00:00Isolated naman ang 80 barangay sa Camarines Norte dahil sa mga pinsala ng Bagyong Uwan.
00:07May bahagi pa nito na naprotektahan sana ng seawall pero hindi pa tapos ang konstruksyon nito.
00:14At live mula sa diet, nakatutok si Darlene Kahn.
00:17Darlene!
00:21Vicky, paghupa ng masamang panahon ay tumambad ang pinsalang iniwan ng Super Typhoon Uwan dito sa probinsya ng Camarines Norte.
00:29Kabilang dyan ang mga wasak na bahay, kabuhayan at ibang istruktura.
00:38Nadurog ang bahay ng mag-asawang Leonora at Dante nang madaganan ang nabuwal na puno dahil sa lakas ng hangin kahapon.
00:46Siyempre malungkot, dalawang bahay ang nawala.
00:49Dito katina-katina yung isang binata ko duma sa kabila tapos dito yung dalaga ko.
00:54Masakin sa akin pero okay na rin buhay din kami mag-anak.
01:01Mabuti na lang at nasa evacuation center sila nang tumama ang bagyo.
01:06Naghahanap sila ngayon ang pwede pang mapakinabangan dahil wala silang naisalbang gamit.
01:11Humihingi po ako ng tulong sa inyo para po magawa po ng maliit man laang na kubo dito para may matuluyan po yung dalawa ko pong anak.
01:20May ilang sinubukang kumpunihin ang mga nasira nilang bahay.
01:24Si June, isa-isang pinulot ang mga yerong natuklap mula sa bubong ng pinagtatrabahuhang talyer.
01:30Yun nga lang.
01:30Kaya hindi rin naman talaga basta-basta mga kapag-operate, gawa ng walang kuryente.
01:34Ang pamumuhay kasi namin, umaasa kami sa kuryente.
01:38Wala pa rin kuryente sa buong probinsya ng Camarines Norte.
01:41Itinumba kasi ng pagkalakas-lakas na hangin ang magkatabing posting ito.
01:46Hindi tuloy madaanan ang kalahati ng kalsada.
01:48Nahihirapan din sa pagdaan ang mga residenteng nahaharangan ng kable.
01:52Sa bayan ng Mercedes, nagbayan ni Han ang mga tagapurok 1A Barangay 7 sa paghatak ng isang bahay na tumagilid dahil sa malakas na hangin.
02:03Mas malala naman ang sinapit ng katabing purok 1B dahil wala nang natirang mga bahay sa bahaging ito.
02:10Kahapon lang, puro bahay dito sa kinatatayuan ko sa Barangay 7 sa bayan ng Mercedes.
02:14Pero tulad po nang nakikita nyo, na washout na yan lahat dahil sa tindi ng hangin at laki ng along dala ng Super Typhoon 1.
02:23Walang magawa ang mga residente kung hindi suyurin ang tumpok ng mga kawayan at pawid.
02:30Si Tatay Arnel, pinirapirasong mga kahoy para kahit paano'y mapakinabangan.
02:35Sugatan pa siya ng mabagsakan ng kawayan ang itumba ng mga alo ng kanyang bahay.
02:39Walang magagawa at malakas yung bagyo.
02:41So, siyempre kabado din at inisip mo yung tinitirhan mo.
02:49Tatlong poste na lang ang naiwan sa bayan ng tiwi ni Jerish Palero.
02:53Nalungkot, naluha, siyempre wala din pong matutuloyan.
02:57Malaking bagay sana ang seawall.
02:59Pero, hindi pa tapos ang construction nito.
03:03Narito pa ang ilang construction materials na tinangay din ang malakas na hampas ng along kahapon.
03:07Masakit talaga po.
03:08Ito, doon ngayon, nag-itamang mga pasura.
03:12Sino ang kailangan?
03:16Paano kami?
03:17Ngayon, ibang-ibagang maharong?
03:20Mga bahay?
03:23Nasaan ang mga tulong?
03:25Patuloy na sinusubukan ang GMA Integrated News sa hingin ng panig ng DPWH upos sa proyektong ito.
03:30Meron ang initiative din ang Provincial Disaster Residuation Management Council para magkaroon ng inventory din sa mga effort ng mga ganyang structure dito sa lalawigan ng Kamarinas Norte.
03:43Abala ang mga otoridad ngayon sa clearing operations para madaanan ang mga kasada.
03:48Pero bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon sa maraming lugar.
03:52Walongpong barangay sa probinsya ang isolated sa ngayon.
03:55Tuloy rin ang relief operations ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
03:58Vicky, iniimbestigahan na rao ng DPWH itong seawall sa bayan ng Mercedes na hindi pa natatapos ang construction.
04:10Bukod naman sa problema sa kuryente, communication lines at road blockage ay problema rin ang water supply dito dahil kalahati ng probinsya, Vicky, ang walang tubig ngayon.
04:20Dahil po sinira rin ng bagyo ang water facilities at tinutugon na na yan ng mga otoridad.
04:26Yan ang latest mula rito sa Diet Kamarines Norte. Balik sa'yo, Vicky.
04:30Maraming salamat sa'yo, Darlene Kai.
Comments