- 4 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Joseph Moro
00:30Raffi Coni, ito nga yung ghost flood control project na ininspeksyon mismo ni DPW Secretary Vince Dizon dito sa Barangay Sipat sa Plaridel, Bulacan.
00:42At ang kanyang description dito sa proyektong ito, patay na pilit binubuhay dahil taong 2024,
00:48idineklara na 100% na na kompleto ito at sumingil na sa gobyerno ng 96.5 million pesos.
00:55Pero ang nakita ng Secretary Dizon dito, hinahabol na gawin ang proyektong ito.
01:01Dismayado si Secretary Dizon sa kanyang nakitang ghost flood control project dito sa Barangay Sipat sa Plaridel, Bulacan.
01:09At June 2024, nang ideklara itong nangangkontraktor nito na 100% na na kompleto.
01:17Ang kontraktor nito ay yung Wawaw Builders.
01:19At kumulekta na nga sa gobyerno ang kontraktor ng 96.5 million pesos.
01:25Base rin sa record ng DPWH, tatlong buwan lamang umano doon na tinapos ang naturang proyekto noong idineklara nila ito na tapos na.
01:34Pero sa pagdating ni Dizon dito, mga subcontraktor na lamang ang gumagawa at hinahabol ito.
01:40Tatlong linggo pa lamang ang nakakaraan nang sabihan sila na gawin ito sa halagang 700,000 pesos lamang.
01:47At ayon kay Dizon, yung mga nakapirma dito ay itong sinadating DPWH Regional Director Henry Alcantara,
01:56dating OIC District Engineer Bryce Erickson Hernandez, at OIC Assistant District Engineer JP Mendoza.
02:03Ang mainit na balita, Rafi Coni, ay dinismiss na ni Dizon itong si Alcantara na dating suspended lamang
02:09at sasampahan daw ng kasong kriminal sa mga susunod na araw.
02:13Ipididismiss na rin itong si Hernandez at Mendoza.
02:17Sa isang text message naman, sinabi ni Alcantara na iginagalang daw niya ang aksyong ito ni Secretary Dizon.
02:24Sa Senate hearing, ay nagpaliwanag noon si Alcantara na kung may nangabayaran daw man
02:28ng mga proyektong ghost or ghost projects, ay nagtitiwala lamang siya sa kanyang mga tao.
02:33Pero inamin din niya, nakapabayaan din niya ito.
02:37Sa isa pang mainit na balita, pinabablockmail na habang buhay na blacklisted din ang Wawao Builders
02:45at ang Sims Construction Trading.
02:47Ito naman yung kontraktor dun sa isa pang ghost project na binisita mismo ni Pangulong Marcos
02:53sa Barangay Piel sa Baliwag, Bulacan.
02:57Narito po ang pahayag ni Secretary Dizon.
02:59Patay na, pinipilit buhayin.
03:05Kasi nabayaran na siya eh, nung last year eh.
03:09Sabi dito ng DPWH, 100% completed na ito last year.
03:13Pero, siguro, 3 weeks ago, umiinit, nag-iimbestiga na ang Kongreso, nag-alit na ang Pangulo,
03:21pinipilit buhayin yung patay.
03:24Wala na ito eh, ghost project ito eh.
03:26Klarong klaro.
03:27Ito talaga, ninakaw yung 100 million na yan.
03:32Pero itong hayop na Wawao na ito, at yung kung sino man ang may-ari niyan,
03:39eh talaga kailangan managot yan.
03:40And kung sino man ang nag-aproba nito sa DPWH, kailangan managot nito.
03:48Rafi Con, itong tungkol naman dun sa mga courtesy resignation na hiningi nitong si Secretary Dizon,
03:54anim daw sa lahat ng anim na undersecretary ng DPWH ay nagsumite na ng kanilang courtesy resignation
04:01at dalawang linggo ang ibinibigay ni Secretary Dizon sa kanyang sarili para reorganisahin ang DPWH.
04:08Connie Rafi.
04:09Joseph, kung 700,000 pesos lang yung budget para dyan sa flood control project na nasa likod mo,
04:14ano ito, ipagpapatuloy pa ba nila o ipapatigil muna, Joseph?
04:17Joseph, ang sabi nitong si Secretary Dizon ay itutuloy na rin itong proyekto nito,
04:25pero tututukan na nila yung gagawin nito.
04:28At kanina, in-inspect ni Secretary Dizon yung bahagi ng dike.
04:32Ang akala namin, yung mga nakapatong lamang na mga sako ay ganun lang yung pagkakagawa,
04:37pero binungkal naman ng foreman at ipinakita na buhos naman yung loob.
04:41So, satisfied on that respect yung DPWH doon sa subcontractor na gumagawa nito.
04:47Pero yung question mo, itutuloy pa rin yung proyekto na ito, pero tututukan na ng DPWH.
04:53Gayunman, nangangamoy kaso talaga ito, Joseph. Marami ba yung pupwedeng kasuhan dahil dito?
04:59Hindi, medyo. Malaki talaga eh yung nawala sa kabanang bayan.
05:02At na-establish pa kung sino yung kumuha dyan sa subcontractor, Joseph?
05:05Yung original na contractor ng proyekto nito, yung WOWOW, ang kumuha sa kanila ng subcontractor.
05:18Pero 96 yung tinolect nila, ayon dito kay Secretary Dizon, 96 million sa gobyerno.
05:23Pero nung hinahabol, 3 weeks ago, itong project na ito, kasi nga mainit na yung issue ng flood control,
05:28ang sabi ng foreman na nakausap natin, at nakausap ng Secretary Dizon, 700,000 lamang yung kontrata nila para gawin yung nakikita nyo ng bahagi na yan.
05:37So may mga putik-putik pa yan, at dun sa dulo, medyo hindi pa kompleto.
05:42So, maraming kakasuhan. Ang glaring dito, ididikit na ito, dito kay DPWH Regional Director Henry Alcantara,
05:55kasi sabi nga ni Secretary Dizon, medyo glaring. So, kumbaga, kung ebidensya at ebidensya, ito na, Rafi.
06:01Joseph, may karagdagang tanong si Connie.
06:04Yes, Joseph, nabanggit mo na 700,000 lamang yung ibabaya dito sa subcontractor.
06:09So, itong 700,000 as compared dun sa 96 million, papaano ba yun ibabalik pa?
06:17Kukunin ba doon mismo sa WOWOW din, yung ipang tutuloy dyan, papaano ba yung mga giging direktiba?
06:25So, yun ang wala pang detalye itong si Secretary Dizon, hindi pa natin siya natanong about it.
06:31Kasi June 2024 pa si Ningil. Anong hinabol na? Ang sabi, 700,000.
06:37Hindi ko lang alam kung kanino si Singil itong si, yung foreman.
06:42Kasi ang kausap nila, yung WOWOW, 700,000. Nag-aalala nga siya na baka hindi mabayaran.
06:47Pero ang sabi naman itong si Secretary Dizon, itututukan nila itong ginagawa nila.
06:51At ayusin kung dapat may ayusin, Connie.
06:54Maraming salamat, Joseph Morong.
06:58Isa pang mainit na balita, nag-resign na.
07:01Si Herbert Matienzo, bilang Executive Director ng Philippine Contractors Accreditation Board, o PICAB,
07:06ang ahensyang nagbibigay ng lisensya sa mga kontraktor sa gobyerno.
07:11Sa gitna po yan ang isyo ng mga maanumalyang flood control projects.
07:14Sa isang text message na DZBB, sinabi ni Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na personal ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Matienzo.
07:24Nag-resign si Matienzo sa gitna ng imbisigasyon sa maanumalyang umanong flood control projects.
07:30Nakitaan ng conflict of interest ang PICAB.
07:32Kasunod ng mga aligasyon ni Sen. Ping Lakso na mismong mga opisyal ng ahensya,
07:37ang contractors umano sa ilang government projects, ipinagbibili rin umano ng PICAB ang accreditation nito sa mga kontraktor na una nang itinanggi ng ahensya.
07:48Nasa direktang pamamahala ngayon ni Roque ang PICAB, kasunod po ng mga naturang aligasyon.
07:54Sinisika pang kunin ng GMA Integrated News ang pahayag ni Matienzo Kaugnay sa kanyang pagre-resign sa PICAB.
08:01Mayinit na balita ay sinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order ng Bureau of Immigration
08:08ang 35 iniimbestigahan kaugnay sa flood control projects.
08:13Mula yan sa pinagsamang hiling ng Senate Blue Ribbon Committee at ng DPWH.
08:17Sa tulong ng Lookout Bulletin, mababantayan kung lalabas ng bansa si DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral at iba pang tauhan ng kagawaran.
08:26Gayun din sinadating Bulacan 1st District Engineers Henry Alcantara at Bryce Erickson Hernandez.
08:33Kasama rin ang ilang kontratista gaya ni Sara Vizcaya na ayon sa kanyang kampo ay hindi magtatago
08:38at ni Luisito Tiki na handa rin makipagtulungan sa investigasyon ng Senado at ng Kamara.
08:44Sinusubukan pang kunin ng pahayag ng iba pang nakalista.
08:48Walang naging epekto sa bansa ang Bagyong Kiko na luwabas na sa Philippine Area of Responsibility.
08:58Gayunman, nagpaulan sa ilang bahagi ng Luzon ang habagat.
09:02Sa Tabok Kalinga, nagkaroon ng landslide sa barangay Bulanaw.
09:05Nasaway ang 17-anyos na lalaking estudyante matapos matabunan ang lupa sa loob ng kanilang bahay.
09:12Binahan naman ang mga barangay ng Apas at Kalagdao.
09:15Umabot ang tubig hanggang bubong ng ilang bahay.
09:19Hindi naman madaanan ng mga motorista ang kalsada na nagdurugtong sa mga bayan ng Balbalan at Pinokpok dahil sa rumaragasang mudflow.
09:28Naantala ang clearing operation sa lugar dahil sa patuloy na pagulan.
09:33Sarado rin sa mga motorista ang mga naangnara bridge sa Ichage, Isabela.
09:37Umapaw kasi roon ang mga debris at mudflow sa nhinang pag-apaw ng tubig.
09:42Sa Ilocos Norte, abot hanggang tuhod ang baha sa ilang bahagi ng batak.
09:47Ayon sa mga residente, umapaw ang sapa sa lugar dahil sa pag-ulan.
09:52Nang humupang tubig, sang katerbang putik ang naiwan sa ilang kalsada.
09:57Mataas ang tiyansa ng ulan sa Metro Manila ngayong araw.
10:03Ayon sa pag-asa, apektado po ng hanging habagat ang NCR, ilan pang bahagi ng Luzon at Western Visayas.
10:10Kahapon ang hapon, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Kiko.
10:14Sa mga susunod na oras, uuulanin ang halos buong bansa base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
10:20Pusible ang heavy to intense rains, kaya maging alerto po mula sa banta ng Bajao Landslide.
10:26Ayon sa pag-asa, asahan ang malalakas na ulan dahil sa habagat sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Benguet at Zambales.
10:34Asahan din po ang ulan dito sa Metro Manila.
10:37Pusible ang malalakas na buho sa ilang panig ng Quezon City, Caloocan at Marikina.
10:42Ito ang GMA Regional TV News.
10:49Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:54Isinisisi po sa Baradong Floodgate ang pagbaha sa ilang lugar sa Santa Ana, Pampanga nitong mga nakaraang araw.
11:01Chris, may aksyon na bang ginagawa tungkol dito?
11:03Connie, inalis na ngayon ang mga basurang bumara sa floodgate.
11:10Ayon sa mga otoridad, natakpan ang mga basura ang floodgate kaya umapaw ang tubig at nagpabaha sa ilang lugar.
11:17Nasira rin daw ang slow protection ng isang diet roon dahil sa naipong basura.
11:22Tatalakayin ng mga local official at National Irrigation Authority ang obligasyon nila sa floodgate para maiwasan ang muling pag-apaw ng tubig.
11:31Huli kam naman dito sa Dagupan, Pangasinan, ang paglalaro ng baraha ng ilang tauhan ng Public Order and Safety Office.
11:40Kita sa mga larawan na may isang tao sa gilid na may hawak ng baraha.
11:45Ang isa naman, wala mang hawak ay may nakalatag naman na baraha sa kanyang harap.
11:50May ilang bariya rin sa mesa.
11:52Kuha umano ang mga larawan sa loob ng kanilang tanggapan noong kasagsaga ng masamang panahon noong Hulyo.
11:58Lumabas ito sa social media kamakailan.
12:00Kamakailan lang din ay nagbabala ang Civil Service Commission na mapaparusahan ang mga empleyado ng gobyerno na maahuling nagsusugal habang nasa trabaho.
12:10Sabi naman ang pamunuan ng poso, tapos na ang duty ng mga nasa larawan at nagpapalipas lamang ng oras bago sila umuwi.
12:18Pambili umano ng kape at hindi pusta ang mga bariya sa mesa.
12:22Hindi mo na pinapasok sa trabaho ang dalawang empleyado habang isinasagawa ang investigasyon.
12:29Sinisikap ng GMA Regional TV na makunan ang pahayag ang mga nasa larawan.
12:33Sinaksak ang isang lalaking sa Antipolo Rizal ng isang babaeng tumabi sa kanya.
12:40Ang suspect, dati na raw nasangkot sa mga insidente ng pananaksak.
12:44Balitang hatid ni EJ Gomez.
12:46Pagmasda ng lalaking yan na umupo sa harap ng isang tindahan sa Barangay San Isidro sa Antipolo City pasado tanghali noong Martes.
12:57Maya-maya, isang babaeng may dalambag ang lumapit at umupo sa tabi ng lalaki.
13:03Hindi nahagip sa CCTV pero ang babae kumuha na pala ng kutsilyo sa kanyang bag at biglang sinaksak ang lalaki.
13:13Napatayo pa ang lalaki habang tumakbo naman ang babaeng nanaksak.
13:18Nakahingi ng tulong ang lalaki mula sa isang babaeng lumabas sa gate.
13:22Hinabol ng ilang residente ang suspect.
13:25Ang napadayo lang siya roon, nagpaalam pa dun sa pinsan na bantay ng tindahan na makikupo lang.
13:32Yung pinsan niyang nakaupo naman dun, nilakakain lang, tumambay na yosi.
13:37Bigla na lang pong sinaksak eh.
13:39Pag dating namin dun, may hawak ng kutsilyo pa yung babae.
13:43Doon na namin siya na-trap yung babae nung binitawan niya yung kutsilyo.
13:51Inaresto siya ng mga tauha ng barangay San Isidro.
13:54Nakuha rin ang ginamit niyang patalim na abot sa labin dalawang pulgada ang haba.
13:59Ayon po dun sa pinsan niya, anong biktima, itinakbo po agad nila sa ospital.
14:06Nung ano kasi medyo dumudugun at sabi niya masakit yung dibdib niya.
14:11Kasi ang tama niya po yung nasa kaliwang dibdib.
14:13Kritikal ang kondisyon ngayon ng 26-anyos na biktima ayon sa barangay.
14:18Itinanggi ng 30-anyos na sospek ang pananaksak.
14:22Hindi rin daw sa kanya ang nakumpiskang patalim.
14:25Sa records ng barangay, dati nang nasangkot ang babae sa ilang insidente ng pananaksak sa Antipolos City.
14:49Bali, nakatatlong insidente ng pananaksak na po siya, bago po itong bago.
14:57Yung una po is yung lalaki po na sinaksak niya is nag-50-50 po yun.
15:02Tapos after one week, namatay din po yung biktima.
15:05Tapos po yung pangalawa, siya rin po yung nananaksak po sa may simbahan, ng Antipola Simbahan po.
15:12Tapos yung pangatlo po is sa police station po yun na may sinaksak din po siyang polis.
15:17Ano, records din na may mental health disorder po siya.
15:22Nakapiit sa custodial facility ng Antipolo Police ang sospek.
15:26Sasampahan siya ng reklamong frustrated homicide.
15:30EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:34Isang araw lang matatapos ng imbestigasyon?
15:58Yan ang sagot ng Malacanang nang sabihin ni Vice President Sara Duterte na tila nanonood lang ang taong bayan sa isang sarswela sa imbestigasyon sa flood control projects.
16:22Nakakaduda raw ito ayon sa vice at tila may niluluto ang pamalaan habang nakatutok ang lahat sa isyong ito.
16:28Sabi ng Malacanang, hindi pamumuliti ka ang imbestigasyon at para yan sa taong bayan.
16:33Kung kaya raw ito na isang araw, sana raw ay hinimok din noon ang vice ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte,
16:38na dati na rin daw nagsabing may ghost flood control projects.
16:45Kung isang araw lang po dapat ito naimbestigahan, sana po ay ito ay kanyang nasagyes noon sa kanyang ama dahil mismo ang dating Pangulong Duterte
16:56ay umamin na maraming ghost projects rampant noon.
17:00Binawi ng Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng SHAM na kumpanyang pagmamayari o kontrolado ng Pamilya Diskaya.
17:10Sabi ng Sikab sa kanilang desisyon, labag sa batas,
17:13ang inamin ni Sara Diskaya sa pagdinig ng Senate Gloribon Committee
17:16na may pagkakataong nagbibid ng sabay-sabay ang kanilang mga kumpanya para sa iisang kontrata sa gobyerno.
17:23Kabilang sa SHAM na binawihan ng contractors licenses,
17:25ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation
17:28at St. Timothy Construction Corporation.
17:32Ang dalawang nabanggit na kumpanya ay kabilang sa top 15 contractors
17:35na isiniwalat ni Pangulong Marcos na may pinakamalalaking ng flood control projects sa bansa.
17:41Sa panayam ng unang balita sa unang hirit sa abugado ng mga diskaya na si Atty. Cornelio Samaniego III,
17:47sinabi niyang iaapel na nila ang desisyon ng PICAV.
17:50Hindi raw sila nabigyan ng due process o sapat na panahon magsumite ng mga kaukulang dokumento
17:55bago binawi ng PICAV ang contractor's licenses ng mga kumpanya ng Pamilya Diskaya.
18:02Update po tayo sa naging inspeksyon ng Bureau of Customs sa luxury vehicles ng mga diskaya
18:07at ang mga susunod na hakbang kaugnay po sa mga sangkot na sa maanumalyang flood control projects.
18:13Tausapin po natin sa Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepomuceno.
18:16Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie, sir.
18:20Magandang umaga rin po, Ma'am Ponya, sa ating mga kababayan. Magandang umaga po.
18:24Makiki-update lamang ho kami doon sa mga nakuha na po ng Bureau of Customs na mga luxury cars.
18:30Ilan na po ba ito in total at ano ho ang update natin tungkol sa mga na-discovery po ninyo?
18:34Ah, kahapon pa lamang, mga labing-apat na ho yung nakuha natin.
18:39Labing-dalawa yung hinahapon natin base sa visa ng search warrant na hinatid namin doon.
18:45Pero meron dalawang dumagdag, kaya't labing-apat po yung luxury vehicles na nasa costo din po natin.
18:52Subalit na kagabi, may mga nadadagdag pa at inaasahan natin madadagdagan pa ito more than 14.
18:58Okay, pero sa ngayon ho ba may mga nadescubre na ho tayo na mga irregularidad
19:03base po doon sa mga pangunang, mga nakuha po ninyo na 14 luxury cars.
19:09Maaga pa po, Mang Connie, bigyan niyo pa po kami ng ilang araw para very fair, very accurate.
19:15Magiging transparent naman po ang BOC.
19:18Sinisigurado ko po kayo at ang ating mga kababayan na iuwulat natin yung tama
19:22kung ano po talaga nakikita natin dito upang maging eksakto po.
19:28Base sa dokumento, base din po doon sa makikita namin doon sa mismo kotse,
19:32sisipatin po namin pati yung VIN number niyan kasi ang dokumento,
19:36kailangan tugmarin po yan doon sa klase ng kotse.
19:39Malalaman po natin itong lahat, Mang Connie.
19:42Okay, at kung sakaling kulang ho, halimbawa sa buwis na binayaran,
19:45hindi ba ibig sabihin ay may mga kasabot din ho sa loob ng BOC?
19:49O kaya kung sinasabi ho ng kanilang lawyer na hindi naman marerehistro yan,
19:53bakit pati sa LTO?
19:55Ano ho ba ang ating direksyon tungkol po dito?
19:57Possible po yun, Mang Connie.
20:00Isa yan sa tinitingnan natin talaga.
20:02Dahil kung totoo na kulang ang pinagbayaran niyan
20:05at kung totoo rin na talagang may mga tama ang dokumento niyan,
20:08may mga mali dinoktor ang dokumento,
20:12of course, nagkaroon niya ng kakampi o kasabot
20:15mismo dito sa aming ahensya.
20:18Of course, hindi ako nagdadahila na bago lang po akong commissioner.
20:20So, balita, sinisigurado po po kayo at ang ating mga kababayan,
20:25titignan po natin talaga sa nagsimula to anong dulo nito
20:28at kung sino po dapat po nating panagutin.
20:30Mananagot naman po yan, sisigurutin po natin yan.
20:34Pero matagal pa po siguro ang ating aantayin bago masubasa ito
20:38dahil sa inisyal nyo nang nabanggit na talaga ipasusubasa nyo kung sakasakali.
20:43Pero ang minimum po sabi ninyo ay 28 at least doon sa mga nabanggit po
20:48dapat makuha po ninyo.
20:49Pero ano ho bang update?
20:52Sabi ho sa LTO daw ni Senator Jingoy,
20:54merong 80 na mga sasakyan pa itong Disgaia.
20:59Tama po kayo, 28 po yung tinitignan namin dapat
21:02dahil mismong sila Disgaia family na rin
21:07ang nagbanggit sa hearing sa Blue Ribbon Committee na 28 po yun.
21:11Doon naman po kay Senator Jingoy,
21:14po kami,
21:16yung 80 na rin, hindi naman po lahat yung luxury vehicles.
21:19Kasama na rin po dyan kasi yung mga ginagamit sa kumpanya,
21:23halimbawa ng mga traktora, mga heavy equipment.
21:27In fact, more than 80 po yun kung ipagsasama-samayin.
21:30So balit, ganito naman po yan, Ma'am Pony.
21:32Yung mga luxury vehicles, may mga paraan po tayo na malaman
21:35ilan po talaga yan, meron tayong magagawa po dyan.
21:39Kung more than 28 yan, malalaman po natin yan.
21:41Basta kami, at the minimum, tinatarget namin makuha natin yung 28.
21:46Kasi sa kanila po mismo galing yung numero na yan.
21:49Apo, okay.
21:50At bukod po sa mga luxury cars na ito,
21:53meron din po ba kayong iniimbestigahan sa pamilya Disgaia?
21:56Kung bukod sa mga mamahaling sasakyan na yan,
21:58may mga private planes ba, yate at iba pa?
22:02Tinitingnan po natin yun.
22:03At to be exact, Ma'am Connie,
22:07hindi lang naman po sa Disgaia family tayo tumitingin.
22:10Dahil ang utos sa amin ni Pangulong Bombong Marcos,
22:12lahat po ng mga nababanggit dito sa nangyayaring investigasyon,
22:16yung mga nakikita natin, narinig natin sa mga pag-uulat po ninyo,
22:21tinitingnan po namin po lahat yan.
22:22Hindi lang po ang pamilya Disgaia.
22:25Alright.
22:25At sa ibang issue naman po tayo, magpapasko na,
22:29alam din po natin na marami hong kailangan gawin din
22:31ang Bureau of Customs,
22:33hindi lang po dito sa mga issue na ito.
22:36Ano ang ating paghahanda sa holiday season?
22:38Lalo na at inaasahan po,
22:40nadadami syempre yung mga packages na naman sa bansa.
22:44Pinagbubuti po namin, lalo na po sa balikbayan boxes.
22:47Wala pa po ako may uulat kung ano po yung mas maganda natin sistema.
22:50Isa po yan sa gusto ko po mismo maayos po natin
22:54dahil naunawahan po natin.
22:56Yung mga balikbayan boxes,
22:57yan po yung mga pinaghihirapan po ng ating mga OFWs,
23:01mga Pilipino na mga kababayan natin na nagkatrabaho sa abroad
23:04upang makapagpadala sa kanilang pamilya.
23:07Paano po namin paggagandahin na mabilis po itong makarating sa kanilang pamilya?
23:10Subalit, kung paano...
23:12Itan po na mga hindi tamang mga kargamento.
23:16Kagaya po kahapon, buti na lang, nahuli po natin,
23:21mahigit kalahating billion po yung halaga ng shabu na nasabat po natin,
23:28galing pa po ito ng bansang Amerika,
23:30na isiningi po dito sa mga balikbayan boxes.
23:32Yan nga po.
23:35Nakakalungkot po yan dahil nananamantala po yung mga sindikato sa likod nito,
23:40na alam nila nag-iingat tayo sa balikbayan boxes,
23:43so yan po ang ginagamit nilang kaparaanan upang makarating po ang illegal drugs.
23:49Okay, paigtingin nyo rin ho ba yung inyong mga x-ray machines
23:54na sinasabing, yung ilan ho, parang masabi lang na may x-ray machine
23:58kahit na wala ho daw silbi talaga at wala talagang nakukuha
24:02mula ho doon sa mga areas na po pwedeng pagpasukan po nito mga balikbayan boxes.
24:07Ang ganun po, Ma'am Connie, yung mga x-ray machines na para sa balikbayan boxes,
24:12magaganda po yan dahil yan po yung mas compact, mas maliliit po yan.
24:16Yan, ayos naman po yan.
24:17Although magdadagdag po tayo ng karagdagang ganyang x-ray machines, scanning machines,
24:23upang pag nasira yung isa, meron naman po tayong emergency na magagamit.
24:28Ang kailangan po namin i-upgrade ng mga x-ray machines,
24:31yun pong malalaki na magkakasya po yung mismong mga containers.
24:35So yun po ang kailangan po namin natin i-upgrade at i-modernize.
24:40Marami pong salamat, sir, sa inyo pong oras na binahagi sa amin dito sa Balitanghali.
24:44Salamat din po, Ma'am Connie. Thank you rin po.
24:46Yan po naman si Bureau of Customs Commissioner Ariel Nepubuseno.
24:49Nagkasundo ang Department of Budget and Management at Department of Public Works and Highways
24:55na re-repasuhin ang budget ng DPWH para sa 2026 sa loob ng dalawang linggo.
25:01Kasunod ito ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos na suriin ang mga dapat baguhin sa budget
25:05para sa transparency at accountability.
25:08Magbibigay raw ang dalawang ahensya ng listahan sa Kongreso ng mga babaguhin sa budget.
25:13Sabi ni DPWH Secretary Vince Dyson,
25:16dapat alisin na ang mga proyektong doble at mga natapos na.
25:20Nilinaw din ni Budget Secretary Amin na pangandaman na pondo lang ng DPWH
25:24ang i-review dahil wala namang nakitang mali sa iba pang ahensya.
Be the first to comment