Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ago eksena ang jeep na yan sa bahagi ng EDSA sa Pasay.
00:05May buhay na manok kasi sa hood ng sasakyan.
00:08Paliwanag ng driver, ibinili daw ang manok sa kanya ng kanyang nanay at nagsisilbi ngayon na tila pampaswerte niya.
00:15Pinatanggal na ito ng mga tagasaig at hindi siya natikitan dahil dito, kundi dahil sa ilang paglabag sa roadworthiness check.
00:22Pudpud pala kasi ang reserve ang gulong ng jeep at sira ang brake lights.
00:26Bukod sa pudpud na gulong at silang brake lights, may mga natikitan din dahil sa pagpapasabit sa mga pasahero.
00:31Bawal din po yan.
00:32Hindi bababa sa limang jeep driver ang natikitan sa operasyon kanina ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
00:40Naantala man ng ilang pasahero, naiintindihan naman daw nila na para sa kaligtasan din nila ang roadworthiness operation.
00:48Hulikam ang insidente ng basag kotse sa Maynila.
00:51Aabot po sa 40,000 pisong halaga ng gamit ang natangay ng suspect.
00:57Balitang hatiit ni Jomer Apresto.
01:01Masdan ang lalaking yan na naglalakad sa bahagi ng Mangga Avenue sa barangay 576, Sampalok, Maynila, nitong Martes ng madaling araw.
01:09Tinapatan niya ang nakapara ng puting SUV at biglang.
01:12Binasag niya ang bintana ng sasakyan.
01:18Pumasok sa loob ng sasakyan ng lalaki.
01:21Pagkalabas, bit-bit na niya ang isang bug.
01:24Napagalaman kalauna na naglalaman ito ng mga gamit na nagkakahalaga ng 40,000 pesos.
01:30Ayon sa polis siya, umaga na nang malaman ng may-ari ang nangyari.
01:33Sa tulong ng mga CCTV, natuntun ang mga pulis ang sospek sa bahagi ng Ball Street.
01:39Dalawang kilometro ang layo nito kung saan nangyari ang krimen.
01:43Wala pang 24 oras, natuntunan natin itong sospek.
01:47Sinundan natin yung mga dinaanan ng ating sospek at na-find out natin na umuwi lang siya sa kanyang tahanan.
01:56Nabawi sa kanya ang mga gamit ng biktima kabilang ang ilang imported na bag at sapatos.
02:01Kinumpis ka rin sa sospek ang motorsiklo ng kanyang asawa na ginamit niyang getaway vehicle.
02:07May napanood daw siya dati na life hacks. Tapos kung paano pa ba sa akin yung bintana.
02:13Aminado naman ang sospek sa krimen dahil kinailangan daw niya ng panggastos para sa kanyang dalawang anak na nasa kolehyo.
02:20Binasag ko lang, napanood ko lang po sa YouTube.
02:23So nagawa akong krimen po, minipo ako lang talagang kapatawaran.
02:28Na-inquest na ang sospek at sinampahan ng reklamong TEF.
02:31Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:37Nasa labas na po ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goryo o may international name na po Dool.
02:43Patuloy rin itong humihina, isa na itong tropical storm ayon sa pag-asa.
02:49Namataan po ang bagyo, 805 kilometers west-northwest ng extreme northern Luzon.
02:54Wala nang direktang epekto ito sa bansa.
02:56Hanging habagat muli ang magpapaulan sa marami nating lugar.
03:00Kasama po ang Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales, Mataan, Mampanga, Tarlac, Bulacan at Davao Oriental.
03:15Mga local thunderstorm naman ang haasahan sa iba pang bahagi ng bansa.
03:19Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulan niya ng halos buong bansa sa mga susunod na oras.
03:25Posible ang heavy to intense rain sa maaaring magdulot ng baka o landslide.
03:29Nakataas ngayon ang thunderstorm advisory sa Bataan, Zambales, Batangas, Laguna at ilang panig ng Quezon Province.
03:38Magtatagal ang babala hanggang 12.50 ngayong tanghali.
03:43Magandang development daw para sa Commission on Elections ang pag-urong sa barangayat sa Guniang Kabataan Elections.
03:49Yan ay matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang batas para isagawa ang BSKE sa November 2026 na dapat sanay sa December na.
03:56Para sa SK Ofechas na magiging overage bago ang susunod na eleksyon, tuloy lang daw sila sa paninilbihan hanggang walang kapalit.
04:05Sa bagong batas, ginawang apat na taon na rin ang termino ng mga opisyalang barangay at SK.
04:10Kahit postponed ang BSKE, tuloy pa rin ang paghahanda ng COMELEC.
04:14Itutuloy raw ang voters registration mula October hanggang July 2026.
04:18Sa pareham ng unang balita sa unang hirit, isinusulong pa rin ang COMELEC na gawin ng automated ang susunod na BSKE.
04:26Panahon pa mula ngayon hanggang sa susunod na eleksyon ng November, sana po ay ma-consider ng ating pong Kongreso automated na po.
04:37Mas mabilis, mas wala pong violence, ang integridad at katanggap-tanggap sa ating mga kababayan.
04:43Ito ang GMA Regional TV News!
04:51Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
04:55Inararo ng bus ang isang kainan sa gilid ng kalsada sa Santa Rosa, Nueva Ecija.
05:01Chris, meron bang casualty?
05:02Bonnie, patay ang mag-asawang may-ari ng kainan na tinamaan ng bus sa gilid ng Santa Rosa-Tarlac Road.
05:12Kritikal naman ang lagay ng bus driver at nananatili sa ospital.
05:16Ligtas ang lahat ng kanyang pasahero.
05:18Base sa embesigasyon, nangyari ang insidente bandang alauna ng madaling araw kahapon.
05:23Bukod sa kainan, damay rin ang ilang sasakyan at tindahan sa gilid ng kalsada.
05:27Patuloy pang inembesigahan ang sanhi ng insidente.
05:31Sinusubukong pangkuna ng pahayag ang kaanak ng mga biktima, pati na ang pamunuan ng bus company.
05:42Webes latest na mga mari at pare.
05:45Now going on its third week, tuloy pa rin ang paghahatid ng kakaibang takot ng GMA Pictures film na P-77.
05:53Back-to-back block screening ng P-77 sa Quezon City, ang dinaluhan ng bidang si Barbie Forteza last weekend.
06:02Hatid ito ng Barbie Natix at Barda fans nila ni David Licauco.
06:07Bukod sa block screening, may pa-belated birthday bash pa ang fans kay Barbie.
06:12May natanggap nga siyang miniature version ng karakter nilang dalawa ni David sa pulang araw.
06:18At soon, may on-screen reunion din ng Barda sa Beauty Empire.
06:23Chika ni Barbie sa inyong mare, short pero meaningful ang magiging cameo ni David.

Recommended