Skip to playerSkip to main content
Hindi lang mga bahay ang winasak ng mga daluyong sa probinsya ng Aurora. Wala ring panama sa hampas ng mga alon ang isang national road.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At hindi lang mga bahay ang minasak ng mga daluyong sa Aurora.
00:05Wala rin panama sa hampas ng mga alon ang isang National Road.
00:11Mula sa balep, nakatutok live si Ian Cook. Ian?
00:18Mel isolated nga mula rito sa sentro ng Aurora.
00:22Ang tatlo nilang bayan matapos nga mawasak ang mahabang portion ng kanilang National Road.
00:28At samantala Mel, marami rin bahay sa mga coastal areas ang nawasak dahil sa matataas na daluyong o storm surge.
00:39Hindi na makilala na mag-asawang Michelle at Joel Mamugay ang lugar nila nang balikan nila ito kanina.
00:46Wasak na komunidad ang binatna nila matapos manalasa ang daluyong o storm surge sa Gupa di Pakulaw Aurora na nasa gilid ng Pacific Ocean.
00:55Mabuti't lumika sila bago pa yan mangyari at sa evacuation center na nagpalipas ng magdamag.
01:02Nalungkot po ako at gano'n nga po, sira na po ang bahay namin.
01:06Hindi namin alam kung paano na naman po kami mag-uumpisa.
01:11Napakahirap pa naman po ng buhay.
01:12Walang nakakaligtas sa mataas at malakas na storm surge.
01:17Wasak ang bahay.
01:19Nabunot ang mga puno ang malalaking bato na buhat patungo sa kalsada.
01:24Mabuti na lang sumunod ang mga residente na lumikas kaya walang napahamak sa kanila.
01:31Ang iba, may konting naisalbang gamit bago nawasak ang bahay.
01:36Pinuntahan ko pa rin po siya.
01:38Nung nakita ko po siyang wasak na po yung mga dingding niya,
01:42yung mga gamit po po sa loob, nalikas ko pa rin po yung mga damit namin.
01:46Stranded naman ang ibang motorista sa Sityo Amper.
01:48Nawasak kasi ang malaking bahagi ng National Road.
01:53Malalaking alon din kasi ang lumamon sa lugar
01:56sa kasagsagan ng pananalasa ng Superbagyong Uwan.
01:59Kaya tila nagkadurug-turug ang highway.
02:01Ito yung daan patungo sa bayan ng dinalungan kung saan nag-landfall sa Aurora
02:06ang Superbagyong Uwan.
02:08Kasunod noon ang bayan ng Kasiguran at ang dulo ang bayan ng Dilasag.
02:13Sa lawak ng pinsala na nangyari dito dahil sa storm surge,
02:17ang tanong ngayon hanggang kailan pa makukumpuni ang kalsadang ito.
02:23Kasama rin sa apektado ang mahabang bahagi ng bayan ng Dipakulaw.
02:27Kaya ang ibang residente lakad ng solusyon.
02:30Naka-deploy na sa ngayon ang heavy equipment ng DPWH para ayusin ang highway.
02:36Sa Baler, hindi rin nakaligtas ang mga establisyemiyento sa Sabang Beach.
02:41Wasak ang pinaghirapan ng mga negosyante.
02:44Iniisip mo ito ng control ko lang para malakas sa loob ko.
02:49Dahil wala din po mangyayayap pag-iisipin mo na yung ganito.
02:52Hindi rin nakaligtas sa storm surge ang pader ng Aurora Police Provincial Office.
02:58Pinadala namin dito ng heavy equipment, yung bako.
03:02At natakpan namin.
03:05But noong time na nag-landfall na yung typhoon 1,
03:10nandun na po, bumagsak na, tuluyang bumagsak.
03:12Mel, ayon kay Aurora Governor Sid Galvan,
03:20sisikapin nilang makumpuni kaagad yung nasirang portion ng kanilang national road
03:27dahil, Mel, mahirap nga daw na isolated yung northern portion ng Aurora.
03:32At ayon pa rin sa gobernador, hanggang sa mga sandaling ito,
03:35ay wala pang naiuulat sa kanya na anumang casualty na epekto raw
03:40ng sama-samang pagkilos at pagsunod na rin ng mga residente sa itinakdang evacuation plan.
03:47Yan ang latest mula rito sa Aurora.
03:49Balik sa'yo, Mel.
03:50Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended