Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Malalaking alon ang humampas sa baybayin ang Sibulan Negros Oriental.
00:19Kita ang pagtama ng mga alon sa sea wall sa Barangay Poblasyon kagabi.
00:24Sa gitna yan ng pagulan at malakas na hangin.
00:27Kanselado na mula kahapon ang biyahe ng mga sasakyang pagdagat sa Tagbilaran, Bohol, Cebu at Siquijor.
00:39Sinuspindi rin ang Coast Guard Station sa Sorsogo ng ilang biyahe mula roon pa Eastern Visayas, Northern Mindanao at ilan pang probinsya sa Bicol.
00:47Sa Catanduanes, hindi rin tinapayagang pumalaot ang mga bangka sa 7 lugar doon dahil sa banta ng malalaking alon.
00:57Mamayang gabi o bukas ng umaga, posibleng mag-landfall ang Bagyong Wilma sa Eastern Samar o sa Dinagat Islands.
01:09Namataan po yan ang pag-asa, 270 kilometers sila nga ng Borongan Eastern Samar.
01:14Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour.
01:19Easy na ilalim na sa wind signal ang ilang lugar sa Masbate at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:25Abangan mamaya ang listahan batay po sa 11 a.m. bulletin ng pag-asa.
01:30Sa pinakahuling forecast track ng pag-asa, tatawirin ng Bagyong Wilma ang kabisayaan hanggang sa araw ng linggo.
01:38Halos kagaya po ng dinaana ng Bagyong Tino.
01:41Sa lunes, posibleng nasa northern Palawa na ang Bagyong Wilma.
01:47Patuloy ang paghahanda ng ilang na taga Eastern Samar para sa posibleng epekto ng Bagyong Wilma.
01:51At may ulat on the spot, si James Agustin.
01:56James?
01:58Rati, walang tigil na yung mahinaga sa katamtamang buos ng ulan na nararanasan dito sa Eastern Samar sa sana kataas.
02:04Ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
02:07Pabugso-bugso yung ulan simula pa kagabi.
02:09Sa pinagalingan naming bayan ng Balanghiga, nakastanday ng rescue boat at iba pa search and rescue equipment.
02:15Gaya ng mga life vest at salvavida.
02:17Inihandaan na rin ng mga modular tents kung kakailanganin.
02:185 sa labing tatlong barangay ang binabantayan ng flood road.
02:22Ang tatlo ay malapit sa dagat, habang dalawa ay malapit naman sa ilog.
02:26Nagpatupad na rin ang pre-entry evacuation sa dalawang barangay.
02:29Lumikas ang ilang residente sa kanilang mga kaanak at mayroon din sa temporary shelter.
02:33Sabi ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office, ulan at shear line ang binabantayan nila na posibleng magpabahak sa ilang barangay.
02:41Sumatala Raffi, kararating lamang natin dito sa bayan ng G1 at dito ay pag-abon na lamang yung narapanasan sa mga oras na ito.
02:48Yan muna ilites mula dito sa Eastern Summer. Balik sa'yo Raffi.
02:52Maraming salamat at ingat kayo dyan, James Agustin.
02:55Mainit na balita, nakakuha ng panibagong freeze order ang Anti-Money Laundering Council.
03:04Ayon sa AMLOC, laban niya sa isang construction company na anilay, nakakuha ng pinakamaraming ghost flood control projects,
03:12pati ilang tao na konektado sa kumpanya.
03:14Sa klaw ng bagong freeze order na matanggap na AMLOC kahapon,
03:19ang 280 na bank accounts, 22 na insurance policies, 3 security accounts at 8 air assets.
03:26Dagdag ng AMLOC, layunin itong maibalik ang pondo ng bayan na hindi na gamit ng tama.
03:31Hindi pinangalala ng AMLOC ng naturang kumpanya ang sakop ng freeze order.
03:35Pusibli rin itong maharap sa mga reklamong graft at malversation.
03:40Ikalabintatlong freeze order na yan.
03:41Sa kabuuan, nakapagpa-freeze ng AMLOC ng nasa halos 13 bilyong pisong assets
03:47na may kaugnayan sa mga kumpanya at taong sangkot umano sa mga anomalya sa flood control projects.
03:55Ito ang GMA Regional TV News.
04:00Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:04Patay ang driver ng isang bus matapos makasalpuka ng isang trailer truck sa Ibaan, Batangas.
04:11Chris, ano ang nangyari?
04:17Connie, base sa investigasyon, nawala ng kontrol ang truck matapos na pumutok ang gulong nito sa bahagi ng Star Tollway sa Barangay Sabang.
04:25Doon daw nawala ng kontrol ang driver ng truck at napunta sa linya ng bus na papuntang Maynila.
04:30Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan.
04:35Labing siyam na pasahero ng bus ang sugatan at isinugod na sa ospital.
04:40Nasa wisospital ang driver.
04:42Hawak na ng motoridad ang driver ng truck na wala pang pahayag ukulong sa insidente.
04:47Wala pa rin pahayag ang kumpanya ng bus.
04:49Nagkaaberean naman ang ilang Christmas decorations sa munisipyo ng Subic, Sambales.
04:57Pulikam na pumutok at nag-apoy ang linya ng pailaw na nasa gilid ng municipal hall.
05:03Agad namang naapula ang apoy.
05:05Ayon sa Bureau of Fire Protection, may loose connection ang wire sa breaker kaya ito nagliab.
05:10Paalala ng BFP at DTI, dekalidad na Christmas lights lang ang gamitin.
05:16Dapat may Philippine standards at import commodity clearance marks ang mga ito.
05:20Kapag matutulog na, patayin na raw ang mga pailaw.
05:24Kung maulan naman ang mga dekorasyon, obserbahan kung magkakaproblema.
05:29At kung luma na rin ang mga pailaw, bantayan at maging maingat sa paggamit.
05:34Sa ibang balita, hintay-hintay lamang daw.
05:40Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Rimunia,
05:43bago maisilbi ang warrant of arrest ng International Criminal Court laban kay Sen. Bato de la Rosa.
05:51Niliwanag ko na yan sa mga kumakausop sa ICC.
05:54At ang sabi nga sa akin ay intay-intay lang,
05:57sapagkat meron ko na sinatapos upang pwedeng nyo lang iserve ang warrant.
06:02Hindi tinukoy ni Rimunia sa kanyang panayam sa unang balita sa unang hirit
06:06kung sino ang sinasabi niyang pumakausap sa ICC.
06:10Idadaan daw sa Executive Department sakaling mayroon ng arrest warrant.
06:15Muli niyang nilinaw na unofficial ang hawak niya umanong kopya.
06:18Nito'ng Nobyembre ng unang sabihin ni Rimunia na may arrest warrant na
06:22ang ICC laban kay de la Rosa.
06:25Simula noon, hindi na nagpakita sa Senado si de la Rosa.
06:29Hindi kinumpirma ng ICC kung may inilabas itong warrant laban kay de la Rosa
06:34na hepe ng Philippine National Police noong War on Drugs ng Administrasyong Duterte.
06:39Tulad nitong Martes, taas baba na naman ang inaasahang galaw sa presyo
06:49ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
06:52Ayon sa Department of Energy Oil Industry Management Bureau,
06:55batay sa 4-day trading, humigit kumulang na 70 centavos kada litro
06:59ang posibleng itaas sa presyo ng gasolina.
07:03Humigit kumulang 45 centavos naman ang nakikitang bawa sa kada litro ng diesel
07:07habang humigit kumulang 25 centavos naman ang nakikitang tapya sa kerosene.
07:13Ayon sa DOE, bunsod ang galaw na pag-atake ng Ukraine sa oil infrastructure ng Russia,
07:18pati ang tumatas na tensyon sa pagitan ng Amerika at Venezuela.
07:22Baging ang surplus o pagdami ng supply ng langis.
07:27Efektibo na ngayong araw ang maximum suggested retail price sa kaming baboy at carrots.
07:32Kabilang po ang mga bilihin na yan sa ininspeksyon ng Department of Agriculture
07:36sa Mega Q Mart sa Quezon City.
07:38At may ulat on the spot si Tina Panganiban Perez.
07:42Tina?
07:43Connie, wala naman nakitang malaking problema ang Department of Agriculture
07:47sa presyo at supply ng mga produktong agrikultural
07:50na mag-inspeksyon sa Mega Q Mart sa Quezon City kaninang umaga.
07:54Imikot mismo Connie ni Agriculture Secretary Francisco Chulaurel
07:58ang mga tindahan ng bigas, manok, baboy, isda at tulay.
08:02Ang inspeksyon ay kasabay ng pagpapatupad ng maximum suggested retail price ngayong araw
08:08sa taros at karneng baboy.
08:10Napansin ni Chulaurel na bumaba ang presyo na mga bilihin ngayong araw
08:14kumpara kahapon at posibleng ito'y dahil natunodan daw ng mga nagtitinda
08:18ang kanilang inspeksyon kanina.
08:20May mga bumibili pa rin ng galunggong kahit nasa 300 pesos na ang kada kilo
08:24dahil magmalasaraw ito kumpara sa ibang tinda.
08:28Ayon kay Chulaurel, kakaunti lang ang mga itinas o itinitindang galunggong ngayon
08:33dahil walang mabilhan ang mga importer.
08:35Ang tamba naman 200 pesos kada kilo, ang galunggong balsa 220, bangus 200 at tilapia 140.
08:44Ang puti at pulang sibuyas 120 ang kada kilo.
08:48Pero nasita ni Chulaurel ang isa nagtitinda.
08:51Nang sinabi nitong lokal ang mga tinda niyang mabiliit na pulang sibuyas
08:55dahil alam daw ni Chulaurel na imported ang mga ito.
08:59Sabi ng kalingin, hindi naman bawal magtinda ng imported na sibuyas.
09:03Ang bawal ay unproficating o sobrang patong sa presyo.
09:0760 pesos lang kada kiloan niya ang benta ng mga wholesalers sa imported na sibuyas.
09:13Pero pagdating sa palengke, umaabot ng 170 hanggang 120 kada kilo.
09:19May nakita pa nga ka ni Connie na 200 peso kada kilo.
09:23Nang tanoyin ng GMA Integrated News ang nagtitinda,
09:27hindi naman daw niya alam kung lokal o imported ang mga tinda niya.
09:31Sa baboy naman, 370 kada kilo ang liyempo, habang 330 ang kakin at sige.
09:38Magandang alternatibo ng mga nagtitipit,
09:40ngayong Hulaurel, ang manok na 190 hanggang 200 ang whole.
09:46Magsak daw kasi ang farm gate price ng manok ngayon na nasa 99 hanggang 110 kada kilo.
09:52Kung mahili ka naman sa maanghang, Connie, nakakapotas ng pulsa.
09:56Ang presyo ng siling labuyo, na nasa 600 ang kada kilo ngayon.
10:01Maglulunsa daw ang Depart of the Public Culture ng programa
10:04para maparami ang ani nito at mapababa ang presyo.
10:08Sa katauna na ang pagkakataon, sumama sa inspeksyon ng Food and Drug Administration
10:12at marami na itong nakitang problema,
10:15gaya ng repacking at recycling ng magtika at noodles
10:18na hindi sumusunod sa safety standards.
10:21Babala ni FDA Deputy Director General Attorney Franklin Anthony Tabakin
10:26kapag nagamit ang mga ito sa pagluluto,
10:29pwedeng mapanis agad ang pagkain o magkasakit ang nakakain.
10:34Ang manghuling nagre-repack o nagre-recycle
10:36ng hindi ayon sa safety standards
10:38ay pwedeng pagmultahin ng mula 50,000 hanggang ilang milyong piso,
10:44makulong ng 6 na taon at maharap sa mga kasong kriminal.
10:47Para masigurong tama ang presyo at kalidad ng mga binibili ng mga consumer,
10:53siniyak ni Chulaurel na regular silang magsasabawa ng surprise inspection.
10:58Connie?
10:58Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
11:02May tigil pasada ang transport group ng Manibela.
11:05Tatlong araw yan magtatagal simula sa Martes, December 9.
11:09Gagawin niya sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
11:12Ayon sa Manibela, protesta nila ito para saan nila'y harassment,
11:15sobra-sobrang penalties at mabagal na pagproseso ng gobyerno sa mga dokumento.
11:21Wala pang komento riyan ang Land Transportation Office at iba pang ahensya ng gobyerno.
11:25Kinan sila ng Securities and Exchange Commission ang Certificates of Incorporation ng St. Timothy at St. Gerard Construction
11:45na parehong pagmamayari na mag-asawang Sarah at Curly Descaya.
11:50Ayon sa SEC, ito ay dahil sa pagsusumite ng dalawang kumpanya ng maling impormasyon tungkol sa beneficial ownership.
11:58Naging basihan ang komisyon ang pag-amin noon ni Sarah Descaya sa Senate Blue Ribbon Committee na siya
12:03ang nagmamayari at opisyal ng dalawang kumpanya.
12:08Ngunit, batay sa SEC records, wala ang pangalan niya sa Beneficial Owner Declaration
12:14ng St. Timothy mula noong 2022 hanggang September 2025
12:19at ng St. Gerard mula 2022 hanggang 2024.
12:24Pinagmumulta rin ng tig-dalawang milyong piso ang dalawang kumpanya dahil sa paglabag.
12:29Ayon sa SEC, binigyan ng labing limang araw ang dalawang kumpanya para magpaliwanag
12:35pero hindi nila ito ginawa.
12:37Wala pang pahayag dito ang kampo ng mga diskaya.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended