Skip to playerSkip to main content
  • 4 hours ago
Typhoon Uwan (international name: Fung-wong) has moved over the West Philippine Sea after crossing Luzon, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said on Monday morning, Nov. 10.

As of 7 a.m., the center of the eye of Uwan was located 125 kilometers west-northwest of Bacnotan, La Union. It was moving west-northwestward at 20 kilometers per hour (kph).

READ MORE: https://mb.com.ph/2025/11/10/uwan-now-over-west-philippine-sea
Transcript
00:00Ito po ay huling namataan dito sa layong 125 kilometers west-northwest ng Baknotan, La Union.
00:07Yes po, tuluyan na ito na lumabas sa ating kalupaan at sa kasalukuyan ay yung direction niya ay nananatiling generally pa northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
00:17Ito ay may taglay na lakas ng hangin malapit sa gitna na umabot ng 150 kilometers per hour at pag bugso o bigla ang paglakas sa paligid nito, yung hangin na yun ay umabot ng 230 kilometers per hour.
00:30Kagabi po, ay nag-landfall ito dito sa probinsya ng Aurora, ganap na 9-10 ng gabi.
00:38At pag-landfall po niya dito sa Baknotan, Aurora, ay humina na siya dahil sa interaction niya sa kalupaan.
00:45At ganun din naman, nabawasan yung enerhiya na tutulong sa kanya na mag-intensify.
00:49And by 11 p.m. kagabi, ay naging isa na siyang typhoon from super typhoon bago ito mag-landfall.
00:57At binaybay niya yung mga probinsya ng Aurora, ganun din yung probinsya ng Quirino, Nuevo Vizcaya, and eventually sa La Union.
01:05At ngayon po ay nasa coastal waters na ito ng La Union.
01:08Also, meron din po tayong team na tinatawag natin na storm chasers from Pag-asa.
01:14At pinuntahan po nila yung ating Aurora Station.
01:17At dun po sila nag-conduct ng in-situ observation.
01:20Or dun po sila mismo pumunta para i-measure yung magiging wind speed, yung magiging sitwasyon.
01:25And don't worry po dahil ligtas naman po sila.
01:28At moving back po dito sa ating track na kinukwento natin kanina, o dinidiscuss natin kanina,
01:38nagpapatuloy pa rin yung kanyang northwestward na direksyon.
01:41At eventually, paglabas nito ng Philippine Area of Responsibility,
01:46bukas ng madaling araw ay magbabago yung direksyon nito from northwestward ay magiging northward.
01:51And eventually, sa labas ng Philippine Area of Responsibility, by Wednesday and Thursday na ng madaling araw,
01:59o kaya naman ay Wednesday ng midnight, ito ay muling papasok ng Philippine Area of Responsibility
02:04dahil sa high pressure system na nakaka-apekto dito.
02:07At yun yung tumulong sa kanya na mag-northward and eventually ay northeastward.
02:11Pero, ang magiging epekto na lamang nito sa atin ay by Thursday and Friday,
02:17yung trough or yung extension niya dahil malaki po ito.
02:20By the way, yung radius niya ay yung maabot ng 780 kilometers from the center.
02:26Ibig sabihin, around 1,500 kilometers yung diameter o yung lawak na associated dito kay Bagyong Uwan.
02:33And by Friday ng tanghali or afternoon ay nasa labas na ito,
02:38muli ng ating Philippine Area of Responsibility.
02:41Sa kasalukuyan, ay meron pa rin tayo nakataas na signal number 1 hanggang 4.
02:45At unti-unti pa lamang po natin mararamdaman yung improved weather condition or kabahasan sa mga pagulan na magdudulot na mga pagbaha at paguhon ng lupa.
02:55At ganun din naman, mababawasan na yung mga nakataas natin na signal number 4 hanggang pababa sa 1.
03:01Also, ngayon ay gusto na po natin ipakita yung mga lugar na kung saan nakataas tayo ng signal number 4.
03:06Yung signal number 4 po natin ay merong lead time na 6 hours.
03:10Ibig sabihin, for the next 6 hours, dun pa lamang o habang within this time frame,
03:16ay mararanasan na natin yung mga pagbugso ng hangin na umaabot ng 118 to 184 kilometers per hour.
03:24Yan po yung pangalawa sa pinaka-severe natin.
03:27Ngayon po, dahil typhoon category na lang, signal number 4 na lamang yung pinakamataas nating issue 1.
03:32Kapag super typhoon naman, umaabot po yan ng signal number 5.
03:35So, yung mga signal number 4 natin ay nakataas na lamang dito sa central and southern part ng Ilocosur.
03:41Ganun din naman sa southern part ng Abra.
03:44Dito rin sa probinsya ng La Union.
03:47Sa northwestern part ng Mountain Province.
03:50Ganun din naman sa western part ng Ifugao.
03:52Buong Benguet, western part ng Nueva Vizcaya, northern and western part ng Pangasinan.
03:57Signal number 3 naman, ibig sabihin naman ang signal number 2,
04:00meron niyang 12 hours na lead time.
04:06At dito po yan sa probinsya o southern part ng Ilocos Norte,
04:11southern part ng Apayaw.
04:12Yung natitirang bahagi ng Abra, natitirang bahagi ng Ilocos Sur,
04:16Kalinga Province, natitirang bahagi ng Mountain Province,
04:19natitirang bahagi ng Ifugao.
04:21Western portion ng Isabela.
04:22Ganun din yung probinsya ng Nueva Vizcaya.
04:25Northwestern portion ng probinsya ng Quirino.
04:28Northwestern portion ng Nueva Ecija.
04:31Northern portion ng Tarlac.
04:33Northern and central portion ng Zambales.
04:35At signal number 2 naman, yung signal number 2 natin ay may lead time na 18 hours.
04:41Signal number 2 naman dito sa natitirang bahagi.
04:44Ito po yung mga nakakulay yellow.
04:46Natitirang bahagi ng Ilocos Norte.
04:47Natitirang bahagi ng Apayaw.
04:49Cagayan Province.
04:51Natitirang bahagi ng Isabela.
04:52Natitirang bahagi ng Quirino.
04:54Probinsya ng Aurora.
04:55Natitirang bahagi ng Nueva Ecija.
04:57Natitirang bahagi ng Tarlac.
04:59Natitirang bahagi ng Zambales.
05:01Ganun din naman dito sa probinsya ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Rizal.
05:07Kasama yung Metro Manila.
05:09Signal number 2 pa rin po tayo dito.
05:11Kasama yung Cavite, Laguna.
05:13Northern and central portion ng Quezon.
05:16Northern portion ng Camarines Norte.
05:18At Batangas.
05:19And then northern portion din ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
05:24Signal number 1 naman, itong mga nakakulay blue.
05:26Kasama dyan yung Batanes.
05:28At ganun din naman yung natitirang bahagi ng Occidental and Oriental Mindoro.
05:32Southern portion ng Marinduque.
05:34Natitirang bahagi ng Camarines Norte.
05:37Camarines Sur.
05:37Catanduanes.
05:38Albay.
05:39Natitirang bahagi ng Quezon.
05:40Kasama dito yung Burias Island.
05:43Ganun din naman yung probinsya ng Albay.
05:45Sorsogon.
05:46Ganun din yung Ticao Islands.
05:47At yung northwestern portion ng Northern Summer.
05:50Dahil sa lawak nitong si Bagyong Uwan ay umabot pa rin sa ilang bahagi ng Visayas.
05:55Ganun din naman sa Northern and Central portion ng Masbate.
05:58Kasama yung probinsya ng Romblon, Aklan, Capiz.
06:02Northern portion ng Iloilo.
06:03Northern and Central portion ng Antique.
06:05Kasama ang Cuyo Islands, Kalamiyan Islands.
06:07At ganun din naman yung Northern part ng Palawan.
06:10Ayan po yung may mga kinalaman sa lakas ng ulan.
06:13By the way, yung signal number 1 natin ay meron na mga lead time na 36 hours.
06:19Bukod po dun sa mga binanggit natin, from signal number 1 hanggang signal number 4,
06:23ay may mga pagbugso pa rin tayo ng hangin na hindi kasama dun sa itinaas natin from signal number 1 to 4.
06:29Kasama po dyan today, yung probinsya ng Palawan, yung buong Visayas, yung mga hindi nakataas sa signal number.
06:36Ganun din sa Sambuanga Peninsula, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Soxargen, Davao Occidental at Davao Oriental.
06:43Ibig sabihin, kahit na napakalayo nila dun sa sentro nitong si Bagyong Uwan,
06:47ay makakaranas pa rin tayo ng mga pagbugso ng hangin.
06:50Ganun din naman bukas, ay magpapatuloy yung mga pagbugso ng hangin na umaabot ng hanggang 88 kilometers per hour
06:56sa malaking bahagi ng Luzon, kasama yung probinsya ng Iloilo at Gimaras.
07:01Ganun din naman, by Wednesday, ay mananatili dahil sa extension nitong si Bagyong Uwan dito sa Batanes,
07:07Baboyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
07:11Patungkol naman sa mga pagulan na ating inaasahan, ito pong rainfall outlook natin
07:16o yung tinatawag natin na weather advisory ay ini-issue natin every 8 hours
07:21at tumataas din yung frequency natin ito.
07:24So, ang susunod natin na weather outlook or weather advisory ay mamayang 11 a.m.
07:29So, ito pong pine-present natin ngayon ay yung issuance natin nung 5 a.m. pa.
07:35Kaya yung 5 a.m. natin na live weather update ay ito rin yung ipapakita natin ngayon.
07:39So, orange, ibig sabihin ng orange, 100 to 200 millimeters,
07:43ang ibig sabihin yan ay sa isang probinsya, posible pa rin yung kalat-kalat na mga pagbaha.
07:48Dito yan sa probinsya ng La Union, Benguet, Pangasinan at Zambales.
07:5250 to 100 millimeters naman dito sa mga nakakulay-dilaw na probinsya.
07:57Yung mga naka-gray area, yan po yung hindi natin nakataas sa ating weather advisory.
08:02Pero that doesn't mean na hindi na tayo makakaranas ng mga pagulan.
08:05Posible pa rin na makakaranas tayo ng mga pagulan,
08:07pero hindi na kasing lakas o kasing dami nung mga nakataas natin dito sa weather advisory.
08:15Also, meron din tayong heavy rainfall warning from our regional pag-asa offices.
08:20Yun naman yung nagtetect sa atin na kapag naka-red na, naka-orange, from NDRRMC.
08:25At patungkol naman sa daluyong o yung storm surge warning natin na nanatili ito na nakataas.
08:31Yung daluyong, by the way, ito yung hampas ng alon papunta sa ating dalampasigan.
08:36At yung hampas na yun, ibig sabihin yung tubig na galing sa dagat ay ahabot sa ating kalupaan
08:40na pwedeng makasira ng mga infrastruktura o ating mga bahay kapag tayo nakatira sa coastal areas o malapit sa baybay dagat.
08:48Nakataas pa rin sa kulay pula yung malaking bahagi ng luzon.
08:51Actually, buong luzon ay may storm surge warning, pero nakakulay pula.
08:55Ibig sabihin, more than 3 meters yung posible natin na maranasan na storm surge dito sa mga areas na ito.
09:01And then, orange naman, 2.1 hanggang 3 meters.
09:04So, western part ng southern luzon, ganoon din naman yung western part ng Visayas.
09:09And then, hanggang 2 meters naman dito sa kulay dilaw.
09:13So, yan yung malaking bahagi ng Bicol region.
09:17Also, mayroon din tayo nakataas na gale warning.
09:20Yung gale warning naman natin, kapag pumalaot pa yung mga kababayan natin, lalo na yung mga manging isda nating kababayan,
09:25ay posible silang makaranas ng aabot ng 12 meters.
09:30Posible din na mas mataas pa sa 12 meters.
09:32Kaya, huwag po muna tayong papalaot.
09:34Lalo na, kung maliit na sasakayang pandagat,
09:36ibig sabihin ay, of course, kahit na paulit-ulit po tayo at alam naman natin na hindi dapat pumalaot,
09:43gusto pa rin po natin na banggitin.
09:45Kasi, after all, ang gusto natin pahalagahan dito ay yung ating, hindi lang properties,
09:49kundi ganoon din yung ating mga buhay.
09:51Kaya, huwag po tayong pumalaot pansamantala sa kasalukuyan.
09:55So, para po, karagdagang information lang po sa mga kababayan natin,
09:59na halimbawa, para po ito sa mga hindi pa aware,
10:02ganito po yung itsura ng Pag-ASA website kapag pinunta natin pag-asa.dost.gov.ph,
10:08ganito po yung lalabas.
10:10At i-click po natin dito sa Tropical Cyclone,
10:12and then bulletin po yung i-click natin.
10:14Kasi kapag advisory, ito po yung mga bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
10:19Advisory yung nilalabas natin.
10:21Pero, kapag nasa loob ng PAR, bulletin po yung nire-release natin.
10:25And every 3 hours po tayo nag-i-issue ng bulletin,
10:27lalo na kapag landfalling yung bagyo, katulad nitong si Uwan.
10:30Kapag kin-leak po natin yan, ganito po yung itsura na lalabas.
10:34So, yung pin-resend po natin na track kanina,
10:36ay dito rin natin makikita.
10:38Andito rin yung information sa susunod niya ng mga paggalaw.
10:41At kapag kin-leak po natin itong PDF file,
10:44itong PDF na icon,
10:46ay ganito po yung lalabas.
10:47Tutulungan lang po natin na mas maintindihan ng ating mga kababayan
10:50paano natin ito madadigest o paano natin ito maintindihan.
10:53So, ito po yung ikas-seventeenth na number ng ating bulletin.
10:57Ito yung pangalan ng bagyo, international name niya,
10:59at yung date.
11:00Mahalaga po dito, yung issued time,
11:02kung kailan natin ito in-issue.
11:04And this time, 8 a.m. po ito.
11:06At dito naman makikita natin,
11:07yung general description dito kay Bagyong Uwan.
11:12So, nananatili siya na typhoon category,
11:14and then nag-move daw siya west-north-westward.
11:17So, yun po yung binanggit natin kanina.
11:18Dito naman,
11:19dito natin malalaman yung location niya.
11:22At dito binabanggit na nasa 125 kilometers ito,
11:25away from Baknotan, La Union.
11:28And then yung intensity niya,
11:30sustained winds,
11:31at ganoon din naman yung kanyang radius na 780 kilometers per hour.
11:35At yung forecast track natin,
11:37kalimbawa gusto lang natin malaman yung lat-long,
11:40o yung specific information sa bawat points na yan,
11:43every 12 hours po,
11:45ito po yung inilalabas natin dito.
11:49Mamayang, 5 p.m.,
11:50nandito na siya sa latitude and longitude na location.
11:53At ito yung area niya.
11:54220 kilometers west ng Sinait, Ilocos Norte.
11:58Or sorry, Ilocos Sur.
11:59And then,
11:59maximum sustained winds,
12:00and then category,
12:01at yung magiging movement niya.
12:03So, I hope na at some point ay makatulong po ito.
12:06At ganoon din naman sa ating mga kababayan
12:08na pumunta ng evacuation center,
12:10mag-ingat po tayo kapag babalik na tayo.
12:12Siguraduhin po muna natin
12:13na meron ng bas-bas o pahintulot
12:15ng ating mga local government units
12:17bago tayo bumalik.
12:18Dahil posible na mapanganib yung ating pagbalik,
12:20lalo na kung galing pa tayo
12:22o nakatira tayo sa mga bulubunduking lugar.
12:24At yan po yung ating update.
12:25Ang susunod natin na live weather update
12:27at ang susunod natin na bulletin
12:28ay mamayang alas 11 ng umaga.
12:31Ako po si John Manalo.
12:32Ang panahon ay nagbabago.
12:33Kaya maging handa at alerto.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended