- 14 hours ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, tumataas po ang chance na maging bagyo ng low-pressure area na binabantayan sa Pacific Ocean.
00:11Ayon sa pag-asa, posibleng bukas ay nasa loob na yan ng Philippine Area of Responsibility.
00:18Kung sakali, tatawagin po yan na Bagyong Ramil.
00:21Huling namataan yan, 1,665 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
00:27Tinutumbok po nito ang Hilagang Luzon at posibleng magpaulan doon sa weekend.
00:33Sa ngayon, Easterlies ang nakaka-apekto sa Central at Southern Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas ayon sa pag-asa.
00:41Northeasterly wind flow naman ang umiiral sa ilang panig ng Northern Luzon.
00:46Mas makakaasa sa maayos na panahon ang nalalabing bahagi ng bansa pero posibleng pa rin po ang mga local thunderstorm.
00:54Na-perwisyo muli ng masamang panahon ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:00Dahil sa ulan, nalubog sa baha ang likuran ng isang mall sa bahagi ng reclamation area sa Bacolod City.
01:08Binasok din po ng tubig ang ilang tindahan at bahay na nasa tabing kalsada.
01:12Ang mga motorista at pedestrian tirap makatawin.
01:16Naranasan din po yan, new scooper Aster Luis Salmorin.
01:20Ayon sa pag-asa, Easterlies ang nagpaulan sa Visayas.
01:25Animoy Bagyo ang humagupit naman na ulan at hangin sa barangay Tibaog sa Santo Tomas, Davao del Norte kahapon.
01:34Sa takot ng ilan, kanya-kanya sila ng takbo para makahanap ng masisilungan.
01:40Inulan din ang bonggaw tawi-tawi.
01:43Ayon sa pag-asa, mga local thunderstorm ang naranasan sa probinsya at ilang pang panig ng Mindanao.
01:51Dalawang beses nagbugar ng abo ang Balkang Kanlaon ngayon pong umaga.
01:56Ayon sa FIVOX, may taas na hanggang 150 meters mula sa crater ang ibinugang abo.
02:02Unang nangyari ang ash emission, kaninang 6.54 ng umaga at naulit po ng 7.50 ng umaga na nanatili sa alert level 2 ang Kanlaon.
02:14Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang vulkan ng labingkitong volcanic earthquakes at mahigit 3,300 tonila ng asupre o sulfur dioxide.
02:25Wala pa rin pong pasukin, bawal pa rin pong pasukin ang 4-kilometer radius permanent danger zone.
02:36Sa ibang balita, hulikam ang panuloob sa isang paupahang bahay sa Quezon City.
02:42Ang kawatahan nakatangay ng dalawang cellphone.
02:45Balitang hatir di James Agustin.
02:47Masda na nalaking ito na biglang sumilip sa isang paupahang bahay sa barangay Payatas, Quezon City, mag-alas 4 noong umaga kahapon.
02:57Nang mapansin niya na may CCTV camera, bigla niyang inilusot ang kanyang kamay para tanggalin ito sa pagkakasaksa.
03:04Ang hindi niya alam, may iba pang CCTV.
03:07Ang sunod na nakunan na sa loob na nang bahay ang lalaki.
03:10Nagpalingalinga siya na tila may hinahanap.
03:13May hinawakan pa siyang bag, pero walang nakuhang gamit.
03:16Pagkatapos, sumakyat na sa ikalawang palapaganalaki.
03:20Dahan-dahan siya pumasok sa kwarto.
03:22Paglabas, tangin na niyang dalawang cellphone.
03:24Ang mga biktima nagtitinda ng saging at matagal nang umuupas sa bahay.
03:28Pagkagaising namin ng umaga, naghahanapan na ng cellphone.
03:32Nakala niya na tinatagos kasama.
03:34Nung nireview na niya si TV, yung nakita na napasok na pala kami.
03:39Ayon pa sa mga biktima, ilang beses na nilang nakita ang sospek na palakad-lakad sa lugar.
03:46Bago mangyari ang insidente.
03:47Laking pangihinayang nilalalo pat hindi naman kalakihan ng kanilang kinikita sa hanap buhay.
03:52Mahalaga ito, cellphone, kontak din lahat eh.
03:55Tapos, nandun din yung record na sa anak niya na may sakit na puso.
04:02Sana yung gumawa, pumasok kagabi na lumaban lang ng pariyas magtrabaho.
04:10Nai-report na ang insidente sa Barangay Payatas.
04:13Napagalaman na ang sospek.
04:14Residente rin sa lugar na ilang beses nang inireklamod dahil sa pagnanaka-umano.
04:18Pang-limang beses niya pong ninakawan.
04:21Ang una po ay ang DSWD.
04:23Yung sa batasan, yung gamit po ng bakla na mga blower, mga make-up.
04:31Tapos po yung dyan po dyan sa May Damo de Noche, mga damit po.
04:35Ngayon din po, ngayon sinabi po ng kapalitan ko na dalawang cellphone po yung nawala.
04:40Hindi raw nakakasuhan ng sospek sa mga dating insidente dahil nakikipag-areglo ang mga biktima.
04:46Makikipag-ugnayan ang barangay sa mga kaanak para maipatawag ang sospek.
04:50Umaasa naman ang mga biktima na maibabalik pa ang mga ninakaw na cellphone.
04:54James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:58Inireklamo na ng Department of Justice ang ilan sa mga sangkot umano sa Ghost Flood Control Projects sa Bulacan 1st District.
05:12Malvertation through falsification, perjury at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act
05:18ang inihabla laban kinadating DPWH Engineers Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
05:26Kasama rin po sa mga inireklamo si na Engineer RJ Dumasig, Project Engineer Lawrence Morales,
05:33Chief Accountant Juanito Mendoza, Bids and Awards Committee Member Flora Lynn Simbulan,
05:39DPWH Cashier Christina May Pineda, pati ang kontratis ng si Sally Santos ng Sims Construction.
05:46Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang mga inireklamo.
05:49Mas madali na pong makakuha ng kopya ang publikuan ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN ng Presidente,
06:00Disipresidente at iba pang opisyal ng gobyerno.
06:04Yan ay matapos wawiin ang bagong ombudsman ang direktiba noong Duterte Administration
06:08na kailangan muna ng permiso mula sa may-are bago mailabas ang SAL-EN.
06:14Balitang hatid di sa Lima Refran.
06:16The Office of the Ombudsman announces the reopening of public access of the Statements of Assets, Liabilities and Net Worth of Public Officials.
06:29Binuksa na sa publiko ni Ombudsman Jesus Crispin de Mulya ang access sa mga SAL-EN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth na mga opisyal ng gobyerno.
06:40The public has a legitimate right to know how those in government acquire and manage their wealth.
06:48Transparency in this area is not a slogan.
06:53It is a safeguard against corruption and a deterrent to abuse of power.
06:57Ang Memorandum Circular No. 3 of 2025 ni Remulya, pinawawalang visa ang naonang MC ni dating Ombudsman Samuel Martires na naghigpit sa paglalabas ng SAL-EN noong administrasyon ni dating Pangulong Duterte.
07:12Tinakdaring nito na kinakailangan ang permiso ng may-aring ng SAL-EN pag humailabas ito.
07:18As of today and as the Memorandum Circular is written, there is no need for consent on the part of the public officer whose SAL-EN is requested.
07:28Sa bagong memo, otomatikong granted o pagbibigyan ng request.
07:32Malima na lang kung wala naman sa Ombudsman ang naturang SAL-EN, kung gagamitin ito para sa commercial purposes o para mang-impluensya o mangharas,
07:41kung may ebidensya ng extortion o banta sa kaligtasan at iba pang nilistang kundisyon.
07:47Ang mahalaga kasi sa pagbibigay ng SAL-EN, ito transparency.
07:52Pero hindi ito, dapat dito, responsible rin yung kukuha ng information.
07:58Hindi naman pwedeng inaabuso natin yung informasyon na binibigay natin.
08:02Dapat may purpose talaga yan.
08:05It's a tool for accountability.
08:07Redacted o itatago ang permanenting address ng kawaninang gobyerno,
08:11pati na ang detalye ng mga minor de edad nitong mga anak,
08:15pati mga pirma at mga government-issued ID number.
08:19Nakapublic naman ang mga real properties at assets ng may-ari ng SAL-EN.
08:23Malaki raw ang maitutulong nito sa paglaban sa katiwalian.
08:27Lifestyle check po.
08:29Dahil makikita po natin doon sa SAL-EN kung gano karami or kung ano yung net worth ng isang tao.
08:36Ngayon po, pag meron po tayo mga evidence or documents to show that the lifestyle of a person
08:43exceeds or is disproportionate to that which is written in his SAL-EN,
08:48then it can be used in any investigation of any public officer for the violations under RA-3019.
08:57Ang hawak lang na SAL-EN ng Ombudsman ay ang sa Pangulo,
09:01pangalawang Pangulo, mga pinuno ng Constitutional Office at mga LGU.
09:05Kaya nakikiusap sila sa iba pang SAL-EN repositories na isa publiko rin ang mga hawak na SAL-EN.
09:12The office also calls on all agencies that keep official copies of SAL-ENs,
09:18the Civil Service Commission, the Office of the President, Congress and Judiciary
09:24and the local government units to align their practices with this policy.
09:30Consistency across institutions is key.
09:33Selective transparency only breeds suspicion.
09:37Para sa magre-request, kailangan na mag-fill up ng request form,
09:42magpakita ng dalawang government IDs at magbayad ng kaukulang fees.
09:47Magiging epektibo ang bagong memo labing limang araw matapos ang pagkakalathala nito.
09:53Sa Nima Refrain, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:59Sa ito pang balita, tagumpay ang pamimigay ng ayuda at krudo ng mga taga-Philipine Coast Guard
10:04at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga maging isda sa Eskwada Shoal
10:09kahit pa umaaligid po pa rin ang mga barkon ng China.
10:13Balitang hatid ni Bam Alegre.
10:16Sa kabila ng tensyon sa sand decay na sakop ng pag-asa island sa West Philippine Sea nitong linggo,
10:25itinuloy pa rin ang Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
10:29ang pamamahagi rin nito ng mga supply sa mga manging isda naman sa palibot ng Eskwada Shoal.
10:3530 nautical miles pa ang layo nila mula sa mismong Shoal o Bahura
10:39dahil sa pangaharang ng China Coast Guard.
10:41Mas konti tuloy ang huli nila na iisang tonelada pa lang na isda kahit paubos na ang mga supply.
10:59Katunayan, kahit ang pwesto ng aming BFAR vessel, may mga nakabantay na Chino.
11:05Sa aking likuran, may dalawang barko ng China Coast Guard na nandito sa ating paligid,
11:10nakabantay sa atin habang isinasagawa ng BFAR itong paghahatid ng mga supply sa mga manging isda
11:16malapit dito sa Eskwada Shoal.
11:19Apat na pong bangka ng mga manging isda ang nahatira ng ayuda at krudo sa Eskwada Shoal.
11:24Binili na rin ng BFAR ang mga huli nilang isda at inipon sa fish carrier na MV Mamalakaya ng BFAR.
11:30Minos sa gastos. Kaya kasalamat po kami na may supply na ganitong mga fuel.
11:36Ganun na kayo katagal sa laon?
11:38Dalawan linggo at tatlong araw po.
11:40Sampung vessel ng China Coast Guard at sampung barko ng Chinese Maritime Militia naman
11:44ang namonitor ng Philippine Coast Guard sa lugar.
11:47Meron ding dalawang barko ng China Navy na may dalang isang helicopter at high-speed response boat.
11:52Ang KBBM initiative natin is not a walk in the park.
11:58We were still subjected to a dangerous maneuver ng China Coast Guard and even the Chinese Maritime Militia.
12:06And in Eskwada, they even deployed itong tinatawag nating high-speed response boat
12:13para mangharas ng mga manging isda ang Pilipino.
12:15But despite of all that, ang ating pong mga miyembro ng Philippine Coast Guard and the BFAR
12:21really stood their ground, did terrific seamanship skills for them to be able to reach the Filipino fishermen.
12:30Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:35Ginundi na ng U.S. State Department ang ginawang pag-water cannon at pagbangga ng China
12:40sa mga barko ng BFAR at PCG habang nasa South China Sea.
12:46Sinusuportahan daw ng Amerika ang Pilipinas sa pagharap sa mga delikadong asal ng China
12:51na sumisira sa regional stability.
12:55Nanawagan naman ang China sa Pilipinas na huwag nang pumalag sa hangari nitong ipagtanggol
13:00ang kanila daw soberanya at maritime rights sa itinuturing nitong teritoryo.
13:05Kinuntra naman ang PCG ang radio challenge ng China
13:09na nagsasabing ang baho di Masinlok ay isang nature reserve daw ng China.
Recommended
20:50
24:05
10:19
12:59
11:56
11:10
15:04
22:00
11:23
15:00
20:23
16:05
17:07
21:12
16:22
9:39
18:39
13:54
13:59
14:10
Be the first to comment