Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Trending online ang usapan tungkol sa papel ng Sierra Madre Mountain Range sa paghina ng Bagyong Uwan. Sa Issue ng Bayan, ipinaliwanag ni Dr. Gerry Bagtasa ng UP Institute of Environmental Science and Meteorology kung gaano kahalaga ang mga kabundukang ito sa pagprotekta sa bansa laban sa malalakas na bagyo. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Nagbabalik po ng hirit mga kapuso, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Uwan.
00:05Sa datos, mga higit isang milyong Pilipino po ang naapektuhan ng hagupit ng bagyo.
00:11Karamihan sa mga nasa lantana sa Bicol Region, Central Zone at Caraga.
00:16Ngayon pa man, marami pa rin na nagpapasalamat na hindi ganun katindi yung naging pinsala ng Bagyong Uwan tulad sa inasahan.
00:23Ang sabi na marami, handailan daw niyan, yung kabundukan ng Sierra Madre, yung Sierra Madre Mountain Range.
00:28Yan at ang kahandaan natin sa mga bagyo. Tatalakayin natin dito sa Issue ng Bayan.
00:39At ngayong umaga, makasama po natin Dr. Jerry Magtasa ng UP Diliman Institute of Environmental Science and Meteorology.
00:47Dr. Magtasa, sir. Thank you for joining us. Good morning.
00:50Unahin natin yung naging assessment po ninyo dito sa Bagyong Uwan.
00:55Naging super typhoon nito, marami yung nag-compare. Baka daw ito yung the next Yolanda.
01:03Anong baso niyo sa naging takbo ng Uwan?
01:07Not quite the same. Pero ang ano kay Uwan, yung kakaiba sa kanya ay sobrang laki ng size niya.
01:12So, sa sobrang laki ng size niya pagdaan niya, daming apektado. So, even yung northern part of central Visayas ay na-apektuhan ng malakas na hangin.
01:20Kung nakikita niyo yung images po, halos tinakpan eh. Parang binura ni Uwan yung buong mapa ng Pilipinas dahil sa laki niya.
01:28Exactly. So, yun yung nangyari. Pero ang kagandaan dito, dahil doon sa laki niya, nahirapan siyang mag-intensify.
01:34So, although umabot siya ng super typhoon, malakas siya, very dangerous. Pero would have been, you know, much stronger yun kung mas maliit siya.
01:43Let's talk numbers, Professor. Yung kay Yolanda, doon sa kanyang mga bugso, umabot yata ng 300 plus kilometers per hour?
01:53So, yung measurement ipag-gasay sa around 230-235 kilometers per hour yung sustained winds.
02:00Abot ng 300 yung mga gusts for Yolanda. Samantalang dito kay Uwan is around 185 kilometers per hour yung sustained, around 230 yung sa gusts.
02:11Okay. Kaya kung maalala niyo ho yung Yolanda, napakalalaki ho ng storm surge.
02:16Doon natin, doon na napunta sa kamalayan ng mga tao yung daluyong eh, yung storm surge.
02:21Na parang gabuilding ho eh, yung taas yung mga waves.
02:25Yeah, yeah.
02:27Ito ho, observation din na marami, buti na lang, hindi nangyari yung worst case dito sa Bagyong One.
02:33At sabi nga nila, dahil daw yan sa Sierra Madre.
02:37Pakie-explain, Doctor, ano ba talaga ang role ng Sierra Madre kapag may bagyo?
02:42Yeah, so explain ko muna kung paano nabubuo ang bagyo.
02:45Yes, go ahead.
02:45So, ang bagyo, sinusustain yung energy niya from the warmth of the ocean.
02:49Dapat mainit yung karagatan.
02:51Kaga-evaporate yung tubig, nagbibigay ng enerhya sa bagyo.
02:54And dapat sustain dito.
02:56So, once na makat off itong power source ng bagyo, dahan-dahan, ah, biglang babagsak yung lakas nito.
03:02Okay.
03:02So, ang bagyo, kapag tumuntong sa lupa, nakakat off yung source ng mainit na karagatan kasi lupa na siya, di ba?
03:08Yes.
03:08So, babagsak at babagsak yung intensity ng bagyo.
03:12So, may pag-aaral kaming ginawa.
03:13Ang ginawa namin is kung ang bagyo na tumatama ng Luzon, gawin natin flat yung Luzon.
03:19Sa isang banda, gawin natin na nandyan si Sierra Madre.
03:21Okay.
03:22So, whether nandyan si Sierra Madre or gawin natin flat, yung pagbagsak ng intensity ng bagyo ay almost the same.
03:29Okay.
03:29So, ibig sabihin, ang malaking factor na nagpapahina sa bagyo tuwing nagla-landfall ay yung kalupaan.
03:36Of course, may effect si Sierra Madre.
03:38So, tulad nga, sabi ko na kung malakas yung hangin, magtago ka sa likod ng puno, di ba?
03:43Magiging mahina yung hangin, pero hindi ibig sabihin na yung puno, pinahina niya yung bagyo.
03:47Okay.
03:47So, kung magtatago ka sa likod ng isang malaking bundok, hihina yung hangin, pero hindi ibig sabihin na yung bundok, pinahina niya yung bagyo.
03:54Okay.
03:55Okay. So, yung nararamdaman nating intensity, yun yung humina dahil nagtago tayo sa puno.
04:01Yes.
04:01But it doesn't necessarily mean na humina yung bagyo dahil sa puno.
04:05Yes.
04:06Okay. Malinaw po sana yun.
04:08Ito, Prof, viral din online yung tila pagbasag daw ng Sierra Madre sa mata ng bagyo.
04:13Kasi nga naman, parang nakita mo, uy, nawala nga naman yung mata habang tumatawid sa Sierra Madre.
04:20Ano ba ang explanation ito from the scientific point of view?
04:23Yeah. So, unang-una, yung mga bagyo nagkakaroon ng mata ay typhoon category.
04:28Okay.
04:28So, mga tropical storm hindi yan nagkakaroon ng mata.
04:30So, nung tumama si Uwan, actually, typhoon pa rin siya, 150 kilometers per hour on land.
04:36So, malakas pa rin yun.
04:37So, nangyari, pwede ko bang...
04:38Yes, go ahead, go ahead.
04:39So, itong slinky na to, so, pag nasa ibabaw, satellite image, nakikita natin itong butas sa gitna ng bagyo.
04:47So, kapag tumama siya sa kalupan, lalo na may bundok, anong nangyari, nagtitilt.
04:54Okay.
04:55Ito. So, pag nag-tilt, ang tawag sa kanya ay vortex tilt.
04:58Vortex tilt.
04:59O, yung gitna ng bagyo.
05:00So, from above, satellite, di na natin makikita yung butas ngayon.
05:05Dahil sa...
05:06Naka-side na siya eh.
05:08And possible na ito, bigla siyang tatalon, papunta sa kabilang side.
05:12So, mahirap matrack ang bagyo kapag nasa luma.
05:14Pero, paminsan, bigla na lang siyang olofasade lalabas sa kabila.
05:17Pero, hindi ibig sabihin, Dr. Magtasa, na porket hindi mo nakikita yung mata, eh, nalusaw siya.
05:23Yeah. O, obscured lang siya.
05:25Obscured, natakpan.
05:26Yeah.
05:27Mahirap maaninag, pero more or less na siya siya kasi typhoon pa rin siya eh.
05:31Okay. Yan.
05:33Nag-i-usap-usapan din na yung flood control project naman sa Iloilo.
05:37Doon naman tayo sa ibang mga posibleng paraan para ma-cushion o mapahina yung impact ng mga ganitong bagyo.
05:45Yung sa paligid, nakakatulong daw sa pag-contain ng baha, yung mga mangrove.
05:48Ayan, no? Ang ganda, oh.
05:50Paano ba nakakatulong, Professor, itong mga ganito?
05:54At pwede kaya itong gawin sa ibang lugar?
05:56Pwede ba yung i-replicate sa ibang mga LGU?
05:59Siguro nakita mo yung mga video sa baler na napakalakas ng tubig.
06:03Tapos nasira yung mga pader.
06:04Correct.
06:05Kasi ang tubig mabigat. Isang balikbayan box ng tubig is 1,000 kilograms.
06:10Wow.
06:11Mabigat. Mabigat ang ano.
06:12So, ang mangroves kapag nasa coast sila, so it's a natural barrier para doon sa mga waves na malalakas na pahinain
06:20bago siya umabot ng, you know, kalupaan na tinitira ng mga tao.
06:25So, yeah. Isa siya sa pumipigil sa mga malalakas na waves.
06:30In many instances, pwede natin ito itanim kung naturally yung environment ay suitable.
06:38Pero hindi sa lahat, unfortunately.
06:41Although maraming mga lugar sa, say for example, sa Manila Bay, na naturally before, may mga mangroves.
06:47Tapos, nabutol na siya.
06:48Ang main cost mo dyan, I would imagine, yung real estate mismo.
06:53Kasi instead of magtayo ka ng kung anong subdivision dyan o kung anong mga struktura,
06:59kailangan mo talagang tamnan ng mga puno.
07:02Ayan.
07:02Sa tingin nyo, Prof, ano ba dapat yung gawin ng mga LGU para mapaghandaan at mabawasan yung mga casualties sa ganitong mga kalamidad?
07:09Although sinasabi ng Office of Civil Defense kahapon, dahil sa preemptive evacuation, may mga casualties tayo pero it's a lot less than doon sa nangyari sa Cebu.
07:21Pero napag-uusapan nun namin ni Prof. kanina, sana dumating tayo doon sa panahon na wala nang namamatay sa ganitong mga bagyo dahil perfectly preventable ho yung mga deaths sa ganito.
07:33Yeah, so yung LGU, napakalaki ng role nila in terms of mitigating itong mga hazards na ito.
07:38Kasi si Pag-asa, bibigay sa atin yung forecast, pero up to some point lang yung kaya nilang ibigay ng informasyon.
07:45So si Pag-asa, hindi niya kayang i-memorize yung lahat ng rivers, creeks, maliliit na mga daluyan ng tubig.
07:52It's the LGU that can do that up to the barangay level.
07:56So si barangay level, makikita niya na pagkaganito yung ulan, ganito yung forecast sa Pag-asa,
08:00aapaw itong river na ito, tayo yung magsasabi na lumikas yung mga tao.
08:04So very important, yung parang pinaka-last mile na forecasting and prevention is really upon the LGUs.
08:11Pero yung mga kababayan din natin, siguro paalalahanan din natin, Prof.
08:15Marami kasi sa mga kababayan natin, hindi, sa buong buhay ko, 50 taon na ako nakatira dito,
08:21hindi aabot dito sa bahay ko yung tubig na yan.
08:23Kaso umaabot eh, hindi ba?
08:25Baka pwede natin silang paalalahanan na dahil sa climate change, dahil, I don't know,
08:30for whatever reason, there are a lot of factors na nakaka-contribute dito sa mga unprecedented na flooding.
08:36Yeah, year after year, all over the world, yan yung laging sinasabi.
08:41Unprecedented, never sa memory nila.
08:43Never before seen.
08:44Pero paulit-ulit.
08:46So ibig sabihin, mangyayari at mangyayari ito.
08:48And yes, partly because of climate change, yung pagiinit ng karagatan ng mundo,
08:53isa to sa nagpapalakas at nagpapaulan sa mga bagyo.
08:57So kailangan lang talaga natin paghandaan, imagine natin yung pwedeng mangyari,
09:02worst case scenario, and from there, tsaka tayo magplano.
09:05Huwag ko natin iasa lang sa gobyerno.
09:07At kailangan nila ng ating kooperasyon at partisipasyon para sa kaligtasan ng lahat.
09:12Dr. Jerry Magtasa ng UP Diliman Institute of Environmental Science and Meteorology,
09:17maraming maraming salamat po.
09:18At magbabalik po ako ng hirit.
09:21Wait! Wait, wait, wait!
09:23Wait lang! Huwag mo muna i-close.
09:26Mag-subscribe ka na muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
09:30para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
09:33I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
09:38Thank you! O sige na!
09:39O sige na!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended