Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sa kuha po ng dashcam video, makikitang naglalakad ang binatilong niyan sa gilid ng isang kalsada sa barangay Tingug sa Mandawi, Cebu.
00:10Ilang sandari lamang, bigla ho siyang tumakbo at sumingit sa gilid ng papalikong truck.
00:16Biglang napahinto ang truck, na hagit na pala nito ang binatilong.
00:20Ayon sa kapitan ng barangay, patay ang biktima na isang grade 9 student.
00:25Paliwanag naman ang truck driver na nasa kustudiya ng polis siya, hindi niya nakita ang biktima.
00:30Sinusubukan pa ang makuhana ng pahayag ang mga kaanak ng nasawing binatilong.
00:37Nauwi naman sa pambubugbog ang away na isang lalaki at kanyang kinakasama sa Quezon City.
00:43Ang ugat ng away, ang isang daang pisong ipinambili umano ng lalaki ng iligal na droga.
00:50Balitang hatid ni Bea Pinlak.
00:52Kandong-kandong pa ng 31 anyos na lalaking ito ang batang anak niya, matapos umano niyang bugbugin ang 25 anyos niyang kinakasama nitong lunes.
01:07Kakauwi lang daw ng babae galing trabaho ayon sa polis siya.
01:10Ang tumambad daw sa kanya.
01:13Nakita po niya itong kagamitan nila mag-ina na nakatapon sa basurahan.
01:18Kaya doon po ay nagsisimula po nagkaroon sila ng sumbatan nitong kanyang live-in partner.
01:25Dahil po doon ay uminit po yung ulo ng ating suspect.
01:30Dito na umano pinagsusuntok ng suspect ang babae hanggang sa nauwi na ito sa pamamalo sa ulo ng biktima.
01:37Yung unang kasi pinagbubugbog siya.
01:40Tapos eh yun nga nakahanap siya ng pamalo.
01:43Yung ginagamit sa panlaba.
01:45So nakuha nitong suspect natin at yun naman pinampalo sa ulo.
01:51Ang pinagugatan umano ng krimen, pagtatalo dahil sa sandaang piso.
01:57Inabalitahan ho ng biktima natin na allegedly ay ginamit ho itong sandaang piso sa pagbeliho niya ng illegal na droga.
02:08At kinabukasan naman ho ay dahil naman itinapon naman yung kagamitan nilang mag-ina sa basurahan.
02:16Hindi naman ho nakainom itong suspect natin.
02:18Hindi naman ho nagalaw yung anak po.
02:21Hindi naman nadama yung anak.
02:23Binarik naman sa kanya yung sandal.
02:24Duty na po yung sir.
02:26Nasa labas lang ng pinto namin.
02:28Aksidente lang yun.
02:29Hindi pinalo.
02:29Nagagawa po kami.
02:31Ngayon pagka-atak niya sa akin,
02:34dumiridyo sa kanya.
02:35Hindi na po malagang suspect nang hulihin siya ng mga otoridad.
02:39Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa batas kontra karakasan laban sa kababaihan at kabataan.
02:45Napag-alaman din ang pulis siya na may standing warrant of arrest ang lalaki noong 2018
02:50para naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
02:55Bea Pinlak nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:00Pag-alaman po sa standing warrant of arrest laban sa suspect para sa kasong homicide.
03:04Iginiit po ng lalaki na na-dismiss na raw po daw yun.
03:16Self-care at wellness ang main priority ni Jack Roberto ngayon.
03:20Sa kanyang post, ipinakita pa ni Jack ang workout nila ng kapatid na si Sanya Lopez sa kanyang bahay.
03:27Lumaan yung months na puro taping trabaho.
03:31Minsan wala ng time mag-workout.
03:32And syempre, napapabayaan mo yung health mo, yung katawan mo.
03:36Pag nagkakaroon ng time na makapag-workout kami together,
03:40iaya-aya ako sa bahay kasi parang isang kanto lang na may layo ng bahay ni Sanya sa bahay ko.
03:44Hinay-hinay na rin daw siya ngayong Vermont sa food intake.
03:47Kahit na medyo mahirap dahil holidays.
03:50Last year, yan ang naging problema ko.
03:53Vermont, tapos yung project ko, January.
03:55Right now, kung may pagkakataon, ayoko na parang sumagad ng kain
03:59or magpabaya ng weight ngayong this coming 2026
04:04kasi baka bigla ang may project, tapos di ka ready.
04:07Mas mahirap maghabol.
04:08Aba naman sa self-care, tutok din si Jack sa kanyang skincare business.
04:13Kailangan daw kasing maging wise pagdating sa pera,
04:15lalo't hindi laging may show o project.
04:17Hindi naman tumitigil yung bayarin, so kailangan namin mag-isip ng ibang source of income.
04:22At the same time, accidentally, most of my friends kasi businessmen.
04:29Athena Imperial, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:33Nanumpa na ngayong umaga ang bagong commissioner ng Bureau of Internal Revenue.
04:39Siya po si Finance Undersecretary Charlito Mendoza.
04:42Pinalitan niya si Romeo Lumagia Jr.
04:45Hindi pa malinaw ang dahilan kung bakit pinalitan si Lumagia.
04:49Muli pong binuhay sa Kamara ang usapin kaugnay sa batas kontra political dynasty.
04:58Suportado raw ito ni House Speaker Faustino D.
05:01Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
05:03Panoon na na upang harapin ang isa pang usapin na matagal nang nakasaad sa ating konstitusyon,
05:14ang pagpapatupad ng batas laban sa political dynasty.
05:18Mismong si House Speaker Faustino D. III ang nagbanggit ng probisyon sa saligang batas na nagbabawal sa mga political dynasty.
05:27Pero nakalagay rin kailangang tukuyin ng isang batas ang depenisyon nito,
05:32bagay na 38 taon ang hindi nililikha ng Kongreso.
05:36Kabilang sa paulit-ulit ng paliwanag na mga eksperto,
05:40marami sa mga mismong dapat gumawa ng batas ay galing sa mga political dynasty.
05:45Alam ko pong maraming magtataas ng kilay.
05:49Sa totoo lang po, marami po akong pamilya na nasa pwesto.
05:54Labing apat na kamag-anak ng House Speaker ang nasa gobyerno rin
05:58ayon sa idineklara niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
06:03Kabilang dyan ang anak niyang kongresista rin,
06:06anak na mayor at isang manugang na mayor din.
06:09May mga kapatid din siyang board member sa distrito o mayor
06:13at mga pamangking kongresista o mayor.
06:16Aabangan ngayon kung paano makukumbinsin ang speaker
06:19ang mga kasama na magpasa ng batas
06:22na maaaring magbawal sa pagtakbo sa eleksyon ng karamihan sa kanila.
06:27At kung paano masasabi kung sino sa mga miyembro na mga pampolitikang angkan
06:32ang di na pwedeng tumakbo.
06:34Isulong natin ang isang panukalang batas
06:37na magbibigay ng malinaw at makaturungang depinasyon ng political dynasty.
06:45Ngayon pala, may mga mungkahin ang depinisyon sa mga anti-political dynasty bill
06:50na inihain na ng ilang mambabatas.
06:53May incumbent kang kamag-anak.
06:54Gusto yung tumakbo sabay.
06:56Pag ikaw ay magsasaksid sa isang posisyon na kamag-anak mo
07:00o meron kang kamag-anak na nag-hold pa ng ibang posisyon.
07:03Kapag hindi sila nag-agree dito, ibig sabihin baka guilty.
07:07May mga katulad ng panukalang inihain ang anim na iba pang mambabatas.
07:12Pagpunto ng isa, galing sa political family mismo ang Pangulo at ang vicepresidente.
07:20Ang hamon ko kay Pangulong Marcos, kung gusto mo talaga na reforma,
07:26dapat magsimula ka sa iyong sariling pamilya.
07:29Ganon din si BP Sara.
07:31Kung para sa bayan siya at hindi sa supremacy ng political family nila.
07:39Sinimula na rin itong talakayan ng House Committee on Constitutional Amendments
07:43bagamat hinihintay pang ma-refer sa committee ang ilan sa mga panukala.
07:48Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:55Susubukan pang makuhana ng reaksyon si na Pangulong Bongbong Marcos
07:59at Vice President Sara Duterte kaugnay sa hamon ni Congressman Edgar Erice
08:03na simulan sa sariling pamilya ang kontra o laman, kontra political dynasty.
08:09Eto na po ang mabibilis na balita.
08:14Aristado ang isang babaeng nagpakilalang taga-medya
08:17matapos manakot-umanon ang mga tauhan sa mismong munisipyo ng Rodriguez Rizal.
08:23Ayon sa polisya, humihingi ng accomplishment report ng munisipyo
08:27ang suspect para ipublish rao sa kanilang news organization.
08:30Nang hindi mapagbigyan, nagbanta siya na maglalabas ng negative publicity laban sa munisipalidad.
08:38Doon na nagsumbong ang municipal administrator sa polisya.
08:41Ayon sa suspect, sa isang o isa siyang correspondent sa kanilang news organization sa Mindanao,
08:47gusto lamang daw niyang makausap ang mayor para magsumite ng kanilang proposal.
08:51Iginiit din niyang walang nangyaring pananakot.
08:54Sa custodial facility ng Rodriguez Municipal Station,
08:57pa naka-detain ang suspect na mahaharap sa kasong grave coercion.
09:02Nag-nag-nalagablab na apoy naman at maitim na usok ang makikita mula sa
09:08nasusunog na mga classrooms sa Medina Central School sa Medina Misames Oriental.
09:14Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa walong classrooms ang nasunog.
09:18Gawa raw sa light materials ang mga nasunog na silid-aralan,
09:21kaya mabilis na kumalat ang apoy.
09:23Walang sugatan sa insidente.
09:25Pinatayang aabot sa 500,000 pesos ang pinsala ng sunog.
09:30Ayon sa pamunuan, face-to-face pa rin ang klase dahil may sapat naman daw na silid-aralan ang paaralan.
09:37Iniimbisigahan pa ang sanhinang apoy.
09:39Pasintabi po, sugatan ang isang taxi driver matapos gilitan ng isa sa tatlong pasaherong naisakay niya noong isang linggo.
09:50Paliwanag po ng isa sa mga suspect, nagulat sila dahil mabilis ang pagtaas ng metro ng sinakyang taxi.
09:57Balitang hatid ni Jomer Apresto.
10:03Sugatan ang taxi driver na yan matapos las-lasin ang kanyang leeg sa Ermita, Maynila noong nakaraang linggo.
10:10Isa raw sa kanyang mga pasahero ang gumawa niyan.
10:12Ayon sa pulis siya, sumakay ang tatlong pasahero sa Pasay City at magpapahatid sana sa isang lugar sa Santa Mesa.
10:18Pero habang bumabiyahe, bigla raw nagtalo-talo ang tatlo.
10:23Nagpahinto raw sila saglit sa Ayala Boulevard at nagsabing kailangan lang umihin ang isa sa kanila.
10:28Narinig niya na lang na sumigaw yung isa na kanain mo na yan.
10:32Saka siya ginilitan.
10:34It's so happy na nagpambuno sila,
10:38nahihinto yung sasakyan,
10:40nakatakbo yung dalawa,
10:42naiwan sa loob yung isa.
10:44Agad naman nakahingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan na Manila District Traffic Enforcement Unit
10:48at Manila Traffic and Parking Bureau
10:50kaya nahuli ang isa sa tatlong sospek na kinilala sa alias na Simplicio.
10:55Isinugod naman sa pagamutan ng sugatang biktima.
10:57Nakalabas siya makalipas ang dalawang araw.
11:00Sa follow-up operation na tuntun sa Mandaluyong City,
11:02ang ikalawang sospek na kinilala sa alias na de Guzman.
11:06Siya ang nagturo sa kinaroroonan ng ikatlong sospek na si alias Jerusalem
11:10na natunto naman sa Quezon City.
11:12Pero hindi na narecover sa kanila ang ginamit na panlaslas sa biktima.
11:16Ang nakikita ng polisya na motibo sa krimen,
11:18posibleng namahala ng mga sospek sa kanilang pamasahe.
11:22According sa mga sospek natin,
11:25nagtaka sila kasi tumataas yung metro.
11:29Pero according naman sa biktima,
11:34parang wala lang pamasahe yata yung tatlo.
11:37Sa kwento ng sospek na si Simplicio,
11:39katatapos lang nilang mag-apply ng trabaho bilang construction worker.
11:43Pagkasakay nila ng taksi,
11:45bigla raw humirit ng dagdag na 50 pesos sa flagdown rate ang biktima.
11:49Pumayag naman umano sila pero 250 pesos lang ang kanilang hawak na pera noon
11:53at pagdating sa Ayala Boulevard,
11:55nasa 280 pesos na raw ang kanilang taksimeter.
11:58Pero nagsabi na rin po ang utang ako dun sa dropping point namin.
12:03Pag para po dun sa San Marcelino, Ayala,
12:08bigla na lang po siyang lumapit sa driver.
12:11Pag tingin ko, may dugo na po.
12:14Ako po nagpaiwan ako para bagkos gusto kong masyur na buhay po yung tao
12:19kasi duguhan po ilaig eh.
12:22Lumabas sa investigasyon na ang sospek na si Jerusalem
12:24ang itinuturong lumaslas sa leeg ng taksi driver.
12:27Aminado siya sa kanyang nagawa.
12:30After po nung sabi nga, ihinga po ako.
12:33Tapos yun, bigla na po gumalaw po yung ataw ko po,
12:35yung kamay ko po, na-slash ko na lang po.
12:38Napagtanto ko po na,
12:39ba't umiha ko na ano, nakakachili.
12:41Overpatig siguro po, tsas ano, hutong po.
12:44Habang ang sospek na si De Guzman,
12:46wala raw talaga sanang planong tumakas.
12:49Pagkatakbo niya po,
12:51inabol ko po siya.
12:52Sobra po ang tapot.
12:53Kasi po, ang dami ko rin puntu ko sa katawan.
12:56Hindi na po ako bumalik po kasi po.
12:58Inisip ko po, baka pumataong bahayan po ako
13:00pag bumalik pa po ako.
13:02Inaalam naman ang polisya kung may dati na bang kaso
13:04ang tatlong sospek.
13:06Bananatili sa kustodiyan na ermita police station
13:08ng mga sospek na nahaharap sa reklamong frustrated murder.
13:11Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:17Ito ang GMA Regional TV News.
13:23Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao
13:26hatid ng GMA Regional TV.
13:28Sinisisi ng ilang taga-barangay Guadalupe sa Cebu City
13:31ang isang high-end residential project
13:34sa isang burol na dahilan daw
13:36ng pagbaha sa kanilang lugar.
13:39Luan, anong update dyan?
13:41Kuning iniimbestigahan na ng Department of Environment and Natural Resources
13:49kung may nalabag na regulasyon ang developer ng proyekto.
13:53Ang iba pang detalye sa Balitang Halitin
13:54ni Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
13:57Balabanawi Rice Terraces
14:02at may overlooking view ng Cebu.
14:06Ito ang The Rice at Monte Razzas
14:08na isang high-end residential project
14:11sa barangay Guadalupe sa Cebu City.
14:14Para magawa ito,
14:15isang burol ang tinayuan ng mga bahay simula 2024.
14:18Sa video na kuha raw noong November 5,
14:22ipinasilip ng isang netizen
14:24ang itsura ngayon ng tatlong hektaryang property.
14:28Kalikasan daw ang inspirasyon ng The Rice at Monte Razzas.
14:32Ngunit,
14:33isa ito sa sinisisi sa paglubog ng barangay Guadalupe
14:37ng manalasa ang Bagyong Tino.
14:42Halos sumabot sa bubong ng mga bahay ang baha
14:45na unang beses raw naranasan ng mga residente.
14:49Tingin nila na wala ang forest cover
14:52dahil sa pagputol ng mga puno
14:54kaya dumiretsyo pa baba sa kanilang mga bahay ang tubig ulan.
15:07Sabi ng DNR,
15:11may 3 cutting permit ang developer.
15:14Pero pinuna rin ng ahensya
15:15ang dami ng nawalang puno sa lugar
15:18sa loob ng tatlong taon.
15:19Sa San Rocibu City,
15:20kasi meron tayong ginawa na
15:223 inventory last in the year 2022.
15:27It recorded 745 trees.
15:30Ngayon,
15:31nung nag-conduct tayo ng interview last Friday,
15:33it appears na 11 na lang,
15:371-1 yung out of 745 na mga kahoy
15:41during the inventory.
15:43Meron talagang 3 cutting permit yung proponent.
15:47Iniimbestigahan na ng DNR
15:48kung may nilabag ang developer
15:50sa kanilang Environmental Compliance Certificate
15:53at iba pang regulasyon.
15:55Nag-iimbestiga na rin
15:56ang lokal na pamalaan ng Cebu City.
15:58Mayingon sila itong i-close,
16:00then we will do that.
16:01Now, kung ingon na ito,
16:02kinanglan inyong inyong catchment
16:04para sa kayuhan sa siyudad
16:06o sa mga tao na nasa ubos,
16:08then we will let them do that.
16:09Sinusubukan pa namin kunin
16:11ang panig ng developer.
16:13Pinuntahan din ang GMA Integrated News
16:14ang tanggapan ng Monterasas de Cebu,
16:17pero ayon sa gwarja doon,
16:19walang pwedeng humarap sa team.
16:21Femarie, dumabok ng GMA Regional TV.
16:25Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:27Sugatan ng dalawang estudyante
16:32matapos tumilapon
16:34mula sa sinasakyan nilang tricycle
16:36sa Barangay Dato, Balabaran, Cotabato City.
16:44Maririnig ang pag-alingaungaw ng serena
16:46ng paparating na police patrol car
16:49sa intersection ng Sinsuat Avenue at Bobong Road.
16:52Ilang saglit pa,
16:53biglang tumawid ang tricycle
16:54at nabundol ng patrol car.
16:56Isinugod sa hospital ang dalawang biktima.
16:59Ayon sa pulisya,
17:00may nire-respondihan noon
17:01ang nasabing patrol car
17:03kaya nagmamadali ito.
17:04Inako rin nila ang gasto
17:06sa pagpapagamod sa mga biktima
17:07na nasa maayos ng kalagayan.
17:10Kinukuhanan pa ng pahayag
17:11ang driver ng police car
17:13na handa raw humarap
17:14sa anumang responsibilidad
17:16kaugnay sa insidente.
17:18Wala pang pahayag ang mga biktima.
17:22Balita naman po tayo sa Peru.
17:25Mahigit tatlong po ang nasawi.
17:27Matapos mahulog sa bangin
17:29ang sinasakyan nilang bus
17:30sa Arequipa.
17:33At ayon po sa mga otoridad,
17:35dead on the spot
17:36ang tatlong put-anim
17:38sa mga sakay nito.
17:39At isa po ang nasawi sa ospital.
17:41Nasa dalawang put-anim naman
17:43ang sugatan.
17:44Batay sa investigasyon,
17:46nahulog ang bus sa bangin
17:47matapos bumangga sa isang van.
17:49Dinala na ang mga bangkay sa morgue
17:52para kilalanin
17:54ng kanilang mga kaanak.
Recommended
11:07
|
Up next
16:37
6:36
14:07
14:14
12:09
21:12
11:17
17:05
14:56
11:24
14:22
7:46
13:20
8:14
26:24
13:26
16:59
20:50
14:44
18:49
16:16
Be the first to comment