Skip to playerSkip to main content
Vice President Sara Duterte on Saturday, Feb. 7, described the fresh impeachment complaint filed against her as nothing but "a piece of paper without any evidence as she said that Akbayan, one of those who filed the case, "does not have any credibility" to do so. (Video courtesy of OVP)

READ: https://mb.com.ph/2026/02/07/vp-sara-downplays-fresh-impeachment-raps-a-piece-of-paper-without-evidence

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews
Transcript
00:01Assalamualaikum warahmatullahi wabarakatuh.
00:04Madayao, umayong adlaw ka ninyong tanan.
00:07Magandang araw sa inyo lahat.
00:09Ang impeachment complaint na inendorso ng akbayan
00:12ay isang papel na walang kalakip na kahit anong ebidensyang magpapatunay
00:17sa mga paratang na isinasaad dito.
00:21Hindi na ito bago.
00:23Matatandaan na ang impeachment laban sa akin
00:25ay naging sagot nila sa aking pag-alis sa gabinete.
00:28Isang hakbang na isinagawa
00:31dahil hindi na maipaliwanag ng Pangulo
00:34ang patuloy na pagkalugmok ng bayan
00:36sa kahirapan, dulot ng kanyang kapabayaan at bisyo.
00:42Noong 19th Congress,
00:43binuksan pa nila ang isang investigation in aid of legislation
00:47hindi upang lumika ng batas
00:50kundi upang magsagawa ng isang malinaw na fishing expedition
00:55para sa planadong impeachment laban sa akin.
00:59Paulit-ulit nilang ibinandera ang isyong Mary Grace Piatos
01:04bilang umano'y bahid ng katiwalian.
01:07Kahit na sa kabila ng lahat ng investigasyon
01:09ay wala silang naipakitang kahit isang direktang
01:13paglabag sa paggamit ng confidential funds.
01:17Sumunod na dito ang bentahan ng mga pirma para sa impeachment
01:20at ang mga tinaguriang for later release projects
01:24na ipinangako umano sa ilang miyembro ng Kamara
01:28upang itulang ang impeachment laban sa akin.
01:32Mga pangyayaring mismong inamin na
01:34ng ilang mababatas sa kanilang mga naging pahayad.
01:39Mga kababayan,
01:41walang kredibilidad ang akbayad
01:43upang mag-endorso o mag-sumite ng impeachment complaint.
01:47Ilang ulit ng hayagang ipinahiyag ng kanilang pinuno
01:52ang kanyang intensyong tumakbo sa pagkapangulo.
01:56Isang malinaw na indikasyon ng pampolitikang motibo
01:59sa likod ng kanilang mga hakbang.
02:02Huwag nating kalimutan ang makasaysayang talumpati
02:05noong Agosto 2024 ni Risa Ontiveros
02:10kung saan malinaw niyang inilahad
02:14ang tunay na motibo ng akbayan
02:16bilang isang grupo.
02:19At habang ang anak niya
02:22ay may kapangyarihan pa,
02:25hindi magiging madali
02:26ang ating laban.
02:28While VP Sarah is in power,
02:31the threat of a full-blown Duterte comeback
02:35is still a very real and present danger.
02:40For one,
02:41they are supported by one major superpower,
02:45China.
02:45Kaya malinaw na lahat ng ito
02:49ay isang uri ng harassment
02:51at pang-aabuso
02:53sa proseso ng impeachment
02:54ng grupong akbayan.
02:57Hindi malinaw kung ano
02:58ang ipinaglalaban nila
02:59para sa kaayusan ng bayan,
03:02pero napakalinaw
03:03ng kanilang pamumulitika
03:05at pagpapahirap
03:06sa usaping diplomasya
03:08ng ating bansa.
03:11Sa huli,
03:12ang tunay na laban
03:14ay hindi lamang laban
03:15ng iisang tao
03:16o iisang grupo.
03:19Ito ay laban
03:19para sa katotohanan
03:21at sa dangal
03:22ng ating bansa.
03:24Naway magsilbi itong paalala
03:26sa ating lahat
03:28na ang kapangyarihan
03:29ng impeachment
03:30ay hindi dapat
03:31ginagawang sandata
03:33ng politika,
03:34kundi isang banal na proseso
03:37para sa hustisya
03:38at pananagutan.
03:41Sapagkat,
03:42kapag nanaig ang abuso,
03:44ang tunay na talunan
03:46ay ang sambayan ng Pilipino.
03:49Syukran!
Comments

Recommended