Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghahabulan ang motosiklo at kotse niyan sa Barangay Poblasyon sa Teresa Rizal.
00:06Halos mawalanan ng balanse ang rider habang patuloy siyang guligit-git ng kotse.
00:12Maya-maya, tumumba na nga ang rider at muntikan pang magulungan ng kotse.
00:18Nagpadausdos siya hanggang makatayo kalaunan.
00:21Bumaba ang driver ng kotse at sinigawan ang rider na huwag na raw siyang tatakbo.
00:26Isinumbung pa ng driver ang rider sa mga lumabas na residente.
00:29Pero siya ang kinumpronta ng mga taga-roon.
00:33Base sa embesigasyon, nasagi umano ng motor ang kotse.
00:37Hindi raw tumigil ang motosiklo kaya humantong sa habulan.
00:41Nagkasundo kalaunan ang driver at magulang ng rider na 15 anos pa lamang
00:46na sasagutin ang pagpapagamot sa binatilyo pati ang mga sira sa motor.
00:51Pero nang mapanood ng kanyang mga magulang ang kuha ng CCTV,
00:55nagdesisyon silang magsasampan na lamang ng reklamo laban sa driver.
01:01Tumangging magbigay ng pahayag ang driver.
01:03Ipinagutos naman ang Department of Transportation
01:06ang habang buhay na kanselasyon sa lisensya ng nasabing driver.
01:11Na-aresto sa Quezon City ang isang abogada na inireklamo ng panluloko.
01:18Nag-aalok daw kasi ang suspect ng investment.
01:21Tapos ay hindi na magpapakita matapos makatanggap ng pera.
01:26Balitang hatig ni Jomer Apresto.
01:28Sinilbihan ng Warren Dovarez ang isang babae sa tapat na isang restaurant sa Timog Avenue sa Quezon City kagabi.
01:40Ang akusado, abogado na sangkot umano sa investment scam at naharap sa kasong staff sa Santiago City, Isabela.
01:48Ayon sa pulisya, dumulog sa kanilang isang mag-asawang biktima na nakapagbigay raw ng 140,000 pesos na investment sa abogado.
01:55Sa pangakong kikita sila ng 5,600 pesos kada linggo.
02:00Pero matapos makuha ang pera, hindi na raw nagparamdam sa kanilang abogado.
02:04Nag-sit up tayo ng meeting sa kanya with a complainant na mag-additional ng investment.
02:09So yun, pumayag yung suspect natin na makipagkita.
02:16Pagdating sa isang restaurant sa Timog Avenue, sinerve natin yung Warren Dovarez sa kanya.
02:21Nakakulong na raw noong nakarang taon ng akusado dahil sa kaparehong kaso.
02:24Nakapagpiansa siya pero hindi na umatend ang mga hearing at nagtaguumanon sa Metro Manila.
02:29Sa investigasyon ng pulisya, madaling napapaniwala na akusado ang mga biktima dahil sa kanyang profesyon.
02:35Ang mga inaalok niyang investment para sa mga negosyo tulad ng tracking at rent-a-car services.
02:40Abot daw sa halos 30 ang mga complainant laban sa abogadong itinurong scammer.
02:44Ang lumutang dito is 4.
02:46Then allegedly may 27 pa na complainant na parating.
02:50All from Cagayan Valley.
02:53Bukod sa investment scam, inireklamo rin siya ng ilang kliyente dahil sa hindi niya umano pagsunod sa kanilang usapan bilang abogado.
03:00Tulad ng biktimang ito na nagpapatulong sa problema sa kanilang lupa.
03:03Pero matapos makuha umano ang nasa may 200,000 pesos na bayad, no show na raw si attorney.
03:09Nawala po kasi yung title ng lupa namin.
03:12Siya yung mag-aasikaso pero hindi niya po inasikaso yung lahat.
03:15Ang tatamis ng mga salita niya, talagang makukuha niya yung loob niyo kasi as a lawyer, kasi gagamitan kanya ng mga legal terms.
03:25Nasa custodian ng Project 4 Police Station ng akusado habang hinihintay ang commitment order ng korte.
03:30Hinihikaya naman ng pulisya mga nabiktima na akusado na agad magsampan ng reklamo para maiangat sa syndicated staffa ang kaso.
03:37Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:45Huupo muna bilang acting chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang vice chairman itong si Sen. Erwin Tulfo.
03:53Tumanggi kasi ang limang senador na pinagpipilian bilang chairman ayon kay Sen. President Tito Soto.
04:00Balitang hati at di Mark Salazar.
04:06Lima ang pinagpipiliang pumalit kay Sen. Ping Lakson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
04:12Pero sa kokos ng mayorya, wala pa rin na pa-oo sa kanila para mamuno sa kumiting nag-iimbestiga ngayon sa kontrobersyal na flood control projects.
04:21None of the five, including Sen. Teresa and Sen. Tia, what's the position?
04:27Oo, yan. Basta sila pa rin kandidato namin.
04:31Lahat ng mga kasama na any of the five, especially siya.
04:36But none of the five wants it right now?
04:39Right now, yes.
04:40Nauna ng tumanggi si Sen. J. V. Ejercito na naniniwalang may ibang mas karapat dapat sa posisyon.
04:47Tumanggi na rin si Sen. Rafi Tulfo at Kiko Pangilinan na abala raw sa kanilang mga kasalukuyang kumite.
04:54Hinihinga namin ang pahayag si Sen. Risa Ontiveros pero hindi rin daw siya napapayad ni Soto.
04:59Ang sinasabi nila is very busy sila doon sa mga hearings nila eh.
05:04Halos lahat, dalawa, tatlo committee eh.
05:06Na hinahawakan nila na very, very important committee, major committee.
05:10So what they are saying is that they don't have time for it right now.
05:17So kaya yung right now, ibig sabihin no, kaya hindi namin din scout na yung lima eh totally out.
05:22Si Sen. Pia Cayetano hindi raw saradong no ang sagot pero busy nga raw siya at masaya sa dalawang hawak niyang major committee.
05:31Hindi madaling umuo sa mga ganyang bagong posisyon and because my name was mentioned,
05:39it's my job to consider it, diba? 24 lang naman kami and then lima lang naman kaming abogado.
05:44So gustuhin ko man o hindi, it's my job to consider it if there is a need to chair the committee on Blue Ribbon.
05:53Wala akong doubt that I can do a good job with all humility naman.
05:57But I really want the best position, the best person for the job to handle this kasi this is a defining moment for the Filipino people.
06:08Sa ngayon, ang vice chair ng committee na si Sen. Erwin Tulfo ang uupong acting chairman.
06:13Nagpasalamat naman si Tulfo sa tiwala ng mga kasamahan.
06:18Umaasa raw siyang magkakaroonan ng permanenteng chairman ang Blue Ribbon Committee sa lalong madaling panahon.
06:24Nasa ibang bansa pa si Tulfo kaya sa susunod na linggo pa magpupulong ang komite para pag-usapan ng susunod nilang hakbang.
06:32Pagtitiyak ni Soto, magpapatuloy ang investigasyon ng Blue Ribbon Committee sa isyo ng flood control projects.
06:38Tuloy rin daw ang kanilang pakikipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
06:45Ang nagbitiw namang chairman ng komite na si Lakson, wala sa majority caucus dahil may sakit daw.
06:51Pero ayon kay Soto, lalahok pa rin si Lakson sa investigasyon ng komite.
06:58Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:03Ito ang GMA Regional TV News.
07:09Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
07:13Magtatayo ng Detour Bridge sa Alcala, Cagayan.
07:17Matapos bumagsak nga po yung pigatan bridge nitong lunes.
07:21Chris, kailan daw masisimulan yan?
07:25Pony, ngayong araw na rin sisimulan ang konstruksyon ng Detour Bridge katabi ng gubuhong tulay.
07:31Bukod sa Detour Bridge, plano rin ang Department of Public Works and Highways na magtayo ng Detour Bridge para sa mga lumang tulay sa lalawigan.
07:39Parang daw ito para maiwasang maulit ang ganitong klase ng insidente.
07:43Sa inspeksyon kahapon ng DPWH, nasabi ni Secretary Vince Tizon na pusibling hindi lang overloading ang sanhinang paghuhu ng tulay.
07:51Luma na raw kasi ang mga materyales ng pigatan bridge na itinayo noong pang 1980 at niretropit lang noong 2016.
07:58Ayon sa DPWH, dapat taon-taon sinusuri ang tulay.
08:03Inama naman ni Cagayan Gov. Edgar Adlipay na responsibilidad dapat niya na makita na kailangan na ang repair sa pigatan bridge.
08:12Sabi ng DPWH, hindi prioridad ang paghahain ng reklamo laban sa mga truck driver na dumaan sa pigatan bridge.
08:19Sa ngayon, lahat daw ay tinitingnan nila sa investigasyon.
08:22Eh, overloaded sige eh.
08:28Di ba? So, titignan natin lahat.
08:30No, lahat yan. Hindi lang isa ang may kasalanan dito. Maraming may kasalanan dito.
08:35At nakita ko yung budget noong 2016, 11.7 million lang. Ang liit nun.
08:40So, sabi ko nga, saan napunda yun?
08:42No, no.
09:12Hindi rin nagpa-interview ang live-in partner ng sospek habang sinusubok ang pang makuna ng pahayag ang kaanap ng biktima.
09:20Ito na ang mabibilis na balita.
09:24Arestado ang limang lalaking niya na naaktuhang nagnanakaw ng mga kable sa isang telco sa Makati.
09:32Ang isa sa kanila, pinuli pa sa loob ng manhole.
09:36Ayon sa pulisya, nakasuot ng uniforme ng Maynilad at gumagamit pa nga ng traps ang grupo para hindi mahalata ang kanilang krimen.
09:45Tinatayang dalawang tonelada o halos dalawang libong kilo ng mga kable ng telco ang nahatak ng mga sospek at naikarga pa sa kanilang dalang closed van.
09:56Aminado sa krimen ang isa sa mga sospek.
09:59Ayon naman sa iba pang sospek, akalan niya ay ilihiti mo ang kanyang trabaho na babayaran sila ng sanglibong piso.
10:05Mahaharap ang mga naaresong sospek sa paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act.
10:13Pinundi na naman ng Maynilad ang iligal na paggamit sa kanilang pangalang, uniforme at mga kagamitan.
10:21Hindi raw nila empleyado ang mga nahuli.
10:25Puhulihin ng PNP Highway Patrol Group ang mga motoristang iligal na gumagamit ng green plates.
10:32Ayon sa HPG, ang green plates ay para lang sa hybrid electric vehicles at electric vehicles na exempted sa number coding sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development Act.
10:45May mga iligal daw na gumagamit nito para makalusot sa number coding.
10:49Makikipagtulungan daw ang Department of Energy sa mga otoridad para sa maayos na pagpapatupad ng batas para sa mga electric vehicle.
10:57Tumilapon sa kalsada ang babaeng niyan matapos araruhin ng isang MPV sa barangay Pusok sa Lapu-Lapu, Cebu.
11:08Hindi nakita sa video pero unang nabanggan ang sasakyan ng isang lalaking titong taong gulang at isang babaeng senior citizen.
11:16Nasawi ang bata na pauwi na sana sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.
11:22Sugatan ang dalawang babae.
11:24Nabanggarin po ng kotse ang isang multi-cab.
11:27Ligtas ang driver nito.
11:29Batay sa embesigasyon, nakaidlip umano ang driver ng MPV.
11:33Aminado ang driver ng MPV sa kanyang kasalanan.
11:37Mihahanda ng pulis siya ang reklamong isasampah laban sa kanya.
11:40Apektado na raw ng issue sa maanumalya o manong mga proyekto kontrabaha ang Philippine Stock Exchange.
11:53Sa loob lamang ng tatlong ligo, 1.7 trillion pesos daw ang nawala sa halaga ng mga kumpanyang nagbebenta ng shares sa stock market ng ating bansa.
12:04Sinabi yan ni Securities and Exchange Commission Chairman Francis Lim sa 57th Annual Finex Conference.
12:11Sinisinilim sa pagtamlay ng mga investor ang anyay flood control project scandal.
12:16Ayon sa ekonomistang si Professor Emanuel Leco,
12:19hindi may inganyang mamuhuna ng mga investor sa Pilipinas kung talamak ang korupsyon.
12:25Hindi naman ilalagay ng mga investor ang kanilang pondo doon sa isang bansa na hindi nila masiguro kung tama ba ang patutunguhan ng ekonomiya.
12:41Nangangamba sila na ang kanilang puhunan ay hindi mapapangalagaan sa loob ng Pilipinas.
12:46Hindi lamang mga mayayaman ang apektado ng galaw sa stock market, kundi pati mga ordinaryong Pilipino.
12:53Isa kasi ang stock market sa mga pinaglalagakan ng pondo ng ilang institusyon para palaguin.
12:59Kamilang po dyan ang ilang government institutions na humahawak sa ating retirement pension at mga insurance.
13:06Pati sa proyekto po ng farm-to-market roads, may irregularidad din daw.
13:14Lumabas po yan sa pagdinig ng Senado na kung hindi overpriced, ay substandard o kaya'y ghost ang proyekto.
13:21Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
13:27Habang patuloy na nadidiskubre ang mga flood control project na substandard o hindi talaga na itayo,
13:33lumabas naman sa pagdinig ng Senado na meron ding kahalintulad na nagaganap sa pagtatayo ng mga farm-to-market roads.
13:42Ito yung mga kalsadang itinayo sa kanayunan para madaling maibiyahe papuntang merkado ang mga produktong pangagrikultura.
13:49Sa paghimay ni Sen. Sherwin Gatchalian, lumabas umanong may mga farm-to-market roads na labis ang presyo.
13:5615 million pesos per kilometer ang dapat na presyo ng ganito ayon sa Department of Agriculture o DA.
14:03Pero may umabot pa rao ng mahigit 300 million pesos per kilometer ang halaga.
14:09Hindi lang ito extremely overpriced. Extremely, extremely, extremely overpriced.
14:14Based on sa nakikita ko na pinapakita niyo, Mr. Chair, medyo shocking.
14:21But I guess siguro magandang itanon dyan, Mr. Chair, yung ating bagong sekretary ng DPWH na matulungan tayo na mahimay ito.
14:31Ayon kay Gatchalian na abot sa 10.3 billion pesos ang halaga ng overpriced ng mga kalsadang tinukoy niya.
14:39Equivalent to about 683 kilometers.
14:42So yung 683 kilometers, Mr. Chairman, pwede na tayong gumawa ng kalsada from Manila to Apari ng isang kalsada.
14:54Ang iba nga, ni hindi nagawa o ghost project.
15:00125 million pesos ang halaga ng ganyan na inireport ng Department of Public Works and Highways o DPWH na gawa na pero hindi pa pala nagagawa.
15:10DPWH ang gumawa ng farm-to-market codes ayon sa DA.
15:13Meron kami nakita sa Davao Occidental na ghost pero 2021-2022 projection na ghost.
15:22Meron din sa San Buangas City na ghost.
15:26Hindi rin naman na ito ipinaalam ng DPWH sa DA bago gawin.
15:30Kaya aalamin ng DA kung alinsunod sa kanilang roadmap ang naturang mga proyekto.
15:35How does that work? Hindi kayo nag-conquer? Ibig sabihin binay-pass kayo at tinuloy? Ganun ba yun?
15:42Yes, Mr. Chair.
15:43So parang flood control, nagba-bypass, dinediretsyo dun sa galing itong mga projects na ito.
15:52Ayon kay Gatchelian, tatlo sa malalaking contractors ng farm-to-market roads ay gumawa rin ng malalaking flood control projects
15:59at kasama pa sa top 15 contractors na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos.
16:06Sinusubukan pa namin silang hinga ng pahayag. Dagdag niya, Bicol at Eastern Visayas ang mga rehiyong may pinakamaraming farm-to-market roads noong 2023.
16:16Tinignan namin rin yung projects noong 2023, slide 11.
16:25Majority of the projects nasa Region 5 and Region 8.
16:29Region 5, Bicol ba yan?
16:31Bicol Region and...
16:32Region 8.
16:33Region 8 ano?
16:34Sa amin po yun.
16:35Tacloban?
16:36Tacloban Region.
16:39Okay, lala po na yun.
16:40Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:44Nais paimbisigahan ni ML Party List Representative Laila Delima sa Kamara ang anyay haunted hospitals o yung mga proyektong ospital at health center ng Department of Health na hindi kumpleto, abandonado o hindi nag-ooperate.
17:01Sabi ni Galima, misulang paglustay ito ng pondo ng Health Facilities Enhancement Program o HFEP.
17:09Sa budget hearing ng DOH sa Kamara, lumabas na 200 lang sa 600 health center na itinayo sa ilalim ng HFEP ang nag-ooperate.
17:19Sa budget hearing sa Senado, sinabi rin ni Senate Committee on Finance Chairman Wyn Gachalian, may 15 billion pesos na halaga ng mga health center project ang hindi natapos ng kontraktor kahit nabayaran na ng gobyerno.
17:35Paliwanag naman ng DOH, hindi ito mga ghost project kundi ulang lamang sa tao kaya hindi operasyonal.
17:43Mga lokal na pamahalan daw ang may obligasyon na puna ng tao ang mga pasilidad.
17:49Kinumpirma naman ng DOH na may ilang health center sa Zamboanga Region na hindi pa natatapos ng mga kontraktor.
17:56Mga mari at pare, achieved na ni Sparkle singer and theater actor Gian Magdanghal ang happy ever after.
18:10Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, all smiles si na Gian at kanyang lovely bride na si Lara Maige sa harap ng altar.
18:20Nagpaabot naman ang best wishes ang ilang friends nila.
18:22Last year nang ma-engage ang dalawa na nagkakilala sa pamamagitan ng musika.
18:29Congratulations and best wishes, Gian and Lara!

Recommended