00:00Kumusahin na po natin ang sitwasyon sa Ilocosur. May report si Jun Veneracion. Jun?
00:10Connie, nasa Isabela kami, probinsya ng Isabela.
00:15Dahil sa pag-apaw nitong Cagayan River ay lahat na ng overflow bridge dito sa probinsya ay hindi na madanan simula pa kagabi.
00:23Gaya na lang nitong overflow bridge dito sa Cagayan City na ngayon ay hindi na maaninag dahil sa taas ng tubig.
00:32Ito pa naman ang pinakamalapit na daan papunta sa ilang remote barangay dito.
00:39Meron naman alternatibong ruta pero di hamak na mas malayo.
00:45Inaasahan ng provincial government ang pagbaha, sabi ni Ezequiel Laquilang, spokesperson ng Isabela PDRRMO,
00:52ang tubig mula sa mga probinsya ng Quirino at Aurora ay dito sa kanilang probinsya bumabagsak.
01:01Kaya ngayon, walong bayan ang apektado ng baha.
01:05As of 10 a.m. ngayong araw ay nasa 53,000 na ang mga evacuees dito.
01:11Hindi muna sila papayagang makauwi habang patuloy ang pag-apaw nitong Cagayan River.
01:18Yan ang latest mula rito sa probinsya ng Isabela. Balik, Sir Connie.
01:23So June, Isabela, saan ka banda sa Isabela nagre-report ngayon, June?
01:27Ito yung alikaw-kaw. Ito yung sinasabi kong overflow bridge na daanan papunta doon sa mga remote paranggay nitong lungsod.
01:46Pero tingnan mo naman, hindi mo akalaing may tulay pa dyan kaya yung mga residenteng umaasa sa maiksing daanan na ito para makauwi at makalabas sa kanilang lugar.
01:57Napakalayo pa yung iikutin para lang makapunta doon sa kanilang lugar.
02:03Ang problema rito, Connie, patuloy pa na pagtaas itong ilog.
02:08So nagsisimula pa lang ang problema tala.
02:11Kaya nga sinasabing yung mga residenteng nagsilikas, huwag muna silang mag-uwian para na rin sa kanilang kaligtasan, Connie.
02:18Alright, sana nga makinig sila sa paalalang yan.
02:21Maraming salamat, June Veneration, live mula sa Isabela.
Be the first to comment