Skip to playerSkip to main content
Binaklas ng malakas na hangin ang ilang yero sa Dagupan, Pangasinan. Habang ang ibang bahay tuluyang pinadapa ng storm surge o daluyong.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binaklas ng malakas na hangin ang ilang yero sa Dagupan, Pangasinan,
00:04habang ang ibang bahay tuluyang pinadapa ng storm surge o daluyong.
00:09Nakatutok doon live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:13Sandy!
00:17Emiel, sa paglilibot natin sa ilang mga evacuation centers dito sa Dagupan City,
00:23ay nakausap natin yung ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan,
00:26maging yung mga barangay council at nasabi nga nila na hindi muna nila basta-bastang pauuwiin yung kanilang mga evacuaries
00:33hanggat hindi nila nasisigurado na wala ng banta ng nitong bagyong uwan.
00:43Kinatakot ng mga residente ang malakas na ulan at hanging dala ng bagyong uwan sa Dagupan City kagabi.
00:49Winasiwas ng hangin ang mga puno.
00:51Nabaklas ang mga yero, ang mga sanga ng puno at basura nagkalat na kung saan saan.
00:59Maging ang solar panel na ito, hindi umubra sa lakas ng hangin.
01:02Tuloy-tuloy ang rescue operation sa mga residente sa ilang barangay hanggang kagabi.
01:07Si Hara, wala nang nagawa kundi panoorin ang pagkawasak ng kanyang pinaghirapang bahay.
01:12Itinayo ito malapit sa baybayin kaya madaling nawasak ng tumamang bagyo.
01:16Hindi nga ako makapagsalita, nasyak nga ako eh.
01:19Eh, hindi namin nakalain na ganyan mangyari.
01:22Kala namin yung parang dati lang na bagyo.
01:26Nasira rin ang bankang gamit ni Eduardo sa hanap buhay matapos tangayin ng alon.
01:31Akala namin sif na yung mga banka namin.
01:34Hindi, simpre, mga binitulog na akala namin sif na.
01:37Simpre, inabok pa rin ng alon.
01:39Itinumba rin ng bagyo ang cottage na ito.
01:41Nasira din ang storm surge o daluyong ang mga bahay sa tabing dagat.
01:45Sa barangay, bunuan gas at pahirapan ang pag-rescue sa mga residente kahapon
01:49dahil sa hanggang dibdib na bahang dulot ng storm surge.
01:53Ang mga residente natakot sa bigla ang pagtaas ng baha.
01:56Kaya dinagsa ang mga evacuation center na malapit sa kanilang barangay.
01:59Yung bahay namin pinasok ng baha.
02:02Eh, wala kayong matutulugan.
02:04Lahat ng mga damit namin basa. Lahat.
02:06Sinabayan pa ito ng high tide na lalo pang nagpataas sa antas ng baha.
02:10Hirap tuloy ang mga residente at motoristang walang magawa kundi lumusong sa baha.
02:19Emil, ngayong araw ay mapapansin nga na umaaliwalas na yung panahon dito sa Dagupan City.
02:24Gayon man, iba yung pag-iingat pa rin sa ating lahat ayon sa mga otoridad.
02:28Emil?
02:28Maraming salamat, Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended