- 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inasahan pang lalaki ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa patuloy na masamang panahon.
00:09Sa pamilihan, nagmahal na ang presyo ng ilang gulay at isda.
00:13Balitang hatin ni Bernadette Reyes.
00:17Pa, ipigay mo yung mga saako tali. Doon mo na agad. Abang!
00:21Sa gitna ng malakas na ulan, nagkumahog na isalba ng mga magsasaka ang mga binahang tanim ng palay sa Abra de Ilog Occidental, Mindoro.
00:30Bigla, bigla talaga yung lakas ng ulan. Grabe.
00:34Ganyan din ang sitwasyon sa bayan ng Santa Cruz dahil sa magkakasunod na sama ng panahon.
00:40Umabot na sa 323 million pesos ang pinsala sa agrikultura ayon sa Department of Agriculture.
00:47Palay ang karamihan sa mahigit 10,000 metric tons ng produksyon na nasira na posibli pang madagdagan.
00:54Ang pinakamalaking danyos ay sa Mimaropa at 121 million.
01:01Susunod po ang Western Visayas at 70 million.
01:04At pangatlo po ay dito sa Central Mindanao.
01:08At ang pinakamalaki po in terms sa probinsya ay dito po sa Occidental Mindoro.
01:14More than 1.2 billion yung naka-standby natin na pondo para dito sa mga ongoing ngayon natin na calamities.
01:21Ramdam na ang epekto sa mga pamilihan.
01:24Sa balintawak market, kung hindi nagmahal, kakaunti ang supply ng gulay.
01:29Nung hindi pa po dumarating yung bagyo natin, eh mas mura po.
01:33Kisa sa ngayon po, doble po kasi yung presyo.
01:36Sitaw, lalo na sitaw. Ayan ako, konti. Mga maitim pa.
01:40Wala, eh. Ano nang ulan. Yung mga okra, dati 30 lang. Ngayon, 80, 90, 100.
01:48Dito sa Marikina Public Market, tumaas na ang presyo ng ilang isda.
01:52Bukod dyan, may mga isdang walang dumating na supply tulad ng lapu-lapu at alumahan.
01:57Walang gaalong bumiyahe doon sa ano. Walang bumalawot ba dahil sa malakas yung alo.
02:05Sa bigas, sa gulay, marami tayong supply. Kung meron man mga pagtaas, hindi yan dapat aabot ng hanggang 10%.
02:13Tiniyak naman ang National Food Authority na sapat ang supply ng bigas.
02:18Otos din ang Pangulo na mas paitingin pa ang price monitoring upang maiwasan ang pag-abuso sa presyo,
02:25lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
02:29Bernadette Reyes, Nababalita para sa GMA Integrated News.
02:33Kahit buwis buha, itinawid ang kabaong na yan sa spillway na inaagusan ng tubig mula sa ilog papunta sa sementeryo sa Laurel, Batangas.
02:45Nakasunod sa kanila mga kaanak ng nasawi at iba pang nakikiramay.
02:50Ito na raw kasi ang pinakamalapit na daanan para makarating sa sementeryo para sa itinakdang libing.
02:56Ang mga taga Coast Guard nagbantay na sa spillway dahil delikado ang tumawid doon.
03:00Nakamonitor na rin sa lugar ang polis at mga taga BFP.
03:05Paalala po, nakataas ngayon ang Yellow Heavy Rainfall Warning dito sa Metro Manila.
03:10Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bataan, Rizal, Sambales, Batangas, Cavite, Bulacan at Pampanga.
03:18Pusible ang pagbaha sa mga nasabing lugar dahil sa ulang dala ng habagat.
03:22Tatagal pong babala hanggang alas dos mamayang hapon.
03:24Dahil sa walang, halos walang patid na pagulan, gumuho ang bahagi ng isang kalsada sa Calaca, Batangas.
03:34Kunin natin ang latest dyan sa ulat on the spot ni June Veneracion.
03:38June!
03:39Rafi, nandito kami ngayon sa bumigay na bahagi nitong Jocno Highway dito sa Calaca City, Batangas.
03:50Nitong Merkoles ay napuntahan pa namin ito, Rafi, at nakadaan pa ang aming sasakyan.
03:56Pero ngayon ay motorsiklo at mga tao na lang ang pwedeng dumaan dahil sa panganim na dala ng gumuhong slope protection
04:04na resulta ng sunod-sunod na pagulan.
04:07Malaking hirap ang dulot ito sa mga residente at kanilang kabuhayan.
04:12Kung dati kolong-kolong o yung tricycle na mayroong sidecar,
04:15ang kanilang gamit sa pagdadala ng kanilang kalakal.
04:18Ngayon ay kailangan nila itong pasanin ng mano-mano para makatawid sa magkabilang panig ng kalsada.
04:26Hindi basta-basta ang kanilang karga, may nakita kaming buhat-buhat ang sako ng nyog na may bigat na abot hanggang 70 kilos.
04:35Yung iba naman ay kinatay na baboy na 50 kilos ang bigat.
04:41Ang hirap sa katawan ay kailangan nilang tiisin para meron silang kita at makain.
04:46Pero sana naman daw ay bigyang pansin ng gobyerno at ayusin ang kanilang problema
04:52para hindi naman araw-araw na ganitong hirap ang kanilang pinagdadaanan.
04:58Balik siya, Rafi.
04:59Jun, base dun sa inyong video, parang slab na lang ng semento yung dinaraanan ng mga tao.
05:03Hindi ba delikado yan at hindi ba tuluyang gumuho yung bahaging yan ng kalsada?
05:11Mukhang okay pa naman itong isang lane, Rafi, pero may mga nagkocontrol naman sa magkabilang panig nitong gumuhong bahagi ng highway
05:20at talagang pinagbabawalan yung mga sasakyan, mga kotse.
05:26Ang pinapayagan lang ay mga motosiklo.
05:29Pero ewan natin, Rafi, gigilid lang ako para makita nyo yung live video nitong ilalim nitong highway na aking sinasabi.
05:39Kita nyo naman yung guho.
05:41Nandito kami nung Merkules, may lupa pa yan, Rafi, pero ngayon nauka na talaga dahil sa sunod-sunod na pagulan.
05:48Ewan natin, siguro kailangan na magkaroon ng assessment ulit dito ang DPWH kung papayagan pa bang makalusot o madaanan ito kahit yung mga tricycle at tao.
05:59Pero we can only imagine kung ano yung perwisyo na maaring idulot ito, lalo na kung sakaling umabot nga sa punto,
06:05na pati yung mga tao at motosiklo ay hindi na rin padaanin dito.
06:09Napakalayo kasi ng kanilang iikutan na Rafi para makampunta lang doon sa kabilang bahagi ng kalsada.
06:15Okay, maraming salamat at ingat kayo dyan, June Veneracion.
06:22Namahagi ng relief packs ang Office of the Vice President sa mga nasa lanta ng masamang panahon,
06:26tulad nalang sa Quezon City kung saan mahigit limanda ang pamilya na nananatili sa tatlong evacuation centers ang nabigyan.
06:33Namigay rin sila ng mga food packs sa Maynila.
06:35Ayon sa Disaster Operations Center ng OVP, nasa 6,000 relief packs na ang napamahagi nila ngayong linggo
06:42sa National Capital Region, Northern Luzon at Western Visayas.
06:47Nakikipagtulungan din daw sila sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office
06:51para maibigay agad ang mga relief packs.
06:54Tuloy ang paghahanda ng grupong bayan para sa kanilang kilos protesta kasabay ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
07:19Hindi pinasilit nila ang mga gagamiting tarpaulin pati ang effigy ni na Pangulong Marcos at U.S. President Donald Trump.
07:26Inaasang susunugin nila ang mga yan sa lunes bilang panawagan kontra korupsyon, kahirapan, dinastiya at kawalan ng pananagutan sa gobyerno.
07:35Inaasang pagkakaroon din ang kilos protesta sa Davao City sa lunes.
07:40Sa ulat ng Super Radio Davao, pinaghahandaan na raw yan ng mga polis doon.
07:44Nagpaalala sila na bawal ang pagsusunog ng effigy sa lungsod.
07:49Kakapusan ng pagkain ang problema ng ilang evacuee na bumalik sa kanilang bahay sa San Mateo at Rodriguez sa Rizal.
08:00Natagpuan na rin ang bangkay ng isang lalaking inanod ng creek nitong lunes.
08:04Balitang hatid ni Maki Pulido.
08:06Sa ilog ng San Mateo na na-recover ng San Mateo MDRRMO, ang labi ng 67-year-old na lalaking tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Rodriguez Rizal.
08:20Sakay ng motorsiklo ang biktima noong lunes, July 21, nang tangayin ng tubig habang tumatawid sa isang creek sa barangay Puray sa Rodriguez.
08:29Sa paghupa ng baha, umuwi na ang marami sa mga apektadong residente sa San Mateo.
08:35Pero hindi pa natatapos ang paghihirap ng marami.
08:38Dahil masama pa rin ang panahon, wala pa rin kinikita ang pamilya ni Delia mula sa pagtitinda ng isda.
08:44Wala na. Limang piso na lang natitira.
08:46Kaya sa iniisip, sabi ko, saan naman tayo kukuha ng panggasa natin bukas.
08:51Nangihingi na lang ako para meron kami pangkain.
08:54Lalong hindi alam ni Delia kung saan kukuha ng pampaayos ng bahay dahil lalong lumupok ang mga kahoy na nababad sa tubig.
09:02Tinakabahan pa rin ako. Lalo lang sa gabi, hindi ko makatulog.
09:06Kasi sabi ko, umuulan na naman. Sabi ko, iniisip ko. Sabi ko, baka bumahan na naman.
09:11Sa barangay San Jose sa Rodriguez, putik at mga basang gamit ang inabutan ng pamilya ni Rosemary pag uwi mula evacuation center.
09:19Isang supot ng noodles at isang maliit na dilata na lamang ang natitira mula sa natanggap nilang relief pack.
09:26Pinagtitiisa nila ang hilaw na saging, malamnan lang ang tiyan nilang mag-asawa at maliliit na anak at apo.
09:32Wala na po kami kakainin po. Iniisip po na paano kami kakainin po. Gutom din po yung mga bata.
09:38Noong lunes ng gabi, kwento ng mga residente, mabilis tumaas ang tubig sa kanilang barangay.
09:43Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, nawasak ang bahaging ito na reprap ng pinapagawang flood control project ng DPWH.
09:52Kagagawa lang po niyan talaga. Nagkapanti po kami. Sabi nga namin, ano ba nangyari dyan sa ano? Bakit nga ganyan ang ginawa nila?
10:02Tinipid ba? Halos wala pa po isang taon.
10:05Maki Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:10Ito ang GMA Regional TV News.
10:15Dito sa Cebu, arestado sa Baybas Operasyon ang isang lalaki sa barangay Labugon sa Mandawi.
10:22Nakuha sa kanya ang 850 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 5.7 million pesos.
10:29Ayon sa pulisya, dati nang nahuli sa kaparehong krimen ang sospek, pero pinalaya dahil minor de edad pa.
10:36Ngayong 19 anos na ang lalaki, sasampahan na siya ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
10:43Wala siyang pahayag.
10:44Nananatili pa rin sa kustudiya ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
11:05Kinumpirma yan ni ICC spokesman Dr. Fadi L. Abdala sa gitna ng mga agam-agam na nakalabas na umano sa kulungan ng ICC si Duterte.
11:14Nakakulong doon ang dating Pangulo para harapin ang kanyang kasong Crimes Against Humanity,
11:18kaugnay sa mga pagpatay sa drug war noong siya ay presidente ng Pilipinas at alkalde ng Davao City.
11:23Nitong miyerkoles, inilabas ng ICC ang dokumentong pagpayag sa hiling ng kampo ni Duterte
11:28na ipagpaliban muna ang pagdidesisyon kaugnay sa interim release ng dating Pangulo.
11:33Hindi pa rin kasi hawak ng depensa ang lahat ng kailangang impormasyon bilang suporta rito.
11:39Ayon sa ICC 3 Trial Chamber 1, magdidesisyon sila kapag kuminos na ang depensa
11:44o kung kailan nila nakikitang nararapat.
11:51Matapos dalawang beses na mag-landfall, unti-unti nang humihina ang bagyong emo.
11:55Isa na itong severe tropical storm.
11:57Base po sa 11am bulletin na pag-asa, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3
12:02sa northeastern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Apayaw,
12:06at northwestern portion ng mainland Cagayan.
12:09Signal No. 2 naman sa natitirang bahagi ng Ilocos Norte,
12:13northern portion ng Ilocos Sur, rest of Apayaw,
12:16northern portion ng Abra, buong Batanes,
12:19at northern at western portion ng mainland Cagayan.
12:21Isinailalim sa wind signal No. 1 ang nalalabing bahagi ng Ilocos Sur,
12:26northern portion ng La Union,
12:28natitirang bahagi ng Abra,
12:30northern portion ng Benguet,
12:32buong Kalinga,
12:33mountain province,
12:34Ifugao,
12:35nalalabing bahagi ng mainland Cagayan,
12:37at northern portion ng Isabela.
12:39Namataan po ang bagyong Emong sa bandang kalanasan, Apayaw.
12:43Taglay nito ang lakas ng hangin na abot sa 95 km per hour.
12:48Mamayang hapon o gabi,
12:49posibleng makarating ang bagyo sa Batanes at Babuyan Islands area.
12:53Umaga bukas,
12:54sinasahang lalabas na ng PAR ang bagyong Emong.
12:59Lubog pa rin sa bahang ilang bahagi ng Malabon
13:01kasunod ng pagkasira ng floodgate.
13:03Ang mainit na balita hatid ni Maki Pulido.
13:06Nandito tayo ngayon,
13:08si F. Sevillea Boulevard sa Malabon City.
13:10Kung makikita nyo,
13:11ay talagang lubog na ito sa baha.
13:13Ang pinakamalalim ay nasa may bewang na
13:16yung lalim ng Subic Baha.
13:18Ang pagkakapaliwanag ng Malabon City,
13:21RRMO,
13:22lumalala yung pagbaha nila dito
13:24dahil hanggang sa ngayon ay sira pa rin
13:26ang navigational gate.
13:28So,
13:28isa ito sa mga major route
13:30o major na kalsada dito sa Malabon City
13:33dahil isa ito sa mga kalsada na ginagamit
13:35para makarating sa Malabon City Hall,
13:39sa kanilang palengke
13:40at sa ospital ng Malabon.
13:43Kung tawagin nga raw ng mga taga rito,
13:45ang lugar na ito ay bayan.
13:47So,
13:47ang pagkakapaliwanag ng Malabon City,
13:49RRMO,
13:50sa ngayon,
13:51ay nasa mahigit dalawang libong pamilya
13:54ang apektado ng pagbaha
13:55at kasalukuyang nasa mga evacuation center.
13:59Maki Pulido,
14:00nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:05Maki Pulido,
14:06ang pagkakapaliwa.
Recommended
12:06
0:41
20:16
10:16
21:27
10:24
12:27
17:08
11:49
17:31
12:50
14:40
11:30