Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, alamin na natin ang latest sa galaw ng Bagyong Uwan matapos nitong manalasa sa malaking bahagi ng Luzon.
00:11Iaati dyan ni Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor!
00:18Salamat Emil mga kapuso, unti-unti nang lumalayo sa bansa ang Bagyong Uwan pero ramdam pa rin ang epekto nito sa ilang bahagi ng ating bansa.
00:269.10pm kagabi na mag-landfall ang Bagyong Uwan bilang super typhoon na sa Dinalungan Aurora at saka po nito tinawid ang iba pang bahagi ng Luzon hanggang sa makarating dito sa may West Philippine Sea.
00:38Huli po yung namataan kaninang hapon sa layong 175 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocosura.
00:45Taglay po ang lakas ng hangi nga abot sa 120 kilometers per hour. Ito po ay nasa typhoon category.
00:50Taglay yung lakas ng hangi nga abot nga po ng 120 kph at yung bugso naman 150 kilometers per hour.
00:57Kumikilos po yan, pahilagang kanluran sa bilis naman na 10 kilometers per hour.
01:02Ayon po sa pag-asa, ngayong gabi o bukas ng madaling araw, posibleng makalabas na yan sa Philippine Area of Responsibility.
01:09Pero mga kapuso, kung mapapansin nyo dito sa kanyang track,
01:12unti-unti po itong mag-re-recurve at babalik ulit dito sa loob ng PAR sa darating na miyerkules.
01:19Meron kasing high pressure area dyan po sa bahagi ng China na iniiwasan ang bagyo.
01:24Kaya imbes na magtuloy-tuloy yung pagkilos nito, pahilagang kanluran ay ito po ay liliko at papasok ulit dito sa loob ng ating area of responsibility.
01:35Sunod po nito ang tutumbukin itong Taiwan kung saan naman ito posibleng tumama pero unti-unti naman na po yan hihina.
01:42Ayon po sa pag-asa, kapag pumasok ito ulit sa PAR, ay posibleng magtaas pa rin ng wind signal dito po yan sa may extreme northern Luzon.
01:50Kaya patuloy po natin i-monitor.
01:52Kahit papalayo na, medyo nahahagi pa rin ang mga kaulapan at nung hangin nitong bagyong uwan yung ilang bahagi po ng ating bansa.
02:00Sa ngayon, nakataas ang wind signal number 2 sa Batanes, Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, northwestern portion ng Isabela, Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at pati na rin sa Bingget.
02:12Nakataas din po ang signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sura, La Union, western and central portions ng Pangasinan at pati na rin sa northern portion ng Zambales.
02:22Signal number 1 naman ang nakataas sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, natitirang bahagi po ng Zambales, Bataan, Tarlac at pati na rin sa Pampanga.
02:37Kasama rin po dito ang Bulacana, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Pulilio Islands, Occidental Mindoro, kasama po ang Lubang Islands, ganun din ang Oriental Mindoro at kasama rin po dito ang Marinduque.
02:50Nasa signal number 1 din po itong Calamian Islands, Camarines Norte at pati na rin ang northwestern portion ng Camarines Sur.
02:58So ito po yung babala sa lakas ng hangin. Ngayon pag-usapan po natin yung mga pag-ulana.
03:02Base sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may chance pa rin ng ulan dito yan sa Ilocos Region, Cordillera, ilang bahagi po ng Central Luzon, pati sa ilang lugar dito sa Mindoro Provinces.
03:14Pag-sapit po ng hapon, halos ganito rin po yung magiging panahon pero may mga posibleng pag-ulana rin sa ilang bahagi ng Quezon Province at pati na rin dito sa Bicol Region.
03:24Sa Metro Manila naman, posibleng pa rin makaranas ng ulan ng ilang lungsod pero hindi naman po kasintindi tulad ng naranasan natin kahapon at kanina.
03:33May mga kalat-kalat na ulan naman sa Visayas at Mindanao sa umaga at sa hapon naman, kabilang po sa makakaranas niyan itong Western Visayas, Negros Island Region, Cebu, Bucol, Summer and Later Provinces at pati na rin ang halos buong Mindanao.
03:48Kaya dobly ingat pa rin dahil may mga malalakas at yan po ay posibleng magdulot pa rin ng mga pagbaha.
03:54Samantala, magiging maalon pa rin at dalikadong maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat.
03:59Dito po yan sa ilang bahagi ng Northern and Central Luzon, pati na rin sa ilang baybayin dito sa Southern Luzon.
04:07Yan ang latest sa ating panahon. Ako po si Amor La Rosa. Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended