Skip to playerSkip to main content
#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00At isang hapo sa mga hinagupit sa Bicol, ang Camarinas Norte, kung saan pinatumba ng bagyong uwan ang maraming poste, kaya nagkabrongan po doon.
00:08Bukod po sa malabuhawing hangin, nakaranas din po ng malakas na along humampas sa seawall.
00:15At taglay po niyan, para sa latest sa Camarinas Sur, makakausap po natin na ating kasamahan dito sa GMA Integrated News na si Darlene Kai.
00:24Darlene, kamusta na dyan?
00:26Pia, nandito ko sa Daet Camarinas Norte.
00:31Maaraw na dito pero tumambad ngayon ang pinsalang ininulot ng Super Typhoon Uwan.
00:37Dito sa bayan ng Daet, may mga bahay na nawasak, maraming natumbang puno at mga poste.
00:43Sa katabing bayan naman ng Mercedes ay na-washout naman yung ilang bahay na nasa tabi ng dagat.
00:48Nakakita rin kami ng mga bangkang nawasak dahil sa lakas ng hangin at taas ng alon doon.
00:54Sa ngayon, abala yung mga residente sa pagkumpuni ng kanilang mga nasirang bahay.
01:00Yung iba namang wala nang babalikan ay naghahanap ng pwede kanilang mapakinabangan mula sa mga debris.
01:07Ang mga otoridad naman, abala sa clearing operations para matanggal ang mga nabuwal na puno.
01:13Pero sabi ni Tony Espana, ang PDRRMO ng Carolina Norte, hindi raw magiging madali ang pagtanggal sa mga natumbang poste.
01:22Kaya nakikipag-ugnay na sila ngayon sa electric cooperative.
01:25Nadaraan na naman ang National Highway papasok at palabas ng probinsya.
01:29Pero nasa 80 barangay pa raw sa iba't ibang bayan ang isolated.
01:34Karamihan dito ang mga nasa isla at hindi pa mapuntahan dahil delikado pang pumalaot.
01:40Mahirap din yung komunikasyon dito Pia dahil bagsak yung cell signal sa maraming lugar.
01:46Kaya hindi rin makontak yung mga barangay na aking nabanggit.
01:49Wala rin kuryente sa buong probinsya ngayon at kalahati pa ng Camarines Norte ang walang supply ng tubig ngayon.
01:57Dahil sinira rin ang bagyo ang water facilities dito.
02:01Namimigay naman ang tubig ang provincial government sa ilang bayan
02:05at nagpapatuloy din ang relief operation sa pangunguna ni Acting Governor Joseph Acucha.
02:11Ang magandang balita Pia, walang naitalang casualty
02:14at walang reported na nawawala o missing dito sa probinsya ng Camarines Norte.
02:20Yan ang latest mula rito sa Dait Camarines Norte.
02:23Balik sa'yo Pia.
02:24Maraming salamat, Darlene Kai.
02:26Maraming salamat, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended