Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mainit na balita, tumanggi si Davao City First District Paolo Duterte na humarap sa Independent Commission for Infrastructure
00:08kaugnay sa investigasyon sa flood control projects sa kanyang distrito.
00:13Sa isang Facebook post, iginit ni Duterte na walang kapangyarihan o jurisdiction ng ICI sa kanya.
00:19Anya, binoo at bahagi ng Executive Branch ang ICI at may separation of powers ang Executive at Legislative Branch.
00:26Wala rin man daw siyang maisasagot tungkol sa isyo sa budget insertions dahil hindi siya bahagi ng House Appropriations Committee.
00:34Sa halit na si Duterte, mas dapat anyang imbestigahan ng ICI ang First Family, si dating House Speaker Martin Romualdez at si dating Congressman Zaldico.
00:43Ang imbitasyon ng ICI ay kasunod ang hiling ni Act Teachers Partialist Representative Antonio Tino
00:48na imbestigahan ng mahigit 4 billion pesos na halaga ng flood control projects sa distrito ni Duterte mula 2019 hanggang 2022.
00:58Naon na lang sinabi ni Congressman Duterte na handa siyang maimbestigahan dahil wal niya anya siyang walaan siyang tinatago.
01:04Sisikapin pang kunin ang sagot ng ICI sa pagtanggi ni Congressman Duterte sa kanilang imbitasyon.
01:10Ito ang GMA Regional TV News.
01:17Pasintabi po, isang naaagnas na bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob na isang kotse sa Talisay Negros Occidental.
01:26Ayon sa pulsa, nakita ang bangkay sa driver's seat ng kotse sa baragay Efejeno Lizares.
01:32Iniulat yan ang mga residente matapos nilang matukoy na galing sa kotse ang masangsang na amoy.
01:37Ayon sa may-ari ng kotse, matagal nang hindi ginagamit ang sasakyan.
01:42Kinumpirma rin niya na walang lock ang sasakyan.
01:46Sabi ng pulisya, posibleng binalak ng lalaki na nakawin ang kotse.
01:50Hindi patukoy ang pagkakakilanlan ng bangkay.
01:53Patuloy ang investigasyon.
02:01Sa Sabado, Part 2 na ng 23rd Anniversary Special ng Magpakilanman.
02:06Complex Emotions ang napanood sa Part 1 na pinamagatang sa likod ng krimen.
02:13Si Mikey Quintos ang gumanap na nakababatang Linda, ang rape victim na kalaunay naging hired killer.
02:20Sa pagkapatuloy ng kwento, gaganap ng Linda si Beauty Gonzalez sa episode na Ang Babae sa Death Row.
02:27Pag-amin nila ng Beauty at Mikey, pareho silang nakaramdam ng pressure para bigyan ng magandang pag-anak ang karakter ni Linda.
02:35And I really wanna give my best because totoong story po to sa totoong tao, sa totoong buhay.
02:43So I wanna give justice for it.
02:45Ako natakot ako sa kanya, playing her.
02:47It was very dark. I'm not gonna deny.
02:50Pero these things happen in real life.
02:53Update po tayo sa lagay ng panahon ngayong bagyo na ang LPA sa loob ng PAR.
03:03Kausapin po natin si Pag-asa Weather Specialist Charmaine Varilla.
03:07Magandang umaga at welcome sa Balitang Hali.
03:10Yes, magandang umaga din po sa ating lahat.
03:13Ma'am, nasa na ho ba ang lokasyon ng Bagyong Wilma sa mga sandaling ito?
03:16Yes po no. So ang hulit yung lokasyon po nito si Bagyong Wilma ay nasa lang yung 625 km silangan po yan ng Katarman Northern Samar.
03:27At may itinaas na ho ba ang wind signal sa bansa?
03:32Yes po. May mga nakataas na tayong wind signal kanina lang po alas 11 ng umaga.
03:37At kasama po dyan, ang Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte.
03:43At sa may parte naman ng Mindanao, kasama dyan ang Surigao del Norte, including Siargao at Bucas Grande Islands, tsaka yung Dinagat Islands pa.
03:51I see. At mataas ho ba ang chance na mag-landfall ng bagyo? Kung saka-sakali, saan at kailan ho ito ay aasahan?
03:59Yes po. Nananatining pa rin po yung mataas na chance na mag-landfall na itong binabantayan natin si Bagyong Wilma.
04:06Dito po yan sa may parte ng Eastern Visayas.
04:09Sa pagitan po ng Eastern Visayas at dito sa may Karaga.
04:13So expected po yan na tayong frame bukas hanggang sa Sabado.
04:17At inaasahan ho ba na magiging maulan ang weekend dahil sa Bagyong Wilma?
04:21Kung saka-sakali, alamin ho natin again yung mga lugar na maapektuhan.
04:30Ma'am, Charmaine?
04:35Babalikan po natin si Ms. Charmaine Varilla, ang ating weather specialist mula po sa pag-asa.
04:40Mahigit 79 billion pesos daw ang nawala sa kabanang bayan dahil sa ghost flood control projects mula noong 2016.
04:56Ayon yan kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson,
04:59batay sa update, the report na isinumiti ng Department of Public Works and Highways sa Kumite.
05:03Sabi ni Lakson, hindi pa kasama sa 79 billion pesos ang nasayang na pondo dahil sa substandard projects.
05:10Pagtitiyak naman ni Senate Finance Committee Chairman Wien Gatchalian,
05:14wala nang makakalusot na ghost projects sa 2026 budget.
05:18Ngayong araw, inaasahang ipapasa ng Senado ang 2026 General Appropriations Bill sa second reading.
05:24Sa susunod na linggo naman, target simulan ang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee.
05:28Sa iba pang balita, isang bahay ang nasunog sa barangay Tandang Sora sa Quezon City.
05:37Nakaligtas po ang dalawang umuupa sa bahay.
05:40Balitang hati at di James Agustin.
05:42Nabulabog ng sunog ang mga residente ng isang village sa barangay Tandang Sora, Quezon City,
05:48pasado las dos e medya na madaling araw kanina.
05:51Itinasang Bureau of Fire Protection ang unang alarma.
05:54Hudyat para rumispondi ang labing dalawang firetrucks sa luga.
05:57Ayon sa mga residente, mabilis na kumalat ang apoy sa bahay.
06:00May narinig akong sumisigaw, tulong-tulong.
06:03Ayun, nagdalidala akong lumabas.
06:06Tapos ayun, nakita ko na may sunog na pala sa kapitbahay.
06:09Actually, malaki na siya at nakikita ko na yung mga apoy sa loob.
06:13May sumisigaw na dyan sa labas na may nasusunog, nasusunog.
06:18So, ano ko rin, kinatok ako.
06:20So, pagka labas ko nga nakita ko, may usok na.
06:24So, tumawag na ako sa 1-2-2.
06:25Ang problema, yung bombero iikot sana sa kabila.
06:29Hindi makadaan dahil may mga nakadobol parking dyan sa likod.
06:32Kaya isa lang ang nakapasok dito.
06:34Napula ang sunog matapos ang halos isang oras.
06:37Ligtas na nakalabas ang dalawang umuupas sa bahay.
06:40Ayon sa BFP, natupok ang isang bahay.
06:43Iniimsigan pa nila ang sanhinang apoy.
06:44Malaki na yung apoy, kaya naubos yung loob niya ng bahay.
06:50Pero, ang maganda dito, meron kami yung fire hydrant dito.
06:54Kaya, na-continuous na supply namin ng tubig.
06:57Kaya, hindi kami masyadong nahirapan sa operations.
06:59Inaalampan ang mga otoridad ang kabuang halaga ng pinsala sa ari-arian.
07:04James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:12Abiso sa mga mamimili, tumaas ang presyo ng galunggong sa ilang pamilihan sa bansa.
07:17Ayon sa Department of Agriculture, kulang talaga ang supply ng galunggong, kaya mataas ang presyo.
07:22Sa Mega Q Mart sa Quezon City, 280 hanggang 320 pesos ang kada kilo niyan.
07:29Sa Kamuning Market naman, hanggang 400 pesos kada kilo ang frozen galunggong.
07:34Lalo pa yung nagmahal kumpara sa average price ng galunggong mula noong November 24 hanggang 29,
07:40na batay sa monitoring ng Department of Agriculture.
07:43Mungkahay ni Agriculture Secretary Francis Kutu Laurel Jr., maghanap na lang ng alternatibo sa galunggo.
07:52Kung ganyan kamahal yun, magmanok na lang kayo, magkano nila.
08:0321 days na lang, Pasko na.
08:06Silipin natin ang ipinagmamalaking Christmas decorations sa ilang probinsya.
08:12Sa Baguio City, pinailawan na ang giant Christmas tree na yari sa kawayan at recycled materials.
08:19Lalo pang nagliwanag ang Session Road sa parada ng makukulay na parol.
08:25Tila trip around the world naman ang installations sa Surala, South Cotabato.
08:30Landmarks abroad ang mga ito, gaya ng Leaning Tower of Peace ng Italy,
08:35Christ the Redeemer statue ng Brazil, at Egyptian pyramids.
08:39Going up, up, up for the holidays na rin ang magsingal Ilocosur.
08:43Hot air balloons ang eksena ng mga pamaskong palamuti mula sa Christmas tree hanggang sa iba pang installations.
08:51For today's video, Bida ang kwelang mag-ama from Taytay Rizal.
09:02Dahil po yan sa kanilang good vibes na content.
09:05E mukha kasing nagmanang anak sa kakulitan ng kanyang daddy.
09:08Ayan, sa viral video, pinapainom na ni Adam sa kanyang daddy Joe ang kape nito.
09:16Dahil natutunan na daw ang yelo.
09:18Pero dead ba si daddy.
09:20May take two si Adam pa niyan, ha?
09:22Si daddy.
09:25O, diba? Sweet sana ang pag-abot niya sa kape.
09:27Kaso, dali rin na Adam ang ipinasok sa bibig ni daddy.
09:32Kaka-cellphone kasi yan eh, daddy.
09:34Kaka-cellphone mo yan eh.
09:36Parehong na pang itina lang sila sa kakulitan.
09:39Ang video na yan, benta sa netizens na may mahigit 1 million views na sa TikTok.
09:44Kaya naman certified...
09:46Trending!
09:47Kaka-good vibes naman talaga.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended