Skip to playerSkip to main content
Panic naman and idinulot ng mabilis na pagtaas ng baha sa isang barangay sa Nueva Ecijia. Hindi lang mga kubo ang pinadapa ng bagyo sa probinsya pati bahagi ng isang tulay at slope protection.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Panic naman ang idinulot ng mabilis sa pagtaas ng baha sa isang barangay sa Nueva Ecija.
00:06Hindi lang mga kubo ang pinadapa ng bagay sa probinsya, pati bahagi ng isang tulay at slope protection.
00:13Mula sa Karanglan, Nueva Ecija, nakatutuklay si Mariz, umari, Mariz.
00:22Mel, narating natin itong bayan ng Karanglan dito sa Nueva Ecija.
00:28Ito po yung pinakamatinding hinagupit ng Super Typhoon Uwan dito sa buong lalawigan.
00:35At makikita mo sa aking likuran, ito pong bahagi ng Balwarte Bridge na wasak-nawasak matapos ragasain ang napakalakas na alon.
00:45At umapaw pa yung alon na yan dito sa taas ng Balwarte Bridge.
00:50At bukod sa pinsala ay matinding takot din ang idinulot ng biglang pagtaas ng baha na umabot pa hanggang dibdib.
00:58Sa mga residente rito.
01:04Sa kasagsaga ng pananalasa ng Bagyong Uwan, bandang alas 9.30 kagabi, mabilis na tumaas ang baha dito sa barangay D. El Maglano.
01:11Panik na po kami dahil ayan na po ang biglang dating ng tubig.
01:15Sobra po ang lakas.
01:16Umiigot po yung hangin, kaya natakot po kami ng usko.
01:20Ayun na, may tapa doon yan.
01:21Mabilis namang dumating ang rescue para ilikas sila sa evacuation center.
01:26Malaking tulong din ang bayanihan, kahit delikado.
01:29Pinagkakatok na ng ila ng kanilang mga kapitbahay para iligtas ang mga nakatira.
01:33Umiigot po yung tubig dyan eh. Sobrang lakas. Tapos may mga bata pa po.
01:37Ngayon, kinakaba na po ako at ayaw lumabas ng kwan.
01:40Ayan po, may kasama po ako, si uncle ko.
01:44Ayun, tinulungan po namin yung mga bata. Siyempre, baka malunod.
01:48Malaking pinsala rin ang inabot ng ilang infrastruktura rito sa Karanglan sa paghagupit ng Bagyong Uwan.
01:54Nawasak ang approach slab ng Balwarte Bridge dito sa barangay RA Padilla.
01:58Kaya light vehicles na lang muna ang pwedeng dumaan dito ngayon.
02:01Malaking dagok daw ito dahil ito ang kanilang provincial road.
02:04Nag-scarf po yung ilalim ng ating approach slab para po, kung makikita po natin, wala na pong laman yung ilalim ng ating pavement.
02:13Masyado po, delikado po sa motorista, lalo na po yung mga heavy trucks na dumadaan dito, may tendency pong bumagsak.
02:20Dito lang sa Karanglan na abot sa dalawang libong pamilyang apektado at kinailangang ilikas.
02:25Limang barangay pa rin ang nananatiling isolated o di pa maabot.
02:28We'll be ready to deploy our relief operations po sa mga nasabing lugar na kailangan po ng tulong.
02:34We are closely coordinating with our city and municipal local government units para po malaman kung ano po yung possible.
02:41Kasi may mga airs po tayo dito, isolated, pero may mga ruta na available.
02:45Some of them, kailangan po lang natin umikot.
02:48Pero di lang ito ang nasira dahil pati ang slope protection at gabion wire sa Karanglan River dito sa barangay Burgos na Wasak,
02:56matapos ragasain ang malakas na alon sa ilog.
02:58Sa alubungan po kasi ito nung dalawang malalaking river channel na dito po sa Caloocan River at saka po yung Salazar River.
03:09Pag nagsabay po yan, talagang matumataas po na gagad dito po, umabot po na gagabewang.
03:14Kinukot ko at naghahanap po ng malambot na bagay yung lakas ng tubig.
03:18Pag may nasimulan po yan, sigurado, uunti-untiin niya na na gigibain yung mga structure na madadaanan.
03:26Marami rin pinatumbang mga puno at winasak na bukirin.
03:30Ngayong hapon, ininspeksyon ni Nueva Ecija Vice Governor Lemon Umali kasama ang Engineering Department
03:34ang mga nasira infrastruktura na mahagi rin ang 500 family food packs para sa mga apektadong residente.
03:40Maging sa bayan ng Laor, tumaas ng husto ang tubig sa Batoferi River kaya pinadapa nito ang maraming kubo na pasyalan ng mga turista.
03:49Ang iba, tuluyan ng tinangay.
03:50Maganda po mga kubo namin dito nung nakaraan. Marami na po. Marami po. Mahigit po isang daan.
03:56O, ano nangyari?
03:57Eh, yun po. Gawa po ng pagbaba, pag-uulan po ng mga bagyo.
04:04Kaya po naanod po lahat ng mga kubo namin.
04:08Masyado pong malakas yung hangin. Masyadong malaki pong dagok sa amin ito kasi ito lang po yung kinabubuhay namin.
04:14Tumas din ang tubig sa Bangkerohan River sa boundary ng Palayan at Bongabon.
04:18Sa kabuuan ng sa labing apat na libong inilikas, mahigit kalahati pa rin ang lalawigan ang nananatiling brownout.
04:25Wala pa rin pasok bukas ang pampubliko at pribadong eskwelahan sa lahat ng antas.
04:30Mel, sa mga sandaling ito ay bumuhos na muli ang napakalakas na ulan at umiihip na huli ang pagkalakas-lakas na hangin.
04:41Katunayan, halos tinutulak tayo rito ng hangin.
04:45At nananawagan naman ang lokal na pamahalaan ng Karanglan sa National Government na mapagawa na raw sana ang kanilang riverbank protection.
04:52Dahil heavily silted na raw ang kanilang ilog kaya napakabilis umapaw ng tubig at nilalamon na rin daw ng ilog ang kanilang mga bukirin.
05:00Yan muna ang pinakasariwang sitwasyon.
05:03Mula pa rin dito sa Karanglan, Nueva Ecija. Balik sa'yo Mel.
05:06Doble ingat ha! At maraming salamat sa'yo.
05:09Maris umali!
05:10Mula pa rin dito sa Karanglan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended