Skip to playerSkip to main content
Ramdam din ang bagsik ng Bagyong Uwan sa Metro Manila at iba pang probinsiya sa Luzon. May report si Sandra Aguinaldo.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ramdam din ang bagseat ng bagyong uwan sa Metro Manila at iba pang probinsya sa Luzon.
00:05May report si Sandra Aguinaldo.
00:10Sa tindi ng tuloy-tuloy ng pag-uulang dala ng bagyong uwan,
00:14sa Karanglan, Nueva Ecija, ikinatakot ng mga residente ang mabilis na pagtaas ng tubig.
00:20Nagpanik na po kami dahil ayan na po ang biglang dating ng tubig.
00:24Sobra po ang lakas.
00:25Umiikot po yung hangin, kaya natakot po kami ng usko.
00:30Limang barangay ang isolated.
00:34Ineinspeksyon na rin ng LGU ang nawasak na slope protection at gabion wire sa Karanglan River pati approach slab ng Balwarte Bridge.
00:44Nag-scar po yung ilalim ng ating approach slab para po kung makikita po natin, wala na pong laman yung ilalim ng ating pavement.
00:53Masyado po delikado po sa motorista, lalo na po yung mga heavy trucks na dumadaan dito.
00:59So may tendency pong bumagsak.
01:01Sa bayan ng Laur, tumaas din ang tubig sa Bato Ferry River.
01:06Pati Bangkeruhan River sa boundary ng Palayan at Bunghabon.
01:12Sa Bong Nueva Ecija, nasa 14,000 residente ang inilikas.
01:16May git kalahati ng lalawigan ang wala pa rin kuryente.
01:19Kagabi lang po yan. Daan nung bagyo. Wala na kaming tubig dito. Ngayon, lumaki na na naman.
01:28Matindi rin ang pagbaha sa ilang lugar sa Pampanga.
01:34Sa Hagonay, Bulacan. Maraming bahay ang pinasok ng hanggang baywang na tubig na may kasama pang mga isda.
01:42May ilang hindi lumikas.
01:42Ilang kaya po na para makasurvive kami dito.
01:48Inabot din ang abot-bewang na baha ang pabahay ng National Housing Authority sa Giginto.
01:57Mahigit 700 taga Giginto ang inilikas sa iba't ibang evacuation center.
02:01Pinasungit ng bagyong uwa ng Manila Bay.
02:08Ang idinulot nitong storm surge, nilamon ang mga bahay at kabuhayan ng libu-libon taga-tanza, Cavite.
02:18Wala rin panama sa alo ng seawall ng Block 2 sa Baseco Compound sa Maynila.
02:26Ilang bahayan tuluyan ang nasira.
02:28Sampung kuwanak ko eh.
02:29Gusto ko rin magkaroon ng bahay pero ganito nga.
02:34Di mo rin kasi masabi yung kalikasan.
02:36Nakikano muna kami dyan sa bahay na yun.
02:38Tapos yung anak kong iba nandun pa sa evacuation.
02:41Nasira rin ang bagyo ang floodgate sa Paco Pumping Station.
02:45Ayon sa MMDA, posibleng dahil ito sa hampas ng tubig mula sa Pasig River.
02:51Kanselado ang mga biyahe sa barko kaya maraming stranded sa North Port.
02:55Ang ilan sa kanila naroon na mula pa noong November 6 at 7.
03:02Ramdam din sa Quezon City ang matinding ulan at hangin ng bagyong uwan.
03:08Bumagsak ang isang puno ng kay Mito.
03:11Hagip nito ang poste ng kuryente at telco kaya nag-brown out sa lugar.
03:15Natangay naman ng hangin ang bahagi ng electronic billboard sa Katipunan Avenue.
03:22Bumagsak ito sa likurang bumper ng isang sasakyan.
03:25Ang may-ari ng billboard, nangakong tutulungan ang natamaang motorista at tinigil muna ang operasyon ng billboard.
03:33Sa parehong kalsada, may nagkalat na yero.
03:36Natamaan pa ng yero ang isang motorcycle taxi rider at kanyang pasahero.
03:41Dinala na sila sa ospita.
03:43Storm surge at high tide naman ang nagpabahasan na Votas.
03:50Apaw ang tubig kahit gumagana naman daw ang navigational gate.
03:54Medyo ninerbius na po, tapos nasabay po na wala po po na ng kuryente.
03:58Bumigay ang dike sa barangay Bagong Bayan South hanggang dibdib ang baha sa maraming bahay.
04:04Ito yung lumang dike na mababa, pinatungan nila ng plant box.
04:09So yung plant box na yon ay bumigay.
04:11Binisita na ng LGU at DPWH ang nasirang dike na ayon kay Secretary Vince Dizon ay ipagagawa raw ng gobyerno.
04:22Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended