proyekto at lahat ng ito ay nasa Kot Kot River.
09:51Sa Cebu City, 47 ang flood control projects na may 1.8 billion pesos.
09:57Sa Talisay City, may 21 flood control projects na nasa halagang 2 billion pesos.
10:03Labing tatlo sa mga proyektong ito, ang QM Builders ang kontraktor na nakabase sa Cebu.
10:09Ang QM Builders ang isa sa top 15 kontraktors.
10:14Sa Danao naman ay may dalawang flood control projects na may halagang 172 million pesos.
10:20Maging ang center waste construction na nakabase Sorsogon sa Bicol ay may proyekto rin sa mga bayan ng Alegria at Ronda.
10:28Ang tatlong proyektong ito ay may halagang 212 million pesos.
10:33Sinusubukan ng GMA Integrated News sa makuhang panig ng DPWH ukol sa mga flood control projects sa Cebu.
10:40Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:43Ito ang GMA Regional TV News.
10:50Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:54Pansamantalang hindi madaraanan o pinadaraanan ang ilang kalsada sa Tuguegarao City sa Cagayan.
11:00Chris, anong dahilan nito?
11:01Bonnie, bawal mo nang dumaan ang mga maliliit na sasakyan dahil sa baha sa kalsada.
11:10Partikular yan mula sa Pinakanawan River Park hanggang sa Corner Taff Street Extension.
11:15Ito kasi ang kalsada na patungo Bonifacio Street Extension na may tubig pa rin.
11:21Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta.
11:25Ayon sa pag-asa, Shear Line ang nagpaulan sa Lalawigan ng Cagayan.
11:2927 million pesos naman na halaga ng iligal na droga
11:34ang nakumpis ka ng mga otoridad sa isang linggong anti-illegal drugs operation sa Cordillera Region.
11:41Sa Kambuhan, may nakuhang may gitsandaan na 30,000 fully grown marijuana plants,
11:46pati 11 gramo ng hinihinalang shabu.
11:49Narecover yan sa mga probinsya ng Apayaw, Kalinga at Benguet, maging sa Baguio City.
11:54May tatlong na aresto sa mga operasyon. Wala silang pahayag.
11:57Sa Kalasaw naman dito sa Pangasinan, nakumpis ka sa isang dalaki ang 10 pakete ng hinihinalang shabu.
12:04Umaabot ito sa halagang 17,000 pesos.
12:08Ayon sa pulisya, minanmanan muna nila ang dalaki bago isinagawa ang by-bus operation.
12:13Wala rin siyang pahayag.
12:15Pistado naman ang isang dalaking 25 anyo sa Baco or Cavite dahil sa pagbebenta umano ng hinihinalang ecstasy o party drugs.
12:24May nakumpis ka rin sa kanya na 5 gramo ng umano'y shabu.
12:28Halos 240,000 pesos ang halaga ng mga iligal na droga na nakumpis ka sa lalaki.
12:34Hindi siya nagbigay ng pahayag.
12:38Nakiramay ang Philippine Air Force sa mga pamilya ng ani na sundalong nasawi
12:42sa pagbagsak ng isang helicopter sa Loreto Agusan del Sur nitong Martes.
12:46Ayon sa Air Force, nagsisilbing testament sa serbisyo ang kanilang kabayanihan,
12:50pagiging selfless at commitment sa kanilang trabaho.
12:54Isa raw itong inspirasyon sa mga susunod na henerasyon na magsilbi ng may tapang at dedikasyon.
13:00Nasa Davao City na ang labi ng apat sa mga nasawi bago dalhin sa Villamore Air Base sa Pasay.
13:05Inaalam pa ang sanin ng pagbagsak ng helicopter na nangyari bago
13:09ang isas na gawasan ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Mission sa Butuan City.
13:14Bukod sa ilang probinsya sa Visayas, napuruhan din ang bagyong tino ang Palawan.
13:25Balita hatid ni Jomara Presto.
13:29Nanalasaan ang bagyong tino sa iba-ibang bahagi ng Palawan.
13:35Nagdala ang bagyo ng malakas na ulan
13:37na may kasamang matinding hampas ng hangin.
13:44Bumaha sa ilang bayan kabilang sa Rojas.
13:46Wala na isang lang kalpasok na yung tubig sa bahay.
13:49Sa San Vicente, rumagas ang kulay putik na tubig sa kalsada.
13:53Grabe ang lakas ng ano.
13:54Hindi lakas.
13:55Dahil sa matinding sama ng panahon, napinsala ang maraming bahay.
13:59Sira na yung kusina.
14:00May ilang natanggalan ng bubong o kaya'y nabagsakan ng mga puno.
14:05Kundi sa mga bahay, sa kalsada naman humambalang ang ilang natumbang puno.
14:09Nagtamu rin ang sira ang ilang paaralan, ospital, pati basketball court.
14:13Nagkaroon din ang landslide.
14:14Sa El Nido, isang tulay ang hindi madaanan ng mga residente matapos nitong masira.
14:19Sa Puerto Princesa, isinakay sa rubber boat ang mga nirescue na residente.
14:23Ikinapit pa sa lubid ang bangka para hindi matangay ng agos ng tubig.
14:27Ayon sa pag-asa, matapos sa Visayas, nag-landfall ng tatlong beses sa Palawan ang Bagyong Tino.
14:34Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:39Balik klase at trabaho na ngayong araw ang mga taga-Iloilo City.
14:42Kasunod po ng pananalasan ng Bagyong Tino roon.
14:45At may ulot on the spot si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
14:49Kim?
14:50Kony, hindi katulad noong mga nakalipas na araw,
14:56ramdam na ngayon ang init ng sikat ng araw dito sa Iloilo City
15:00at sa marami pang lugar sa Western Visayas at Negros Occidental.
15:05Balik na ngayong araw ang klase at trabaho dito sa Iloilo City
15:09at sa marami pang mga lugar kung saan idineklara
15:11ang suspensyon noong nakalipas na mga araw dahil sa Bagyong Tino.
15:15Karamihan rin sa evacuaries dito sa lungsod
15:18na kauwi na rin sa kanilang mga bahay.
15:21May naitala rin 266 na mga bahay na nasira
15:24at 23 sa mga ito ang totally damaged.
15:27Ngunit sa kabila ng magandang panahon,
15:28suspendido pa rin ng face-to-face klases
15:31sa 280 na paaralan sa Antike at Capiz
15:35kung saan ang mahigit 56,000 na learners
15:38ang isnailalim sa alternative delivery mode.
15:41Sa tala ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 6,
15:45umabot naman sa 198,550 na pamilya
15:49o 643,101 na individual
15:53ang naapektuan na bagyo sa Western Visayas.
15:55Mahigit 23,000 ang nananatili pa rin
15:58sa mga evacuation center
15:59base naman sa datos ng Department of Social Welfare and Development 6.
16:06Samantala, ayon naman sa pinakahuling ulat
16:08ng Negros Oksarental PDRMO,
16:10umabot na sa 50 tao ang naitalang nasawi
16:13dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino sa probinsya.
16:1654 na taon naman ang patuloy pang pinaghahanap.
16:20May mga kalsada rin na umanong na nanatili pang hindi madaanan
16:24at nagpapatuloy ang clearing operation.
16:28Connie, nagpapatuloy naman ang pagbibigay ng tulong
16:31ng Negros Oksarental Provincial Government at ng DSWD
16:34sa mga biktima ng Bagyong Tino.
16:38Connie?
16:39Maraming salamat, Kim Salinas ng GMA Regional TV.
Be the first to comment